You are on page 1of 4

Banyagang Pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang “Consumer Perception of Foreign Fast Food

Restaurants in an Emerging Market” (Rauf at Butt, 2012), ang preperensiya ng mga mamimili sa bawat

Fast Food Chain na kanilang kinakainan ay nakadepende sa maraming salik. Ito ay ang mga sumusunod:

(1) Edad ng mga mamimili; (2) Kakayanang bumili; (3)Civil Status; atbp. Sa kanilang pamimili sa mga

Fast Food Chains, kanilang isinasaalang-alang ang koneksyon ng may-ari ng Fast Food Chain sa kanilang

kultura at ang mga pagkaing inihahain sa mga nasabing Fast Food Chain. Ito ay tunay sa bansang

Pakistan sapagkat kanilang binibigyang halaga ang pag-unlad ng kanilang bansa sa pamamagitan ng

pagtangkilik sa sariling produkto.

Sa U.S. naman at Canada, mayroong pagkakaiba ang gustong kainin dahil magkaiba ang kanilang

nakasanayang konsyumahin sa isang araw. Sa U.S. ay mas mataas malaki ang porsyento ng pagkain ng

kanilang sariling gawang pagkain na hamburger (40.22% , pizza(29.05), at fried chicken(12.85%) habang

ang mga pagkaing hindi naman nila madalas kainin ay ang mga seafood(3.91%) kumpara sa mga

Canadians na may porsyentong 36.24% sa nasabing pagkain. (Kaynayk, E., 2015) Ito ay maaring dahil ang

mga lugar na nasama sa pag-aaral ay kasama sa mga tinatawag na busy states kung saan ay kailangang

madalian ang pagtapos sa pagkain. Kung ikokonekta sa pag-aaral ng mga mananaliksik, ang preperensiya

ng mga tao sa kahit saan mang lugar kabilang na ang Pilipinas ay nakabase sa kanilang nakasanayang

kainin at sa mismong pangangailangan na enerhiya dahil ang mga nasabing pagkain ay mayroong mataas

na porsyento ng calories na kailangan sa mga lugar na iyon upang makapagpatuloy sa pagtatrabaho.

Ayon naman kila Ozdemir at Ergin (2017) sa kanilang ginawang pag-aaral sa Turkey, mas

tinatangkilik ng mga kabataan ang mga internasyonal na mga kainan at fast food chains kaysa sa mga

lokal na fast food chains at malaking porsyento ng mga respondente ang kumakain sa Burger King at
McDonald’s na parehong mula sa ibang bansa na may parehong rating na 44%. Ito ay tumutukoy sa

pagkakaroon ng local brand disloyalty ngunit hindi sa kabuuan sapagkat hindi nila kabuuang niyakap ang

mga nabanggit na fast food chain. Sa karagdagan, kanila ring mas tinatangkilik ang pagkaing burger

kumpara sa mga tradisyonal nilang pagkain.

May mga salik na isinasaalang-alang ang mga estudyante sa kolehiyo ng bansang Ghana sa

pagkain nila sa mga Fast Food Chains at ito ay ang mga sumusunod base sa pag-aaral na ginawa nila

Tawiah at Nondzor (2015): (1)Urbanization; (2)Mahabang oras ng trabaho; (3)Mga Patalatastas tungkol

sa fast food; (4)Pagtaas ng sahod; (5)Pagkakaroon ng mga Commercial Buildings. Kasama nito ay mas

tumaas din ang kanilang pagkonsuma ng mga pagkaing internasyonal tulad ng pizza, burger, noodles at

hotdogs, na nagkakaroon ng implikasyon na hindi na ganoon kadalas ang kanilang pagbisita sa mga lokal

na fast food chains sapagkat ang mga pagkain sa kanilang lokal ay mas mababa ng 50 bahagdan kumpara

sa mga internasyonal na pagkain.

Sa ginawang pag-aaral naman nila Thatte at Thakkar (2014) ay pinagkumpara ang dalawang

internasyonal na fast food chain: KFC at McDonald’s. Binase ang pag-aaral sa labindalawang salik na

kinabibilangan ng mga sumusunod: mga pagkain, bilis ng serbisyo, pagiging tama ng pagbibigay ng

serbisyo, presyo ng pagkain, lasa ng produkto at kalidad, mga sangkap sa paggawa, packaging,

pakikitungo ng mga nagtatrabaho, lokasyon ng fast food chain, mga karagdagang impormasyon,

customer service, at oras ng pagbubukas. Batay sa resulta ng pag-aaral, karamihan sa mga nasabing salik

ay katanggap-tanggap naman at maaaring maging basehan ng pagbili ng mga consumer sa mga nasabing

fast food chain at sa kabuuuan ay sinasabing sila ay nasisiyahan at kumporme sa mga inihahaing

pagkain.

Sa kabuuan, ang preperensiya ng mga tao sa bawat bansa ay tuluyan ng napunta sa

internasyonal na fast food chains sapagkat ang mga pagkain sa mga ito ay madaling makukuha at
mayroong “convenience” silang natatamasa sa kanilang pagbili sa mga ito. Isinasaalang-alang din nila

ang pagkakaroon ng kabilisan at pati na rin ang lasa ng kanilang kinakain sa pagpili ng mga fast food

chain.

Mga pinagkunan:

1. https://www.researchgate.net/publication/264822163_Consumer_perceptions_of_foreign_fast

_food_restaurants_in_an_emerging_market

2. https://www.researchgate.net/publication/302564952_Consumer_Preferences_of_Fast-

Food_Outlets_in_the_US_and_Canada_A_Comparative_Study/download

3. http://www.na-businesspress.com/JMDC/OzdemirH_11_3_.pdf

4. http://article.sciencepublishinggroup.com/pdf/10.11648.j.sjbm.20150301.16.pdf

5. http://www.ijsrp.org/research-paper-0314/ijsrp-p2723.pdf

You might also like