Professional Documents
Culture Documents
I. Panimula
Kung isang araw sabihan ka ng kaibigan mo na “Alam mo, ang weirdo mo!” Ano ang
magiging reaksyon mo? Dedma ka lang ba,matutuwa ka ba o maiinis?
Nagsimula ang teoryang Queer noong kalagitnaan ng dekada ’90 pinag-ugatan nito ang pag-
aaral ng femenistang pananaw. Mula sa pag-aaral sa social costruction, sekswalidad at identidad
ng tao . Sa kalaunan, naging pag-aaral na ito na sinusuri ang mga bagay na itinuturing na nasa
kategoryang normative at deviant na sinusuri ang pagiging kaiba o hindi karaniwang gawi at
pagkakakilanlan.Sa madaling salita pag-aaral ito tungkol sa mga bakla/lesbiana.
Upang higit na maunawaan ang kaisipang taglay ng teoyang ito, mahalagang maunawaan ang
pagkakaiba ng kasarian (seks), jender, at sekswalidad. Tumutukoy ang kasarian sa pagiging
babae at lalake ng indibidwal. Ang jender ay ang gawaing nagpapakita ng gawi o kilos ng
pagpapakababae (femininity) at pagpapakalalkr (masculinity) na itinuturing na itinakda ng
lipunan. Ang sekswalidad naman ay ang pagiging homosekswal o heterosekswal ng indibidwal.
Homosekswal ang tawag sa katangian ng indibidwal na may sekswal na pakikipag-ugnayan sa
kaparehong kasarian; at ang heterosekswal naman ay ang katangian ng indibidwal na may
sekswal na pakikipag-ugnayan sa indibidwal na iba ang kasarain.
Ang Social media ay naging susi hindi lamang sa kabuuhang kaunlaran ng Queer Theory
kundi pati na rin ang pagpapalakas ng kompyansa ng kanilang sarili at tulungan silang
magkaroon ng puwang sa lipunan.
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ang mga bakla/lesbiana ng paraan upang mag open-up
ng kanilang istorya at karanasan at karapatan ng pagiging pantay-pantay hindi lamang
karapatang mag siwalat ng sariling opinion at karanasan kundi pati narin sa karapatang
magbahagi ng personal na karanasan na magsisilbing inspirasyon ng mga katulad nilang may
ibang gender preference.
Sa larangan naman ng Panitikan, maraming Queer theorist na gumawa na rin ng mga katha o
obra na naging basehan rin upang lumawak ang pagkakaintende, pananaw at respeto ng mga tao
sa may ganitong kalagayan. Ang ilan sa mga akdang kakikitaan ng ganitong teorya ay susuriin sa
papel na ito. Ito ay ang maikling kwento na “Giyera” ni Honorio Bartolome de Dios at ang
tulang “Sa Iyong kaarawan Itay” ni Christopher E. Cahilig.
II. Talakay (4 A’s)
A. Activity
*Pinoy Henyo- sa loob ng 1 minuto, dapat mahulaan ng kalahok ang salitang nasa kanyang
noo/screen na ang tanging sagot lamang ng mga manonood ay “Oo”, “Hindi”, at “Pwede”.
1. Vice Ganda
2. Boy Abunda
3. Aiza Seguera
4. BB Gandanghari
5. Madonna/Lady Gaga
B. Analysis
a. May-Akda
1. Christopher E. Cahilig (Sa Iyong Kaarawan Itay)
Ngunit, hindi maikakailang maaga siyang namulat sa mundo ng mga bakla. Nakita niya
ang duality ng buhay na ito - malungkot at masaya, madilim at makulay.
Hindi lamang sa mga gawaing pangmasa naging abala si De Dios. Ginalugad din niya ang
lahat ng sulok ng kabaklaan sa malawak na lungsod upang hanapin ang lugar niya sa lipunan.
Hindi naging madali ito para kay De Dios. Nariyang nadapa siya, napaluhod siya, at
napasubasob habang siya ay naghahanap. Ngunit, hindi man siya lalaking lalaki sa kasarian ay
naging lalaking lalaki naman siya sa pagharap ng mga pagsubok na ito. Napakatapang ng
pagpapakita ng pagbangon na may panibagong lakas at determinasyon. Sa ngayon patuloy pa rin
ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang
lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may
kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal.
b. Ang Akda
Sa Iyong Kaarawan, Itay
Talinghaga/tayutay-
Mensahe ng 3 saknong- ang pulutan ay mga sinturong naputol dahil sa lakas ng pagpalo at
pananakit ng ama.
Mensahe ng 5 saknong- kung nalasing na ang tatay sa alak at pulutan at handa na itong sumuka,
ilalabas rin ng may-akda ang kaniyang inihandang biskwet at kapi bilang simbolo ng kaniyang
pagdiriwang.
