You are on page 1of 3

Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral gayundin naman, ang

konklusyon at rekomendasyon para sa solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na

ito ay mailalahad.

Lagom

Ang pagsusuri sa bisa ng salinwika sa mga terminolohiya sa talaan ng nutrisyon

ay masusing isinagawa. Isandaang tagatugon ang sumagot sa mga katanungan na aming

ipinamigay. Ang mga tagatugon ay binuo ng mga mamimili ng pagkain sa Poblacion,

Santa Maria, Bulacan, kasama ang ilang mga mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas sudlong ng Santa Maria, Bulacan. Matapos isagawa ang pagsusuri, lumabas sa

pag-aaral ang mga sumusunod:

1. Higit na marami ang mga babaeng tagatugon kaysa sa mga lalaking tagatugon.

Ang mga babae ay may daming limampu't walo(58) samantalang ang mga lalaki

naman ay may daming apatnapu't dalawa(42) na mayroong kabuuang bilang na

isandaang(100) tagatugon.

2. Ang edad ng mga tagatugon ay mula labingwalo(18) hanggang animnapu't

limang(65) taong gulang. Karamihan sa mga tagatugon ay mayroong edad

labingwalo(18) hanggang dalawampu't lima(25). Ito ay may daming limampu't

dalawa(52). Sinundan ng edad 23-33 na mayroong labing-apat(14) na dami, edad

42-49 na mayroong labingdalawang(12) dami, edad 50-57 na may sampung

bilang, edad 34-41 na nagtala ng siyam(9) na bilang at ang panghuli ay nasa edad

58-65 na mayroong tatlong(3) bilang.


3. Karamihan sa mga tagatugon ang umabot o kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo.

Limampu't dalawa(52) sa mga tagatugon ang nag-aaral o nakapagtapos sa

kolehiyo habang apatnapu't walo(48) naman ang umabot o kasalukuyang nasa

sekondaryang antas ng pag-aaral.

4. Karamihan sa mga tagatugon ay paminsan-minsan lamang kung tumingin o

magbase sa talaan ng nutrisyon bago bilhin ang isang nakapaketeng pagkain. Ito

ay nagtala ng animnapu't dalawang bahagdan(62%). Dalawampu't tatlong

bahagdan(23%) naman ang palagian kung magsuri sa nilalaman ng talaan ng

nutrisyon habang ang natitirang labinglimang bahagdan(15%) naman ay hindi

kailanman nagsuri sa talaan ng nutrisyon bago bumili ng nasabing pagkain.

5. Maliit na bahagdan lamang ng tagatugon ang palagiang nagsusuri ng nutritional

content na nakalagay sa talaan ng nutrisyon. Ito ay mayroong labingwalong

bahagdan(18%) habang dalawampu't apat na bahagdan(24%) naman ang hindi

kailanman nagsuri sa nasabing nutritional content ng isang produkto.

6. Nauunawaan parin ng nakararami sa mga tagatugon ang kasalukuyang talaan ng

nutrisyon kahit na ito ay nakalimbag sa wikang ingles. Animnapu't lima sa mga

tagatugon ang nagsabing higit nilang nauunawaan ang kasalukuyang talaan ng

nutrisyon na nasa wikang ingles.

7. Malaking bahagdan ng mga tagatugon ang nagsabing hindi sapat na isalin lamang

sa wikang Filipino ang talaan ng nutrisyon sapagkat nararapat din na magkaroon

ito ng modipikasyon. Tatlumpu't anim(36) sa mga tagatugon ang mariing

sumasang-ayon, dalawampu't pito(27) ang sumasang-ayon, habang tatlo(3)

naman ang nasa pagitan ng pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon o neutral.


Konklusyon

Pagkatapos ng maingat na pagtasa at pagsuri sa mga datos ng pag-aaral, ang

mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na konklusyon:

1. Higit na nauunawaan ang kasalukuyang talaan ng nutrisyon na nasa wikang ingles

kaysa sa mungkahing salin.

2. Maliit na bahagdan lamang ng mga tagatugon ang palagiang nagsusuri sa

nutritional content na nakalagay sa talaan ng nutrisyon.

3. Karamihan sa mga respondente ay paminsan-minsan lamang kung tumingin o

magbase sa talaan ng nutrisyon bago bilhin ang isang nakapaketeng pagkain.

4. Hindi sapat na isalin lamang sa wikang Filipino ang talaan ng nutrisyon sapagkat

nararapat din na magkaroon ito ng modipikasyon.

Rekomendasyon

Batay sa mga kinalabasan at konklusyon ng pag-aaral, nabuo ng mananaliksik

ang mga sumusunod na tagubilin:

1. Nararapat na mas sanayin ng mga mamimili ang pagbabasa at pag unawa sa

talaan ng nutrisyon at bumase sa nutrional content bago bumili ng pagkain.

2. Hindi sapat na isalin lang sa Wikang Filipino o iba pang wika ang kasalukuyang

talaan ng nutrisyon dahil nararapat ding magkaroon ng modipikasyon o kaunting

pagbabago tungo sa lubos na kabatiran at kaunawaan ng mga mamimili rito.

3. Bigyan pansin ng mga namamahala ang disenyo ng talaan ng nutrisyon na naka

salin sa wikang Filipino upang ito ay maging mas malinaw at madaling maunawaan

ng mambabasa.

4. Sikaping magkaroon ng katulad na pananaliksik tungkol sa nasabing usapin upang

lalo pang mabigyan ng kasagutan at solusyon ang mga suliranin.

You might also like