You are on page 1of 2

Pagsusuri sa Kamalayan ng mga Konsyumers sa mga Pagkaing Kalye o Street

Foods

Abstrak

Malaking papel ang ginagampanan ng mga pagkaing kalye o mas kilala


bilang street foods sa diyeta ng mga tao partikular sa mga papaunlad na bansa.
Gayunpaman kaakibat ng mga pagkaing ito ang mga posibleng panganib na dala
sa kalusugan ng mga kumakain nito. Ang pag-aaral na ito ay nilayong malaman
ang kamalayan ng mga konsyumers tungkol sa mga pagkaing kalye sa
Poblacion, Sultan Naga Dimaporo. Deskritibong desinyo ang ginamit ng pag-
aaral kung saan sarbey kwestyoners ang ginamit sa pangangalap ng datos.
Limampung (50) impormante ang kabuuang sample na may dalawampu’t
limang (25) mga babae at dalawampu’t limang (25) mga lalaki. Inalam ang
kanilang preperensya, kamalayan at pananaw tungkol sa mga pagkaing kalye.
Sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod; (1) Isaw ang pinakapaboritong pagkaing kalye ng lahat, (2)
karamihan sa mga konsyumer ay kumakain ng street food isang beses sa isang
linggo, (3) kaugnay sa ikalawang natuklasan, ang mga konsyumers ay
sumasang-ayon na ang sobrang pagkain ng street food ay nakakadulot ng sakit,
(4) gayunpaman, natuklasan na karamihan sa mga konsyumers ay nag-
aalinlangan pa sa kanilang kamalayan tungkol sa posibleng mga pagkaing kalye,
(5) sa ranking ng mga rason sa pagbili ng mga ito, nangunguna ang lasa ng
pagkain at panghuli naman ang kalinisan ng pagkain. Nagpapahayag ito na ito
na walang tiyak na kamalayan ang mga konsyumers tungkol sa mga posibleng
panganib sa dala ng mga ito. (6) Sa edad at kasarian, mas mataas ang kamalayan
ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan at ang mga may pinakamababang
kamalayan ay edad mula 9-14 taong gulang. Nangunguna naman ang kalinisan
ng pagkain bilang pangunahing paraan ng mga konsyumers na pagtanggap ng
food safety ng kanilang kinakain.
Sa naisagawang pananaliksik, natuklasan na hindi pa rin tiyak ang kamalayan
ng mga konsyumers tungkol sa mga pagkaing kalye.

You might also like