You are on page 1of 6

Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio 1

Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio

FOMANOS, Mary Sozien W.

LABINE, Myra L.

LABSAN, Julie Ann O.

PARNACIO, Camille R.

TEJEDO, Jonel

Grade 11 Section 10

Technical Vocational and Livelihood - Bread and Pastry Production

Baguio City National High School - Senior High School

Gov. Pack Road, Baguio City

Taong Pampaaralan 2016-2017

Introduksiyon

Ang tinapay ay gawa sa harina, asin, asukal, pampaalsa at ginawang dough at inihurno.

Isa ito sa mga pitong pangunahing grupo ng pagkain na kailangan para sa kalusugan at paglaki

ng isang indibidwal. Ito rin ay karaniwang kinokonsumong pagkain dahil ito ay nagbibigay ng

malaking bahagi sa enerhiya at protina ng isang tao. Ang tinapay ay may taglay na Bitamina B,

Calcium, Magnesium at Phophorus.


Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio 2

Ang tinapay ay may iba’t-ibang uri. Una ay ang Healthy Breads, ang tinapay na ito ay

gawa sa whole-wheat na arina kung kaya ito ay mas malasa. Ang wheat ay naglalaman ng

importanteng bitamina at mineralkatulad ng Iron, Thiamine (Vitamin B); Riboflavin (B2) at

Nicotinic Acid (B3). Mataas rin ang fiber nito. Ang mga halimbawa nito ay ang Wholegrain

Bread, Whole wheat Bread, Oatmeal Bread, Potato Bread, Seed Bread at Rye Bread.

Pangalawang uri ay ang White Bread, ito ay gawa sa bleached chemically refined white flour na

nagreresulta sa puti nitong kulay. Ang Soft White Bread, Loaf Bread, buns at Cream Bread ang

halimbawa nito. Ang White Bread at Healthy Breads ay may parehas na ranggo batay sa food

value nito. Ang ikatlong uri ay ang Quick Breads. Ito rin ay tinatawag na Sweet Breads. Ang

tinapay na ito ay hindi ginagamitan ng yeast kundi ginagamitan ito ng baking powder o baking

soda bilang pampaalasa. Maliban sa paghuhurno, ang pagpriprito ay isa ring paraan sa pagluto

nito. Ang mga halimbawa nito ay ang biskwit, mamon, pancakes, muffins, cinnamon, Corn

Bread, Ginger Bread at Soda Bread. Ang sususnod na uri ng tinapay ay ang Fruit Bread, ito ay

parang keyk na nagtataglay ng tuyong prutas katulad ng cranberry at pasas. Maaring ang prutas

ay durugin at ihalo sa dough. Ang mga halimbawa nito ay ang Raisin Bread, Pumpkin Bread,

Banana Bread at Cranberry Bread. Ang huling uri ay ang Special Breads, ang mga tinapay na

ito ay masusi at matagal gawin. Ang mga halimbawa nito ay ang croissant, Spanish Bread, at

Cheese Bread.

Ang mga Pilipino ay madalas na naghahanap ng mga fresh snacks dahil ito ay nagbibigay

ng benepisyo katulad ng magandang kalusugan at nutrisyon. Kaya naman ang tinapay ay isa sa

mga pangunahing pagkain ng isang Pilipino lalo na sa almusal at mas gusto rin nila ito bilang

meryenda. Ayon sa survey na nakalap ng Nielsen noong taong 2014, 50% na mga Pilipino ang
Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio 3

may gusto ng pagkaing may fiber; 26% mas preperensiya ang all natural ingredients na pagkain

at 24% naman ang may preperensiya sa all natural flavors.

Ang tinapay sa Pilipinas ay malambot, simple ang pagkakagawa at higit sa lahat ito ay

masarap. Ang mga ito ay matatagpuan sa mga panaderya. Ang establisimentong ito ay nagtitinda

ng mga biskwits, pies, pastries at iba’t-ibang uri ng tinapay. Ilan sa mga panaderya na

matatagpuan sa lungsod ng Baguio ay ang Julie’s Bakeshop, Danes Bakeshop, Victoria’s

Bakeshop, Cuevas Bakeshop at marami pang iba.

Ang pananaliksik na ito ay may layuning matukoy ang preperensiyang uri ng tinapay ng

mga mamimili sa lungsod ng Baguio. Layunin din nitong malaman ang uri ng tinapay na mas

mabili kaysa sa iba.