Giyera
Pormalismo ng Kuwento
Tayutay/talinghaga:
1. Magtatago ang araw sa likod ng buwan at pagtatampuhan ng hangin at lupa ang san
martin hudyat iyon upang magising ang halimaw na daantaon nang nahihimbing sa
sinapupunan ng karagatan.
Tauhan at Karakterisasyon
Bernie -may-ari ng pinakasikat na parlor sa bayan ng San Martin. Siya ang taga-ayos ni
Donya Estela Salvador.
Jaime -kaibigan ni Bernie. Nag-aral siya ng agrikultura sa pamantasan ng Los Baños.
Hayagan ang naging laban niya at ng kanyang grupo sa pagpapatigil ng operasyon ng
planta. Madalas silang magmartsa ng mga magsasaka at mangingisda patungo sa
munisipyo at magpiket sa harap nito.
Gabriel -kaibigan ni Jaime. Sumasama rin siya sa mga pagkilos.
Mandy at Vanessa -mga baklang parlorista ni Bernie. Itinakwil sila ng kanilang mga
ama pero tinanggap rin nang mag-umpisang mag-akyat ng pera sa bahay.
Romano Alvares Jr. -alkalde ng San Martin. May mga nagdududa sa pagkapanalo niya
bilang alkalde sa pangalawang pagkakataon. Mayroon siyang magarang Pajero at dose-
dosenang bodyguards. Siya ang nagpatayo ng planta.
Donya Estela Salvador -pinakamayamang donya sa San Martin. Isa siya sa limang
panginoong-maylupa na nagmamay-ari ng San Martin. Tinalo niya sa pagka-alkalde ng
San Martin ang asawa ni Romano Alvares Jr.
Rico-kapatid ni Bernie na namatay sa unang buwan ng operasyon ng planta.
Buod
Matapos kumalat sa San Martin ang pagpapaganda ni Bernie sa mukha ng yumaong anak
ni Donya Estela na si Estrelita sa paraang halos hindi na ito makilala ng kanyang mga kaibigan at
kamag-anak, di magkamayaw ang mga tao sa pagpapaayos nila ng buhok at mukha kay Bernie,
lalong-lalo na tuwing may espesyal na okasyon gaya ng binyag, kasal, debut, pagtatapos at flores
de mayo.
Pagkatapos mahalal si Romano Alvares Jr. bilang punongbayan, apat na baryo sa San
Martin, kabilang na ang pamilya ni Bernie, ang sapilitang inilikas sa mga karatig-bayan upang
magtayo ng planta ng kuryente sa dalampasigan.
Pagkauwi ni Jaime pabalik ng San Martin mula Los Baños, dumalaw ito sa parlor ni
Bernie at nalungkot sa nasaksihan: sira na ang mga lupain sa San Martin, maitim ang usok na
nanggagaling sa may planta at kakaunti na ang mga huli ng mga mangingisda sa dagat.
Tatlong bangkay ng mga magsasakang nakatali ang mga kamay at paa, wasak ang mukha
at luwa ang bituka ang natagpuan sa bundok ng Matalim na kidlat; pinapalabas ng mga
bodyguard ng alkalde na NPA ang mga biktima pero alam ng taong bayan na ang tanging
kasalanan ng tatlo ay ang pagtanggi sa pag-alis sa lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay at
puno ng mangga na masasagasaan ng itatayong planta.
Muling nahalal si Romano Alvares Jr. bilang alkalde at sa ikapitong taon ng operasyon
ng planta, sa araw mismo ng kapistahan ni San Martin, pinaslang sina Jaime at apat pa nitong
kasamahan.
Isang araw, natagpuan na lamang ang bangkay ni Bernie sa loob ng kanyang parlor na
tadtad ng pasa at saksak.
Paksa
Industriyalisasyon
Ang bayan ng San Martin, kung saan payak ang pamumuhay at pagsasaka at pangingisda ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga tao, ay unti-unting naging urbanisado makaraang ipatayo ang
planta ng kuryente.
Pera at kapangyarihan
Ang mayayamang angkan nina Romano Alvares Sr. at Donya Estela Salvador ang nag-aagawan
sa mga posisyon sa San Martin.
