You are on page 1of 6

Kingfisher School of Business and Finance

Mac Arthur Highway, Lucao District, Dagupan City

Sorbetes De Binuburan

Gusto mo? Luh. BILI KA.

Isang Pamanahong Papel sa Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

na iniharap kina

Denson D. Padlan

Michael Mag-usara

Mga Tagapayo

Buenaventura, Paolo C.
Manzon, Mervin C.
Villan,Dennis B.
Calamno, Frimaly R.
Coquia, Elaine A.
Espiritu, Erika Mae D.
Maiquilla, Micky D.
Sarmiento, Cristel Dyan S.
Sarmiento, Elaine Joy R.
Uson, Jamillah Ruth P.
Villanueva, Diserre Grace V.
Mga Mananaliksik

Enero 2021I
Kabanata
Binuburan De Sorbetes

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang mga Pilipino ay kilala bilang mga taong mahilig sa malalamig at matatamis na
pagkain at maaaring ito ang dahilan kung bakit may mga kilalang delikasi sa bansa. Ang isa sa
mga delikasi dito sa Pilipinas ay ang 'Sorbetes'. Ito ay pinalamig, pinatigas, o pinagyelong
panghimagas o meryenda. Ito ay karaniwang gawa mula sa gatas (dairy) o krema, o gatas na
gawa sa balatong, kasoy, buko o almendras, na may idinagdag na mga pampatamis tulad ng
asukal o alternatibong pampalasa tulad ng kakaw o baynilya. Upang mapabuti at mapasarap
ang pagkaing ito, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng kakaibang konsepto ng paggawa ng
sorbetes na magbibigay ng kasiyahan, magandang benepisyo sa katawan at higit sa lahat
mababang presyo ng produkto na higit na nakakaakit sa mga mamimili.

Ang binuburan de sorbetes ay isang kakaiba at masustansyang magpapabago sa tipikal


na sorbetes dahil ito ay gawa sa fermented rice milk na kung saan ay mayaman sa lactic acid
bacteria (LAB) o mas kilala sa tawag na Probiotic na nakakatulong sa katawan upang
maagapan ang pagkakaroon ng allerhiya sa mga pagkain. Maari rin itong makatulong sa mga
taong mahina ang tyan pagdating sa mga pagkain na may gatas. At higit sa lahat, tinutulungan
neto ang katawan na mapalakas ang immune system. Ang Binuburan ay unang yugto sa
proseso ng paggawa ng tapuy, sa Hilagang Luzon na alak na gawa sa bigas. Ito ay nasa yugto
kung kailan ang bigas ay na-inakyoleyt na ng fermenting culture at hindi pa nagiging alkohol.
Ngunit pinoproseso itong mag-ferment ng ilang araw, hanggang sa isang linggo, kaya't medyo
masarap ang lasa, tulad ng isang sobrang hinog na pinya o ubas.

Ang bagong bersyon ng Binuburan de sorbetes o Ice cream ay nakabasi sa presyong


lokal at abot kaya ng Pilipino. Samakatuwid, kinakailangang pagtuunan din ng pansin bilang
isang mananaliksik ang paggawa ng ganitong bersyon ay dapat mabalanse ang tamang
timpla at mapanatili ang sarap ng sangkap na bagong idadagdag sa bersyon ng mga sorbetes
dito sa ating bansa. Dahil tunay ngang ito ay isang mabisang sandata upang mas mapanatili
ang pangalan ng gantong sorbetes sa merkado at tatangkilikin na bagong bersyion ng sorbetes
ng Pangasinan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral ay masagot ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang pinagkaiba ng pangkaraniwang sorbetes sa Binuburan de Sorbetes pagdating sa:
a. Lasa;
b. Amoy;
c. Tekstura; at

