You are on page 1of 19

FILIPINO 12

Ikalawang Markahan – Modyul 13:


Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

https://www.google.com/search?q=lakbay+sanaysay&sxsrf=AOaemvKEefveu_Af4R4d2hDCNV7NXK4
5Gg:1632323170982&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwif5Y7W7ZLzAhXSAd4KHbT7Aok
Q_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=657&dpr=1#imgrc=juEiXLj87a_47M
Filipino – Ikalabing-isa/ Ikalabing-dalawang taon
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 13: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: JULIE ANN B. RIVERA
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
SHS

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 14:

PAGSULAT NG
LAKBAY-
SANAYSAY
(TRAVEL ESSAY)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang


(AKADEMIKO) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat
ng larawang-Sanaysay

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay.
Ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig ang naging batayan ng
Kagawaran ng Edukasyon upang iagapay sa mga pagbabagong ito ang mga tulad
ninyong mag-aaral sa pamamagitan ng patuloy na pagrerebisa at pagpapaunlad ng
kurikulum. Dahil sa mabilisang pag-usad at pagbabagong nagaganap sa ating lahat
naniniwala ang may-akda na higit na kakailanganin ninyong mga mag-aaral sa
Senior High ang mga makabagong pamamaraan sa paglinang ng mga kasanayang
nabanggit. Binibigyang-diin ng modyul na ito ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga kakayahang pagpapahayag tungo sa epektibo,mapanuri at
maayos na pagsulat sa napiling larangan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo o kaya naman ay
magsaliksik. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip at maiaplay ang mga
aralin sa iyong paghahanda para sa iyong tatahakin na kurso sa kolehiyo. Ito ay narito upang
matulungan ka na malaman ang larawang-sanaysay bilang isang halimbawa ng akademikong
sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay pahintulot na magamit sa iba’t ibang
pagkakaton sa iyong pagkatuto. Ang wikang ginamit sa modyul na ito ay kinikilala ang iba’t
ibang antas ng wikang alam ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod
sa pamantayang daloy ng mga paksa sa aralin ng bawat taon.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:


Aralin 13 – Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Kahulugan ng Lakbay-Sanaysay
Katangian at Kalikasan ng Lakbay-Sanaysay
Layunin at Kahalagahan ng Lakbay-Sanaysay
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:
1. Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.

At para lubos mong maunawaan ang mga gawaing nakapaloob dito, narito naman ang mga
detalyadong layunin ng ating aralin:
1. Nabibigyang-kahulugan ang lakbay sanaysay.
2. Nailalahad ang mga katangian ng lakbay-sanaysay.
3. Nakapagsusuri ng isang lakbay-sanaysay.
4. Nakapaglalahad ng karanasan kaugnay ng pinuntahang lugar.
5. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang lakbay-sanaysay

5
Subukin

Panuto: Isulat ang salitang WASTO kung ang pahayag ay totoo kaugnay ng lakbay-sanaysay
at DI-WASTO kung hindi totoo.
___________1. Ang mga larawan ay sinasamahan ng mahahabang kapsyon.
___________2. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, di na mahalagang gamitin ang mga pandama.
___________3. Kadalasang naglalaman ito ng mahahalagang tanawin, karanasan at mga tagpo
kaugnay ng pinuntahang lugar.
___________4. Pawang mabubuting karanasan lamang ang inilalahad sa larawang-sanaysay.
___________5. Maaaring magbigay ng rekomendasyon sa lugar na napuntahan upang magamit ng
mga susunod na turista sa lugar.
___________6. Ang lakbay-sanaysay ay isinusulat sa ikalawang panauhan.
___________7. Kailangang maging organisado, malinaw at subhektibo sa pagsulat ng
ganitong uri ng sanaysay.
___________8. Hindi na kailangang samahan ng larawan ang isinusulat na lakbay-sanaysay.
___________9. Tumutukoy ito sa detalyadong pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay ng
lugar na pinuntahan.
__________10. Ang larawang-sanaysay ay itinuturing na akademikong sulatin dahil ito ay
naglalaman ng mga impormasyong makatotohanang nakabase sa sariling
karanasan.

