You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND TECHNOLOGY


Bangued Campus
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
AY: 2022-2023

Pangalan: CALISTE, JOHN AXEL T. Semester: 1st semester


Curso at Lebel ng taon: BSED FILIPINO2 Course code: FIL114
Pamagat ng Asignatura: SANAYSAY AT TALUMPATI
Instructor: Gng. Mary Joy Corpuz
Paksa: Pagsulat ng espesyal na Balita, Pakikipanayam at pag sulat ng Interbyu IRA

I. LAYUNIN
Nagpapasagawa ng isang PAKIKIPANAYAM O interbyu sa mga taong may malawak na
kaalaman tungkol sa isang paksa.
II. PAKSANG ARALIN
a) Pakikipanayam at pag sulat ng interbyu
Kagamitan: Laptop, TV/Projector, Pisara At Tisa
III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro

A. Panimulang Gawain
*Panalangin
- Tayo ay manalangin, (Pangalan ng Mag-aaral) iyong pangunaha ang panalangin.

*Pagbati
- Magandang umaga/hapon para sa ating lahat. Akoy bigyan ng pagkakataon na
ipakilala ang aking sarili para sa inyong lahat, Ako si John Axel T. Caliste, ang inyong
guro ngayong araw.

*Pagtatala ng liban
- (Class Secretary), maaari mo bang sabihin kung sino ang lumiban ngayong araw sa
klase?

B. Balik aral
- Natalakay na natin ang pag sulat ng espesyal na Balita, ngayon atin namang talakayin
ang Pakikipanayam at pagsulat ng interbyu.
Handa na ba ang lahat?

C. Pagganyak
- Naranasan mo na bang magsagawa ng isang pakikipanayam o interbyu?

- Ano-ano ang mga ginawa mong hakbang habang isinasagawa ito?


- Sa mga ginawa mong hakbang, tama kaya ang mga ito o pansariling diskarte lamang
ang ginamit mo?

D. Paglalahad
ANO ANG PAKIKIPANAYAM O INTERBYU?

Ang pakikipanayam o panggagalugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng


pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais eating makuha
ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan
na nagtataglay ng ganap na kaa- laman sa nais nating mabatid.

E. Pagtatalakay
May "MGA URI NG PAKIKIPANAYAM AYON SA BILANG" ng taong kasangkot

1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam


- ito'y pagharap ng dalawang tao, ang isa'y nagtatanong na siyang kinakapanayam
(interviewee) at ang isa'y kumakapanayam (interviewer).

2. Pangkatang pakikipanayam
- higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam sa uring ito.

Maaari namang isa lamang ang kinakapanayam at marami ang kumakapanayam


katulad ng isang artistang nagbigay ng isang press conference, maraming
mamamahayag ang kumakapanayam sa kanya.

3. Tiyakan at Ditiyakang Pakikipanayam (Directive or Non-directive)


- Sa tiyakang pakikipanayam ang mga tanong ang sasagutin nang tiyakan ng
kinakapanayam. Kapag nagbibigay lamang ng ilang patnubay na katanungan ang
kumakapanayam sa kinakapanayam at nagsasalita nang mahaba ang kinakapanayam,
ito'y di-tiyakang pakikipanayam.

4. Masakalaw na pakikipanayam (depth interview)


- sa uring ito, ang kumakapanayam ay nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan
ay inga opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.

Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam o Interbyu


1. Makipagsundo sa taong kakapanayamin tungkol sa petso oras at lugar kung saan
gaganapin ang panayam .
2. Magsuot ng tamang kasuotan at maging magalang sa pagtatanong.
3. Maghanda ng balangkas ng mga itatanong.
4. Itala sa pinakamabilis na paraan ang mga nakuhang impormasyon.
5. Gawing magaan at kawili-wili ang pakikipagpanayam.
6. Isaayos ang nakuhang impormasyon.
Pagsulat ng Interbyu

1. Isulatd ang salaysay matapos ang interbyu.


2. Uriin ang interbyung isusulat tulad ng: nagbibigay ng impormasyon, opinyon,
lathalain o ang lahat ng ito.

2.1. Impormasyon o nagbibigay kaalaman


– ito’y naglalahad sa mga mahahalagang pangyayari.

2.2. Opinyon- Interbyu


– naglalahad sa mahahalagang pananaw o palagay.

2.3. Lathalain o Featured interbyu


–naglalahad ng pagkataong kinapanayam, ang mga Gawain at mga interes.

