You are on page 1of 3

FILIPINO FINAL OUTPUT SCRIPT

PANIMULA

RROJEN MAE QUINDALA


Isang magandang wika at maalab na panitikan sa inyo Saint Mary Cleophas! Ngayon ay
tatalakayin natin ang nobelang may pamagat na ““Paglisan”.

PAMAGAT

MERCEL FULMINAR:
- Ang pamagat ng nobelang ito ay ‘Paglisan’ (Things Fall Apart) ginawa ni Achebe ang
nobelang ito upang maipabaid na hindi barbaro ang mga Africano tulad ng pagkakakilala sa
kanila ng mga Europeo.
- Hindi siya nasiyahan sa mga aklat tungkol sa Africa na isinulat ng mga awtor na galing sa
Britanya at dahil sa nararamdaman niya na ang mga paglalarawan sa mga taong African ay
hindi naaayon at nakakainsulto kaya ito ay nag-uudyok sa kanya upang sumulat ng nobela
habang nagtratrabaho para sa Nigerian Broadcasting Corporation para sa kanyang unang
likhang nobela na "Things Fall Apart".

PANITIKAN

CHARMILLE GRACE TORADO:


- Ang 'Paglisan' o ang 'Things Fall Apart' na akda ni Chinua Achinebe ay isang Nobelang
nagmula sa Nigeria. Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na karaniwang
tumatalakay sa iba’t ibang tauhan, pangyayari, at lugar. Sa pamamagitan ng mga salita at
paglalarawan, ang may-akda ay naglalahad ng kuwento na nagsasalamin sa mga aral,
damdamin, at karanasan ng mga tauhan. Ang panitikan sa Nigeria ay sadyang nakapagpataas
ng kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu ng uri ng pamumuhay, kultura,
tradisiyon, at suliranin sa politika. Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Africa na may
malaking ambag sa panitikan.

MAY AKDA

CHRISTOPER ASUFRE:
- Si Chinua Achebe ay isang kilalang manunulat, makata, at ensayista mula sa Nigeria. Siya
ay ipinanganak noong ika-16 ng Nobyembre taong 1930 sa Ogidi, isang maliit na bayan sa
timog-silangang Nigeria. Siya ay panglimang anak sa anim na magkakapatid at ang kanyang
ama ay isang Kristiyanong pastor habang ang kanyang ina naman ay isang mangangalakal.
Nagsimula si Achebe ng kanyang edukasyon sa isang Kristiyanong paaralan ng mga
misyonaryo kung saan natuto siya ng wikang Ingles at Igbo. Matapos nito, nag-aral siya sa
Government College sa Umuahia, Nigeria at sa University College sa Ibadan, kung saan siya
nag-aral ng English literature, history, at theology.Nakatulong din si Achebe sa
pagpapalaganap ng edukasyong pangwika at pangkultura sa Nigeria. Nagsilbing guro siya sa
ilang mga unibersidad sa bansa, kung saan ipinakita niya ang halaga ng wika at kultura ng
mga etnikong grupo sa buong bansa. Sa kanyang mga gawa at aktibismo, naging inspirasyon
si Achebe para sa maraming manunulat at mga indibidwal hindi lamang sa Nigeria at sa
buong Africa kundi sa buong mundo.

TAUHAN

MAVEN TORIBIO:
- Ang mga tauhan sa akdang ‘Paglisan’

Ang protagonista sa akda:


• Okonwo - Siya ay isang matapang at respetadong mandirigma.
• Ikemefuna - Siya ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa
kapayapaan.
• Ogbuefi Ezeudu - Siya ang matandang taga Umuofia.
• Enzinma - Siya ang anak na babae ni Okonkwo.
• Uchendu - Siya ang tiyuhin ni Okonkwo.
• Obierika - Siya ang kaibigan ni Okonkwo.
• Ginoong Kiaga - Ito ang Interpreter.
• Reverend James Smith - Isang paring misyonero, isa siyang malupit na misyonero.

