You are on page 1of 7

LINANGIN

I. LAYUNIN
PAG-UNAWA SA BINASA
 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa
tunay na buhay sa kasalukuyan.
PAGLINANG NG TALASALITAAN
 Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag sa parabula.
II. PAKSA
PANITIKAN: Parabula (Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan)
(Mateo 20: 1-16)
Kagamitan: libro ng Hinirang 9 (page 210-216)
Bilang ng Araw : 2 Sesyon
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral A K T I B I T I

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: Pick and Share

Ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag upang


mas mapalawak ang kanilang kaalaman. Ang matalinghagang pahayag na nakuha sa
loob ng kahon ay ipaliliwanag.
“Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”.

“Sino sa inyo ang may isandaang tupa at nawala ang isa, hindi ba niya iiwanan ang
siyamnapu't siyam sa ilang at hanapin ang nawawalang tupa hanggang makita ito? 5
Kapag nakita niya, papasanin niya ito sa kaniyang balikat na nagagalak”.

“Ang magsaya at magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at
muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan”

2. Presentasyon ng Aralin
 Ipabasa ang parabulang “ Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”
 Ipasuri sa klase ang ibinigay na pagpapakahulugan ng may-akda sa pamagat.

3. Pangkatang Gawain
Pangkat 1

Ihambing Mo!

Ihahambing ng mga mag-aaral ang mga salitang binanggit sa parabula at ilagay kung saan nais
paghambingan at patungkulan.

Binanggit sa Parabula Nais Paghambingan at Patungkulan

Ubasan
Manggagawa

Upang salaping pilak


Oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo,
ikalima

Pangkat 2

Message Sent!

Bumuo ng sariling salaysay tungkol sa kung ano ang nais ipahatid ng mensahe ng parabula.
Mensahe ng Parabula
Pangkat

Role Play

Patunayan na ang naganap sa parabula ay maaaring maganap sa kasalukuyan.

Pangkat 4

Pick Me!

Pumili ng mga bahagi mula sa parabula at ihambing ito sa kalagayan ng tao sa kasalukuyan upang
matiyak kung tunay na nagaganap ito sa tunay na buhay.

Bahagi mula sa Parabula Pag-uugnay sa Tunay na Buhay


RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman atLubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
Organisasyon ng naipahatid ang nilalaman o naiparating ang ang nilalaman o
mga Kaisipan o nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
Mensahe (4) kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
manonood (4) manonood (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon (2) pangkat sa presentasyon (0)
presentasyon (3) presentasyon (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng ng pagkakaisa
Kooperasyon (3) pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang ang bawat
bawat miyembro sa kanilang bawat miyembro miyembro sa
sa kanilang gawain (2) sa kanilang kanilang gawain
gawain (3) gawain (1) (0)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain


5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa
ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro.
ANALISIS
1. Paano inilarawan ang dalawang uri ng manggagawa sa ubasan? Pangatuwiranan.
2. Ipaliwanag kung bakit ubasan ang ginamit na tagpuan sa parabula.
3. Makatuwiran ba na magreklamo ang manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa
nakapasong init ng araw sa upang kanyang tinanggap? Bakit?
4. Sa palagay mo, tama ba na pare-pareho ang upang ibibigay mo sa iyong manggagawa kahit
iba’t ibang oras sila nagtrabaho?
5. Sa panahon ngayon, may mga tao pa bang katulad ng may-ari ng ubasan? Sa anong mga bagay
o gawi sila nagkakatulad?

7. Pagbibigay ng Input ng Guro


Alam mo ba na…

Ang parabula ay nagtuturo ng tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na


magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita


ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang
nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng
Kaharian ng Diyos.

ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGAN MO! Bubuuin ng mga mag-aaral ang mga pahayag
upang makabuo ng mabisang pag-unawa sa aralin.

“Matapos kong mabasa ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan, nalaman ko at natimo
sa aking isipan na ____________. Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang
___________. Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon
___________”.
APLIKASYON
Mungkahing Estratehiya: TABLEAU Magbigay ng pangyayaring hango sa parabulang
binasa. Iugnay ito sa buhay ng tao.
EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa
marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinhagang pahayag na lumilinang sa
mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
a. pabula b. parabula c. anekdota d. talambuhay
2. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang:
a. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis. b. lahat ay may pantay-
pantay na karapatan ayon sa napag-usapan c. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis d.
mahalaga ang oras sa paggawa
3. Makikita sa bibliya (Bagong Tipan) Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
a. Mateo 20:11-16 b. Lucas 12:1-16 c. Mateo 20:1-16 d. Lucas 12:11-16
4. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa:
a. pautang b. bayarin c. utang d. kaukulang bayad sa paggawa
5. Ang parabulang “ Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” ay tungkol sa:
a. pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus
b. pangyayaring naganap noong panahon ng digmaan
c. pangyayaring naganap noong nililikha pa ang mundo
d. pangyayaring naganap noong panahon ni Noah

Susi sa Pagwawasto
1. B 2. B 3. C 4. D 5. A
Pagkuha ng Index of Mastery
Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng kanilang pagkatuto.
INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN
 Magsaliksik ng iba pang parabula na mula sa Kanlurang Asya na kinapulutan mo ng aral.
 Bigyang kahulugan ang parabulang nasaliksik.
 Pag-aralan ang metaporikal na pagpapakahulugan sa mga salita at pahayag.

You might also like