6
Aralin
PAGSULAT NG LAKBAY-
13 SANAYSAY

Balikan

I. Panuto: Isulat ang salitang LARAWAN kung ang pahayag ay totoo kaugnay ng
LARAWANG-SANAYSAY at SANAYSAY naman kung hindi totoo.
__________________1. Tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay.
__________________2. Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa intropeksyon ng
pagsasanay. Ang intropeksyon ay nangangahulugang malalim na
pagsusuri at pagtataya sa sariling kaisipan at damdamin.
__________________3. Mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkaksunud-sunod
ng mga pangyayari upang maglahad ng konsepto.
__________________4. Inilalahad nito ang karanasan na sumasagot sa mga tanong na sino,
ano, saan, kailan at paano. Ang damdamin o emosyon ng may-akda
ang pinakamahalagang mabasa, gayunndin kung paano nabigyan ng
may-akda ng maayos na pag-iisip, pagmumuni at pagtugon ang
karanasang inilalahad.
_________________5. Pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari o karanasan na
hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan
ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula
sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan.
__________________6. Isang kamangha-manghang anyo ng sining ng pagpapahayag ng
kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang
sinusundan ng maiikling deskripsyon o kasyon kada larawan.
__________________7. Isang koleksyon ng mga imahen na inihain sa ispesipikong
pagkakasunud-sunod upang ihayag ang pag-unlad ng mga
pangyayari, emosyon at maging ng mga konsepto.
__________________8. Naglalaman ng panig at mga argumentong nangangatwiran sa panig
na ipinaglalaban.
__________________9. Naglalayong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng
salaysay at magbigay ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng
isang paksa
_________________10. Ito ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan
hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya,
politika at iba pang mga larangan.

7
Tuklasin

PANUTO: Anong lugar ang nais mong puntahan ngayong taon o pagkatapos ng pandemya.
Isulat ito sa ulap sa ibaba at ilahad ang dahilan kung bakit nais mo itong puntahan. Sagutin ang
mga kasunod na tanong.

#BIYAHEGOALS:

Masaya ka ba sa tuwing naglalakbay? Bakit? _____________________________________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Ano ang mabuting naidudulot ng paglalakbay? _____________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Magkano ang inaasahan mong magagastos mo sa nasabing paglalakbay? ______________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Anong gagawin mo upang magkaroon ng katuparan ang biyahe goals mong ito? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pokus na Tanong
1. Ano ang lakbay-sanaysay?
2. Paano ang tama at epektibong pagsulat ng lakbay-sanaysay?
3. Bakit itinuturing na akademikong sulatin ang lakbay-sanaysay?

8
Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto kaugnay ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay.

