You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

House of Representatives
Quezon City

Carlos Isagani T. Zarate


Representative, Bayan Muna Partylist

No to Reclamation! Save Manila Bay!


Rep. Carlos Isagani Zarate
Bayan Muna Partylist
18 September 2017

Ginoong Speaker:

Noong nakaraang taon, binigyan ng go-signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang


mga programang reklamasyon sa bansa, na nagkakahalaga ng walumpung bilyong
piso (P80 B) na magmumula sa kaban ng bayan.

Sa kabila ng pagtutol ng mga mamamayan laban sa reklamasyon, pinamamadali


ngayon ng pamahalaan ang mga proyektong ito para diumano sa programang pag-
unlad at para maibsan din daw ang matindi at mas lalu pang lumulubhang trapiko sa
Kamaynilaan.

Ngunit, Ginoong Speaker, napakabigat ng mga dahilan kung bakit tinututulan ng


mga mamamayan ang mga planong reklamasyon.

Una, ang mga residente sa mga lugar na apektado ng reklamasyon ay mawawalan


ng kabahayan at kabuhayan. Pangalawa, ang mga proyektong ito ay may kaakibat
na panganib sa loob at labas ng reclamation sites.

Muli, ang mga salik na ito ang pangunahing dahilan kung bakit dapat tutulan ang
mga proyektong reklamasyon.

Sa Manila Bay pa lamang, Ginoong Speaker, ay may walong proyektong


reklamasyon.

Isa na rito ang 650-ektaryang Navotas Business Park Reclamation Project, na


muling binigyang buhay noong panahon ni Presidente Aquino dahil sa kanyang
programang Public-Private Partnership.

Samantala, ang dating Pangulo at ngayon ay Manila City Mayor Joseph Estrada ay
nag-apruba ng karagdagang apat (4) na mga proyektong reklamsyon sa kanyang
sinasakupan:

Ang 419-ektaryang Horizon Manila na nagkakahalaga ng isang daang bilyon. Ito ay

CONGRESSIONAL OFFICE: Rm. 210 North Wing Bldg., House of Representatives, Batasan Hills, Quezon City
Telefax: 931-6722 Tel.: 931-5001 loc. 7389 Email: office.rep.zarate@gmail.com
NATIONAL HEADQUARTERS: 25 Victoria St., New Intramuros Village, Old Balara, Quezon City Tel.: 275-5801
www.bayanmuna.net Facebook: fb.com/bayanmunapartylist Twitter: @bayanmuna / @kaloi_zarate
magiging commercial hub; at gagawa ng tatlong artipisyal na isla sa Manila bay.

Kaakibat ng Horizon Manila ang isa pang proyektong reklamasyon: ang pitong-
bilyong- pisong (P7 B) Manila North Harbor expansion na kukuha ng limampung
ektaryang lupa pa ulit mula sa baybay.

Noong Pebrero 2017 ay inaprubahan din nya ang pangatlong proyektong


reklamasyon: ang New Manila Bay International Community Project. Ito ay may
sukat na 407-ektarya para sa turismo at komersyo na ipinanukala ng Hong Kong-
based UAA Kingming Development Corporation.

Pinagtibay rin ni Mayor Estrada ang pagsasagawa ng Solar City Project, na


magiging isang entertainment hub kapag ito ay natapos. Ito ay may sukat namang
148-ektarya.

Ang iba pang programang reklamasyon sa Manila Bay ay ang mga sumusunod: ang
635-ektaryang Las Pinas-Paranaque Coastal Bay project, at ang 360-ektaryang
proyekto sa Pasay City, at 300-ektaryang proyektong reklamasyon sa Paranaque na
kasosyo ang isang higanteng mall at real estate company.

Ginoong Speaker, ang mga dambuhalang proyektong reklamasyon na ito na


sasakop sa katubigan ng Manila Bay ay bahagi lamang sa kabuuang planong
reklamasyon sa buong bansa. Sinasabi ng gobyerno na ang mga ito ay para umano
sa kaunlaran, ngunit ito ay gagawin sa kapinsalaan ng kalikasan, at ng mga
komunidad sa baybay, kabilang ang mga maralitang mga mangingisda o
namamalakaya.

Hindi patay ang Manila Bay para sa namamalakaya. Sa libo-libong mamamayan


nating naninirahan at kumukuha ng kabuhayan sa katubigang ito, hindi tambakan
lamang ng basura ang Manila Bay.

