You are on page 1of 24

Piling Larang Akademik

Unang Markahan – Modyul 6:


Pagsulat ng Talumpati Batay sa
Napakinggan
Filipino sa Piling Larang Akademik
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pagsulat ng Talumpati Batay sa Napakinggan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpa-
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Benipie S. Atlas
Editor: Dodge Galang
Tagasuri: Ma. Theresa Austria
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Rommel C. Bautista, CESO V (SDS)
Elias A. Alicaya Jr., Ed.D (ASDS)
Ivan Brian L. Inductivo (ASDS)
Elpidia B. Bergado, Ed.D (Chief, CID)
Maribeth C. Rieta (EPS-Filipino)
Noel S. Ortega (EPS-LRMS)
Leonila L. Custodio, RL (Librarian II)
Julie Anne V. Vertudes (PDO II – LRMS)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Office Address: Capitol Compound, Brgy. Luciano
Trece Martires City, Cavite
Telefax: (046) 419 139 / 419-0328
E-mail Address: depedcavite.lrmd@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
Akademik
Unang Markahan – Modyul 6:
Pagsulat ng Talumpati Batay sa
Napakinggan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik-


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat
ng Talumpati Batay sa Napakinggan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga gawain


susubok sa naunang kaalaman ng mga mag-
aaral. May mga pagtalakay din upang
mabigyang linaw ang kaalaman ukol sa paksa
nasusundan ng mga gawaing susukat sa na-
tutunan ng mga mag-aaral. Makikita rin ang
susing sagot sa huling bahagi at ang sanggu-
niang pinaghanguan ng mga gawain.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik- Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Talumpati Batay sa
Napakinggan

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pama-


magitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang
mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi
at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili
o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matu-


Alamin tuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaala-


Subukin man mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksy-
on.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pam-
bukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa ara-


Suriin lin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang ba-
gong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasa-
nay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng mody-
ul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong na-
tutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sit-
wasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa na-
tutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa Pagwawasto sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anu-
mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pag-
sasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas na-
katatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito
ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagsulat ng talumpati batay sa
napakinggan. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anomang kalagayan ng mag-
aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-
aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa.

Layunin:
Natutukoy ang mga paraan sa pagsulat ng talumpati ba-
tay sa napakinggan.
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggan.
Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagsulat ng ta-
lumpati batay sa napakinggan.
Subukin

Pagsasanay A:
Panuto: Basahin ang talumpati sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PAGTATAPOS SA KABILA NG PANDEMIYA


TALUMPATI NG PAGTATAPOS
Akda ni B.S.Atlas
Sa ating panauhing pandangal, punong guro, mga ulong guro, mga guro, magulang,
panauhin at kapwa ko mag-aaral, isang mapagpalang araw po sa kabila ng pandemiyang
ating pinagdadaanan.
Mabigat ang pinagdaraanan ng buong mundo sa kasalukuyan pero natutuwa ako
na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay maitatawid natin ang ating pagtatapos sa ar-
aw na ito.
Matagal tayong nagsumikap, nagpagal, at nag-antay sa araw na ito at kahanga-
hangang pinatunayan nating hindi tayo mahahadlangan ng pandemiyang ito. Upang nam-
namin ang bunga ng ating pagtatanim.
Marami sa atin ang hindi biro ang pinagdaanan, matapos lamang ang mataas na
antas ng sekondarya. Marami rin ang mga magulang na nagtiis ng maraming gutom, halos
lumuha at magpawis ng dugo, mga guro na halos lumuwa ang lalamunan upang tayo
lamang ay makatawid sa bahaging ito ng ating buhay. Kaya para sa inyo po ang kauna-
unahang palakpak naming lahat.
Sa sitwasyon na ating kinakaharap ngayon masasabi kong dito masusubok ang mga
natutunan natin sa ating pag-aaral. Kung paano natin mapagtatagumpayan ang sitwasyon
sa kabila ng Covid 19. Kung paano lalabanan ang sikolohikal, pisikal, sosyal at mental na
epekto ng pandemiyang ito. Dito natin mailalapat kung paano natin ilalapat sa ating pa-
mumuhay ang ating mga natutunan sa Gen. Bio, Gen. Math, Oral Com., DRR,UCSP at
mga pananaliksik na hinulma sa atin ng ating paaralan. Dahil ang tagumpay natin sa ka-
bila ng krisis ay matibay na resulta ng pagpapagal sa mahabang panahon ng pag-aaral.
Kaya hinahamon ko ang mga kapwa ko magsisipagtapos ngayong araw na ito.
Patunayan natin sa ating mga magulang na di nasayang ang kanilang pagtitiis at pagbib-
igay. Patunayan natin sa ating mga guro at administrasyon ng paaralan na hindi natin bi-
nalewala ang pagsusumikap nilang pandayin ang ating pagkatao at kaalaman. Higit sa la-
hat patunayan natin sa Diyos na higit kailanman, ngayon tayo higit na manalig at kumapit
sa Kanya. Muli, magandang araw ng pagatatapos sa lahat!