ANG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY


Ang paglalakbay ay laging kinapapalooban ng mayayamang karanasan. Ito ay kadalasang
punumpuno ng masasayang pangyayari, pagkamangha, o paghanga sa magagandang lugar na unang
napuntahan at mga alaalang magiging bahagi ng buhay ng tao. Ang mga lugar na sa aklat mo lang
makikita ay nagkakatotoo at buhay na buhay sa iyong paningin at pandama. Ngunit ang alaalang ito ay
agad ding naglalaho kasabay ng pagpanaw ng karanasang ito. Isa ito sa malimit na dahilan bakit
sumusulat ng lakbay-sanaysay, upang mabalikan ang magagandang alaalang dulot ng paglalakbay; pero
____________________________________________________________________________
ano ng aba ang lakbay-sanaysay?
Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Isa itong uri ng lathalaing
ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. Para kay Nonon
Pag-unawa
Carandang, sa Binasaay sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng
ang lakbay-sanaysay
tatlong konsepto;
Panuto: sanaysay,
Sagutin sanay ang
at ipaliwanag at lakbay. Naniniwala
mga sumusunod sa siya
buongnapangungusap.
ang sanaysay ang pinakaepektibong
pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.
Ayon naman kay Gracia, 2017, ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan
ng lugar. Binibigyang-pansin dito ang gawi, katangian, ugali o tradisyon ng mga mamamayan sa isang
partikular na komunidad. Maaari ding maging paksa ang kasaysayan ng lugar at kakaibang makikita
rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura, kasaysayan, anyo at iba pa. Sa pagsulat,
maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang malinang ang wastong
pagtitimbang-timbang ng mga ideya mula sa maganda o hindi kanais-nais, kapaki-pakinabang o walang
kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.
Para naman kina Villanueva at Bandril, 2016, ang lakbay-sanaysay ay tumutukoy sa
detalyadong pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay ng lugar na pinuntahan. Dito ay isa-isang
ibinabahagi ang mga karanasan mabuti man o masama sa pook na pinuntahan upang mamasyal,
tumuklas ng mga bagay-bagay, maglibang at iba pa. Maaari itong pumaksa sa lokasyon, espasyo, tao,
pook-pasyalan, pagkain, tradisyon, kultura at iba pang lugar. Ito ang nagsisilbing panghikayat o
rekomendasyon sa iba na maranasan din ang naranasan ng nagsulat ng lakbay-sanaysay. Kadalasang
may kasamang mga larawan (selfie o groupie) bilang patunay ng paglalakbay na makikita sa sanaysay.
Ang lakbay-sanaysay ay naglalarawan ng karanasan sa paglalakbay, laman nito ang mga
nakitang tanawin, karanasan at tagpo sa lugar na pinuntahan. Inilalarawan at inilalahad dito ang mga
naranasan ng pandama: paningin, pang-amoy, pandinig, pakiramdam at panlasa. Mahalaga ang
paggamit ng pandama sa pagsusulat; sa pamamagitan nito pumapasok sa persepsyon ng mga manunulat
ang mga dapat na ilarawan at ilahad.
MGA DAHILAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay, 2013 may apat na
pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay, ito ay ang mga sumusunod:
1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat – Isang magandang halimbawa nito ay
ang paggawa ng travel blogs kung saan ito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay
maaaring pagkakitaan.
2. Makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay – Maraming nakikinabang sa
travelogue lalo na ang mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman sa lugar na kanilang bibisitahin
bago nila ito puntahan.
3. Pagtatala sa pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espirituwalidad,
pagpapahilom o kaya ay pagtuklas sa sarili – Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit ng pang-araw-araw na dyornal (daily journal) o talaarawan. Ginagawa ito upang maitala ang
mga bagong bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay.
Madalas itinatala rin sa dyornal ang mga reyalisasyon o natutunan sa proseso ng paglalakbay.
9
4. Maidokumento ang kasaysayan – Isang tipikal na halimbawa rito ang ginawa ni Antonio
Pigafetta na isang “Venetian Scholar” na nagtungo sa Pilipinas kasama si Ferdinand Magellan. Siya
ang nagtala ng mahahalagang datos na nakilala at nakita sa Pilipinas na may kinalaman sa mga
halaman, hayop, klima, heograpiya at kultura ng mga sinaunang Pilipino bilang bahagi ng kanilang
ulat sa hari at reyna ng Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang bayan.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Narito ang mga dapat na isaalang-alang at tandan kung susulat ng isang lakbay-sanaysay:
1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista - Upang
makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng manlalakbay na
siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi manlalakbay. Mahalaga din na malinaw
sa kanyang isip ang kanyang pakay at layunin. Kadalasan kasi ang isang turista ay pumupunta sa isang
lugar para maglibang, magliwaliw at makita ang magagandang tanawin. Karaniwan nito ay may
nakatakda nang itinerary o talaan ng magagandang lugar na pupuntahan. Samantala, para sa isang
manlalakbay ay pangalawa na lamang ito dahil kasabay ng kanyang paglalakbay ay sinisikap niyang
maunawaan ang kultura ng lugar, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain at mga araw-araw na
pamumuhay ng tao. Mahalaga ito para sa kanyang pagsulat ng lakbay-sanaysay dahil hindi lamang
ito nakabatay sa larawan ang mga impormasyon kundi para sa malalim na pagpapaliwanag at
paglalarawan ng bagay o lugar na kanyang nakita o namalas.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista - Ginagamit ang punto de-bista sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay. Karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig,
naunawaan, at naranasan ng manunulat kaya kadalasan ay napakapersonal ng tinig ng lakbay-
sanaysay. Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang
pagtataglay ng sapat na kaalaman sa pagkatuto sa isang paglalakbay. Tumutukoy rin ito sa pagkilala
at pagpapakilala sa sarili at sa mga pagmumuni ng karanasan sa proseso ng paglalakbay. Bukod sa
matamang obserbasyon hinggil sa paligid o pangyayari, mahalagang maranasan ng manlalakbay ang
mga bagay-bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang kahulugan ang pangyayari. Subukang
maisali ang sarili sa mga gawain bilang bahagi na rin ng imersyon sa mga pangyayari.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay - Mahalaga ring matukoy
kung ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa human interact. Tandaan na
iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksa na maaring itampok sa paglalakbay at maging sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay. Ito ay maaring ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng paglalakbay.
Maaaring tungkol sa espiritawal na paglalakbay. Maaari rin namang pagtatampok ng magagandang
pook, kilalang landmark at iba pang establisimiyento. Isa pa sa maaaring gawing paksa ang hayop o
halaman, kakaibang bagay, mga pagkain, libangan, kultura at marami pang iba. Ang pagtukoy sa tiyak
na paksa ay makakatulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-sanaysay. Tinatawag
itong "delimitasyon" sa pagsulat ng isang akda.
4. Magtala ng mahahalagang impormasyon para sa dokumentasyon habang
naglalakbay – May mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay, ito
ay ang panulat, kuwaderno o dyornal, at kamera. Mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang
lugar, kalye, restroom, gusali at iba pa. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang lugar
na nakita o napuntahan ay magbibigay kredibilidad sa sanaysay. Mahalaga ang pagkuha ng larawan
dahil makakatulong ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay. Maaaring ilagay ang eksaktong
lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling deskripsyon nito o kaya naman ay maikling sanaysay
nito. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon upang ito ay kawilihan ng mambabasa.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginagawang paglalakbay -
Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay, mahalaga rin na maisama sa
nilalaman ng sanaysay ang ang mga bagay na natutuhan habang naglalakbay. Ito ang magsisilbing
pinkapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang gintong aral na nakuha