1
Binuburan De Sorbetes

d. Nutrisyon;
2. Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng Binuburan de Sorbetes?
3. Ano ang pinakamainam na paraan upang maibenta ang Binuburan de Sorbetes?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mundo ngayon ay puno ng makabago at nakakaengganyong bagay. Mga produkto o


serbisyong pupuno sa kasiyahan ng bawat tao, kung kaya't libo ang nais tumangkilik sa mga
makamodernong imbensyon, ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa iba't ibang grupo na
makakapagbigay ng benepisyo sa kanila sa iba't ibang paraan:

Nagbebenta ng sorbetes at Nagnenegosyo- Makatutulong ang pananaliksik na ito


upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa iba pang pwedeng alternatibong
timpla o lasa ng taho bukod sa karaniwang lasa nito. Ito ay upang mas malinang ang kanilang
kaisipan at kakayahan na mapataas pa ang kanilang kita at makapagbigay ng benepisyo sa
mga mamimili.

Sa mga mamimili- Nagsisilbing gabay ito upang magkaroon ng kaalaman at


mabigyang atensyon ang mga benepisyong makukuha sa mga pinapamiling produkto lalo kung
ito ay pagkain.

Mga Studyante ng Kingfisher School of Business and Finance. Ito ay maaaraing


magbigay at magturo ng bagong impormasyon tungkol sa pag-aaral na makakapagpabago sa
industriya ng merkado na naglalayong makamit ang inaasahan ng mga mamimili.

Sa iba pang mga mananaliksik- Upang mabigyan ng inspirasyon sakanila bilang mga
mananaliksik sa iba pang paraan kung paano magkaroon ng bagong kaalaman sa iba pang
pwedeng gamiting sangkap sa paggawa ng taho.

Mga mananaliksik sa Hinaharap. Ito ay magsisilbing gabay o tulong at magiging


basehan sa paggawa ng kaparehong pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakilala at matangkilik ang Binuburan de


Sorbetes sa mga taga Dagupan City. Ang mga mananaliksik ay nagkalap ng impormasyon at
limitado lamang sa isang daang respondenteng mamamayan ng Dagupan City, Pangasinan.
May mga sitwasyong hindi inaasahan sa paggawa ng pananaliksik lalo na sa mga taong hindi
kumakain ng binuburan o hindi pamilyar rito.

SWOT ANALYSIS

Strengths (Kalakasan)
2
1. Bagong tatag na kompanya na Weaknesses (Kahinaan)
gumagawa ng kalidad na produkto na may 1. Kompetensya mula sa ibang produser
kakaibang kasangkapan. ng lokal o global na sorbetes
sorbetes. paggawa ng sorbetes.
3. Pasok sa badyet ng mamimili
4. Mga benepisyong dulot ng binuburanSWOT
sa Binuburan De Sorbetes
kalusugan.
ANALYSIS
Sa pamamagitan
Opportunities ng SWOT
(Mga Threats ofneto
analisis, matutulungan
Oportunidad) Newang
Entrants (Mga Banta)upang
mga manaliksiksik
malaman ang punan
1. Nais mga kalakasan,
ang isangkahinaan,
partikularoppotunidad at mga banta
na 1. Kompetisyon sa neto.
ibang Matutulungan
lokal na branddin
ngneto
ang target
mga manaliksiksik na
market segment bumuo ng strateheyamga sorbetes
upang mas pumatok pa eto sa madla, ng
ganun
2. din Karagdagang
mapalakas pa ang produkto
Kita ng at tumagal eto sa indistriya
mga 2agkilala sa tatakngngpagbebenta ng sorbetes.
mga pambansa at
mamamayan ng Dagupan panrehiyong tindahan
3. Pagtangkilik ng mga konsyumer. 3. Kalamidad.
Porter’s Five Forces

Bargaining Power of Bargaining Power of


New Entry (Mataas)
Supplier (Mababa) Customer (Mababa)

Industry Rivalry Substitutes &

(Mataas) Complements (Mataas)

New Entry (Mataas)


Kung tutuusin, marami na ang nagtitinda na nagsisilabasan sa industriya ang ganitong
produkto kung kaya hindi na eto bago sa panlasa ng mga tao. Sa pagpapatayo ng bagong
produkto ay maaaring makakompetensya ng mga mananaliksik ang mga naunang industriya na
kilala na at nagbebenta ng sorbetes mapa global man o local at sa ganun mas mahihirapan ang
mga mananaliksik sa pagtitinda lalo na at gamay na nila ang paggawa at pagtitinda nito.