1.Anong paksa ng talumpating napakinggan?


2. Anong mga kaalaman ang nakuha mo mula rito?
3. Anong estilo ang ginamit sa pagpapahayag?
4. Paano mo mailalapat ang iyong karanasan sa pagsulat ng talumpati?
5. Anong simbolo ang maaari mong iugnay sa napakinggan?
Pagsasanay B:
Panuto: Itala sa kahon ang mga nabasa mong mahahalagang datos mula sa talumpati sa
itaas.

Mahahalagang Datos Mula sa Talumpating Binasa

Pagsasanay C:
Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga larawan sa talumpating binasa sa pama-
magitan ng pagpapaliwanag sa ibaba nito.

____________________________ _____________________________

________________________ __________________________

_____________________________
Aralin
Pagsulat ng Talumpati Ba-
1 tay sa Napakinggan
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang mga
paraan ng pagsulat ng talumpati batay sa napakinggan. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay
sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.

Balikan

Balikan natin ang inyong naging kasagutan sa naunang pagsasanay.Sa ba-


haging iyo ay ating nakita kung ano na ang taglay mong kaalaman patungkol sa
konsepto ng talumpati
Mula sa
Saang bahagi ng talumpati ipinapakita ang paksa?
Ano anong paraan ng paglalahad ng bawat bahagi ng talumpati?
Gaano kahalaga ang paglalagay ng mga konkretong datos sa ta-
lumpati?
Saan ka maaaring kumuha ng mga datos na gagamitin sa pagsulat
nito?
Upang maipalalim pa natin ang iyong kaalaman ukol sa paksa ay sagutan
ang mga pagsasanay sa ibaba.
Pagsasanay A:
Mula sa napakinggang talumpati sa Subukin, tukuyin kung anong elemento
o bahagi ang mga nasa bawat bilang. Gamiting gabay ang mga letra sa bawat
bilang.
__ O __ __ __L __ __ Y __ __ 1. Kaya hinahamon ko ang mga kapwa ko mag-
sisipagtapos ngayong araw na ito. Patunayan natin sa ating mga magulang na di
nasayang ang kanilang pagtitiis at pagbibigay. Patunayan natin sa ating mga guro
at administrasyon ng paaralan na hindi natin binalewala ang pagsusumikap
nilang pandayin ang ating pagkatao at kaalaman. Higit sa lahat patunayan natin
sa Diyos na higit kailanman, ngayon tayo higit na manalig at kumapit sa Kanya.
P __ __ B__ __ __ A __ 2. Mabigat ang pinagdaraanan ng buong mundo sa kasalukuyan
pero natutuwa ako na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay maitatawid natin ang
ating pagtatapos sa araw na ito.
__ A __ I __ __ __ D __ __ __ __ 3. Patunayan natin sa ating mga magulang na di na-
sayang ang kanilang pagtitiis at pagbibigay.
