You are on page 1of 34

MUSIKA IV

Date: ___________ I. Mga layunin: Naaawit nang wasta ang "Lupang Hinirang". Nasasabi kung paano dapat awitin ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Naipapakita sa pamamagitan ng kilos at pag-uugali ang tunay na pagpipitagan sa watawat ng Pilipinas.

II. Paksang-Aralin: Awit: "Lupang Hinirang" Mga Kagamitan: Iskor ng awit na "Lupang Hinirang" Instrumentong pantano III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Ipaawit sa mga bata ang "Salamat Po, Panginoon" at bigyang halaga ang pamamaraan ng pagawit nito. 2. Itanong: a. Kailan natin dapat awitin ang awit na ito? b. Ano ang isinasaad ng awit? c. Paano ita dapat awitin? Sakit? B. Panlinang na Gawain: 1. Pag-usapan kung paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan at pagpipitagan sa watawat ng Pilipinas. 2. Itanong: a. Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan? b. Ano ang sagisag ng ating bayan? c. Paano maipakikita ang pagpipitagan sa watawat ng Pilipinas? d. Ano ang pamagat ng Pambansang Awit ng Pilipinas? 3. Ipabasa sa mga bata ang mga titik ng "Lupang Hinirang" at tiyaking wasto ang kanilang pagbigkas ng bawat salita. Lupang Hinirang Sabihin sa mga batang makinig na mabuti habang inaawit mo ang "Lupang Hinirang". Pagkatapos ay sila naman ang paawitin mo. Ituro ang awit sa pamamaraang pagagad kung sakaling nahihirapan sila sa pag-awit. C. Pagsasanay: 1. Sanayin ang mga bata sa pag-awit ng "Iupang Hinirang". 2. Patayuin sila nang tuwid, nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at nakatingin sa watawat habang inaawit ang Pambansang Awit ng Pilipinas. D. Pagpapahalaga: 1. Tumabi sa mga bata sa tuwing magkakaroon ng pagtataas o pagbababa ng watawat. Tiyaking sinusunod ng mga bata ang lahat ng natutuhan sa pagbibigay pitagan sa watawat ng Pilipinas. 2. Muling ituro ang mga bahagi ng awit na hindi nila gaanong alam.

IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Lupang Hinirang" na sinusunad ang lahat ng natutuhan sa pagbibigay pitagan sa watawat ng Pilipinas.

V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Lupang Hinirang" at laging awitin ng may paggalang sa tamang pagkakataan.

Remarks: ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nadarama ang pulso ng tunog na naririnig at hindi naririnig Nagagamit ang anumang kilos ng katawan sa pagdama ng pulso ng tunog na naririnig at hindi naririnig

II. Paksang-Aralin Pulso (Beat) Mga Kagamitan: Tsart - Iskor ng "Rain, Rain Go Away!" III. Pamamaraan A. Pagbabalik Aral Pag-usapan ang ritmo at gayahin ang tunog at kilos ng mga bagay na may ritmo. Sabihin: Gayahin at ulit-ulitin ang huni 0 awit ng ibon. Ipakita mo nga sa klase ang ritmo ng mga gumagalaw na bagay. Hayaang ulit-ulitin ng mga bata ang ritmo Iparinig mo nga ang ritmo ng mga bagay na tumitibok at naririnig. Hayaang ulit-ulitin ng mga bata ang ritmong narinig B. Paglalahad 1) Ipadama sa mga bata ang pulso sa pamamagitan ng pagkilos. 2) Pagmartsahin ang mga bata at bilangan ng isa, dalawa, isa, dalawa o kaya ay kaliwa, kanan, kaliwa, kanan 3) Ipapansin sa mga bata ang regular na bagsak ng kanilang mga paa habang nagmamartsa. 4) Ipabigkas sa mga bata ang "Twinkle, Twinkle. Little Star," at pasabayan ng martsa. 5) Ituro ang awit na "Rain, Rain, Go Away" sa pamamaraang pagagad. 6) Ipaawit sa mga bata ang "Rain, Rain, Go Away", at ipagawa ang mga sumusunod habang umaawit. a. Pagpalakpakhabang umaawit. b. Pagguhit sa hangin c. Pagguhit sa papel o pisara 7) Pagbukud-bukurin ang mga iginuhit na pulso ayon sa sukat (measure). Gumamit ng panghati (bar line). Gawin habang nagpapaliwanag. C. Paglalahat 1) Ipaawit na muli sa klase ang "Rain, Rain ... " habang itinuturo ng isang bata ang mga pulso na nakaguhit sa plsara. 2) Ganyakin ang klaseng magbigay ng paglalagom ng kanilang natutuhan tungkol sa pulso. 3) Ipasagot ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pulso? 2. Saan mo maihahalintulad ang pulso? 3. Paano mo maikikilos ang iyong katawan ayon sa pulso? 4) Pabigkasin ang mga bata ng isang tugma at pasabayan ng kilos ng katawan upang maipadama ang pulso. 5) Paawitin ng isang awit ang mga bata at sabayan ng kilos ng katawan upang maipadama ang pulso. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Rain, Rain Go Away",

