You are on page 1of 17

Piling Larang Akademik

Ikalawang Markahan – Modyul 13:


Pagbuo ng Sulating May Batayang
Pananaliksik
Filipino sa Piling Larang Akademik
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 13: Pagbuo ng Sulating May Batayang Pananaliksik
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magka-
roon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpa-
man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Benipie S. Atlas/ Dodge Galang
Editor: Dodge Galang
Tagasuri: Ma. Theresa Austria
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Rommel C. Bautista, CESO V (SDS)
Elias A. Alicaya Jr., Ed.D (ASDS)
Ivan Brian L. Inductivo (ASDS)
Elpidia B. Bergado, Ed.D (Chief, CID)
Maribeth C. Rieta (EPS-Filipino)
Noel S. Ortega (EPS-LRMS)
Leonila L. Custodio, RL (Librarian II)
Julie Anne V. Vertudes (PDO II – LRMS)

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Schools Division Office of Cavite
Office Address: Capitol Compound, Brgy. Luciano
Trece Martires City, Cavite
Telefax: (046) 419 139 / 419-0328
E-mail Address: depedcavite.lrmd@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
Akademik
Ikalawang Markahan–Modyul 13:
Pagbuo ng Sulating May Batayang
Pananaliksik
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Akademik-


Baitang 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagbuo ng
Sulating May Batayang Pananaliksik

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong ta-
gapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, pan-
lipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasa-
nayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga gawain


susubok sa naunang kaalaman ng mga mag-
aaral. May mga pagtalakay din upang
mabigyang linaw ang kaalaman ukol sa paksa
nasusundan ng mga gawaing susukat sa na-
tutunan ng mga mag-aaral. Makikita rin ang
susing sagot sa huling bahagi at ang sanggu-
niang pinaghanguan ng mga gawain.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Akademik- Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol araling Pagbuo ng Sulating May Batayang
Pananaliksik

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pama-


magitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang
mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi
at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili
o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matu-


Alamin tuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaala-


Subukin man mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksy-
on.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pam-
bukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa ara-


Suriin lin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang ba-
gong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasa-
nay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng mody-
ul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong na-
tutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sit-
wasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa na-
tutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Susi sa Pagwawasto sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anu-
mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pag-
sasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas na-
katatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutu-
long upang matutuhan ang tungkol sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay. Ang sakop ng modyul ay
magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng
pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan.

Layunin:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng replektibong sanaysay.


2. Natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin sa pagsulat ng replektibong sa-
naysay.
3. Nakabubuo ng isang napapanahong replektibong sanaysay batay sa panana-
liksik.
Subukin

Suriin ang bawat kaisipan at tukuyin kung ito ay TAMA o MALI.


1. Ang introduksyon ang nagtataglay at nagsisilbing puso ng sulatin.
2. Higit na epektibo ang sulatin na tumatalakay sa napapanahong mga isyu.
3. Ang paggawa ng balangkas ay maaaring gawin pagkatapos ng pagbuo ng sulatin.
4. Ang paglalagay ng pamagat o titulo ng sulatin ay kinakailangan upang maging ka-
pani-paniwala ang sulatin.
5. Ang kongklusyon ang magsisilbing pampinid na bahagi ng sulatin.
6. Nakatutulong ang paggawa ng balangkas upang magkaroon ng organisasyon ang
binubuong sulatin.
7. Ang pagbuo ng replektibong sanaysay ay maproseso at nangangailangan ng ma-
susing paghahanda.
8. Ang manunulat na may kredibilidad ay matapat sa kanyang isinusulat.
9. Sa huling bahagi ng sulatin matatagpuan ang mga karanasan, saloobin, pananaw,
at perspektibo ng manunulat tungkol sa paksa ng kaniyang sulatin.
10. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay maihahalintulad sa pagsulat ng piksy-
onal na mga sulatin.
Aralin
Pagbuo ng Sulating Batay sa
1 Pananaliksik
Mahalaga sa pag-aaral at akademikong gawain ang pagsulat ng replektibong
sanaysay. Ngunit kadalasan ay hindi nabibigyan ng linaw ang konsepto nito at kahal-
agahan nito sa buhay ng mag-aaral at sa karerang pipiliin sa hinaharap.

Balikan

Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang, isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Magtala ng tatlong layunin ng pagsulat ng replektibong sanaysay.

2. Magtala ng mga katangian na dapat taglayin ng isang replektibong sanaysay.

Mga Tala para sa Guro


Tandaan: Tiyaking naunawaan at masunod ang mga panuto sa pag-
sasagot. Maging matapat sa pagsasagot at pagwawasto nito. Maglaan ng
isang kuwaderno para sa mga modyul sa asignaturang ito, ang mga
pahina ng kuwaderno ang magsisilbing sagutang papel.
Tuklasin

Ating tuklasin ang mga hakbang sa pagsulat ng replektibong sanaysay.