__ __ T __ W __ __ 4. Marami sa atin ang hindi biro ang pinagdaanan, matapos lamang
ang mataas na antas ng sekondarya. Marami rin ang mga magulang na nagtiis ng
maraming gutom, halos lumuha at magpawis ng dugo, mga guro na halos lumuwa
ang lalamunan upang tayo lamang ay makatawid sa bahaging ito ng ating buhay.
Kaya para sa inyo po ang kauna-unahang palakpak naming lahat.
Sa sitwasyon na ating kinakaharap ngayon masasabi kong dito masusubok ang
mga natutunan natin sa ating pag-aaral. Kung paano natin mapagtatagumpayan ang
sitwasyon sa kabila ng Covid 19. Kung paano lalabanan ang sikolohikal, pisikal,
sosyal at mental na epekto ng pandemiyang ito. Dito natin mailalapat kung paano na-
tin ilalapat sa ating pamumuhay ang ating mga natutunan sa Gen. Bio, Gen. Math,
Oral Com., DRR,UCSP at mga pananaliksik na hinulma sa atin ng ating paaralan. Da-
hil ang tagumpay natin sa kabila ng krisis ay matibay na resulta ng pagpapagal sa
mahabang panahon ng pag-aaral.
P __ __ __ U __ __ H __ __ __ I __ __ __ __5. Sa panahong kinakaharap sa kasalu-
kuyan, pilitin nating ilapat ang ating mga natutunan upang mapagtagumpayan ang
problemang kinakaharap.
Pagsasanay B.
Panuto: Balikan ang talumpati sa naunang bahagi. Talakayin ito sa pamamagitan ng
paghimay sa mga datos at ilapat sa pormat sa ibaba.
I.Panimula.
A.Isyu
B.Suliranin
II. Katawan-
A.Mungkahing solusyon
B.Mga resulta/ epekto
III. Kongklusyon
Pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan Mahusay Katamtamang Husay Nangangailangan pa
3 2 ng pagsasanay
1
Panimula Nailahad ng mag- Nailahad ang alinamn Hindi matukoy ang
Isyu at suliranin aaral ang mga isyu at sa isyu o suliranin isyu at suliranin sa
suliranin sa binasang ngunit kulang ng pali- binasang talumpati
talumpati wanag 1
3 2
Katawan Malinaw na naipaha- Nailahad ang alinman Hindi naipahayag ang
Mungkahing solusyon, yag ang mga solusy- sa solusyon, resulta o solusyon, resulta at
resulta at epekto on, resulta at epek- epekto ngunit kulang epekto sa binasang
tong binanggit sa ang pagpapaliwanag talumpati
binasang talumpati
Kongklusyon Malinaw na natukoy at Nailahad ang Hindi matukoy ang
naipaliwanag ang kongklusyon ngunit kongklusyon sa
kongklusyon sa kulang sa paliwanag binasang talumpati
binasa
Pagsasanay C:
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng bilang 1-7 ang bawat larawan
ayon sa dapat na pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagsulat ng talumpati na gina-
wa ng may akda sa binasang talumpati sa Subukin. Maglahad ng kapirasong paliwa-
nag para rito.

