You are on page 1of 3

PAGLISAN

TAUHAN / KARAKTER SA MAY AKDA


> Okonkwo - Isang matapang at respetadong mandirigma na
nagmula sa lahi ng mga Umuofia.

> Unoka - Ang ama ni Okonkwo.

> Ikemefuna - Ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng


pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia.

> Ogbuefi Ezeude - Isa sa matatandang taga-Umuofia na nagbabala


kay Okonkwo na huwag makialam sa planong pagpatay kay
Ikemefuna.

> Obierika - Ang kaibigan ni Okonkwo na matiyagang kinukuha at


inaani ang mga pananim sa dating lugar ni Okonkwo.

> Uchendu - Ang tiyuhin ni Okonkwo na malugod silang tinanggap


sa kanilang pamayanan.

> G. Kiaga - Isang interpreter na tumulong kay G. Brown upang


kausapin ang mga taga-Mbanta.

> G. Brown - Ang lider ng mga misyonerong kumausap sa mga


taga-Mbanta.

> Rev. James Smith - Ang pumalit kay G. Brown ng nagkasakit siya.
Isang malupit at bugnuting misyonero.

> Enoch - Ang humablot sa takip sa mukha ng isang Egwugwu.

> Egwugwu - Ang sumunog sa tahanan ni Enoch at sa simbahan.


TAGPUAN
> Nigeria - Isang bansa sa Africa sa Golpo ng Guinea.

> Umofia - Isang hindi gaanong kilala at kalakihang tribo sa Nigeria.

> Mbanta - Ang lugar ng kapanganakan ng ina ni Okonkwo.

> Abame - Isang pamayanan ng mga Umofia.

> Lugar ni Okonkwo - Dito natagpuang nakabitin si Okonkwo.

TEMA O PAKSA
> Ang nobela ay tungkol sa pagpapahalaga sa kultura ng Bansang
Nigeria, pag-unawa sa mga tradisyon na nakapaloob sa kanilang
bansa, pag-ahon sa pagkakalugmok at pagpapahalaga sa mga aral na
natutuhan mula sa mapapait na karanasan. Ito ay makabuluhan dahil
nararanasan natin ang mga ganitong sitwasyon sa ating buhay. Ito din
ay napapanahon dahil lahat ng tao ay nakakaranas ng mga ganitong
sitwasyon.

LAYUNIN NG AKDA
> Ang layunin ng may akda nung isinulat niya ito ay para sa ating
buhay na dapat hindi tayo magpadaig sa takot. Dapat ang mga
problema ay hinaharap kahit gaano pa ito kabigat. Hindi ito
masososlusyunan sa pamamagitan ng pagtakas lalong lalo na ng
pagpapatiwakal. Layunin din nitong manghikayat sa mga mambabasa
na tanggalin ang takot sa ating mga sarili at pinuin ito ng katapangan
sa bawat bagay na ating gagawin.

KAISIPAN
> Ang kapangyarihan ay nangingibabaw kaysa sa pagmamahal.

> Sa bawat pagkakamali ay hindi mawawalan ng konsensiya.

> Ang isang kasalanan ay maaaring makapagbago sa pag-iisip ng


mga tao.
BUOD
Si Okonkwo ay isang respetadong tao sa mga taong Igbo, ngunit
namumuhay siya sa takot na maging tulad ng kanyang tamad, duwag
at kahiya-hiyang ama. Sa takot niya na maging katulad ng kanyang
ama, gumawa siya ng kanyang unang pinakamalaking kasalanan sa
pamamagitan ng pagpatay sa kanyang ampon na anak na si
Ikemefuna. Di naglaon ay nakagawa si Okonkwo ng kanyang ikalawang
malaking kasalanan sa pamamagitan ng hindi sinasadyang pagpatay
sa isang kanayon at dahil dito ay kinakailangan na maabswelto siya
sa pamamagitan ng paglalaan ng pitong taon sa kanyang inang-
bayan dahil sa pagpapatapon sa kanya.

Pagkatapos ng pitong taong pagpapatapon, bumalik siya sa Umuofia


ngunit ang pagtanggap sa kanya ay hindi kasing ganda ng inaasahan
niya. Ito ay dahil dumating ang mga misyonero at binago ang estilo
ng pamumuhay ng Igbo. Naging mga kapatid laban sa mga kapatid at
ang pagpapatupad ng mga labag sa batas na pamahalaan at sistema
ng hustisya ay lumaganap. Kalungkutan at pagkagalit ang
nararamdaman ni Okonkwo sa mga pagbabago na nakikita niya na
gawa ng mga puting kalalakihan kaya hinikayat niya ang mga pinuno
ng Umuofia na magsagawa ng agresibong aksyon laban sa mga
misyonero. Si Okonkwo at iba pang mga lider ng komunidad ay
sinunog ang simbahan ngunit sila din ay nabilanggo at pinahiya ng
mga puting kalalakihan at dahil dito ay naghangad si Okonkwo ng
digmaan, ang pagpatay sa isa sa mga puting opisyal ng gobyerno.
Noong napagtanto niya na ang Umuofia ay hindi kailanman
maghihimagsik laban sa mga mang-aapi, siya ay nagpapatiwakal.

You might also like