V.

Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Rain, Rain Go Away".

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Natutukoy ang mabibigat at magagaan na pulso Nailalagay sa wastong lugar ang panandang diin (>) ayon sa nadamang bigat ng tunog na narinig

II. Paksang-Aralin Diin Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng awit na "Rain, Rain, Go Away" III. Pamamaraan A. Pagbabalik Aral 1. Ipaawit sa mga bata ang "Rain, Rain, Go Away". Pag-usapan ang tungkol sa pulso at pakilusin ang mga bata ayon sa pulso habang umaawit. B. Paglalahad 1. Linangin at ipadama sa mga bata ang diin. 2. Muling ipaawit sa mga bata ang "Rain, Rain ... " habang isinusulat ng guro ang pulso ng awit sa pisara. 3. Tiyaking magkakatulad at regular ang pagpalakpak ng mga batao 4. Ilagay ng guro ang panandang diin habang ipinapalakpak ng mga bata C. Paglalahat 1. Ganyakin ang klase na gumawa ng paglalahat para sa aralin. Ipasagot ang mga sumusunod: a. Ano ang diin? b. Paano nagkakaiba ang diin at pulso? c. Saan matatagpuan ang diin ng awit? D. Pagsasanay 1. Paawitin ng isang awit ang mga bata o pabigkasin ng isang tugma na natutuhan na habang ipinapalakpak ang pulso at diin. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Rain, Rain Go Away" ng may wastong diin. V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Rain, Rain Go Away" ng may wastong diin. Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nagagamit ang panghati (bar line) sa pagpapangkatpangkat ng mga tunog sa dalawahang sukat Natututuhan at naaawit nang wasto ang "Tayo'y Umawit" Nakakikilos ayon sa metrong dalawahan