2.4. Pinagsama-samang interbyu


–ito ay may katangian tulad ng lathalain, impormasyon at opinyon.

3. Piliin at suriing mabuti ang mga naitala.

4. Bumuo ng mga tala at sumulat ng balita.

5. Hangga’t maaari ipakita ang mga siniping salita sa kinapanayam.

Ang paggawa ng isang interview para sa balita ay isang proseso na nangangailangan


ng maingat na paghahanda at pagpaplano. Narito ang ilang mga hakbang na maaari
mong sundan:

1. Paghahanda
2. Pagpaplano
3. Pagsasagawa ng interbyu
4. Pagsulat ng balita

1. Paghahanda: Bago ka magpa-interview, kailangan mong malaman ang lahat ng


impormasyon tungkol sa iyong interviewee at sa paksa na pag-uusapan. Ito ay
makakatulong sa iyo na maghanda ng mga tanong na magbibigay ng malalim at
makabuluhang sagot.
2. Pagpaplano ng mga Tanong: Kailangan mong magplano ng mga tanong na
magbibigay sa iyo ng impormasyon na kailangan mo para sa iyong balita. Ang mga
tanong ay dapat na direktang nauugnay sa paksa at dapat na magbigay ng malinaw
na sagot.
3. Pagsasagawa ng Interview: Sa araw ng interview, kailangan mong maging handa
at kalmado. Siguraduhing nauunawaan mo ang mga sagot ng iyong interviewee at
huwag matakot na magtanong ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan.
4. Pagsusulat ng Balita: Matapos ang interview, kailangan mong isulat ang balita
batay sa impormasyon na nakuha mo. Siguraduhing tama at balanse ang iyong
report, at huwag kalimutan na isama ang mga mahahalagang detalye mula sa
interview.
Narito ang isang halimbawa:

Pamagat: “Mga Plano ni Mayor sa Pagpapaunlad ng Lungsod, Ibinahagi sa Isang


Eksklusibong Interview”
Lead: “Sa isang eksklusibong interview, ibinahagi ni Mayor ang kanyang mga plano
para sa pagpapaunlad ng lungsod. Ayon sa kanya, ang kanyang administrasyon ay
nakapokus sa pagpapabuti ng mga serbisyo publiko at paglikha ng mga trabaho para sa
mga residente.”
Detalye ng Interview: “Nagbigay si Mayor ng detalye tungkol sa kanyang mga plano,
kabilang ang pagpapabuti ng mga ospital sa lungsod, pagtatayo ng mga bagong
paaralan, at paglikha ng mga programa para sa mga kabataan. Ayon sa kanya, ang mga
ito ay bahagi ng kanyang layunin na gawing mas maunlad at mas maganda ang buhay
ng mga residente ng lungsod.”

Konklusyon: “Sa kabuuan, ang mga plano ni Mayor para sa lungsod ay nagpapakita ng
kanyang dedikasyon at pangako na gawing mas maunlad ang kanyang nasasakupan. Sa
mga susunod na buwan, aabangan natin ang mga pagbabago na ito.”

F. Pagganap
Ngayon hatiin natin sa apat ang klase bawat grupo ay may tatayong representate sa
harapan.

PANUTO: Gumawa ng isang maikling interbyu na tumatalakay sa mga napapanahong


isyu ngayon, at pagkatapos na bumuo/gumawa ng isang maikling interbyu ay ituy
isasadula sa harapan. Gawin ito sa loob ng 20 minuto
G. Paglalahat

Anong nga ulit ang pakikipanayam?


Ano naman ang mga Uri nito?
Paano ulit ang pag gawa, buo o sulat ng isang interbyu?
Lubusan nyo na ngang naunaawaan kung ano ang ibig sabihin ng pakikipanayam at
pag buo/sulat ng inrebyu.

E. Ebalwasyon

Ngayon para sa inyong indibidwal na Gawain


Kayo ay gumawa o sumulat ng isang interbyu na tumatalakay sa edukasyon, isulat ito
sa isang buong papel. Gawin ito sa loob ng 15 minuto

IV. TAKDANG ARALIN

Para sa inyong TAKDANG ARALIN

Kayo ay mag sagawa ng isang interbyu para sa inyong mga kapitan o brgy officials na tumatalakay
kung papaano o kung malaki ba ang pinag bago ng inyong brgy at kung ano ano ang kanilang mga
ginawang hakbang para sa pagbabago ng inyong brgy. Ilagay ito sa isang malinis na long Bond paper.

You might also like