Bargaining Power of Supplier (Mababa)

Isa sa pinakamahalagang pundasyon upang mabuo ang produkto ay ang mga supplier. Isa
sa pinakamalapit at maraming mapagkukuhanan ng sangkap ay ang Malimgas Market at iba’t
ibang grocery stores tulad ng CSI Market na nandito sa Dagupan City, ito ay makakatulong
upang mas mapabilis ang paggawa at mas makamura sa mga sangkap na gagamitin sa pag
gawa ng sorbetes. Ang presyo sa palengke at sa grocery store ay hindi nalalayo sa kanilang
presyo.

Bargaining Power of Customer (Mababa)

Unang hakbang na gagawin ng mananaliksik ay ipapalaganap ng mga mananaliksik ang


produkto na Binuburan de Sorbetes sa Dagupan City at sa mga kalapit na lugar neto kung saan
ang presyo ay tama at sapat lang sa badyet ng bawat isa. Kung tutuusin ang mga Pilipino ay
mahilig sa sorbetes bilang panghimagas tuwing Pagkatapos kumain o pagkain tuwing mainit
ang panahon.

3
Binuburan De Sorbetes

Industry Rivalry (Mataas)

Mas nakakalamang ang Binuburan de Sorbetes kumpara sa ibang mga nagbebenta ng


pangkaraniwang sorbetes dahil ito ay mas nagbibigay ng sustansya lalo tulad ng Probiotic na
mainam saating katawan upang luminis ang ating digestive system. Eto rin ay isang non-dair
product, na pwede sa mga taong hindi maaring kumain ng pankaraniwang sorbetes na may
sangkap na gatas na mula sa kalabaw.

Substitutes and Complements (Mataas)

Ang ‘substitutes’ o mga pamalit ay isa sa mga bagay na ikinakatakot ng mga mananaliksik
dahil malaki ang tyansa na magiging kaunti na lamang ang benta nila. Ang direktang substitute
tulad ng lokal o global na sorbetes, at mga usong pagkain tulad ng milktea, at iba pa. Pagdating
naman sa mga komplimento, walang nakikita ang mga mananaliksik na pwedeng komplimento
sa Binuburan de Sorbets sapagkat masarap na ito ng mag-isa lamang.

Depinisyon ng Terminolohiya

Balatong – Ang Balatong o Utaw (Green gram bean) ay isang uri ng pagkaing butil. Madalas itong
tinatawag na munggo. Galing sa utaw ang panimplang toyo.

Kasoy – Ang kasoy o Balubad ay isang uri ng puno o mismong bungang mani nito, kahugis ng peras ang
bunga nito na kulay naranghang dilaw kung nahinog. Tumutubo sa labas ng prutas na ito ang kanyang
mga buto na napagkukunan naman ng mga makakaing mani.

Alamendras – Ang Almendras o almendro ay isang uri puno, Almendro (almond) din ang tawag sa buto
ng punong ito. Sa larangan ng botaniya, hindi ito itinuturing na isang tunay na mani, bagaman lagging
natatawag na mani sa karaniwang usapan.

Kakaw o Baynilya – Ang Kakaw ay isang uri ng maliit na punong napagkukunan ng mga pinitas na butong
ginagawang kokwa at tsokolate. Karaniwang itinatanim itong nalililiman ng mga madre kakaw.

4
Binuburan De Sorbetes

Tapuy – Ang Tapuy (Tapuey or Tapey) ay isang uri ng rice wine na ginagawa mula sa malagkit na bigas na
mayroong budbod o yeast hanggang sa maging katas ito at pinababad ng lagpas taon para maging ganap
itong tapuy na alak, ito ay kadalasang matatagpuan sa Benguet Baguio City.

You might also like