II. Paksang-Aralin Metrong Dalawahan Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Tayo'y Umawit" III. Pamamaraan A. Pagbabalik Aral 1. Ipaawit sa mga bata ang "Rain, Rain, Go Away". Pag-usapan ang tungkol sa pulso at pakilusin ang mga bata ayon sa pulso habang umaawit. 2. Ipaawit sa mga bata ang "Rain, Rain ... " at pakilusin sila ayon sa pulso at diin ng awit. 3. Pag-usapan ang mga simbolo at panandang napag-aralan tulad ng: diin, sukat at panghati. B. Paglalahad 1. Ganyakin ang mga bata sa pag-aaral ng isang bagong awit, ang "Tayo'y Umawit". 2. Itanong: a. Ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay nalulumbay 0 walang magawa? b. Anu-ano ang naidudulot ng awit sa isang tao? 3. Ituro ang "Tayo'y Umawit" sa pamamaraang pagagad. Hayaang nakikita ng mga bata ang lskor habang itinuturo ang awit 4. Ulit-ulitin ang pag-awit hanggang matutuhan ng mga bata ang awit. 5. Pag-usapan ang gamit ng palakumpasan sa metrong dalawahan. 6. Itanong: a. Ano ang palakumpasan ng awit? b. Bumilang ayon sa metrong"dalawahan. c. Iang pulso mayroon ang bawat sukat sa metrong dalawahan? C. Paglalapat 1. Gumawa ng paglalagom tungkol' sa araHn. a. Isulat ang pulso ng awit na natutuhan. b. Pagpangkat-pangkatin ang mga tunog o pulso sa dalawahan sa pamaIriagitan ng panghati. c. Lagyan ng diin sa taniang lugar. d. Bumilang ng dalawahan habang itinuturo ang pulso ng awit. e. Ipala-pak ang diin ng hulwarang ritmo: D. Paglalahat 1. Itanong: a. Ano ang metl'ong dalawahan? b. Paano inaawit ang mga awit sa metrong dalawahan? E. Pagsasanay 1. Muling ipaawit ang "Tayo'y Umawit". 2. Ipagawa sa mga bata ang mga sumusunod: a. Ipalakpak ang pulso ng awit habang umaawit.

b. Magmartsa ayon sa pulso habang umaawit. c. Ipadyak ang diin habang umaawit. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Tayo'y Umawit". V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Tayo'y Umawit".

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nagagamit ang panghati (bar line) sa pagpapangkatpangkat ng mga tunog sa tatluhang sukat Naaawit nang wasto ang "Bahay Kubo"

II. Paksang-AralinMetrong Tatluhan Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Bahay Kubo" III. Pamamaraan A. Pagbabalik-aral 1. Ipaawit ang "Tayo'y Umawit" at pakilusin ang mga bata ayon sa pulso at diin. 2. Pag-usapan ang metro at palakumpasan ng awit. 3. Itanong: a. Ano ang palakumpasan ng "Tayo'y Umawit"? b. Ilang bilang mayroon ang bawat sukat? c. Ilang pulso ang madarama sa bawat sukat? B. Paglalahad 1. Ganyakin ang mga bata sa patuloy na pag-awit. 2. Tiyakin na laging katamtaman ang labas ng kanilang tinig at maayos at maingat ang pag-awit upang maabot ang wastong nota. Ilahad ang iskor ng awit na "Bahay Kubo" at pag-usapan ang mga simbolo ng awit. C. Paglalahat 1. Itanong a. Ano ang metrong tatluhan? b. Ano ang gamit nito sa isang awit? D. Paglalapat 1. Gumawa ng paglalagom tungkol sa aralin a. Isulat ang pulso ng awit b. Pagpangkat-pangkatin ang mga pulso sa tatluhan sa pamamagitan ng panghati. c. Lagyan ng diin sa tamang lugar. E. Gawaing Upuan 1. Pagpangkat-pangkatin ang sumusunod na mga pulso ayon sa metrong tatluhan at lagyan ng diin. 2. Humandang iparinig sa klase ang pulso at diin ng hulwarang ritmo na ginawa. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Bahay Kubo" V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Bahay Kubo"

Remarks: ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nagagamit ang panghati (bar line) sa pagpapangkatpangkat ng mga tunog sa apatang sukat Naaawit nang maayos ang awit na "Sa Likod Bahay" N akakikilos ayon sa metrong apatan

