You are on page 1of 11

Nikka Jane S.

Palomata 2015-09124 Filipino 115


Juan Miguel J. Salvatus 2015-00717 Prof. Gerard P. Concepcion

Pangasinan: Mga Varayti at Baryasyon ng Wika sa Kabuhayan ng Mangatarem at Lingayen

Panimula

Imahe 1: Mapa ng Pangasinan kasama ang mga isla na kabilang sa teritoryo nito. Pinagkunan: Asia
Travel Pangasinan (http://www.asiatravel.com/philippines/pangasinanmap.html)

Ang Pangasinan ay itinuturing na ikatlo sa pinakamalaking probinsya ng Pilipinas. Ito ay


nabibilang sa Rehiyon ng Ilokos, ang ikaunang rehiyon ng Pilipinas. Nanggaling ang pangalan nito sa
salitang “asin”, ang pangunahing pinanggagalingan ng hanapbuhay ng mga tao rito lalo na sa mga taong
nakatira sa o malapit sa baybayin. Samantalang ang salitang “PangASINan” o “PanagASINan” ay
nangangahulugan na lugar kung saan ginagawa ang asin dahil na rin sa likas na mayaman ang Pangasinan
sa asin.1

Bukod sa pag-aasin, maraming uri rin ng kabuhayan ang makikita sa probinsyang ito. Isa na rito
ay ang agrikultura, kung saan nangunguna rin ang Pangasinan sa pagagawa at pagproprodyus ng mga
agrikultural na produkto tulad ng palay, mais, mga gulay, at mga halamang-ugat. Karaniwang mga
produktong may kinalaman sa mangga naman ang nangungunang produktong pangluwas. Nakikita rin sa
sa industriya ng paggawa ng tupig ang agrikultural na kalakasan ng Pangasinan. Ang teritoryo ng

1
About Pangasinan. (n.d.). Province of Pangasinan Official Website: Retrieved May, 2018, from
http://pangasinan.gov.ph/the-province/about-pangasinan/
1
Pangasinan ay malapit din sa dagat kung saan pangunahing pinagkukunan ng produkto bukod sa
pag-aasin ay ang pangingisda. Sa pangingisda ay nangunguna ang bangus bilang produktong pangluwas.2

Kaugnay ng mga nabanggit na uri ng kabuhayan sa Pangasinan ay ang layunin ng papel na ito na
malaman kung may mga varayti at baryasyon sa wika na nabubuo sa iba’t-ibang uri ng kabuhayan at
kung may epekto ba ang heograpikal na katangian ng isang uri pamumuhay sa pagbubuo ng mga sailta
na ito. Isang layon din nito ay ang pagnanais na malaman kung may mga ispesipikong salita lamang na
ginagamit ang mga industriya sa paggawa ng kanilang produkto o kung ang madalas din na termino ang
ginagamit.

Sa papel na ito ay sinuri ang mga lugar ng Mangatarem at Lingayen. Nagkaroon ng ​fieldwork ang
mga mananaliksik sa Mangatarem upang suriin at magtanong ng mga industriyang namamayagpag dito
na may kaugnayan sa agrikultural na produkto tulad ng bigas, mais, at tupig. Samantalang sa Lingayen
naman ay naghanap ng ​informant na nakatira rito upang magtanong ng mga terminong ginagamit
tungkol sa industriya na may kinalaman sa pangingisda.

Kaligirang Pangkasaysayan

Imahe 2. Mapa ng Mangatarem, na makikita sa bungad. Pinagkunan: Mike Gonzales


(https://en.wikipedia.org/wiki/Mangatarem,_Pangasinan#/media/File:Ph_locator_pangasinan_
mangatarem.png)

Mangatarem

Ang etimolohiya ng salitang Mangatarem ay nanggaling sa mga Ilokano na salita na “Manga ken
Tirem” na nangangahulugang “mango and oyster” sa wikang Ingles. Ayon naman sa mga alamat, ang
“Mangatarem” ay nanggaling sa mga tagaputol ng kahoy na nagkikita sa mga magubat na bahagi ng
lugar na may dalang mangga at tulya para sa ulam nila. Sasabihin nila ang “Manga ken Tirem” kapag
napansin nilang pareho ang kanilang dala.

