You are on page 1of 16

PARAAN NG

PANGANGASIWA/
PANGANGALAGA NG
PRODUKTO PAGKA-ANI
PAGSASANAY
PANUTO: Tukuyin ang paraan ng pag-aani ng mga sumusunod
na inaning gulay. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

_______ 1. sitaw, sili, kamatis


_______ 2. kalabasa, upo, langka
_______ 3. patatas, labanos, carrots
_______ 4. Mustasa, letsugas, petsay.
_______ 5. Okra, sayute, talong
BALIK-ARAL
PANUTO: Isulat ang W kung wasto ang sinasaad ng
pangungusap at H kung hindi.
W
________1. Pumili ng gagamiting lalagyan ayon sa uri at dami ng aanihing
gulay.
H
________2. Ang mga bungang gulay tulad ng ampalaya, patola at upo ay inaani
sa pamamagitan ng paggamit ng matalas na kutsilyo.
W
________3. Ang mga madadahong gulay tulad ng petsay, mustasa at
letsugas ay binubunot kasama ang ugat na nakaangat sa lupa at saka
hinuhugasan.
H
________4. Anihin ang mga gulay sa umaga kapag matindi na ang sikat ang
araw.
W
________5. Ang labanos, kamote at patatas ay inaani sa pamamagitan ng
paghuhukay
PAGGANYA
K
Bakit mahalaga ang kaalaman sa
pangangasiwa at pangangalaga ng mga
produktong galing sa pananim?
• Mahalaga ang kaalaman sa pangangasiwa at
pangangalaga ng mga produktong galing sa pananim
upang hindi masira ang uri o kalidad ng mga ito.
• Ang mataas na uri ng ani ay maipagbibili sa mas mataas
na halaga.
PAGLALAH
AD
May mga salik na dapat isaalang-
alang sa pangangasiwa at pangangalaga
ng mga inaning produkto.
PAGTALAK
AY
Takpan ng dahon ng saging o sako ang gulay upang
mapanatiling sariwa hanggang sa makarating sa mga mamimili.
Ang mga lamang ugat tulad ng kamote, labanos at patatas ay
hinuhugasan muna at ilagay sa tamang sisidlan bago dalhin sa
pamilihan.
Kadalasang binubungkos ng tig-isang kilo ang sibuyas at ang bawang naman
ay itinatali nang patirintas na may bilang na isang daan bago dalhin sa mga
pamilihan.
Ang mga napapanahong pananim ay dapat madala agad sa mga
pamilihan o sa mga taong nag-aangkat ng mga produkto. Ang
halaga o presyo ng produkto ay dapat nakabatay sa halagang umiiral
sa pamilihan. Ang pagtitimbang o pagbibilang ng mga produkto ay
mahalaga rin upang masukat ang dami at laki ng mga ito.
Mahalaga rin na mapanatiling malamig ang temperatura ng mga
inaning gulay mula sa pag-aani at pag-iimbak hanggang sa
makarating sa pamilihan. Ang Gold Chain System ay isa sa
paraang ginagamit ng mga mangangalakal ng gulay. Gumagamit sila
ng refrigerated truck sa paghahakot upang mapanatili ang wastong
temperatura
Sa ngayon ay may makabago at mabilis nang pamamaraan na ginagamit sa
pagdadala ng mga produkto mula sa taniman patungo sa pamilihan. Tinatawag
itong tramline.

Maisasapamilihan nang maayos at makakarating sa mga mamimili na taglay


pa ang mataas na uri, sustansiya ng mga produkto mula sa mga inaning gulay
kung wasto ang pangangasiwa at pangangalagang isasagawa.
PAGLALAH
AT
Ang mataas na uri, kalidad at sustansiyang
taglay ng mga inaning gulay ay mapapanatili
kung wasto at maayos ang pangangasiwa at
pangangalagang gagawin pagka-ani upang
maipagbili ng mas mataas na halaga.
PAGLALAP
AT
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ng hindi bababa sa tatlong pangungusap
ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit mahalagang pangasiwaan at pangalagaan ang mga inaning gulay?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ano ang mga dapat isalang-alang sa pangangasiwa at pangangalaga ng
mga inaning gulay?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
PAGTATAY
A
PANUTO:
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng
pangangasiwa at pangangalaga ng
produktong inani. Isulat sa katapat na
guhit ang deskripsyon nito
PAGPAPAHALAGA

Rubrik para sa pagguhit ng larawan


Pamantayan 1 2 3 4
1. Nakakasunod sa panuto        
2. Malinaw na konsepto ng larawan        
3. Pagiging malikhain sa pagguhit ng larawan        
4. Maayos at malinis na pagguhit sa larawan        
5.Natapos ang pagguhit ng larawan sa tamang oras        
TAKDANG ARALIN

Ano-ano ang wastong pag-iimbak at


pag-aayos ng mga inani?

You might also like