__ __

__ __

____ __

___
Tuklasin
Ang pagtatalumpati ang isa sa kadalasang kinatatakutan ng mag-aaral. Ito ay
dahil sa hilaw o kakulangan ng sapat na kaalaman ukol dito. Tatalakayin sa modyul
na ito ang pagsulat ng talumpati.
MGA BAHAGI O ELEMENTO NG TALUMPATI:
•Pambungad /introduksiyon- Dito inilalagay ang panimulang pagpapahayag.
•Pangunahing ideya- Inilalatag sa bahaging ito kung ano ang punto na gusto mong
talakayin sa talumpati
•Katawan o paglalahad- Iniisa-isa na ang mga datos o pahayag na magpapatibay sa
argumento o pahayag na iyong nais sabihin
•Paninindigan- ipinapakita rito kung anong prinsipyo ang iyong nais iparating sa
makikinig.
•Kongklusyon- Inilalagay ang pagwawakas na pahayag na maaaring magbubuod sa
talumpati, hahamon,magtatanong o maghuhudyat ng pagkilos sa mga tagapakinig
HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI:
1.Pagpili at paglimita sa paksa- Siguraduhing sa pagpili ng paksa ay mayroon kang
sapat na kaalaman rito, kawili-wili upang pakinggan at limitado lamang ang sakop
nito upang hindi masyadong mahaba ang makonsumong panahon.
2. Pagtiyak sa layunin- Sikaping matiyak kung anong partikular na layunin ang
gusto mong bigyang pansin sa talumpati.
3. Pagsusuri sa tagapakinig-gulang, katayuan, kasarian, etc- Tiyakin na bigyang
konsiderasyon sa pagsulat ang mga ito upang maging akma sa makikinig.
4. Pagsusuri sa okasyon- Mahalagang malaman ang okasyon na ipinagdiriwang sa
pagtatalumpatian upang maiangkop moa ng iyong mga sasabihin.
5. Paglilikom ng materyal- Magsagawa ng pananaliksik, obserbasyon,pagbabasa at
panayam upang makakalap ng mga datos na susuporta sa talumpati. Mahalagang
may bagong kaalaman silang marinig upang pakinggan ka hanggang sa dulo ng iyong
pagsasalita.
6. Paghahanda ng balangkas- Upang magkaroon nang maayos na sistema ang iyong
pagtatalumpati, mahalaga na nakagawa ka ng balangkas dahil nakatutulong ito sa
organisadong daloy ng talumpati.
7. Paghahanda sa talumpati- Ihanda ang isip,siguraduhing batid moa ng iyong mga
sasabihin. Ihanda rin ang pisikal , magpahinga at matulog upang magkaroon ng
lakas sa pagtatalumpati. Maaari ring magsanay sa pagsasalita.
PORMAT SA BALANGKAS NG TALUMPATI:
I.Panimula- Dito nakapaloob ang panimulang pahayag. Ito rin ang pinaka-
mahalagang bahagi dahil dito nakasalalay kung pakikinggan ka ng tagapakinig o
hindi.
A.Isyu- Ilahad ang tatalakaying isyu
B.Suliranin- Ibigay ang suliraning tatalakayin
II. Katawan- Ilahad ang mga argumento o pahayag sa tulong ng mga datos na su-
suporta rito.
A.Mungkahing solusyon- Maglahad ng solusyon sa suliraning tinalakay. Ngunit iwa-
san ang tunog ng pangangaral.
B.Mga resulta/ epekto- Ilahad ang maaaring kalabasan nito sa lahat.
III. Kongklusyon- Maglahad ng kabuuan sa mga sinabi.
PAGSULAT NG TALUMPATI:
1. Isinasaalang-alang ang uri ng wika at ang angkop na salita na magiging kaaya-aya
at maunawaan ng tagapakinig
2. Maghanda ng isang balangkas ng paghahanda at pagbubuod ng talumpati
3. Simulan ang pagsulat ng introduksiyon
4. Isulat ang kongklusyon
PAGSULAT NG TALUMPATI:
Bigyang-diin ang paggamit ng mga salitang tandisang nagpapahayag ng mga kai-
sipang makatutulong.
Paggamit ng mga tayutay
Makatutulong ang mga tayutay na ito sa pagganyak ng mga tagapakinig dahil nai-
pahahayag ang mga abstraktong ideya sa pamamagitan ng konkretong kaisipan
GAMIT NG TAYUTAY SA TALUMPATI:
Nagsasalamin ng pagpapahalaga at kaugaliang Pilipino
Hindi tahasan ang pagpapahayag upang hindi masira ang pakikipagkapwa-tao na
makikita sa mga bayanihan
Nagbibigay ng higit na makulay at pagpapakahulugang mabisa at malinaw
Higit na nagiging maganda ang pagpapahayag
Binibigyan ng bagong kahulugan ang mga salita sa karaniwang kahulugan
Upang masubok natin ang iyong natutunan sa pagtalakay na ginawa, sagutan pa ang
mga sumusunod na pagsasanay.
Suriin