Sa kasalukuyan ay ang Mangatarem ay kilala sa kanilang tupig na laman din ng kanilang


pamosong “Tupig Festival” na nagaganap tuwing ika-25 ng buwan ng Enero kada taon. Ipinapakita rin sa

2
​Pangasinan. (n.d.). Philippine Information Agency. Retrieved May, 2018, from
http://pia.gov.ph/provinces/pangasinan
2
kasaysayan ng Mangatarem ang epekto ng wika ng mga Ilokano sa pagbuo at paggamit din ng mga
taga-Pangasinan ng sarili nilang wika noon.3

Imahe 4. Mapa ng Lingayen, ang kabisera ng Pangasinan. Pinagkunan: Mike de Leon


https://en.wikipedia.org/wiki/Lingayen,_Pangasinan#/media/File:Ph_locator_pangasinan_lingayen.png

Lingayen

Ang Lingayen naman ay kilala sa katawagang “​the heart, the soul, and the face​” ng probinsya ng
Pangasinan at ito rin ang kasalukuyang kabisera nito. Nakuha nito ang pangalan nito sa isang uri ng puno
ng sampalok na tumutubo sa kasalukuyang lugar nito. Ang mga puno ay inilarawan bilang matatangkad
at malalaki kung ikukumpara sa ibang mga puno kaya karamihan sa napapatingin nito ay ginagamit ito
bilang direksyon. Kaugnay nito, kapag ang mga dumaan dito ay tinatanong ang pinanggalingang
direksyon ng ibang nagnanais dumaan ay sinasabi lamang ng iba na “Lingayen” na ibig sabihin ay
“looking back” na maaring malapit din sa Tagalog na salitang “lingunin” na may kaparehong kahulugan.4

Sa kasalukuyan ay dito makikita ang mga industriya nga pinakasikat na mga bagoong na
lumalago dahil sa malapit lamang sa kanila ang pinag-aangkatan ng mga isda na pangunahing
kasangkapan para sa paggawa nito. Marami ring uri ng isda ang makikita rito na madalas iba ang
katawagan mula sa mga Katagalugan at mga taga-Pangasinan na gumagamit ng wika na ito.

Barayti at Baryasyon sa Wikang Pangasinan

Ang wika ang sumasalamin sa kultura ng mga nagsasalita nito (Wierzbicka, 1986) . Ngunit ang
kultura ang nagtatakda sa pamaraan kung paano ito ginagamit ng mga taong kabilang sa nasabing
kultura. Sa paglipas ng panahon, iba’t ibang bahagi ng kultura ang nagbabago na nagdudulot din ng
pagbabago sa paggamit ng wika. Hindi rin maitatanggi na ang pagkakaroon ng mayaman na bokabularyo
ay naidudulot ng kapaligiran na kinalakihan ng mga nagsasalita ng wika. Ito ay dahil parte na ito ng
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay na nagtatakda ng pangangailangan ng katawagan para sa mga

3
Mangatarem. (n.d.). Province of Pangasinan Official Website: Retrieved May, 2018, from
http://pangasinan.gov.ph/the-province/cities-and-municipalities/mangatarem/
4
Lingayen. (n.d.). Province of Pangasinan Official Website: Retrieved May, 2018, from
http://pangasinan.gov.ph/the-province/cities-and-municipalities/lingayen/
3
ito. Ang pagkakaroon ng tuluyan na paggamit ng mga bagay at patuloy na pakikisalamuha sa mga iba’t
ibang nilalang ang nagbibigay dahilan upang ito’y pahalagahan ng mga tao.

Bilang kilala ang Pangasinan sa kanilang ekonomikal na aspetong agrikultura at pangingisda,


binigyang katunayan ito ng kanilang mayamang bokabularyo. Kabilang dito ang mga salitang may
kinalaman sa pagkain tulad ng gulay, prutas, yamang-dagat, at iba pa na eksklusibo sa Pangasinan.