Ang antagonista sa akda:


• Unoka - Siya ang ama ni Okonkwo. Nangiiwan at pabaya.
• Ginoong Brown - Ang pumatay sa itinuturing niyang anak na si Ikemefuna.

BUOD

ROJEN MAE QUINDALA:


- Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma Nag mula sa lahing Umuofia, hindi
kalakihang tribo sa Nigeria

MERCEL FULMINAR:
- Labingwalong taong gulang si Okonkwo nang matalo niya ang isang pusa na si Amalinze.
Dahil dito nakilala ng mga tribo ang katapangan niya. Ipinimalas niya ang katapangan niya
para maitago ang kahihiyan sa ama na si Unoka. Puro kahihiyan ang iniwan neto sa kanilang
pamilya, dahil dito pinatunayan ni Okonkwo na iba siya sa kanyang ama. Pinamunuan niya
ang Siyam na Nayon pa patunayan ang kanyang pamumuno.
Siya ay nag tagumpay sa pamumuno

KENETH MAGTOTO:
- Dahil sa kanyang pamumuno, pinili siya upang bantayan ang batang lalaki na si Ikemefuna,
kinuha para sa pakikipag-kasundo dahil napatay ng Ama ni Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian.

ROJEN MAE QUINDALA:


- Isang araw, si Ogbuefi Ezeudu, isang matandang Umuofian na nag planong patayin si
Ikemefuna, binalaan ni Ezeudu na huwag makielam si Okonkwo dito. Dahil dito gumawa ng
paraan si Okonkwo, pinaniwala niya na hinatid na si Ikemefuna sa kanyang ina. Habang nag
lalakbay sina Ikemefuna kasama ang ibang lalaking Umuofian, sinugod si Ikemefuna ng
mga kasamang lalaki upang patayin pero siya ay nakatakas. Siya ay humingi ng tulong kay
Okonkwo, pero sa kasamaang palad, tinaga ni Okonkwo si Ikemefuna para manatali ang
kanyang reputasiyon.

SEAN EIDREICH GEROLAGA:


- Lumipas ang panahon at nabalitaan ni Okonkwo na namatay na si Ogbuefi Ezeudu,
nakaramdam siya ng kalungkutan dahil sa huling nilang pag uusap ay binigyan si Okonkwo
ng babala na huwag makigulo sa pag patay kay Ikemefuna. Puno ng malakas na tunog ng
tambol at malakas na putok ng baril sa paligid ng burok ni Ogbuefi Ezeudu. Nagulat ang
mga tao noong pumutok ang baril ni Okonkwo at tinamaan ang labing-anim na taong gulang
na anak ni Ezeudu.

ROJEN MAE QUINDALA:


- Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang
kaangkan. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang
kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang
kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari
ni Okonkwo. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong
si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at
muling bumalik sa umpisa.

- Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar.
Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong
ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masaman

ARAL NG KWENTO

MARK LORENZ LORILLA


- Bisa sa Sanhi: Itinuro sa atin ng Nobelang ito ang kahalagahan ng pagkontrol sa sariling
emosyon, sa kadahilanang ang hindi pagsasagawa nito ay maaaring humantong sa mga hindi
kanais-kais na sitwasyon, gaya ng problema sa pag-iisip at mga delikadong desisyon, tulad
ng ating makikita sa pagkamatay ng karakter na si Okonkwo. Ang pag-kontrol sa ating
emosyon ay makakagawa ng mga desisyong naaangkop sa sitwasyong ating kinalalagyan.

SEAN EIDREICH GEROLAGA:


- Bisa sa Damdamin : Huwag kang gagawa ng isang maling hakbang para lamang ipanatili
ang iyong pansariling dignidad at kapangyarihan.

- Bisa sa Lipunan: Matutong makuntento at huwag magbibigay ng anumang tiwala sa kahit na


sino.

You might also like