You are on page 1of 9

Kingfisher School of Business and Finance

Mac Arthur Highway, Lucao District, Dagupan City

Chortofágos

Come Taste the Difference

Isang Pamanahong Papel sa Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

na iniharap kina

Denson D. Padlan

Michael Mag-usara

Mga Tagapayo

Agbayani, Jiggy R.
Abique, Loreen V.
Aquino, Novea D.
Bautista, Mary Jane D.
Garcia, Majelyn P.
Manipud, Hazelle Dayne C.
Mariño, Joyce Ann R.
Rubio, Jerimy Jana M.
Sarip, Kim A.
Zarsuela, Macel P.

Mga Mananaliksik

Enero 2021
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon
Sa pag-usbong ng modernong panahon, nagbago na rin ang panlasa at mga
paniniwala ng mga tao. May record noong 2014 na mayroong 2% o 2,000,000 na ang
diet nila ay pang-vegan, marami narin mga tuorista na pumupunta sa Pilipinas na ang
hinahanap na pag-kainan ay vegan-friendly na pagkain. Dahil sa pagkahilig at
kagustuhang makisabay sa uso ng mga tao sa makabago at modernong panahon,
marami na rin ang mga tao na nagpapalit ng kanilang diet. Ang Veganism ay isang
pilosopiya at paraan ng pamumuhay na naghahangad na ibukod — hangga't maaari at
maisasagawa — lahat ng uri ng pagsasamantala, at kalupitan sa mga hayop para sa
pagkain, damit o anumang iba pang layunin; at sa pamamagitan ng pagpapalawak,
nagtataguyod ng pagbuo at paggamit ng mga alternatibong walang hayop para sa
pakinabang ng mga hayop, tao at kalikasan. Sa mga dietary term ay nangangahulugan
ito ng pagsasanay ng pagbibigay ng lahat ng mga produktong nagmula nang buo o
bahagyang mula sa mga hayop. Ang cake ay isang malambot, matamis na pagkain na
gawa sa pinaghalong harina, mantikilya, itlog, asukal, at iba pang mga sangkap. Ang
salitang "pastry" ay nagmumungkahi ng maraming uri ng mga baked na produkto na
ginawa mula sa mga sangkap tulad ng harina, asukal, gatas, mantikilya, shortening,
baking powder, at mga itlog. Ang mga maliliit na tart at iba pang panghimagas ay
tinatawag na pastry. Kasama sa mga karaniwang pastry ang mga pie, tarts, quiches,
croissant, at iba pa. Ang pag-aaral na isasagawa ng mga mananaliksik ay tungkol sa
pagpapatayo ng negosyong Chortofágos sa Dagupan City, Pangasinan na naglalayong
kumita at makapagbigay ng bagong panlasa sa tao habang hindi gumagamit ng kahit
anong produktong hayop.
Mula sa tagline na ‘Come Taste the Difference’, ang Chortofágos ay isang
bakeshop para sa mga taong nagnanais na makahanap ng kakaiba na panghimagas,
maraming makakakain at makakabuti pa sa kalusugan nila. Pinapahalagahan ng
Chortofágos ang kanilang disenyo at lasa ng kanilang mga produkto, lalo na ang
kanilang tinatawag na naked cake. Ang bakeshop na ito ay hindi lamang para sa mga
vegan at health conscious na mga tao ngunit ito rin ay para rin sa lahat. Ang mga
produktong katulad ng mga keik, cupkeik, biscuits, at iba pang mga pastry ay hindi lang
masarap at magandang tignan, ito pa ay nakakabuti sa kalusugan at makakatulong
pang bawasan ang pag gamit ng mga prudoktong hayop. Ang bakeshop na ito ay hindi
lamang nakasentro sa mga panghimagas ngunit may halo ring pagmamahal at
pagbibigay ng serbisyong hinahanap at kailangan ng mga tao.

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 1
Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipakita kung magiging patok ba sa


merkado ang vegan-friendly na kyek.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang sumusunod na tanong:

1. Patok ba ang vegan-friendly keyk sa merkado?


2. Gaano kadalas bumibili ng keyk ang mga tao?
3. Magkano ang inilalaang badyet ng mga mamimili sa keyk?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging lubos na makabuluhan at partikular na


kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mga Batang Negosyante. Ito ay tumutukoy sa mga taong naglalayong magtaguyod ng


kanilang sariling negosyo. Sa pag-aaral na ito, matututunan nila ang iba't ibang uri ng
mga diskarte sa marketing na maaari nilang iakma at isama para sa tagumpay ng kani-
kanilang mga negosyo. Makatutulong din ito sa kanila na maging kritikal sa kanilang
mga desisyon at produkto na inaalok dahil marami silang mga kakumpitensya.

Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makikinabang sa mga mag-aaral, lalo na ang
mga kumuha ng mga kurso na nauugnay sa negosyo, na magkaroon ng mga pananaw
sa kung gaano kahusay at malikhaing paglalagay ng isang negosyo na gumagamit ng
mga makabagong ideya upang akitin ang mas maraming mga customer. Makakakuha
rin sila ng kaalaman tungkol sa iba't ibang mga benepisyo sa nutrisyon ng "Vegan
Friendly Cake".