Basahin ang talumpati. Pagnilayan at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

TALUMPATI NG PAGKILALA
Akda ni B.S.Atlas
Sa mga tagapakinig, panauhin, guro, magulang at kapwa ko mag-aaral,
isang magandang araw po sa ating lahat!
Sa panahong tayo ay nagpapahinga na sa bahay, nanonood ng paboritong
korea novela o ano pa mang programa sa telebisyon, sa mga panahong nakataas
pa an gating mga paa habang naglalaro ng ML, COC o DOTA, sa mga panahong
ang iniintindi lang natin ay magpaantok sa pagbabasa sa Wattpad.May mga taong
mula sa maghapong pagpapagal ay hindi magkumahog sa paghahanda ng itutu-
rong aralin at gagamitin sa klase sa susunod na araw. Mga taong kain at ihi lang
ang pahinga hanggang sa bahay. Mga taong pinipiga ang isip at lakas upang
makabuo nang makabuluhang kagamitan sa susunod na araw. Sila an gating
mga guro.
Madalas hindi natin napapansin ang mga sakripisyong ito ng ating mga gu-
ro. Madalas pa nga binabansagan natin sila at minumura nang talikuran. Mada-
las nagagalit tayo sa pangungulit nila na tayo ay magpasa, making at mag-aral.
Marami pa nga sinasagot-sagot sila nang pabalang.
Hindi ba natin naisip na nagbubuhos sila ng kanilang kaalaman upang
tayo lamang ay matuto. Gumagastos sila mula sa sariling bulsa kapag wala kang
pagkain o pamasahe.Naririyan sila sa tuwing may mga problema ka. Handa ka
niyang saluhin at itama sa madalas mong pagbagsak at pagkakamali. Iniintindi
tayo sa kabila nang paulit-ulit kang nagtatanong sa pahayag na kasasabi niya
lamang. Ilan lamang ito sa sanlibong ginagawa nila para sa ating mga mag-aaral
Sa kabila nito, nagagawan pa natin sila ng pagkakamali. Sa halip na matu-
wa sa mga pabor at panahong ibinibigay ay nagagawa pa natin silang saktan at
hamakin. Sa halip na magpasalamat ay galit ang isinusukli. Sa halip na pag-
mamahal ay pagsasawalang bahala ang ipinalit.
Sa tuwing darating tayo sa ganitong sitwasyon, balikan natin ang mga sa-
kripisyo at pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila. Alalahanin natin na sa
halip na bigyan nila ng oras ang kanilang pamilya ay madalas itong nauubos pa
sa atin. Simpleng “salamat” lamang at ngiti ay siguradong ikagagaang na ng ka-
nilang pagsasakripisyo. Muli, mga kapwa ko mag-aaral, biglang parangal natin
ang ating mga guro! Ang mga bayani sa likod ng ating pagtatagumpay!
Ano-anong bahagi ang binubuo rito?
Ilahad ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng talumpati?
Anong mga hakbang kaya ang ginawa ng may-akda sa pagbuo nito?
TANDAAN:
Binubuo ng pambungad, pangunahing ideya, ka-
tawan,paninindigan at kongklusyon ang kabuuan ng talumpating
binasa. Mahalagang alalahanin ito upang maiwasto ang porma ng pag-
sulat na gagawin.
Dapat ding isaalang alang sa pagsulat ang paggamit ng wika, kau-
galian o paniniwala ng mga taong pagsasalitaan, edad, okasyong naga-
ganap, at dahilan sa pagsulat. Upang maiakma at makaugnay ang mga
tagapakinig.
Mahalaga ring pagdaanan ang mga hakbang sa pagsulat nito gaya
ng pagpili ng paksa, pagsusuri sa layunin,napakinggan, okasyon, ma-
terial, pagbuo ng balangkas at paghahanda sa pagtatalumpati.
Pagyamanin

Upang mapagyaman pa ang kaalamang taglay mo na, ay ipagpatuloy mo pa ang pag-


sasagawa sa mga pagsasanay sa ibaba.
Pagsasanay A:
Mula sa binasang talumpati sa Suriin, ipaliwanag kung paano isinulat ang bawat ba-
hagi sa ibaba. Kung saka-sakaki na mahirapan kang tukuyin ang sagot sa bawat ba-
hagi ay muli mong balikan ang bahaging Tuklasin.