Gulay

Pagpunta sa Mangatarem, naobserbahan ng mga mananaliksik na ito ay may malayang


mapagkukunan ng ​land resources. Hindi mawawala sa tanaw ang mga puno at bundok, may
malawakang taniman at ilang palaisdaan sa gilid ng kalsada. May mga pagkakataon din na makikitang
nakalatag ang mga pinapatuyong bigas at mais sa tabi ng kalsada na may ilang metro ang haba. Dahil
dito, mayroon silang gulay na kung tawagin ay “alukon” at “sabidukong” na hindi matatagpuan sa
madaming lugar tulad sa Maynila. Ang alukon ay may habang parang sitaw na tinubuan ng sobrang liiliit
na parang bulaklak sa ibabaw nito. Ang sabidukong naman ay parang isa ​pea ​na may buntot. Ito ay
parehas na ​green vegetable. ​Isa pang kakaibang makikita sa mga terminong gulay sa Pangasinan ay ang
pagkakaiba ng isang hilaw at lutong gulay, partikular na sa malunggay. Ang hilaw o napitas pa lang na
malunggay ay tinatawag na “marunggay” ngunit ito ay nagiging “gargar” kapag ito ay naluto na.

Imahe 5​. Alukon- isang gulay na kahawig ng sitaw at may magaspang na tekstura.. Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/Mangatarem,_Pangasinan#/media/File:Ph_locator_pangasinan_
mangatarem.png

4
Imahe 6. Sabidukong - gulay na kahawig ng sigarilyas at pea pod. Pinagkuhanan:
http://pinakbetrepublic.blogspot.com/2010/11/sabidukongpusa-pusadukepbagbagkong
.html

Kapansin-pansin din dito ang mga gulay na may hawig sa katawagan sa Maynila. Madaling
maiiugnay ang mga ito bilang hiram na mga salita mula sa Tagalog patungong Pangasinan na pinalitan
lamang ang ilang mga tunog. Sa katunayan, ang mga gulay na ito ay galing sa wikang Ilokano, dala ng
paglipat ng mga tao sa Pangasinan. Ang pagiging /r/ ng Tagalog /l/ ay bunga ng tinatawag ni Conant
(1911) na RGH law sa ilalim ng RLD series kung saan ang ang orihinal na tunog na /g/ ay nagkaroon ng
katumbas na isa sa /g/, /r/, /l/, o /d/ na makikita sa iba’t ibang mga wika. Ang Ilokano (Iloko sa teksto ni
Conant) ay kabilang sa ​r languages o may pagtutumbas na /r/. Ilang halimbawa ng mga gulay na ito ay
makikita sa ibaba:

Tagalog Pangasinan
talong tarong
kalabasa karabasa
malunggay marunggay
ampalaya parya

Kanin

Kilalang-kilala ang Pilipinas bilang isa mga bansang kumakain ng kanin. Dala ng pagiging tropikal
ng ating bansa, ito ay mayamang tumutubo sa kapatagan. Dahil sa madali itong makuha, ito ay
nabigyang pansin at halaga dahil ito ang nakapagtatawid sa mamamayan laban sa gutom sa
pang-araw-araw. May prosesong pinagdadaanan bago makuha ang kanin. Nagsisimula ito sa
pagtatanim, pag-ani, at pagluluto. Bilang sentro ng agrikultura, kakikitaan din ng mayamang bokabularyo

5
ang Pangasinan sa buong prosesong ito kumpara sa Tagalog na salat sa mga terminong sa ilalim ng
prosesong pagtatanim. Ito ang mga sumusunod:

Pangasinan (Pagtatanim)
pagay palay na tanim
irik butil ng palay
raep5 kolektib na palay
bagas palay na nabalatan/bigas
Pangasinan (Luto)
agapoy sinaing
kudkod tutong
kilabban bahaw
kinirog sinangag
diket malagkit

Nilupak

Ang pamilya na tinuluyan ng mga mananaliksik ay dating gumagawa ng “nilupak” o turon ng


Pangasinan. Ito ay gawa sa saging at ang kaibahan nito sa turon ay inihuhugis ito nang pabilog at walang
itong balot. Dahil ito ay parte na ng mga kakanin sa Pangasinan, binibigyang importansya ang uri at
pagkahinog ng saging na nagagamitin para rito. Sa kadahilanang ito, kakikitaan ang Pangasinan ng
pagkilala at pagbigay importansya sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iba’t ibang katawagan
upang mabigyang-diin ang pagkakaiba. Ang hilaw na saging ay tinatawag na “sabanga dippig”,
“sanibalang” kung malapit nang mahinog at kung hinog na ay “saba”. Maliban sa pagkakahinog, ang
espesyal na katangian ng saging na ginagamit sa “nilupak” ay ang “lambo” o “laganos” na uri ng saging
na malambot. Ito ang ginagamit upang madali itong mabayo at maihugis na bilog.