Parehong Kasalukuyan at Hinaharap na Mga Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito


ay magsisilbing isang kapaki-pakinabang na sanggunian para sa mga mananaliksik na
planong gumawa ng anumang nauugnay na pag-aaral o upang makakuha ng kaalaman
tungkol sa "Vegan Friendly Cake".

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 2
Saklaw at Limitasyon

Nakapaloob sa pananaliksik na ito kung gaano nga mas mainam produktong


gawa lamang sa mga halaman at hindi ginamitan ng mga produktong nagmula sa
hayop. Nakapaloob din dito kung paano ito nakakatulong sa mga taong gustong
mamuhay ng malusog.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondante sa
lungsod ng Dagupan City na kung saan bihira ang mga nagtatayo ng ganitong klaseng
Negosyo. Nais makakalap ng ilang pursyento sa kabuoang populasyon ng lungsod ang
mgaq mananaliksik upang malaman kung ilang pursyento nga ba ang mga taong
gustong masubukan ang produkto o ang mga taong vegan kung tawagin.

SWOT Analysis
Strength Weaknesses

 Iba’t ibang uri ng lasa o flavor ng  Ang ilang mga flavor ay


keyk na ginagamitan ng Vegan napapanahon o seasonal
friendly na mga sangkap  Bago sa pamilihan
 Masustansiyang produkto para sa  Mga hindi maibebentang produkto.
lahat ng uri ng mamimili
 Naghahandog ng mga espesyal na
keyk

Opportunities Threats

 Pagtaas ng bilang ng mga  Naipatayo nang kaparehang


mamimiling bumibili online negosyo sa lugar
 Magkakaibang kagustuhan ng mga  Pagbagsak ng ekonomiya
mamimili  Pabago bagong panahon
 Maka gawa ng bagong flavor ng
keyk para sa masa

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 3
Strength
Iba’t ibang uri ng lasa o flavor ng keyk na ginagamitan ng Vegan friendly na mga
sangkap
Ang mga flavor na gagamitin ay naaangkop para sa lahat ng mamilli, ordinaryong
tao, vegetarian o vegans. Maging ang mga sangkap sa paggawa ng keyk ay Vegan
friendly o paggamit ng mga nondairy o mula sa mga hayop na produkto.

Masustansiyang produkto para sa lahat ng uri ng mamimili


Ito ay hindi lamang naka pokus sa mga vegans kundi ito ay para sa lahat ng
mamimili. Ang paggamit ng mga sangkap na naaayon sa mga vegans ay isa lamang
paraan upang ma konsidera sila bilang parte ng mga mamimili.

Naghahandog ng mga espesyal na keyk


May iba’t ibang uri ng keyk na maibibigay sa mga mamimili na naaayon sa
kanilang kagustuhan o tinatawag na customize.

Weaknesses
Ang ilang mga flavor ay napapanahon o seasonal
Ang ilan sa mga sangkap na gagamitin ay napapanahon kagaya na lamang ng
avocado na hindi natin madalas makita sa pamilihan.

Bago sa pamilihan
Maraming kailangan ikonsidera, kagaya ng kung papatok ba ito sa pamilihan at
kung ito ba ay magugustuhan ng mga mamimili.

Mga hindi maibebentang produkto.


Meron at merong maiiwan na produktong hindi mabibili ng mga tao sa
kadahilanang bago palang at hindi pa kilala ang keyk na ito.

Opportunities
Pagtaas ng bilang ng mga mamimiling bumibili online
Sa sitwasyon ngayon, umuuso na ang pagbili ng mga produkto online dahil sa
mga panuntunang nagpapalimita ng galaw ng mga tao. Sa pakikisabay sa usong ito,
magkakaroon ng oportunidad ang mga may-ari na mas madaling maabot ang mga
potensyal na mamimili.

Magkakaibang kagustuhan ng mga mamimili

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 4
Ang bawat indibidwal ay natatangi. Kung kaya’t sa pamamagitan ng paggamit ng
mga vegan-friendly na sangkap, ay mas nabibigyang konsiderasyon ang mga taong
may natatanging kagustuhan sa produkto na siyang nagbibigay oportunidad sa mga
mimili na magkaroon ng mas malawak na sakop ng mamimili.

Maka gawa ng bagong flavor ng keyk para sa masa


Aalamin at gagawin ang mga flavor ng keyk na hindi pa nagagawa ng mga ibang
bakery o cake shop. Mag sisilbi itong unang flavor ng keyk sa lugar.

Threats
Naipatayo nang kaparehang negosyo sa lugar
Marami nang mga negosyo ang nagbebenta ng kaparehong produkto kung
kaya’t magiging isang malaking pagsubok para sa mga may-ari kung paano magkukuha
ang tiwala ng mga mamimili

Pagbagsak ng ekonomiya
Dahil sa pandemyang Covid-19 ay bumagsak ang ekonomiya ng bansa na
nangangahulugang bumaba rin ang kakayahan ng mga mamimiling bumili ng mga
produkto sa mekado.

