You are on page 1of 2

LAGOM

Likas sa mga Pilipino ang pagkain ng merienda. Bukod dito sa artikulo na inilabas ng
Medical News Today na ang kalabasa ay isang masustansiyang gulay na dahil sa patuloy
ng pagkain ng kalabasa ay maaring matanggal ang banta ng mga peligro sa paglabis na
timbang, paglala ng diabetes, at sakit sa puso. Kaya naisipan ng mga mananaliksik ng
Daily Donut ang ideya na gawing pangunahing sangkap ang kalabasa sa paggawa ng
donut. Nilalayon ng pag-aaral na ito na makagawa ng  masustansyang donut upang
makapang hikayat ng mga tao na magkaroon ng maayos, malakas at malusog na
pangangatawan.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning makapagbigay ng kasiyahan sa


pangangailangan at kagustuhan ng mamimili sa pamamagitan ng paghahatid ng
pinakamahusay na pagkain, ang Kalabasa Donut, na abot-kaya sa bulsa at magbibigay
sustansya dahil sa gulay nitong sangkap. Nilalayon ng pag-aaral na maipakilala sa
merkado ang kumpanya na nag-aalok ng panibagong kalidad, masarap at
masustansyang produkto. Kung saan maipapakita ang pagiging tampok at paglago nito
sa lokal na pamilihan habang nagtataguyod ng lokal na sangkap.

Nangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik mula sa mga kaugnay na


literatura at pagaaral. Nagkaroon ng mas malalim na kaalaman ang mga  nanaliksik sa
pagiging masustansya ng tinapay, kalidad at taglay na mga bitamina ng Kalabasa, ang
kasaysayan ng donut, at paggawa ng konbensyonal na donut. Napalalim din ang
kaalaman ng mga mananaliksik sa mga maaring makakumpetensya ng Daily Donut.

Ang ginamit na paraan ng mga mananaliksik ay deskriptibo at sarbey naman ang naging
teknik ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos at impormasyon. Isang sarbey-
kwestyoneyr ang ginamit bilang instrumento sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon mula sa mga respondente. Mga mag aaral at mga residente na
matatagpuan sa lungsod ng Dagupan City, Pangasinan ang naging mga respondente sa
pag aaral na ito. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng internet at sa app na Google Form
ibinahagi ang mga talatanungan.

Ang mga mananaliksik ay pumili lamang ng isang daan at limampu na respondente (150)
na ang kalahati nito ay kalalakihan at ang kalahati ay mga kababaihan. Napagalaman na
sa isang daan at limampung respondente, 74 sa kanila ay napupukaw na bumili ng
Kalabasa Donut at Nakita rin na 127 na mga repondente ang kayang bumili ng Kalabasa
Donut sa murang halaga na nasa 15-25 ang presyo.

You might also like