1. Tukuyin ang isyu o paksa na magiging tuon ng papel.

Mahalaga ang pagtukoy sa magiging paksa ng sulatin upang magkaroon ng pokus

ang manunulat sa mga ideya na kanyang ilalatag. Pag-isipan nang mabuti ang kara-
nasan o ideya na nais ibahagi at pagnilayan. Higit na magiging epektibo at kapaki-
pakinabang ang sulatin kung ito ay tumatalakay sa mga napapanahong usapin.
2. Kapag malinaw na ang paksa, magpasiya sa magiging daloy ng kaisipan sa pa-
mamagitan ng paggawa ng balangkas.
Paghandaan ang magiging daloy ng mga ideya na ilalahad sa sulatin, magsaliksik
kung kinakailangan, itala ang mga punto na nais bigyang-diin sa sulatin at mula rito
ay maaaring bumuo ng balangkas o outline upang magkaroon ng organisayon ang ihi-
nahandang sulatin. Maaari rin na lagyan ng titulo o pamagat ang isusulat na sa-
naysay.
3. Pagtuunan ng pansin ang introduksyon. Siguraduhing nakapupukaw ang
paraan ng paghahabi ng ideya.
Matapos gumawa ng balangkas, maaari na magsimula sa pagsulat. Mahalaga ang gampa-
nin ng unang bahagi ng sulatin sapagkat sa bahaging ito dapat mapukaw at makuha ng ma-
nunulat ang atensyon at interes ng mga mambabasa. Maaaring gumamit ng mga pahayag,
kataga, o salita na magsisilbing pambungad na bahagi ng introduksyon. Maaaring magbigay
in ng katanungan (retorikal man o hindi) na may kaugnayan sa paksa upang maengganyo
ang mga mambabasa na hanapin ang kasagutan nito sa mismong sulatin.
4. Sa katawan ng sulatin, ilatag ang iyong tunay na karanasan, saloobin, pananaw, at
perspektibo tungkol sa paksa ng sulatin.
Ito ang magiging puso ng iyong sulatin, maging matapat sa pagsulat ng mga naiisip at na-
raramdaman. Maaaring maglatag ng mga testimonya na may kauganayan sa paksa ng su-
latin, maging totoo sa mga ilalahad dahil ang isang manunulat na may may kredibilidad ay
laging matapat sa kaniyang isinusulat.
5. Sikaping mag-iwan ng kaalaman at aral sa mga mambabasa sa huling bahagi ng su-
latin.
Ang konglusyon ang pipinid ng iyong sulatin, sikaping mag-iwan ng mga ideya na tatatak sa
kaisipan ng mga mambabasa. Maaari ring mag-iwan ng katanungan para sa mga mambaba-
sa. Ito ang magtutulak sa kanila na magkaroon pa ng mas malalim na pagsaliksik sa mga
kaisipan na nabanggit sa sulatin.
Suriin

Pagsasanay A:
Punan ang patlang sa bawat bilang at isulat ang wastong titik sa sagutang papel.
1. Ang pagtukoy sa paksa ng sulatin ay mahalaga upang magkaroon ng
_______________ ang manunulat sa mga ideya na kanyang ilalahad.
a. ideya
b. patnubay
c. pokus
2. Ang ______________ ang magsisilbing pampinid ng sulatin, sikaping mag-iwan ng
mga ideya na tatatak sa kaisipan ng mga mambabasa.
a. katawan
b. kongklusyon
c. panimula
3. Maaaring bumuo ng _______________ upang magkaroon ng organisayon ang ihi-
nahandang sulatin.
a. balangkas
b. sulatin
c. pananaliksik
4. Ang manunulat na may _________________ ay matapat sa kanyang isinusulat.
a. karanasan
b. kredibilidad
c. pinag-aralan
5. Sa pagbuo ng introduksyon, kinakailangang mailatag nang mabuti ang mga
ideya, dapat _______________ nito ang atensyon, damdamin, at/o interes ng mamba-
basa.
a. mapanatili
b. madagdagan
c. mapukaw
Pagsasanay B
Panoorin ang dokumentaryong https://youtu.be/41z0nQ26Sy4 na pinamagatang At
Tumigil ang Mundo.. Dokumentaryo ni Atom Araulio tungkol sa Covid 19
Magtala ng sampung repleksiyong pangungusap mula rito.
Pagyamanin

Pagsasanay A
Pagsunod-sunorin ang proseso sa pagbuo ng replektibong sanaysay sa pama-
magitan ng paglalagay ng numero (1-7).
_____Paghahanap ng malikhaing paraan upang simulang ang sanaysay.
_____Paglalahad ng pahayag na mag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.