I.Panimula
A.Isyu
B.Suliranin
II. Katawan
A.Mungkahing solusyon
B.Mga resulta/ epekto
III. Kongklusyon

Ngayong natukoy natin ang mga elemento ng talumpati batay sa sinuring akda,
subukan mo naming sagutan ang susunod na pagsasanay upang upang maipasok
naman natin ito sa iyong karanasan.
Pagsasanay B:
Kung dadagdagan mo ng datos o karanasan ang pinakinggang talumpati, ilahad ang
mga maaari mong isama rito. Maaari ring kapanayamin ang kasama sa bahay upang
makapagdagdag ng kaalaman dito. Sumulat ng maikling katawan ng talumpati.

Pagsasanay C:
Iugnay ang narinig na talumpati sa poster na nasa ibaba. Ilahad ito sa pamamagitan
ng pagsulat ng maikling talumpati tungkol dito. Kung hindi ka pa sigurado sa iyong
isusulat ay maaari kang manood sa telebisyon o internet ng mga talumpati.
Isaisip

Batay sa mga pagsasanay at pagtalakay na ginawa, paano ka susulat ng isang ta-


lumpati?

Saang mga pagkakataon natin maaaring magamit ang kaalaman sa pagsulat nito?
Paano?

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagsulat ng talumpati


sapagkat magagamit mo ito sa pagpapakilala ng tao sa programa, pagpapahayag ng
iyong kaalaman ukol sa isang paksa sa ibang tao at sa marami pang pagkakataon na
maatasan kang magsalita sa harap ng mga tao. May pagkakataon din na mapili kang
kumamdidato sa samahan ng mga mag-aaral o sa politiko sa hinaharap. Ang pagka-
karoon ng sapat na kaalaman dito ay magagamit mong lubusan.
Isagawa
Pagsasanay A:
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon sa ibaba ang pasok sa mga konseptong
ito at MALI kung hindi.
1. Masusing pinag-iisipan ni Maria ang magiging sentro ng kanyang susulating
talumpati.
2. Kapag may naisip ka nang paksa ay isulat na agad ito.
3. Tinutukoy niya kung ano ang layunin mo sa gagawing talumpati.
4. Sinisiguro niya na naunawaan niya at napili ang mga narinig na magagamit sa
susulatin.
5. Sumulat ng talumpating angkop sa lahat ng okasyon.
6. Inaalam ni Maria kung anong pagdiriwang ang kanyang dadaluhan.
7. Iniisa-isa niya ang mga datos at materyal na gagamitin sa pagsulat.
8. Isinusulat na diretso ang pinal na sulatin na babasahin.
9. Bumubuo ka ng balangakas upang maihanay ang mga ideyang gagamitin.
10. Natutulog ka nang maayos, nag-eensayo sa salamin, sinasanay ang pag-
bigkas, ilang araw bago ka magsagawa ng talumpati.
Pagsasanay B:
Panuto: Mula sa napakinggang talumpati sa naunang bahagi, bilugan sa loob ng
kahon ang mga dapat mong isaalang alang kapag gumagawa ka ng talumpati.
Isangguni rin ito sa iyong kasama sa bahay at makipagpalitan ng paliwanag.

