You are on page 1of 9

SALITANG KILOS

Pandiwa ang tawag sa mga


salitang nagsasaad ng kilos o
galaw? Mabisang instrumento
ito upang makapagsalaysay ng
mga pangyayari sa isang akdang
pampanitikan.
Pokus ng Pandiwa
Ito ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno
o paksa ng pangungusap.
Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus
ayon sa paksa at panlaping
ikinakabit sa pandiwa.
1.Pokus sa Tagaganap (Aktor)
– Ang paksa ng pangungusap
ang gumaganapng kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Magagamit ang mga panlaping um/
mag-, ma-, mang (m/n)-, mag- an, at
magsipag- an/han. Pananda ng pokus o
paksa ang si/sina at ang at magagamit
din bilang pokus sa tagaganap ang
mga nominatibong panghalip na ako,
ka, kita, siya, tayo, kami, kayo at sila.
Mga halimbawa:
a. Naglakbay si Psyche
patungo sa tahanan ng mga
diyos.
b. Tumalima si Psyche sa
lahat ng gusto ni Venus.

2. Pokus sa Layon (Gol) – Ang pokus ay
nasa pokus sa layon kung ang pinag-
uusapan ang siyang layon ng
pangungusap. Ginagamit na panlapi sa
pandiwa
ang –in/hin, -an/-han, ma-, paki-, ipa-
at pa- at panandang ang sa paksa o
pokus
Mga halimbawa:
a. Kinuha ni Psyche ang gintong balahibo
ng tupa.
b. Iniayos ni Psyche ang mga buto ayon
sa pagkakauri nito.
Pansinin ang unang halimbawa, ang
pandiwang ginamit sa pangungusap
ay kinuha na tumutukoy sa paksang ang
gintong balahibo ng tupa.
 3.
Pokus sa Tagatanggap (Benepaktibo) –
Ang paksa ng pangungusap ay ang
tumatanggap o pinaglalaanan ng kilos na
ipinahihiwatig ng pandiwa. Kilala
rin ito sa tawag na Pok3us sa Pinaglalaanan.
Sumasagot ito sa tanong na “para
kanino?” Ginagamit ang mga panlaping i-, -in,
ipinag-, ipag-, -han/-an atbp.

You might also like