II. Paksang-Aralin Metrong Apatan Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Sa Likod Bahay" III. Pamamaraan A. Pagbabalik-aral 1. Awitin ang "Tayo'y Umawit" at "Bahay Kubo". 2. Pag-usapan- ang tungkol sa metrong dalawahan at metrong tatluhan. 3. Pakilusin ang mga bata ayon sa metrong dalawahan habang inaawit ang "Tayo'y Umawit". 4. Pakilusin ang mga bata ayon sa metrong tatluhan habang inaawit ang "Bahay Kubo". 5. Ipapalakpak sa mga bata ang mga sumusunod na hulwarang ritmo: B. Paglalahad 1. Ituro nang pagagad ang awit na "Sa Likod Bahay". 2. Ituro ang awit nang payugtu-yugto. 3. Itanong sa mga bata ang mga sumusunod kapag natutuhan na nila ang awit. a. Anu ang palakumpasan ng awit na Sa Likod Bahay? b. Ano ang metro ng awit? c. Ilang pulso ang nadarama ninyo sa isang sukat? C. Paglalapat 1. Ipagawa sa mga bata ang mga sumusunod: a. Pumalakpak ayon sa pulso habang umaawit. b. Magmartsa ayon sa pulso habang umaawit. c. Ipadyak ang diin habang nagmamartsa. d. Isulat ang pulso sa hangin. e. Isulat ang pulso sa pisara at pagpangkatpangkatin sa apatang sukat. 2. Ipabigkas sa mga bata ang bilang sa halip na paggalaw ayon sa pulso. D. Paglalahat 1. Itanong a. Ano ang metrong apatan? b. Paano inaawit ang mga awit sa metrong apatan? E. Pagpapahalaga 1. Ilang pulso sa isang sukat mayroon ang metrong apatan? 2. Bumilang ayon sa metrong apatan. 3. Ano ang palakumpasan ng metrong apatan? 4. Lagyan ng panandang diin ang awit na natutuhan. 5. Paano ginagamit ang panghati? IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Sa Likod Bahay"

V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Sa Likod Bahay"

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nailalarawan ang pulso sa anyong "quarter note" at "quarter rest" Natututuhan at naaawit nang wasto ang "Ang Pusa Ko" Nabibigkas ang titik ng awit ayon sa hulwarang ritmo nito. Nasusunod ang panandang "quarter rest" Naibibigay ang tunog ng hulwarang ritmo sa pamamagitan ng iba't ibang kilos ng katawan

II. Paksang-Aralin Quarter Note at Quarter Rest (Nota at Pahinga) Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Ang Pusa Ko" III. Pamamaraan A. Pagbabalik-aral 1. Ilahad ang iskor ng awit at ipaawit sa mga bata ang "Ang Pusa Ko". Pag-usapan ang mga elemento ng musika na natutuhan na. Itanong: a. Ilang pulso mayroon ang isang sukat ng awit na "Ang Pus a Ko"? b. Ilang sukat mayroon ang awit? c. Bumilang ayon sa pulso ng awit. Ano ang palakumpasan ng awit? B. Paglalahad 1. Pag-usapan ang mga alagang hayop ng mga bata. Itanong: a. Anu-ano ang mga alaga ninyong hayop? b. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alagang hayop? c. Paano nakatutulong sa atin ang mga alagang hayop? 2. Ituro sa pamamaraang pagagad ang awit. 3. Itanong ang mga sumusunod kapag natutuhan na ang awit. a. Nasa anong palakumpasan ang awit? b. Ilang pulso mayroon ang isang sukat? C. Paglalahat 1. Itanong: a. Ano ang quarter note? b. Ano ang pagkakaiba ng quarter note sa quarter rest? c. Ilang bilang ang tinatanggap ng bawat isa? D. Pagpapahalaga 1. Itanong: a. Ilang bilang ang tinatanggap ng bawat isang quarte note? b. Iguhit ang quarter note. c. Iguhit ang quarter rest. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Ang Pusa Ko" V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Ang Pusa Ko"

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Naipakikita na ang dalawahang tunog na magkasingtagal ang haba ay maaaring katumbas ng isang pulso. Naisasagawa sa pamamagitan ng pag-awit, pagbigkas, pagkilos o pagtugtog ang dalawahang tunog na magkasingtagal ang haba katumbas ng isang pulso. Naisusulat ang dalawang magkasintagal ang habang tunog na katumbas ng isang pulso sa anyong eighth note.