10
bunga ng epekto ng paglalakbay. Maaring talakayin kung paano nabago ang buhay o pananaw ng
may-akda, kung paano umunlad ang kanyang pagkatao mula sa kanyang mga karanasan at mga
karagdagang kaalaman na natuklasan mula sa ginawang paglalakbay.

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay - Dahil ang gagawin ay isang


lakbay-sanaysay, mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.
Sikapin na ang pagsulat ng sanaysay ay malinaw, organisado, lohikal at malaman. Sundin ang mga
sumusunod na mungkahi:
• Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na iyong bubuuin.
• Maaari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma o matalinhagang salita upang maging
masining ang pagkakasulat.
• Tiyaking makakukuha ng atensyon ng mambabasa ang iyong susulating akda.
• Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay kailangan maging obhetibo sa
paglalatag ng impormasyon at subhektibo sa pananaw ng pagsulat.
• Maglahad ng katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng positibo at negatibong
karanasan.
Sa pagsulat laging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang na ang
lakbay-sanaysay at kinapapalooban ng tatlong mahahalagang konsepto: Sanaysay, Sanay, at Lakbay

MGA GABAY NA HAKBANG SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY


Narito ang ilang hakbang sa pagsasagawa ng pagsulat ng lakbay-sanaysay:
1. Balikan ang nagging paglalakbay. Isipin ang iyong mga nakita at naranasan.
2. Magbasa at magsaliksik tungkol sa kasaysayan, wika, kultura, tradisyon, relihiyon,
ekonomiya at sistemang politikal ng lugar.
3. Ilista ang mga personal na naranasan gayundin ang mga kaalamang nasaliksik
tungkol sa lugar upang maunawaan ang konteksto ng iyong mga naranasan.
4. Gumamit lamang ng makatotohanang impormasyon at iwasan ang mga kathang-
isip lamang.
5. Tiyaking kawili-wiling basahin ang isinusulat na lakbay-sanaysay.
6. Maglagay ng mga larawan bilang patunay sa ginawang paglalakbay.

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng lakbay-sanaysay

BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin.
Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na
galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko
ginagawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at
paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.

11
At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama
mo ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang
pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang
masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa
sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital
of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak
ang temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg
tao dahil para sa kanila dito masarap ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal
sa buhay.

Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus noong unang araw
ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang ang BAGONG TAON ay nagsimula na
kaming gumayak mula Pampanga hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil
doon nais ng aking pinsan na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST
TIME naming magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating na
doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan dito kamI gumala
ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang Dancing Fountain at isang parang ilog na
kung saan pwede kang mamangka at maglibot – libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay
ang Botanical Garden, dito sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa
kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan
sila nagmula kahit na ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View, ngunit
12
kahit malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang nakakarelax
at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.

At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin doon ay
ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na tinatawag din
na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na iyonat dito
ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng mga turista.
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga
lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na
ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong
kakalimutan ang iyong Pamilya dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong
kahaharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng
damdamin ay hinding hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila
ng lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga Biyayang ating natanggap
galing sa kanya.