C. Abstraction
Kritikal na pagsusuri sa mga akda
Ang akdang “Sa Iyong kaarawang, Itay” at “Giyera” ay isa sa mga napakaraming akdang
kakikitaan ng Queer na pananaw. Sa mga taong nagsasabi na kasalanan ang pagiging bakla at
tomboy dahil lalaki at babae lang daw ang nilikha ng Diyos at ang pagiging bakla o tomboy ay
labag sa Kaniyang kagustuhan kaya labis na diskriminasyon at pang-aapi na kanilang
nararanasan sa mga mata ng mapanghusgang madla. Sa tula, pisikal at emosyonal na pang-
aabuso ang naranasa ng persona ng tula. Labis na pananakit at masasakit na mga salita ang
naranasan ng persona mula sa kaniyang ama kaya hindi natin masisisi na nanaisin pa niyang
mamatay na lang ang kaniyang ama. Sa tunay na buhay, ang pagkakaroon ng lalaking anak ay
garbo sa mga ama dahil simbolo ito ng isang pang henerasyon o lahi ng kanilang apilidido o di
kaya ay mayroon na naman silang maaasahan sa mga trabaho sa bahay at bukid. Kaya ganito na
lang ang labis na emosyon o galit ang nararamdaman ng isang ama. Isa lamang iyan sa mga
normal na reaksyon ng mga tatay noon, kung kaya’y takot silang magladlad o isiwalat ang
kanilang tunay na pagkatao at tunay na nararamdaman. Ito pa ang ibang aspekto:
Relihiyon:
Kamakailan lamang, naglabas ang Catholic Bishops Council of the Philippines ng isang
libro kung saan ay inilahad nila ang stand nila sa mga homosexuals. Sinasabi ng CBCP na
tanggap nila bilang bahagi ng lipunan ang mga homosexuals – pero di sila pwedeng makipagtalik
sa kaparehas na kasarian. “We don’t condemn them until they act upon it,” ika ng CBCP.
Matibay parin ang kanilang paninindigan sa paksang ito. Tulad ng Pilipinas na isa sa mga
katolikong bansa tunay na mahihirapan pa rin silang mag lantad dahil sa makitid na pagtingin
ng lipunan sa ganitong sitawasyon o kalagayan. Para bagang moralidad ng tao ay fix at kung
anong sabihin nilang mali, para sa kanila mali na talaga. Wala nang bawian.
Politika:
Media:
Lumiliit na rin ang paningin ng mga tao sa mga LGBT dahil sa lumalabas sa telebisyon,
nababasa sa diyaryo at iba pang babasahin.
Tulad na lamang sa palabas na “Bubble Gang”, kung paano naging sanhi ng katatawanan ang
pagiging bakla, tulad nalang ng karakter na si Diego at sa Showtime host na si Vice Ganda, na
hindi lang sa jokes kinokontra siya kundi pati rin sa kaniyang pananamit at cross-dressing . Isali
pa natin ang mga pelikulang mas lalong pandidirihan ang mga bading tulad na lamang ng mga
“indie films”. Maraming mga pangyayari at palabas sa pinilakang tabing – o ng entertainment
ang nagpababa ng moral ng mga homosexual, nagiging tampulan ng katatawanan ang mga ito.
Sa mga nababasa naman ay maraming beses narin na naging biktima ng krimen at pang-
aabuso ang mga ito. Isa na rito ang mortal na pagpatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude ng isang US
1st Lieutenant na si Scott Pembirton na hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya.
Ngunit sa kabilang banda, may mga palabas rin namang nakaka-“boost” ng moral ng mga
LGBT. Tulad na lang ng “Zombadings” o “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros”. Kahit may
halong katatawanan ito at kakikitaan parin ng role sa lipunan ng mga kapatid nating bading.
Marami-rami rin namang mga pelikula na nagpapahalaga sa sekswalidad ng ating mga kapatid
na bading, ngunit mostly katatawanan kayat hindi masyadong na-iemphasize.
Sa larangan naman ng panitikan, isa sa mga aklat na may compilation ng mga akda na
kakikitaan ng mga pagpapahalaga,respeto at ibat ibang karanasan ng mga LGB, ay ang “ Ladlad
3: An Anthology of Philippine Gay Writing” (2007, Anvil) edited by J. Neil Garcia and Danton
Remoto. Narito ang isa sa mga halimbawa.
Application
Ang karapatang pantao ng mga homosekswal ay magkakaiba sa iba't ibang bansa sa mundo.
Kabilang sa karapatang pantao na pinaglalaban ng mga homoseksuwal ang karapatang ihayag ng
malaya ang kanilang kalooban (freedom of expression), karapatang sibil na maikasal at makamit
ang mga benepisyo na ibinibigay ng estado sa mga kasal na heteroseksuwal at mga anak nito,
karapatang mabuhay ng malaya at walang diskiminasyon.
III. Konklusyon
Sa kasalukuyan, narito ang tala ng mga maimpluwensiyang mga tao sa kanilang larangan.
Naway magsilbi silang inspirasyon at mabuting halimbawa sa lahat.
IV. Sanggunian
https://projectkino.wordpress.com/kultura/zombadings-and-overcoming-the-formulaic-position-
of-homosexuals-in-a-genre/
http://tl.wikipedia.org/wiki/Honorio_Bartolome_De_Dios
http://tl.honoriobartolomededios.wikia.com/wiki/Honoriobartolomededios_Wiki
Inihanda ni;
Reporter
09101672560/graceayongao@yahoo.com