II. Paksang-Aralin Awit: Laging Mag-iingat Eight Note Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Laging Mag-iingat" III. Pamamaraan A. Pagbabalik-aral 1. Awitin ang "Laging Mag-ingat" at pag-usapan ang mga elemento ng musikimg natutuhan na habangnakalahad ang iskor ng awit. Itanong: a. Ilang pulso mayroon ang isang sukat sa awit na "Laging Mag-ingat"? b. Ilang sukat mayroon ang 'awit? c. Bumilang ayon sa pulso ng bawat sukat. d. Ano ang palakumpasan ng awit? B. Paglalahad 1. Ipasuri sa mga bata ang mga notang ginamit sa "Laging Magingat" at ipakilala ang "eighth note". 2. Ipapalakpak o ipabigay sa mga bata ang halaga ng mga sumusunod na nota. 3. Itanong a. Ilang pulso o bilang mayroon ang isang sukat? b. Ilang "eighth note" mayroon sa isang sukat? c. Ilang "eighth note" ang dapat ipalakpak sa isang bilang? Upang maging madali ang pagbibigay halaga sa "eighth note" ay sabihin natin ang pantig na "di" sa bawat nota C. Paglalahat 1. Itanong a. Ano ang eight note? b. Ilang bilang ang tinatanggap ng bawat isa? D. Paglalapat a. Muling ipaawit sa mga bata ang awit na Laging Mag-ingat". b. Ipapalakpak sa mga bata ang pulso habang umaawit. c. Ipapalakpak ang bawat nota habang umaawit. d. Muling hatiin sa dalawang pangkat ang mga batao Ipapalakpak sa isang pangkat ang pulso at sa isa ay ang bawat nota habang umaawit. IV. Pagtataya: Hatiin sa dalawang pangkat ang mga bata. Ipapalakpak sa isang pangkat ang pulso at sa isa aya ng bawat nota habang umaawit.

V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Ang Laging Mag-iingat" Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nasasabi ang kahulugan at kahalagahan ng melodiya Natutukoy ang matataas at mabababang nota Nakaaawit nang maayos at wasto upang maunawaan at madama ang daloy ng himig Natututuhan ang awit na "Up And Down"

II. Paksang-Aralin Awit: Up and Down Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Up and Down" III. Pamamaraan A. Paghahanda 1. Magsimula sa pagsasanay sa tinig - (2 minuto) 2. Sabihin: Mga bata, paano ang huni ng lamok sa ating tainga? Gayahin nga natin - "Nu _ _ _" (himig ng mataas na do) Ulitin Row One Row Two Lahat Tayo B. Paglalahad 1. Ituro ang "Up and Down" sa pamamaraang pagagad 2. Ipaawit na muli sa mga bata ang buong awit. 3. Ipaliwanag na ang mga awit ay binubuo ng mga simbolong inihanay sa limguhit. 4. Pag-usapan ang mga uri ng nota na ginamit sa awit. 5. Ipakilala sa mga bata ang salitang "melodiya". Sabihin sa kanila na ang himig na naririnig nila sa pag-awit ay tinatawag na "melodiya" C. Paglalahat 1. Ganyakin ang klaseng magbigay ng paglalagom sa kanilang natutuhan sa aralin. 2. Itanong: a. Anu-anong uri ng nota ang matatagpuan sa awit? b. Ano ang nagbibigay tono o himig sa awit? c. Anu-anong uri ng nota ang bumubuo sa melodiya? d. Ano ang melodiya? e. Ano ang gamit ng melodiya? D. Pagsasanay 1. Muling ipaawit ang "Up And Down". 2. Awitin ang melodiya sa pamamagitan ng pantig na . "ma". IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Up and Down" V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Up and Down"

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Naaawit ang so-fa silaba ng mga notang papataas, papababa, palaktaw na papataas at pababa at mga notang inuulit ang tunog ng awit na natutuhan na Nasasabi ang kahulugan at kahalagahan ng melodiya Natutukoy ang matataas at mabababang nota Nakaaawit nang maayos at wasto upang maunawaan at madama ang daloy ng himig