Ito ang proseso sa paggawa ng “nilupak”:


1) “Ililingta” )ilaga) ang “lambo” o “laganos” (malambot na uri ng saging)
2) Ukisan (babalatan) ang saging
3) Ilalagay sa “lusong” (dikdikan)
4) Ibabayo ang saging, kinudkod na niyog,, “sinukat” (sinaing na malagkit na gata), at
asukal.
5) Matapos bayuhin, ihuhugis ng pabilog.

Tupig

“Tupig” ang pinakakilalang kananin sa Pangasinan. Sa katunayan, ayon kay lola Patring na 54 na
taon nang gumagawa ng “tupig”, tumutigil pa ang mga bus na napapadaan sa kanyang lugar at bumibili
ng daan-daang tupig mula sa kanya. Sa kadahilanang ito ay inaasahan ng mga mananaliksik na magiging
napakayaman sa termino ang proseso ng paggawa nito. Ngunit hindi ito kinalabasan, sumakatuwid, ay
malaki ang pagkakatulad nitong mga ito sa Tagalog.

5
Lahat ng kakikitaan ng ‘e’ na salitang Pangasinan ay hindi binigkas bilang /ɛ/ ng Tagalog kundi bilang
schwa /ə/ o pinakasentrong patinig.

6
Ito ang proseso sa paggawa ng “tupig” ayon kay lola Patring:
1) “Pagbabalikakat” (pagkakayod ng niyog)
2) Pagbabad ng “malagkit” (uri ng kanin na ginagamit sa kakanin)
3) Pagbabayo ng niyog
4) Habang binabayo, hahaluan ng maputing asukal at pagpaaalsa ng niyog
5) Babayuhin ang malagkit
6) Babalutin ng gabi gamit ang “balayang” (dahon ng saging) na pinahiran ng mantika
7) Ihawin matapos balutan
8) Gagamiting panggatong ang pinagkayuran ng niyog

Ayon sa kwento ni lola Patring, siya ay pumuntang Maynila noong kabataan niya para mag-aral
at magtrabaho. Pinabalik na lamang siya sa Pangasinan para sa kanyang kasal. Dahil dito, maaaring ito ay
nakaapekto sa kanyang mga salitang ginamit para sa prosesong ito.

Yamang-dagat/Pangingisda

Ang lugar ng Lingayen, dahil sa kalapitan sa tubig ay mas mainam ang pangingisda bilang
pangunahing uri ng kabuhayan. Kaya naman ang mga mananaliksik ay humanap ng isang ​informant na
nakatira o tubong-Lingayen. Sa pakikipag-usap ng mga mananaliksik sa naturang ​informant ay
nakapagbigay ito ng mga iba pang terminong para sa mga Tagalog na salita na ibinigay namin nung ito ay
isinalin. Karamihan din sa mga isda ay may katumbas na salita sa kanilang wika. Ilan sa mga halimbawa
nito ay:
Tagalog(Manila) ​Pangasinan
isda sira/malaga
salay-salay sari-sari
danggit melag ya malaga
kanduli busasong

Ang isda sa Tagalog ay may dalawang terminong katumbas sa Pangasinan. Ang sira ay ginagamit sa
Mangatarem at ang malaga naman ay sa Lingayen. Ito ay maaring patunay sa epekto ng heograpikal na
katangian ng mga lugar kahit na sila ay nasa ilalim lamang ng iisang wika at probinsya, may mga
pagkakataon pa rin na ang kulturang binubuo ng mga tao ang nagiging pinakabasehan ng pagkakaiba-iba
ng katawagan gaano man kalapit.

