You are on page 1of 18

Pang-ugnay

mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
1. Pang-angkop

•Katagang nag-uugnay
sa panuring at
salitang
tinuturingan.
a. NA
• Ginagamit kapag ang unang
salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n.
• Kung ang salita ay
nagtatapos sa n, tinatanggal
ang n at pinapalitan ng –ng.
Halimbawa
Mabait na bata Huwarang guro
Masarap na ulam Pamilihang bayan
Mataas na gusali Pamayanang Pilipino
Malalim na bangin
Mapagbigay na tao
b. -NG
•Ginagamit kung ang
unang salita ay
nagtatapos sa mga
patinig.
Halimbawa
Mabuting tao
Masayang bata
Maligayang kaarawan
Malayang Pilipino
Malaking bahay
Buong araw
2. Pang-ukol
•Kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap.
sa ng
kay/kina alinsunod sa/kay
laban sa/kay ayon sa/kay
hinggil sa/kay ukol sa/kay
para sa/ kay tungkol sa/kay
Halimbawa
1. Bumili ng maraming pagkain si Kagura para kay
Hayabusa.
2. Nanalo ang Onic Ph laban sa Blacklist International.
3. Ayon kay Yawi siya ang pinakamalakas na player.
3. Pangatnig
•Kataga/ salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o
sugnay.
Halimbawa
1.Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.
2.Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.
3.Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
4.Gusto kong bumait pero di ko magawa.
5.Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng
laruan.
1. Pandagdag- nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon.

at, pati

• Kumain kami ng maraming prutas at gulay.


• Pupunta ang mag-anak sa parke pati nadin sa
paaralan.
2. Pamukod- nag-sasaad ng pamukod o paghihiwalay.

O, ni, maging

• Alin ang mas gusto mo, ampalaya o upo?


• Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa
aking anak.
3. Sanhi/Dahilan
Dahil sa, sapagkat, palibhasa

• Sumakit ang aking tiyan dahil sa sirang pagkain.


• Hindi nakasama si Johan sa field trip sapagkat
nilagnat siya.
4. Bunga o resulta
Bunga, kaya o kaya naman

• Nakakain ako ng sirang pagkain kaya sumakit


ang aking tiyan.
• Nilagnat si Johan at bunga nito ang hindi niya
pagsama sa field trip.
5. Kondisyon
Kapag, pag, kung, basta

• Kapag wala kayo sa pagdalo, hindi ito matutuloy.


• Mawawala ang celfon mo kung iniiwan mo ito kung
saan-saan.
5. Kontrast o Pagsalungat
Ngunit, subalit, datapwat, bagama’t

• Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.


• Nakakuha ako ng mataas na marka sa
pagsusulit bagaman hindi ako nakapag-review.

You might also like