Pabago bagong panahon


Hindi natin kayang kontrolin ang panahon. Ang masamang panahon ay pwedeng
mag dulot ng pag konti ng mga walk-in customers.

Porter’s Five Forces Model

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 5
Bargaining Power of
Competitive Rivalry
Suppliers

Bargaining Power of
Treats of New Entrants
Customers

Treats of Substitution

Competitive Rivalry (KATAMTAMAN)


Marami ang kostumer na may tinatangkilik nang negosyo, at kanilang nakagisnan
nang pagbilihan kaya naman ito ay isang hadlang. Ilan sa mga negosyong ito ay
tinatangkilik ng masa at kilala na samantalang ang Chortofagos ay bago pa lamang sa
industriya. Ito ay isang banta lalo na kung ang ilan sa mga ito ay malaking kumpanya.
Nais ng mga mananaliksik na ipahayag na ang competitive advantage ay katamtaman
dahil maaaring hindi ito tangkilikin ng mga tao, dahil marami na ang panaderya o sa
madaling salita, marami na ang nagnenegosyo ng bake shop.
Bargaining Power of Suppliers (KATAMTAMAN)
Katamtaman naman ang bargaining power of suppliers. Ang magandang samahan
ng negosyo sa supplier ay kinakailangan sapagkat dito kinukuha ng negosyo ang mga
sangkap para magawa ang produkto. Ang mga supplier din ay may kakayahang
magtaas at magbaba ng presyo ng kanilang produkto. Dahil din sa lockdowns,
naapektuhan ang presyo ng mga bilihin na nagreresulta sa maaaring pagtaas ng presyo
ang mga produkto. Bilang rin ang mga supplier ng ilan sa mga sangkap na ginagamit sa

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 6
paggawa ng produkto kaya naman higit na mahalaga na magkaroon ng magandang
samahan sa supplier.
Bargaining Power of Customers (MATAAS)
Ang bargaining power of customers ay mataas dahil ang lokasyon ng Chortofagos
ay nakasentro sa siyudad na kung saan maraming tao ang nagagawi. Ang mga
magiging kostumer ng Chortofagos ay hindi lamang ang mga vegan ngunit pati na rin
ang mga mamimiling may normal diet. Dahil bago pa ang negosyo, ito ay maaaring
maging dahilan upang magbigay ng discounts at ilan pang promos para makuha ang
interes ng mga potensyal na kostumer.
Treats of New Entrants (KATAMTAMAN)
Sa panahon ngayon marami na ang nais magtayo ng kani-kanilang mga negosyo.
Ang ilan dito ay nais magkaroon ng negosyong nauukol sa trend, katulad nalang ng
Chortofagos. Ang pagpasok sa ganitong industriya ay hindi gaanong mahigpit kaya
naman madali lamang mapabilang at makapagtayo ng ganitong negosyo.
Gayunpaman, ang treats of new entrants ay katamtaman dahil madali man ang
pagpasok sa industriyang ito, marami naman ang mga kakumpitensya.
Treats of Substitution (KATAMTAMAN)
Ang treats of substitution ay katamtaman dahil sa laganap na inobasyon sa pagkain
kung saan madaming nagbebeta ng iba’t ibang klase ng pagkain at kung minsan sila ay
nanonood nalang sa internet upang magluto ng sarili nilang pagkain dahil sila ay
nagiging praktikal sa pamumuhay. May mga kagaya rin ang mga produktong inaalok ng
Chortofgos. Ang mga kostumer ay naghahanap ng mga produktong pasok sa kanilang
kagustuhan, kaya naman kung sila ay makakahanap ng may parehas ng benepisyong
inaalok ng Chortofagos, maaari itong magsanhi sa pagbaba ng mga potensyal na
kostumer.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Ekonomiya

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 7
- sumisimbolo sa kung ano ang estado ng pamumuhay ng isang bansa. Dito
malalaman kung ang isang bansa ay maunlad, kumakaharap sa matinding problemang
pang-ekonomiya o may malaking positibong pagbabago sa hinaharap.

2. Panghimagas
- ay karaniwang matamis na putahe na nagtatapos sa pagkain ng pananghalian o ng
hapunan.

3. Pastry
- nagmumungkahi ng maraming uri ng mga baked na produkto na ginawa mula sa
mga sangkap tulad ng harina, asukal, gatas, mantikilya, shortening, baking powder, at
mga itlog.

4. Vegan
- kasalukuyang tinukoy bilang isang paraan ng pamumuhay na sumusubok na ibukod
ang lahat ng mga uri ng pagsasamantala sa hayop at kalupitan para sa pagkain, damit
o anumang ibang layunin.

Agbayani, J., Abique, L., Aquino, N., Bautista, M.J., Garcia, M., Manipud, H.D., Mariño, J.A., Rubio, J.J., Sarip, K.,
Zarsuela, M.

Page | 8

You might also like