You are on page 1of 4

Berto, Alerto!

Isang gabi habang masayang naghahapunan ang pamilya ni


Berto. “Anak, kaagad kang pumanhik sa iyong kwarto at
matulog ng maaga, tayo ay magsisinmba pagkatapos ay
samahan mo akong mamili sa may bayan bukas.” wika ng
kanyang nanay.
“Talaga po nay? sige po!” tuwang tuwa na sagot ni Berto.
Tiktilaok! Tiktilaok! Sumilip na si haring araw. Biyernes at
maagang nagising si Berto ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Dahil iyon ang unang araw na makakapunta siya sa Bayan ng
Arayat. Dali daling bumaba si Berto, naligo at isinuot ang
magara niyang damit. Panandaliang natigilan si Berto at
napaisip “ano kaya ang makikita ko doon?”,nakangiting tanong
sa sarili.
Masayang pumasok sa loob ng tricycle si Berto at nagpaalam sa kanyang tatay.
“Ang bilin namin sa iyo ng nanay mo anak!” malakas na sambit ng kanyang tatay habang
umaandar papalayo ang tricycle na kanilang sinasakyan. Bakas sa mukha ni Berto ang
saya sa mga taong nakikita niya at manghang mangha sa iba’t ibang mga tindahan na
kanilang nadadaanan. Nag- iisang anak si Berto ngunit hindi siya laki sa layaw. Nasa ika-
limang baitang na si Berto. Siya ay mabait at tahimik na bata ngunit masasabing isa
siyang listo at alertong bata. Pagkagaling sa paaralan diretso agad sa bahay upang gawin
ang mga takdang- aralin. Kahit pagod sa pag- aaral tumutulong parin siya sa kanyang
nanay sa mga gawaing bahay. Maging sa mga trabahong bukid ng kanyang tatay.
Nakarating na sila sa malaking simbahan ng St. Catalina. Mas lalo siyang namangha
sa kanyang mga nakikita. “Inay, totoo nga ang sabi ng aming guro, tunay ngang kay laki at
ganda ng simbahan dito sa may bayan”. “Higit na mas malaki kaysa sa ating bisita sa
baryo. “Aba, oo naman. Kaya napakadaming mga tao din mula sa iba’t ibang baryo ang
dumarayo rito lalo na pag araw ng Linggo”,sagot ng kanyang nanay. “Madali ka, at mag
uumpisa na ang misa” pahabol na tugon ng kanyang inay.
Pagkatapos ng unang misa para sa araw na iyon, agad nagtungo ang mag- ina sa
may palengke, dahil Biyernes ang araw ng palengke at pamimili sa bayan ng Arayat.
Nagkataon na iyong araw din iyon ang pista sa bayan kaya hindi mahulugang karayom sa
dami ang mga tao. Kabilaan ang mga tinderang nag aalok ng kani- kanilang paninda. Sa
kanilang paglalakad, hindi niya napansin na nakabitaw siya sa kanyang pagkakahawak at
nawalay sa kanyang nanay.

Nagulat na lamang siya na naglahong


parang bula na sakanyang paningin ang
kanyang nanay. Noon nalang niya napansin
nawawala na pala siya sa sobrang dami at

Bagaman sa nangyari,hindi bakas sa mukha ni Berto ang takot o anumang


pag-aalala. Dahil si Berto ay isang batang alerto at listong bata. Naalala niya
agad ang bilin ng kanyang tatay.

Una siyang lalapit sa makikita niyang guwardiya o pulis. Sasabihin na


napawalay siya sa kanyang inay. Hindi naman nahirapang makakita ng pulis si
Berto at agad niya itong nilapitan.
Pangalawa ay sabihin ang buong detalye tungkul sa kanyang sarili,
pangalan, tirahan at pangalan ng kanyang mga magulang. Hindi siya nag
atubiling sabihin lahat ng ito sa pulis na kanyang nakita. Bigla din sumagi sa
kanyang isipan ang isinulat niyang numero ng telepono ng kanyang mga
magulang na inilagay sa bulsa ng pantalon na kanyang isusuot gabi bago siya
matulog.
Kaya hindi nahirapan ang pulis na kanyang nilapitan. “Magaling ang iyong
ginawa bata,”nakangiting sabi ng pulis kay Berto. “Nakausap na namin sa
telepono ang iyong nanay, at paprito na siya”.
Nagkita muli sila ng kanyang nanay, ng walang bakas ng takot at pag-aalala
sa kanyang mukha. Dahil tiwala ang kanyang nanay na hindi mapapahamak si
Berto, naniniwala ang kanyang nanay na si Berto ay isang listo at alertong bata.
“Magaling Berto at sinusunod mo ang tagubilin naming ng iyong tatay.
Kaya Malaki ang tiwala naming sa iyo anak”. Nagpasalamat ang kanyang ina sa
pulis sa tulong na nagawa para sa anak na si Berto.

Sa mga Magulang at Guro


Ito ay kwento ng isang batang listo at alerto. Isang araw sila ay nagtungo sa isang pamilihan. Siya ay nawalay
sa kanyang ina. Ngunit sa kanyang pagkakawalay ay nagawa niya padin makita muli ang kanyang inay kahit
sa gitna ng madaming tao sa pamilihan.

Ang pagiging listo, alerto at masunuring bata sa lahat ng pagkakataon kahit saan man lugar ay aral na
mapupulot sa kwentong ito.

You might also like