You are on page 1of 6

Agrikultura

Aralin MASISTEMANG PAG-AAANI NG TANIM

I. NILALAMAN:

May takdang panahon ang pag-aani ng halamang gulay. Nakasalalay sa uri ng


halamang aanihin ang pinakamabuting paraan ng pag-aani. Ang mga produktong naani
ay kapaki-pakinabang. Ang mga ito ay hindi maaaksaya kung masusunod ang mga
paraan sa pag-aani.

II. LAYUNIN:

Naisasagawa ang masistemang paraan ng pag-aani

III. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Masistemang Paraan ng Pag-aani


Sanggunian: K12 CGEPP 5 AG , MGPP 6
Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang gulay

IV. PANIMULANG PAGTATASA:

1. Dapat bang anihin sa tamang panahon ang mga itinanim na gulay?


2. Naisagawa ko ba ng maayos ang tamang paraan ng pag-aani?

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Naranasan na ba ninyong mag-ani ng inyong tanim na gulay?

B. PAGLALAHAD

Pag-aaralan natin ang mga wastong pamamaraan ng pag-aani ng inyong tanim


na gulay.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Pagtalakay sa wastong pamamaraan ng pag-aani.

D. PAGSASANIB
Edukasyon sa Pagpapakatao- Pagsunod sa utos

E. PAGLALAHAT

Ang mga tanim na gulay ay nasa tamang panahon ang pag-aani. Ang mga ito
ay kailangang ilagay sa isang lalagyan at dapat isaalang-alang ang wastong
pangangalaga. Mas nararapat din na sundin ang wastong pamamaraan ng pag-
aani.

VI. PAGTATAYA:

Ipasagot sa mga bata ang sumusunod.


Lagyan ng T kung tama ang sinasabi at M naman kung mali.

______1. Pitasin basta-basta ang bungang kamatis.


______2. Maghanda ng basket sa pag-aani ng labanos.
______3. Maghanda ng binhing ipapalit sa mga naaning tanim.
______4. Sa pag-aani ng mustasa, putulin ito gamit ang gunting.
______5. Anihin ang letsugas kung ito ay kulay dilaw na.

VII. PANGWAKAS NA PAGTATSA:

Gamit ang internet, magsaliksik sa mga makabagong paraan ng pag-aani na


maari pang makaragdag ng kaalaman ukol dito.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

MISOSA 4,6
MGPP 4 at 6
Agrikultura
Aralin PALATANDAAN NG TANIM NA MAARI NANG

I. NILALAMAN:

Ang mabuting palatandaan ng pag-aani ay nakasalalay sa uri ng tanim na


aanihin. Sa pangkahalatan, ang pagkalampas at pagkasira ng produkto ay hindi
maiiwasan kung walang kaalaman sa panahon ng pag-aani nito. Ang magaganda a
hinog na produkto lamang ang maaring anihinpara sa pagkain ng tao.

II. LAYUNIN:

Natatalakay ang mga palatandaan ng taniim na maari ng anihin

III. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Tanim na Maari nang Anihin


Sanggunian: K12 CGEPP 5, MGPP 4,6
Kagamitan: Larawan

IV. PANIMULANG PAGTATASA;

1. Paano ninyo masasabi na ang isang pananim na gulay ay maari nang anihin?
2. Ano ang pisikal na anyo nito?

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Kayo ba ay nakararanas ng mag-ani ng halamang gulay?

B. PAGLALAHAD

Sa araw na ito, tatalakayin natin ang mga palatandaan ng tanim na maari


nang anihin.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Pagtalakay sa mga palatandaan ng tanim na maari nang anihin.

D. PAGSASANIB

PISIKAL NA KAANYUAN- HOME ECONOMICS

E. PAGLALAHAT

Ano-ano ang mga palatandaan na ang halamang gulay ay maari nang


anihin?

VI. PAGTATAYA:

Punan ang tseklist batay sa obserbasyon, pisikal na anyo at tentatibong petsa


ng pag-aani ng pananim na gulay.
Tanim na Gulay Petsa ng Pisikal na anyo Tentatibong Pisikal na anyo
Pagkakatanim ng pananim petsa ng pag- ng pananim
aani batay sa
tentatibong
petsa ng pag-
aani
kamatis
talong
letsugas
mustasa
labanos

VII. PANGWAKAS NA PAGTATASA:

Bakit kailangang alamin ang mga palatandaan na ang iyong pananim na gulay ay
maaari ng anihin?

VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Pag-aralan ang paraan ng pag-aani.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN

MISOSA IV,V
AGAP AT SIKAP
MGPP IV,V & VI
Agrikultura TALAAN NG WASTONG PAGSASAPAMILIHAN NANG
Aralin INANING GULAY

I. NILALAMAN:

Ang paggamit ng talaan ay isang paraan upang maging maayos ang pagsasagawa
ng pagsasapamilihan ng mga inaning gulay. Dito ay maari nating makita kung ang
produkto ay may mataas na uri, sapat ang timbang at kung naka impake ng wasto
upang makuha ang tiwala ng mga mamimili . Samakatuwid, ang maingat na pagtatala sa
mga katangian ng mga gulay ay malaki ang maitutulong sa pagsasapamilihin ng mga
ito.

II. LAYUNIN:

Naisasagawa ang wastong paggamit ng talaan sa pagsasapamilihan ng mga


inaning gulay

III. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Talaan ng Wastong Pagsasapamilihan ng mga Inaning Gulay


Sanggunian: K12 CGEEP 5, MGPP 5,6
Kagamitan: Larawan

IV. PANIMULANG PAGTATASA:

1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng talaan?


2. Bakit kailangang itala ang pagsasapamilihan ng mga inaning gulay?

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Naranasan na ba ninyo na na magbenta/bumili ng gulay sa palengke?

B. PAGLALAHAD

Pag-aralan natin ang paggamit ng talaan ng wastong pagsasapamilihan ng


inaning gulay

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Paggamit ng talaan sa pagsasapamilihan

D. PAGSASANIB
Home Economics- pagtatala at imbentaryo

VI. PAGTATAYA:

Paggamit ng talaan. Punan ang patlang

puhunan Kailan Paraan ng Paraan ng Halaga Kita/tubo


Pananim dapat pagtatang Pagtitinda
anihin hal
kamatis 150.00 tama ang kahon Kilo/piraso P20 per P50.00
pagkahino kilo
g
letsugas
sitaw
petsay
talong
kangkong

VII. PANGWAKAS NA GAWAIN:

Nakatutulong ba ang pagkakaroon at paggamit ng talaan upang maipakita ang


wastong pagsasapamilihan ng inaning gulay? Paano?

VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Magmasid sa bagsakan ng gulay sa pamilihan at itala ang paraan ng


pagbebenta. Iulat kung ito ba ay makakaulong o hindi sa iyong sarili.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

MISOSA IV,V,VI
MGPP 4 at 5

You might also like