II. Paksang-Aralin Awit: So-fa silaba Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng So-fa silaba III. Pamamaraan A. Pagbabalik-aral 1. Bigyan ang mga bata ng pagsasanay sa tinig. 2. Ipaawit sa mga bata ang "Up And Down" at pag-usapan ang tungkol sa melodiya ng awit. 3. Itanong: a. Ana ang meladiya? b. Paana ita nabubua? c. Magbigay nga ng halimbawa. B. Paglalahad 1. Ipaulit ang "Up and Down. Tiyaking nakasulatsa ilalim ng bawat nota ang mga so-fa silaba. Ito na ang simula ng pagpapakilala sa m:ga nota kasabay ang tono o himig na angkin ng mga ito. 2. Kapag natutuhan na ng mga bata ang awit ay ipaawit sa kanila ang mga so-fa silaba na nasa ibaba ng bawat nota. 3. Pasimulan ang pagpapakilala sa so-fa silaba. 4. Sabihin: a. Ang so-fa silaba ay binubuo ng walong nota. a. Ito ang papataas na himig ng so-fa silaba. (Ipakita ang tsart) b. Ito ang pababang himig ng so-fa silaba. (Ipakita ang tsart) C. Paglalahat 1. Iparinig sa mga bata ang papataas at pababang tono ng mga nota. (Guro lamang ang aawit). 2. Muling ipaawit sa mga bata ang mga titik at so-fa silaba ng "Up and Down" at pag:.usapan ang mga bagay na makakatulong upang makapagbigay ang mga bata ng kanilang konsepto tungkol sa so-fa silaba. D. Pagsasanay 1. Muling ipaawit sa mga bata ang so-fa silaba ng natutuhang awit IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa dalawa at ipaawit nang wasto ang awit na "So-fa Silaba

V.

Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "So-fa Silaba"

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Natutukoy ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic Naaawit ang mga so-fa silaba ng iskalang pentatonic sa paraang pataas pababa inuulit palaktaw pahakbang Naaawit nang wasto ang isang awit na nasa iskalang pentatonic

II. Paksang-Aralin Iskalang Pentatonic Awit: Ang Pamaypay Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng "Ang Pamaypay" III. Pamamaraan A. Pagbabalik-aral 1. Pagsasanay sa tinig 2. Pag-awit ng "Ang Pamaypay" - titik at so-fa silaba 3. Pag-uusap tungkol sa iskalang pentatonic B. Paglalahad 1. Ipaawit sa mga bata ang iskalang pentatonic 2. Muling ipaawit ang so-fa silaba ng "Ang Pamaypay" 3. Pag-usapan ang direksyon at galaw ng mga nota sa awit. 4. Sabihin: a. Ipaliwanag ang direksyon ng mga nota: sa unang sukat. sa pangalawang sukat sa pangatlong sukat sa pang-apat na sukat b. Awitin ang mga notang sumusunod: ___ pataas ___ pataas / pababa ___ pababa ___ palaktaw ___ inuulit C. Paglalapat Awitin ang mga sumusunod na so-fa silaba ng iskalang pentatonic at sabihin ang direksyon at galaw ng nota. IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na "Ang Pamaypay". V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na "Ang Pamaypay"

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Natutukoy ang mga so-fa silaba ng iskalang mayor Naawit ang mga so-fa silaba ng iskalang mayor sa paraang: pataas, pababa, inuulit, palaktaw at pahakbang