Haba ng talumpati uri ng wikang gagamitin


Mabisang pagpapakahulugan paggamit ng balbal na salita
Paggamit ng tayutay kaugalian at paniniwala

Pagsasanay C:
Naranasan mo na ba ang nasa larawan?
Sumulat ka mula ng maikling talumpati upang makaiwas sa pagkakasakit, lalo na
ngayong laganap ang Covid 19. Maaari kang magsaliksik sa mga patalastas sa
telebisyon, brochure na ipinamimigay ng Health center o nababasa at naririnig na
balita.
Tayahin

Mula sa iba’t ibang pagsasanay na ating isinagawa ay sukatin natin ang iyong
mga natutunan.
Pagsasanay A:
Panuto : Tulungan mo akong malaman ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang na dapat kong isagawa upang matagumpay na makagawa ng talumpati.

Naatasan ako na maging kinatawan ng aming klase para sa gaganaping palig-


sahan sa pagtatalumpati. Ano kaya ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang na dapat kong gawin? Lagyan mo ng bilang 1-7 sa patlang.
___ Pagtiyak sa layunin
___ Paghahanda ng balangkas
___ Pagsusuri sa okasyon
___ Pagpili at paglimita sa paksa
___ Paghahanda sa talumpati
___ Pagsusuri sa tagapakinig-gulang, katayuan, kasarian, etc
___ Paglilikom ng material
Pagsasanay B:
Panuto: Makinig ng balita o mga dokumentasyon tungkol sa New Normal setting.
Kung ikaw ay pasusulatin ng talumpati tungkol dito, bumuo ka nga ng balangkas na
maaari mong maging batayan sa gagawin pagsulat sa temang napakinggan.
Pagsasanay C:
Panuto: Mula sa mga larawan, anong mga larawan o konsepto ang maaari mong
gamitin sa pagsulat sa isyu ng new normal.
Karagdagang Gawain

Panuto: Mula sa balangkas na ginawa sa pagsasanay 2 at mga kaalaman mula sa


mga larawan sa pagsasanay 3 sa naunang bahagi, sumulat ng talumpati na pu-
mapaksa sa New Normal setting sa Pilipinas. Gamiting gabay ang pamantayan sa iba-
ba.

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Husay Nangangailangan pa


5 3 ng pagsasanay
1
Elemento ng talumpati Mahusay na nailahad Nakapaglahad ng Hindi naging maayos
ang wastong elemento ilang elemento sa isin- ang pagkakanay ng
ng talumpati ulat na talumpati mga elemento sa isin-
ulat na talumpati
Nilalaman Mahusay na nakapa- Nakapaglahad ng ni- Hindi naging maayos
glahad ng angkop na lalaman ngunit hindi ang paglalahad ng
nilalaman sa talumpat- lahat ay angkop dito nilalaman
ing isinulat
Wastong gamit ng Mahusay at wasto ang Nagamit ang wika Hindi naging maayos
wika at gramatika pagkakagamit ng wika ngunit may ilang ang pagkakagamit ng
at gramatika pagkakamali sa wika at gramatika.
gramatika
Kahalagahang pan- Naipakita ang kahala- Nagpakita ng ilang Walang naipakitang
lipunan gahang panlipunan ng kahalagahang pan- kahalagahang pan-
talumpating isinulat lipunan sa talumpating lipunan sa talumpating
isinulat isinulat.
Isagawa:
Tayahin: Balikan:
Pagsasanay A
Pagsasanay A: Pagsasanay A:
2 TAMA Kongklusyon
6 MALI Pambungad
4 TAMA Paninindigan
1 TAMA Katawan
7 MALI Pangunahing
3 TAMA ideya
5 TAMA
Pagsasanay B MALI
Face mask TAMA
Social distancing TAMA
Work from home
Bisikleta Pagsasanay B.
curfew
~ Mabisang
pagpapaka-
hulugan
~Paggamit ng
tayutay
~Uri ng wikang
gagamitin
~Kaugalian at
paniniwala
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
•Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro
• Lolita T. Bandril at Voltaire M. Villanueva.Pagsulatsa Filipino sa Pil-
ing Laangan (Akademik at Sining).Quezon City, Phillippines.Vibal
Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al.Filipinosa Pil-
ing LaranganAkademik. Malabon City. Jimczyville Publications. 2016
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like