Konklusyon at Rekomendasyon

Ang varayti at baryasyon ng wika na nais patunayan ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng


pagususuri ng mga salitang ginagamit sa probinsya ng Pangasinan partikular sa Mangatarem para sa
industriya ng agrikultura at sa Lingayen naman para sa pangingisda at iba pang salita na nakuha mula sa
mga datos ay nagpapatunay na mayroong nalilikhang ganito. Napapakita rin na kung ano ang likas o
nakararaming produkto sa o pisikal na katangian ng kapaligiran ng isang lugar sa Pangasinan ay doon din
mas mayaman ang mga salitang ginagamit para matukoy at malarawan ang mga ito. Sinasalamin din ng
mga terminong ginagamit ng mga nakatira roon kung ano ang uri ng kanilang hanapbuhay at paano nila
ito pinahahalagahan sa pamamagitan ng paggawa ng mga piyesta na magtatampok ng kanilang mga
ipinagmamalaking yaman katulad ng tupig.. Pumapasok na rin dito ang mga naitakdang paggamit ng
wika ng kultura kaya nabubuo rin ang pagkakaiba sa mga termino na maaring sumalamin din sa sa
7
kalaliman ng kaugnayang ng salita sa buhay ng mga taga-Pangasinan na makikita sa terminong nabuo sa
iba’t-ibang proseso ng pagtanim at pagluto ng palay at bigas at gayundin sa pagkakaroon ng dalawang
termino para sa salitang isda.

Isang magandang paraan din ng pagpapakilala sa buong Pilipinas ng mga produkto ang mga
ganitong uri ng pag-aaral, Nakatutulong ito sa pagpapalaganap ng mga terminong hindi madalas
maririnig sa araw-araw na pangyayari lalo na kung iba sa Pangasinan ang wika ng isang taong
nagsasalita. Para sa mga nagnanais na gumawa ng mga pag-aaral na may kapareho ng layunin na ito,
habaan ang panahon ng fieldwork at itanong kung ano ang kasaysayan ng mga taong tinatanong sa
pag-aaral. Ang pagsunod din sa maayos na metodolohiya sa paggawa ng ganitong papel ay
makatutulong sa pagpapalago ng mga diskurso tungkol sa varayti at baryasyon ng wika.

8
Sanggunian

About Pangasinan. (n.d.). Province of Pangasinan Official Website: Retrieved May, 2018, from
http://pangasinan.gov.ph/the-province/about-pangasinan/

Conant, C. E. (1911). The RGH Law in the Philippine Languages. ​Journal of the American Oriental Society,
1(1),​ ​pp. 70-85.

Pangasinan. (n.d.). Philippine Information Agency. Retrieved May, 2018, from


http://pia.gov.ph/provinces/pangasinan

Wierzbicka, A. (1986). Does Language Reflect Culture? Evidence from Australian English. ​Language in
Society, 15(3), ​349-373.

9
Glosaryo

Gulay
aba - dahon ng gabi
alukon - parang sitaw na tinubuan ng sobrang liliit na bulaklak
balatong - monggo
gargar - lutong malunggay
karabasa - kalabasa
laya - luya
marunggay - hilaw na malunggay
pallang - sigarilyas
parya - ampalaya
sabidukong - parang beans na may buntot
tarong - talong
utong - sitaw

Prutas
dalanghita - dalandan
dayap - apog/lime
marangkas - pomelo
niyog - buko
salomague - sampalok/tamarind

Prutas - Pagkahilaw
saba - hinog na saging
sabanga dippig - hilaw na saging
sanibalang - malapit nang mahinog na saging

Kanin
agapoy - sinaing
bagas - palay na nabalatan/bigas
diket - malagkit
irik - butil ng palay
kilabban - bahaw
kinirog - sinangag
kudkod - tutong
pagay - palay na tanim
raep - kolektib na palay

Yamang-dagat
alama - alimango
arorosep - halamang dagat
ayungin - maliit na puting isdang freshwater
bengalo - sugpo
bisukol - kuhol
bunog - biya
10
buntsek/bulig - dalag
busasong - kanduli
egat - igat
galeway - alimasag
kappe - maliit na alimasag
malaga - isda (Lingayen)
melag ya malaga - danggit
melag ya urang/kuros - okoy (maliit na hipon)
monamon - dilis
pantat - hito
urang - hipon
sabeng-sabeng - dikya
sari-sari - salay-salay
sira - isda (Mangatarem)
siwi-siwi - tawilis
tamban - sardinas

Kakanin
nilupak - kakaning gawa sa malambot na saging, turon ng Pangasinan na walang balot
tupig - isang kakanin na gawa sa binalikatkat na niyog at binalutan ng dahon ng saging, may
pagkakahawig sa suman.

11

You might also like