II. Paksang-Aralin Iskalang Mayor Awit: Love Mother Earth Mga Kagamitan: Tsart ng Iskalang Mayor Tsart ng awit na "Love Mother Earth III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay sa tinig - Ipaawit ang "ma ha ha ha ha" 2. Pagsasanay sa himig 3. Pag-awit ng iba't ibang direksyon at galaw ng mga nota sa iskalang mayor B. Panlinang na Gawain 1. Itanong kung ana ang kalagayan ng kapaligiran at mundo ayon sa napag-aralan nila sa "Science and Health". 2. Pag-usapan ang mga pamainaraan ng pangangalaga sa kapaligiran o sa mundo 3. Ilahad ang iskor ng awit na "Love MotherEarth" 4. Ituro ang awit sa pamamaraang pagagad. 5. Pagsanayang awitin ang awit. C. Paglalahat 1. Itanong: a. Ano ang iskalan mayor? b. Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa iskala mayor? D. Pangwakas na Gawain 1. Ganyakin ang mga bata na makagawa ng mga hulwarang panghimig na ginagamitan ng mga notang kumikilos at gumagalaw sa ibat ibang direksyon. 2. Ipaawit ang mga likhang himig. E. Pagpapahalaga Tingnan kung maayos na nagagawa ng mga bata ang sumusunod: 1. Naaawit ang so-fa silaba ng iskalang mayor na tama ang himig ng bawat nota 2. Nagagawa ang mga senyas nina Kodaly at Ward habang inaawit ang iskalang mayor 3. Naisusulat ang iskalang mayor nang walang tinutularan 4. Nagpapamalas ng pagmamahal sa sanlibutan at tumutulong sa pagtatanim ng puno at paglilinis ng kapaligiran IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Love Mother Earth.

V.

Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na Love Mother Earth.

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Natutukoy kung ano ang lundayang tonong do (home tone) ng iskalang mayor Naaawit nang wasto ang awit na "Tayo'y Magtipid"

II. Paksang-Aralin Awit: Tayoy Magtipid Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng awit na "Tayoy Magtipid" Tsart ng iskalang mayor III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay sa tinig - 2 minuto. 2. Pagsasanay sa himig - 4 na minuto. 3. Ipaawit ang iskalang mayor. 4. Ipaawit ang "Love Mother Earth". B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang mga kilos at galaw ng katawan kapag sumasayaw. 2. Ituro ang awit na "Tayo'y Magtipid" sa pamamaraang pagagad. Pasayawin ang mga bata kapag natutuhan na ang awit. 3. Isa-isang suriin ang bawat sukat ng awit at pag-usapan ang galaw at direksyon ng mga nota. 4. Tawagin ang pansin ng mga bata sa huling tono at ipakilala ang Lundayang Tono. 5. Sabihin: a. Sa anong nota nagtatapos ang awit na "Tayo'y Magtipid"? b. Ang awit na ito ay nasa lundayang tonong "do ". c. Bakit kaya tinawag ang awit no, ito na nasa lundayang tonong "do"? C. Paglalahat 1. Itanong: a. Ano ang lundayang tonong "do"? b. Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa lundayang tonong "do"? D. Paglalapat 1. Muling ipaawit sa mga bata ang "Tayo'y Magtipid" 2. Ipakita sa mga bata ang.mga tsart ng mga natutuhang awit at tukuyin ang mga awit na nasa lundayang tonong "do" 3. Ipaawit samga bata ang naturang mga awitin E. Pagpapahalaga 1. Natutukoy ba ng mga bata ang iba pang mga awit na nasa lun 2. Wasto ba ang pagkakaawit ng himig? 3. Maayos ba ang kanilang pag-upo o pagtayo kapag umaawit? 4. Napahalagahan ba nilalaman ng awit? IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na " Tayoy Magtipid V. Takdang Aralin:

Kabisaduhing mabuti ang awit na "Tayoy Magtipid

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Natutukoy ang ngalang pantono ng mga guhit at puwang ng limguhit. Nasasabi kupg ano ang ngalang pantono

