You are on page 1of 4

*Panitikang Meditteranean - Grade 10 Filipino Topic*

*Ang PANITIKAN ay:*

- Mga akda na katangi-tangi sa masining at malikhaing pagtatanghal ng mga ideya at


damdaming unibersal at pangmahabang panahon gaya ng tula, katha, dula, at sanaysay.
(UP Diksiyonaryong Pilipino)

*Ayon naman kay/kina:*

Alejandro at Pineda - ang panitikan ay “bunga ng isip na isinatitik”.

Azarias - ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao sa iba’t ibang bagay sa


daigdig — sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa **kaugnayan ng kanilang
kaluluwa sa Poong Lumikha.**

Ang panitikan ay *bunga ng buhay at tungkol sa buhay*. Ito ay binubuo ng mga kathang
nagkukuwento, mga pangyayaring nagsasadula, nagpapahayag ng emosyon, nag-aanalisa,
at nagtataguyod ng mga kaisipan. (Cayao at Sebastian)

*Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan.*

Dahil,

1. Hindi mapaghihiwalay ang panitikan at kasaysayan.


2. Ito ay repleksyon ng kasaysayan.
3. Ang panitikan ay mas malikhain at nagbibigay ng kulay at buhay.
4. Ang kasaysayan naman ay diretso lamang at nakabase sa mga katotohanan.
5. Ang kapatid na babae ay iniingatan, kagaya ng panitikan.

*PATULA VS TULUYAN*

Patula - mayroong sukat, bilang ng pantig at tugma

Tuluyan o prosa - walang sukat at tugma, natural na pagkakasulat lamang. Nahahati sa


pangungusap, tuloy-tuloy lamang.

*PAGSASALIN NG PANITIKAN*

1. Pagkukuwento; pasalin-dila
2. Printing press; paggawa ng maraming kopya - panahon ng Espanyol; pasulat
3. Digital; pasalin-troniko
MGA DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG PANITIKANG PILIPINO;

- Upang makilala ang kalinangang Pilipino, *malaman ang ating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinuhan* ng lahing ating pinagmulan. Nalaman natin na sina
*Rizal, Balagtas atbp* ay isa sa mga pinakamatalinong tao na namuhay sa daigdig, dahil sa
kanilang ambag sa panitikan.
- Upang matalos natin na tayo ay *may marangal at dakilang tradisyon* na nagsilbing
patnubay sa mga impluwensiya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibang mga
bansa.
- Upang mabatid natin ang kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto
ang mga ito.
- Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapaunlad at mapagbuti.
- Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura, ay dapat
nating pag-aralan ang ating sariling panitikan. *Tayo higit kaninoman ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.*

### *Mga Akdang Nakaimpluwensiya sa Panitikan ng Daigdig*

Mga Impluwensiya ng Panitikan:

- Kaganapan sa ating lipunan


- Kultura
- Kasaysayan
- tungkol sa buhay - ano mang kaganapan noong panahon na iyon

Ano ang ibig sabihin ng salitang IMPLUWENSIYA?

- nagkokontrol
- nagbabago
- nakakaapekto

*Mga Akdang Nakaimpluwensiya sa Panitikan ng Daigdig:*

1. BANAL NA KASULATAN
- ito ay pagsasama-sama lamang ng ilang mga aklat.
- mayroong iba’t ibang bersyon
- nagiiba ng depinisyon at interpretasyon
- dapat sundin ng mga kristiyano
- narito ang pinaka magandang tula na naisulat sa buong mundo - Song of Solomon
1. KORAN - Arabia
- bibliya ng mga Muslim
- nakasulat ang turo ng Islam
1. ILIAD AT ODYSSEY - Gresya
- nagmula sa bansang Gresya
- naglalaman ng pala-alamatan at kasaysayan ng Gresya
- sinulat ni *Homer*
1. MAHABHARATA - India
- pinakamahabang epiko sa buong daigdig
- sa pilipinas - Darangan
1. DIVINA COMEDIA - Italy
- sinulat ni Dante Alighieri
- patungkol sa 7 capital/mortal sins, mga ulat ng kristiyano at katolisismo
- pumapaksa sa kanyang paglalakbay sa purgatoryo, impiyerno, paraiso, atbp.
- ayon dito, may partikular na circle sa hell kung saan magdudusa
1. EL CID CAMPEADOR - Spain
- the Lord Master of Military Arts
- Tungkol sa kasaysayan at panitikan ng Espanya
1. ANG AWIT NI ROLANDO - Pransya
- tumatalakay sa kanilang kasaysayan
1. AKLAT NG MGA ARAL - Tsina
- sinulat ni *Confucius* at sinusunod nila ito mula noon hanggang ngayon
1. AKLAT NG MGA PATAY - Ehipto
- isang koleksyon ng mga dasal at orasyon para magbigay ng kaalaman at kapangyarihan
sa namatay.
- Ito ay upang magtagumpay sa kanyang paglalakbay sa kabilang buhay
1. SANLIBO’T ISANG GABI - Arabia at Persya
- mayroong isang sultan na sumisiping sa mga babae, may isang babae na tumindig dahil
nauubos na ang mga babae sa kanilang lugar, kinwentuhan niya ang sultan at umabot ito
ng isang libo’t isang gabi, naligtas ang buhay ng maraming kababaihan dahil dito.
- isang kuwento sa loob nito - Aladin
1. CANTERBURY TALES - Inglatera
- sinaunang paguugali ng mga ingles
- sinulat ni *Geoffrey Chaucer*
1. UNCLE TOM’S CABIN - Estados Unidos
- tumatalakay sa pang-aalipin, diskriminasyon sa pagitan ng mga puti at mga itim - racism
- sinulat ni *Harriet Beecher Stowe*
- isa sa mga naging inspirasyon ni Rizal sa Noli Me Tangere

### Mitolohiya -
- ‘mythos’ (Latin)
- ‘muthos’ (Griyego) - kuwento
- ‘logos’
Ang mitolohiya ay pag-aaral ng mga salaysay ng tao, tungkol sa pamumuhay, gawi, at pag-
uugali.

*CUPID AT PSYCHE: MITOLOHIYA NG ROME*

muling isinalaysay ni: Alvin D. Mangaoang


dagdag kaalaman tungkol sa mitolohiyang Cupid at Psyche:
sumulat sa Latin ng Cupid at Psyche - Apuleius
nagsalin sa Ingles - Edith Hamilton
nagsalin sa Filipino - Vilma C. Ambat
bunso - Psyche
diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, salot at paggaling - Apollo
ahas na may pakpak at nakatatakot na halimaw - Cupid
ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng panibugho ng langit - Psyche
tinulungan ni Zephyr si Psyche na makarating sa mansyon ni Cupid - inihip niya ito
“huwag kang magpakita sa mga kapatid mo, huwag kang maawa sa kanila sapagkat
magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo” - sinabi ni Cupid kay
Psyche, habilin niya ukol sa mga kapatid ni Psyche
dahil may pagpupulong ang mga diyos mamayang gabi at dahil nahirapan raw siya sa
kanyang pagaalaga sa kanyang anak - humingi ng kagandahan si Venus kay Proserpine
ang nagdala kay Psyche sa kaharian ng mga diyos - Mercury
talasalitaan:
mapanglaw - mapanglaw
kabiyak - asawa
trahe de boda - gayak-pangkasal
kasuklam-suklam - kamuhi-muhi
prasko - bote

You might also like