Hango sa: https://http543.wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang lakbay-sanaysay? ___________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang karaniwang laman ng lakbay-sanaysay? __________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pandama sa pagsulat ng lakbay-sanaysay? ________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Anong panauhan at pananaw ang dapat na gamitin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay? _____
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Bakit kaya itinuturing na akademikong sulatin ang lakbay-sanaysay? _________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

13
Suriin

HALIMBAWANG LAKBAY-SANAYSAY, SURIIN


Panuto: Humanap ng isang halimbawang lakbay-sanaysay sa internet, suriin ang pagkakabuo
nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye at impormasyon kaugnay nito. Sundin
ang balangkas para dito.
I. Pamagat: _________________________________________________________________
II. May-akda / Pinagkuhanan: __________________________________________________
III. Uri ng kaisipan ng sumulat: _________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
IV. Panauhang ginamit sa pagsulat: ______________________________________________
V. Pokus ng lakbay-sanaysay: __________________________________________________
___________________________________________________________________________
VI. Mga reyalisasyon o mga natutunan sa ginawang paglalakbay: ______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
VII. Teknikal na Pagkakasulat: (kaisahan,kalinawan,kawastuhan,kasangkupan)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pagyamanin

ILARAWAN MO NGA!
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang lugar na inyo nang napuntahan na nais ninyong itampok.
(Kung walang ibang lugar na napuntahan isulat ang lungsod na kinabibilangan ninyo) at
pagkatapos sa mga pana sa palibot punan ng mga salitang maglalarawan sa inyong napiling
lugar.

14
Isaisip

MAG 3-2-1 TAYO!


Panuto: Ilahad ang:
A. 3- Konseptong natutunan mula sa aralin.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
B. 2 – Damdaming naantig sa inyo habang tinatalakay ang aralin.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
C. 1-Tanong na nabuo kaugnay ng tinalakay na aralin.
___________________________________________________________________________

Isagawa

PAGLALAKBAY, ILAHAD: LAKBAY-SANAYSAY ISULAT


Panuto: Sumulat ng isang lakbay-sanaysay kaugnay ng napuntahang lugar. Huwag kalimutang
maglagay ng mga larawan bilang patunay sa isinagawang paglalakbay.
Batayan sa Pagmamarka:
Nilalaman------------------------------------------------------------------15pts
Gramatika -----------------------------------------------------------------10pts.
Nasunod ang mga hakbang sa paggawa ng lakbay-sanaysay-------15pts.
Kalinisan at kaayusan ----------------------------------------------------5pts.
Nasunod ang elemento ng lakbay-sanaysay---------------- -----------5pts.
. __________________________________________________________________________
Kabuuan----------------------------------------50pts.

Tayahin

I. Panuto: Iguhit ang puso kung ang pahayag ay wasto kaugnay ng Lakbay-Sanaysay at ekis
naman kung ito ay di-wasto.
__________1. Ang lakbay-sanaysay ay isinusulat sa ikalawang panauhan.
__________2. Kailangang maging organisado, malinaw at subhektibo sa pagsulat ng
ganitong uri ng sanaysay.
__________3. Hindi na kailangang samahan ng larawan ang isinusulat na lakbay-sanaysay.

15
___________4. Tumutukoy ito sa detalyadong pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay ng
lugar na pinuntahan.
___________5. Ang larawang-sanaysay ay itinuturing na akademikong sulatin dahil ito ay
naglalaman ng mga impormasyong makatotohanang nakabase sa sariling
karanasan.
___________6. Ang mga larawan ay sinasamahan ng mahahabang kapsyon.
___________7. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, di na mahalagang gamitin ang mga pandama.
___________8. Kadalasang naglalaman ito ng mahahalagang tanawin, karanasan at mga tagpo
kaugnay ng pinuntahang lugar.
___________9. Pawang mabubuting karanasan lamang ang inilalahad sa larawang-sanaysay.
__________10. Maaaring magbigay ng rekomendasyon sa lugar na napuntahan upang
magamit ng mga susunod na turista sa lugar.

II. PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat aytem.


A. Tatlong konseptong nakapaloob sa lakbay-sanaysay batay kay Nonon Carandang
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
B. Apat na dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________
C. Kagamitang kakailanganin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

NATATANGING KARANASAN ILAHAD


Panuto: Maglagay ng isang larawan ng lugar na iyong napuntahan na. Sa pamamagitan ng 5-
10 pangungusap ilahad ang natatanging karanasan mo sa pagpunta sa lugar na ito.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

16
Sanggunian
1. Garcia, Florante C. (2017). PINTIG Senior High School Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City. SIBS Publishing House.
2. Villanueva, Voltaire et.al (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
(Akademik at Sining). Quezon City. VIBAL Publishing House.
3. Constantino, Pamela C. et.al (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik).
Manila. REX Book Store.
4. https://www.youtube.com/watch?v=-zGUappYZjY5.
5. https://prezi.com/lop6z1ybz1du/pagsulat-ng-lakbay-
sanaysay/?frame=da3a79bf780a898900ab8de924d7f28260fc7a136.
6. https://www.youtube.com/watch?v=ZGgPjikL9u4&feature=emb_logo

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

17

You might also like