Mahalaga ito upang ang mananaliksik ay makakuha ng mga mahahalagang

impormasyon at ideya na makakatulong para sa gagawin nilang panghinaharap na panaderya. Sa

mga mag-aaral naman, maari nila itong gamitin na batayan sa kanilang gagawing pananaliksik.

Ang pakinabang naman na makukuha ng mga mamiili ay magkakaroon sila ng ideya tungkol sa

iba’t-ibang uri ng tinapay.

Pamaraan ng Pag-aaral

Desinyo ng Pag-aaral

Ang mananaliskik ay gagamit ng kuwantitatibong desinyo ng pananaliksik dahil

nakapokus ito sa bilang ng mga mamimili kung ano ang kanilang preperensiyang uri ng tinapay.

Gagamit rin sila ng kuwalitatibong desinyo ng pananaliksik dahil nakapokus rin ito sa uri ng

tinapay na mabili sa lungsod ng Baguio. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng palarawang


Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio 4

pananaliksik (Descriptive Research) dahil aalamin nila ang uri ng tinapay na preperensiya ng

mga mamimili sa lungsod ng Baguio at kung anong uri ng tinapay ang mabili at ang presyo nito.

Pagkuha ng Sample, Instrumento at Pamamaraan sa Pagkuha ng mga Datos

Sa pananaliksik na gagawin, kasangkot ang mga mamimili ng tinapay sa lungsod ng

Baguio. Gagamit sila ng pamimiling paraan ng pagkuha ng sample (Selective Sampling

Technique) dahil pipili lamang sila ng 20 bilang ng mamimili na magsisilbing kinatawan. Ang

mga mananaliksik ay magkakaroon ng survey questionnaire sa kanila upang malaman ang

preperensiyang uri ng tinapay ng mga mamimili sa lungsod ng Baguio. Kasangkot din sa

gagawing pananaliksik ang mga panadero o panadera sa lungsod ng Baguio. Pipili lamang sila

ng bawat isang kinatawan sa limang panaderya. Ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng

pakikipanayam sa kanila upang malaman ang presyo at uri ng tinapay na mabili.

Pagsusuri ng mga Datos

Gagamit ang mga mananaliksik ng pagkuha ng porsiyento at pagraranggo upang

mailarawan ang preperensiyang uri ng tinapay ng mga mamimili sa lungsod ng Baguio.

Magkakaroon ang mga mamimili ng pagraranggo sa mga uri ng tinapay batay sa sangkap na

ginamit, presyo at benepisyong nakukuha. Gamit sila ng eskalang 1 hanggang 5, lubosang

pinakagusto (1); pinakagusto (2); gusto (3); hindi gaanong gusto (4); at hindi gusto (5). At

kukunin ng mga mamimili ang porsiyento nito.

Talasanggunian
Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio 5

A. Mga Aklat

DILEO, W., EPSTEIN, J. et al. (1988). Encyclopedia Americana. p. 480. United Sates.

Encyclopedia Americana Corporation.

LEVINE, E. (1999). Good Housekeeping Best Recipes. p. 448-455. Heard Communication Inc.

and Time Inc. Home Entertainment.

NAULT, W. H. (1917). The World Book Encyclopedia. p. 479-484. Chicago. United States of

America. World Book Inc.

RYDEN, C. (1987). My First Book. p. 9. London. Dorling Kindersley Publisher.

B. Pahayagan

DAVID, K. J. (2015, April 26). Breads of our Life. Philippine Daily Inquirer. Retrieved from

http://www.philippinedailyinquirer.com/2015/bread-of-our-life. Date Retrieved February

17, 2017.

C. Mga Website

JOSE, N. (2014, October 01). Filipino Consumers Love a Good Snack. Retrieved from

http://www.nielsen.com/ph.en.insights/2014/filipino-consumers-love-a-good-snack.html/.

Date Retrieved February 16, 2017.

MCSORLEY, B. (2014, June 12). Different Types of Bread. Retrieved from

https://blog.udemy.com/different-types-of-bread. Date Retrieved March 02, 2017.

SNYDLE, C. (2013, May 24). Filipino Bread and Pastries. Retrieved from

http://cathy.snydle.com/filipino-bread.html. Date Retrieved March 02, 2017.

WILSON, C. (2014) Bread Recipes for making Great Bread. Retrieved from
Preperensiyang Uri ng Tinapay ng mga Mamimili sa Lungsod ng Baguio 6

http://bread-experience.com/bread-experience.com/bread-recipes/. Date Retrieved March

03, 2017.

Bread Type. Retrieved from http://nibble.com/reviews/main/breadstuff/bread-glossary4-9.asp.

Date Retrieved March 04, 2017

Instrumento

You might also like