_____Paghanap ng paksa/usapin na maaring talakayin sa sanaysay.


_____Paglalahad ng mga karanasan, pananaw, saloobin, at perspektibo
tungkol sa paksa.
_____Pagsasaliksik sa ideya na magiging pokus ng tatalakayin sa sulatin.
_____Pag-iisip ng pamagat/titulo ng bubuoing sulatin.
_____Pagbabahagi ng realisasyon o aral mula sa naging karanasan.
Pagsasanay B:
Mula sa dokumentaryong pinanood sa unang bahagi ng gawain, sumulat ng isang
replektibong sanaysay mula rito.
Nilalaman- 6
Organisasyon- 4
Wastong gamit ng wika -4
Repleksyon-10
Kabuuan- 20
Isaisip

Kumpletohin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

a. Ang natutuhan ko na sa aralin na ito ay . . .

b. Nais ko pang malaman/matutuhan ang tungkol sa . . .

c. Nais kong ibahagi ang aking natutuhan sa pamamagitan ng . . .

Isagawa

Basahin ang mga tanong sa ibaba, ibahagi ang iyong ideya at isulat sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng nilalaman ng araling ito?

2. Sa anong bagay mo maihahalintulad ang pagbuo ng replektibong sanaysay?

3. Paano mo magagamit ang iyong natutuhan sa iyong pang-araw-araw na


buhay?
Tayahin

Pagbuo ng Replektibong Sanaysay


Sumulat ng replektibong sanaysay sa tumatalakay sa New Normal Setting. Sig-
uraduhing ang pagsunod sa proseso ng pagbuo ng replektibong sanaysay. Mag-
saliksik bago magsulat. Isaalang-alang ang maingat na paggamit sa wika.
Paalala: *Ang balangkas ay dapat maisulat sa sagutang papel bago pa man maisulat
ang pinal na kopya ng sanaysay. *Ang sanaysay ay hindi dapat lalampas sa 300 na
salita at marapat lamang na nakasulat sa wikang Filipino.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Replektibong Sanaysay
KATANGIAN PUNTOS

10 6 3 1

POKUS AT DE- May isang malinaw at May isang malinaw May isang paksa. Hindi malinaw ang
TALYE tiyak na paksa na at tiyak na paksa, Hindi gaanong ma- paksa at ang mga
sinusuportahan ng ngunit hindi detal- linaw ang mga su- argumento
mga detalyadong yado ang mga su- portang impormasy-
impormasyon o argu- portang impormasy- on.
mento. on.
ORGANISASYON Kawili-wiling basahin May instroduksyon, May introduksyon, Hindi malinaw ang
ang introduksiyon, mahusay na pagtala- pagtalakay, at pag- introduksyon,
naipakilala nang ma- kay, at may karam- tatapos o kongklusy- pagtalakay, at
husay ang paksa. patang pagtatapos o on. pagtatapos o
Mahalaga at nauukol kongklusyon. kongklusyon.
sa paksa ang mga
impormasyon na
ibinabahagi sa isang
maayos na paraan.
Mahusay ang pagtata-
pos o kongklysyon.
TINIG NG MANUN- Malinaw ang intensy- May intensyon at May kaunting kalina- Hindi malinaw ang
ULAT on at layunin ng ma- layunin ang manunu- wan at intensyon at intensyon at
nunulat. Kapansin- lat. May kaalaman sa layunin. Limitado ang layunin ng manun-
pansin ang kahusayan paksa. kaniyang kaalaman. ulat.
ng manunulat sa
paksa.
ORIHINALIDAD Kapani-paniwala at Kapani-paniwala at Nasasabi ng manunu- Naglalahad ng
orihinal ang lahat ng orihinal ang ilang lat ang nais sabihin kaisipan ngunit
inilahad na mga ideya inilahad na ideya at/ ngunit hindi kapani- hindi orihinal at
at/o kaisipan. o kaisipan. paniwala. hindi kapani-
paniwala.
BANTAS AT Walang pagkakamali May 1-4 na pagkaka- May 5-8 na pagkaka- May higit sa 8 na
PAGBABAYBAY sa pagbabantas at mali sa pagbabantas mali sa pagbabantas pagkakamali sa
pagbabaybay. at pagbabaybay at pagbabaybay pagbabantas at
pagbabaybay
MARKA .
Karagdagang Gawain

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Makatutulong ba sa mga mambabasa ang isinulat mong sanaysay?

2. Paano magiging kapaki-pakinabang ang iyong sulatin sa ating lipunan?

3. Anong mga paksa pa ang maaarin mong gamitin sa pagsulat ng replek-


tibong sanaysay?
Pagyamanin Suriin Subukin
4 1. C 1. M
7 2. B 2. T
1 3. A 3. M
5 4. B 4. M
2 5. C 5. T
3 6. T
6 7. T
8. T
9. M
10. M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), SIBS Publishing House, Inc. Quezon City
Google
https://modules.arvicbabol.com/files/FILI121/Aralin%207%20Replektibong%20sanaysay.p
https://prezi.com/p/drvyyjkkt-bf/replektibong-sanaysay/

You might also like