You are on page 1of 1

Pandiwa

Ang pandiwaay salitang nagsasaad ng kilos.

Ito rin ay nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.

POKUS NG PANDIWA

Ito ang relasyon ng pandiwa ng berbal na panaguri sa kanyang paksa o simuno.

Pokus sa Aktor o Tagaganap

Ang paksa ay ang tagaganap ng kilos

Sumasagot sa tanong na “sino?”.

Ang pandiwa ay may mga panlaping (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

Halimbawa

Tumula ng isang madamdaming piyesa si Francesca.

Ang ating mga bayani ay nagbuwis ng buhay para sa ating bayan.

Pokus sa Intrumental o sa Gamit

Ang paksa ay ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap

Sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.

Ang pandiwa ay may mga panlaping (ipang- , ipinang-, maipang-, -ipinam)

Halimbawa

Ipinang-enrol ni Vian sa Pamantasan ng Pilipinas para sa kanyang gradwado ang naipong pera.

Ipinanlinis niya ng bahay ang mga makabagong kagamitan.

You might also like