Katunayan, ang Manila Bay ay isang mayor na sentro ng gawaing pang-ekonomiya,


tulad ng pangingisda at aquaculture, kahit pa ito ay nahaharap sa maraming
problemang dulot ng mga proyektong pangkaunlaran sa mga paligid nito.

Ang polusyon, over fishing at pagkawala ng tahanan ng laksang-buhay sa Manila


Bay ay ilan sa problemang nagbabanta sa kabuhayan ng mga mamamayang
nakadepende dito.

Gayunpaman, hindi demolisyon at pagpapalayas ang sagot sa mga problemang ito


ng ating mga kababayan.

Suporta upang paunlarin ang kabuhayan ng mga maralitang mangingisda,


rehabilitasyon ng Manila Bay, at, paglilinis sa mga basura sa dagat ang mga dapat
sanang ginagawang proyekto ng pamahalaan. Ito ay ang pag-unlad na ating
hinahanap, ang pag-unlad na magpapabuti ng kabuhayan ng mga mamamayan,
pag-unlad na mararamdaman mismo ng mga mahihirap.

CONGRESSIONAL OFFICE: Rm. 210 North Wing Bldg., House of Representatives, Batasan Hills, Quezon City
Telefax: 931-6722 Tel.: 931-5001 loc. 7389 Email: rep.kaloi.zarate@gmail.com / office.rep.zarate@gmail.com
NATIONAL HEADQUARTERS: 25 Victoria St., New Intramuros Village, Old Balara, Quezon City Tel.: 275-5801
www.bayanmuna.net Facebook: fb.com/bayanmunapartylist Twitter: @bayanmuna / @kaloi_zarate
Ginoong Speaker, nagiging madali para sa iba na isisi ang pagkadumi ng Manila
Bay sa mga mahihirap nating kababayan nating nakatira sa mga gilid nito. Pero
katunayan, walumpung porsyento (80%) ng basurang itinatapon sa Manila Bay mula
sa Pasig River ay mula sa mga pabrika at iba pang commercial establishments sa
Metro Manila. Ito ang mabigat na dahilan sa pagkawala ng mga isda at iba pang
lamang-dagat sa Manila Bay.

Hindi lamang isyu ng kabuhayan ng mamamayan ang reklamasyon. Ang mga


organisasyong pang-kalikasan rin ay may nakababahalang pagtingin sa pagdami ng
reclamation projects sa Manila Bay.

Ayon sa Center for Environmental Concerns, maraming kaakibat na panganib ang


mga reclamation projects lalo na sa Manila Bay. Ayon sa Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), hinog na para sa malakas na lindol ang
Metro Manila na maaring umabot sa 7.2 sa Richter Scale. Ito ang isa sa
pinakamalaking depekto ng pagbibigay ng Department for the Environment and
Natural Resources ng environmental compliance certificate o ECC sa mga
proyektong ito. Hindi rin binigyan ng bigat ng DENR ang domino effect ng
reklamasyon sa iba pang mga lugar at ang kaligtasan ng mamamayan sa loob at
labas ng mga lugar na ito.

Ginoong Speaper, dapat na muling pagtuunan ng masusing pag-aaral ng mga


eksperto at nating mga lingkod-bayan. Hindi dapat mauna ang kita sa kapakanan ng
mamamayan.

Ginoong Speaker, mga kapwa ko mambabatas, ang pag-unlad ay hindi pag-unlad


kung ito ay sa kapinsalaan ng mamamayan. Kung nais natin ng tunay,
makabuluhan, at damang pag-unlad, dapat nating pakinggan ang hiling at
panawagan ng mamamayang direktang apektado ng mga proyekto, hindi ang tawag
ng tubo ng iilang malalaking negosyo.

Paunlarin natin ang kabuhayan ng mamamayan at sagipin ang kalikasan.

No to reclamation! Save Manila Bay!

Maraming salamat po.

CONGRESSIONAL OFFICE: Rm. 210 North Wing Bldg., House of Representatives, Batasan Hills, Quezon City
Telefax: 931-6722 Tel.: 931-5001 loc. 7389 Email: rep.kaloi.zarate@gmail.com / office.rep.zarate@gmail.com
NATIONAL HEADQUARTERS: 25 Victoria St., New Intramuros Village, Old Balara, Quezon City Tel.: 275-5801
www.bayanmuna.net Facebook: fb.com/bayanmunapartylist Twitter: @bayanmuna / @kaloi_zarate

You might also like