You are on page 1of 13

PARAAN NG

PANGANGASIWA/
PANGANGALAGA NG
PRODUKTO PAGKA-ANI
May mga salik na dapat isaalang-
alang sa pangangasiwa at
pangangalaga ng mga inaning
produkto.
Takpan ng dahon ng saging o sako ang gulay upang
mapanatiling sariwa hanggang sa makarating sa mga
mamimili.
Ang mga lamang ugat tulad ng kamote, labanos at patatas ay
hinuhugasan muna at ilagay sa tamang sisidlan bago dalhin sa
pamilihan.
Kadalasang binubungkos ng tig-isang kilo ang sibuyas at ang bawang
naman ay itinatali nang patirintas na may bilang na isang daan bago
dalhin sa mga pamilihan.
Ang mga napapanahong pananim ay dapat madala agad sa
mga pamilihan o sa mga taong nag-aangkat ng mga produkto.
Ang halaga o presyo ng produkto ay dapat nakabatay sa
halagang umiiral sa pamilihan. Ang pagtitimbang o pagbibilang
ng mga produkto ay mahalaga rin upang masukat ang dami at
laki ng mga ito.
Mahalaga rin na mapanatiling malamig ang temperatura ng
mga inaning gulay mula sa pag-aani at pag-iimbak hanggang
sa makarating sa pamilihan. Ang Gold Chain System ay isa sa
paraang ginagamit ng mga mangangalakal ng gulay.
Gumagamit sila ng refrigerated truck sa paghahakot upang
mapanatili ang wastong temperatura
Sa ngayon ay may makabago at mabilis nang pamamaraan na
ginagamit sa pagdadala ng mga produkto mula sa taniman patungo sa
pamilihan. Tinatawag itong tramline.

Maisasapamilihan nang maayos at makakarating sa mga mamimili na


taglay pa ang mataas na uri, sustansiya ng mga produkto mula sa mga
inaning gulay kung wasto ang pangangasiwa at pangangalagang
isasagawa.
Ang mataas na uri, kalidad at
sustansiyang taglay ng mga inaning gulay ay
mapapanatili kung wasto at maayos ang
pangangasiwa at pangangalagang gagawin
pagka-ani upang maipagbili ng mas mataas
na halaga.
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ng hindi bababa sa tatlong pangungusap
ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit mahalagang pangasiwaan at pangalagaan ang mga inaning


gulay?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ano ano ang mga dapat isalang-alang sa pangangasiwa at
pangangalaga ng mga inaning gulay?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
PANUTO:
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng
pangangasiwa at pangangalaga ng
produktong inani. Isulat sa katapat na
guhit ang deskripsyon nito
Rubrik para sa pagguhit ng larawan

Pamantayan 1 2 3 4
1. Nakakasunod sa panuto        
2. Malinaw na konsepto ng larawan        
3. Pagiging malikhain sa pagguhit ng larawan        
4. Maayos at malinis na pagguhit sa larawan        
5.Natapos ang pagguhit ng larawan sa tamang        
oras
Ano-ano ang wastong pag-iimbak at
pag-aayos ng mga inani?

You might also like