You are on page 1of 2

Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na kailangan upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mamamayan. Pinagkukunan din ito ng buwis ng pamahalaan na ginagamit upang
matustusan ang mga gastusin, programa, at proyekto para na din sa ikabubuti ng bansa.

May 4 na sektor ng industriya:

Pagawaan/Manupaktyur

Utilidad/Serbisyo

Konstruksyon

Pagmimina

MANUPAKTYUR/PAGAWAAN

Noong 2004, ang pagmamanupaktyur sa bansa (Pilipinas) ay mayroong kontribusyon na 24% sa GDP ng
Pilipinas. Mas malaki ang bahagi ng sektor ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura at
pangingisda. Ang tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso ng pagkain.
Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais, asukal at iba pang mga pangunahing
sangkap sa pagkain.

SERBISYO/UTILIDAD

May tatlong pangunahing oportunidad para mapalawak ang sektor ng serbisyo. Una, pagpapalawak sa
laki at saklaw ng pang-export para sa modernong serbisyo. Ikalawa, pagpapalawak ng turismo para sa
pagunlad ng ekonomiya ng bansa. Ikatlo, pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang mga Pilipino ay
hindi na magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang dito. Malaki rin ang kontribusyon nito s bansa
dahil natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng
tubig, pagkain, elektrisidad, at pangangailangan sa kalusugan.

KONTRUKSYON

Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas dahil sa pagdami ng
mga malalaking gusali, planta at pabrika. Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan
ng trabaho. Tulong din ito sa ekonomiya ng bansa anupat darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng
bansa at hindi na kailangan ng mga Pilipino na dumayo pa sa kabilang mga bansa para lamang
makahanap ng pagkakabuhayan. Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng
mga gusali o konstruksyon. Kung patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng
industriya.

PAGMIMINA

Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan at kagubatan sa bansa,


napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan. Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit umuunlad
ang ating bansang Pilipinas ngunit dumarami ang kalamidad katulad ng landslide na maaaring
ikapahamak ng taong bayan. Maituturing na ilegal ang gawaing pagmimina dahil buhay ng tao at
kalikasan ang sangkot dito.

Ang apat na sektor ng industriya na ito ay malaki ang maitutulong upang mapaunlad ang ating bansang
Pilipinas. May kaniya-kaniya itong tungkulin at paraan ngunit ang lahat ng ito ay tungo sa pagpapalago ng
ekonomiya ng bansa

You might also like