II. Paksang-Aralin Awit: Mga Ngalang Pantono Mga Kagamitan: Larawan ng Limguhit III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Ipaawit sa mga bata ang "Dance and Sing" 2. Pag-usapan kung ano ang lundayang tonong "do" 3. Pag-usapan ang mga katangian at gamit ng limguhit. 4. Sabihin: a. Ano ito? (Ipakita ang larawan ng limguhit? b. Ano ang gamit ng limguhit? c. Ilang linya mayroon ang limguhit? d. Ilang puwang mayroon ang limguhit? B. Panlinang na Gawain 1. Ipakilala ang mga ngalang pantono sa limguhit. Sabihin: a. Bawat puwang ng limguhit ay may kaukulang pangalang titik, ang F, A, C, E. 2. Isulat ang mga titik sa mga puwang ng limguhit. Sabihin: a. Kung babasahin mula sa unang puwang pataas ay "FACE". b. Ang bawat linya ng limguhit ay mayroon ding c. kaukulang titik, ang "E, G, B, D, F" C. Paglalahat 1. Itanong: a. Ano ang ngalang pantono? b. Saan ginagamit ang mga ito? c. Anu-ano ang ngalang pantono ng bawat linya? d. Anu-ano ang ngalang pantano ng bawat puwang? e. Ano ang leger line? IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit sa mga bata ang Dance and Sing V. Takdang Aralin: Gumawa ng paglalagom tungkol sa kanilang natutuhan sa limguhit.

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Nababasa ang mga nota sa tunugang "C" Naaawit nang wasto ang himig ng awit na "Martsa" PAKSA Tunugang C

II. Paksang-Aralin Tunugang C Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng awit na "Martsa" Iskalang Mayor Tsart ni Ward III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain a. Magbigay ng pagsasanay sa tinig. "nu" sa tono ng mataas na "do" b. Bigyan ang mga bata ng pagsasanay sa himig ng "Iskalang Mayor" c. Gamitin ang pamamaraang Kodaly sa pag-awit ng mga nota. Narito ang mga hulwarang panghimig na maaaring pagsanayan. B. Panlinang na Gawain 1. Ipakilala sa mga bata ang tandang tunugan 2. Ilahad ang iskor ng Martsa 3. Ipaawit sa mga bata ang iskala sa tunugang "e" 4. Ituro ang awit na "Martsa" sapamamaraang "sight reading" o pagbasa ng so-fa silaba. 5. Ipakilala sa mga bata ang nota sa "leger line" 6. Ipaawit sa mga bata ang titik ng buong awit. 7. Pag-usapan ang nilalaman ng awit. 8. Ipakilala sa mga bata ang doblihang panghati na tanda ng pagtatapos ng awit. C. Paglalahat 1. Ganyakin ang mga bata na masabi ang kanilang kaisipan tungkol sa Tunugang C. 2. Itanong: a. Ano ang tunugang G? b. Paano mo masasabi na ang isang awit ay nasa tunugang G? IV. Pagtataya: Pangkatin ang klase sa apat at ipaawit nang wasto ang awit na Martsa V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na Martsa Remarks: ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________

MUSIKA IV
Date: ___________ I. Mga Layunin: Natutukoy ang bilang ng pariralang bumubuo sa isang awit Napaghahambing ang mga parirala ng awit Naaawit nang wasto ang Umindak-indak

II. Paksang-Aralin Panandang Pag-uulit Awit: Umindak-indak Mga Pariralang Magkakatulad at Di-magkakatulad Mga Kagamitan: Tsart - iskor ng awit na "Umindak-indak" III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Magbigay ng pagsasanay sa tinig at pagsasanay sa himig. 2. Ilahad ang tsart ng buong awit at tsart ng bawat parirala 3. Ipaawit sa mga bata ang Umindak-indak B. Panlinang na Gawain 1. Ipasuri sa mga bata ang bawat parirala ng awit na Umindak-inadak C. Paglalahat 1. Ihanda ang mga bata sa pagbibigay ng ANYO ng awit na Umindak-indak 2. Sabihin: a. Ilang parirala mayroon ang awit? b. Awitin ang unang parirala, Markahan ito ng A c. Awitin ang pangalawang parirala,pangatlo at pang-apat na parirala. d. Anu-anong mga titik ang ilalagay natin sa kanila? IV. Pagtataya: Paawitin ang mga bata ng mga awit na dati nilang alam. At ipasuri sa mga bata ang bawat parirala kung magkatulad o di-magkatulad. V. Takdang Aralin: Kabisaduhing mabuti ang awit na Umindak-indak

Remarks: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________

____________________________________________________________________ ____________________________________________________________

You might also like