You are on page 1of 2

Maharlika Investment Fund

Ito ay ang paglikom ng pera na hawak ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno kgaya ng GSIS, SSS,
Land Bank atbp para gawing 'sovereign fund'. Ang sovereign fund ay gagamitin para e 'invest'
sa mga proyekto o mga kumpanyang para sa namamahala ng sovereign fund ay 'profitable' o
makakapagbigay ng mas malaking pera pabalik sa bansa. Ginagawa na ito ng ibang
MAYAYAMANG bansa.
Ang pag gawa ng sovereign fund sa panahon na naghihikahos ang ekonomiya ng bansa ay
parang sinugal mo sa sabong ang pangbili mo sana ng bigas. Walang garantiyang makakabili ka
ng bigas pang tawid gutom. Ginagawa lamang ito ng mga bansang may excess na gov't fund na
wala nman ang Pilipinas. Mga bansang kakaunti o halos wlang international debt na sya nmang
marami tayo. Ang Pangulo at ang mga itatalagang Board na kung saan psasahuran ng tax free at
malamang ay mga family cronies ang magpapatakbo ng Maharlika fund pagkat mismong anak at
pinsan ng pangulo s kongreso ang nagsusulong nito. Alam nman ntin n walang ano mang
experience ang Pangulo sa pagpapatakbo ng investment at ang history ng pmilya nila. Ni hindi
nga sila nagbayad ng utang sa bayan na 203 bilyon! Para mo na ring pinagkatiwala ang blood
bank kay Dracula.
Hindi pa tayo nakakarecover sa confidential funds, ito na naman at merong bagong hot topic
tungkol sa Maharlika Funds. Para sa lahat ng nag tya-tyaga magbayad ng contribution sa GSIS
at SSS. Lalo sa kagaya ko na matagal pa ang retirement at pension. Dapat tayong maging aware
sa mga kaganapan. May initial na pondo na 275 Billion ang nakaplano para dito sa Maharlika
wealth fund na magmumula sa Landbank, DBP, GSIS at SSS. Initial na pondo pa lang yan sa
proposed house bill 6398. Kapag naisabatas ito, asahan natin na mas lalaki pa yan.
Ang gagawin nila i-iinvest daw ang pera para makinabang ang mga tao, kahit yung mga walang
contribution sa SSS at GSIS. Pabor ito para sa lahat kung siguradong may kikitain ang pera, kaya
lang wala itong kasiguraduhan dahil ito ay isang investment. Pwedeng tumubo. Pwedeng malugi.
Walang malinaw na probisyon para sa sapat na representasyon ng mga ordinaryong taong
katulad natin, given na atin ang mga pera na gagamitin para sa mga investment na ito. Iilan lang
ang matino sa Kongreso. Kailangang iparamdam natin ang ating pagtutol. Ang panukalang batas
ay inakda ni Congressman Martin Romualdez at Congressman Sandro Marcos- parehong
konektado sa dinastiya na pinatalsik ng sambayanang Pilipino noong 1986.
Dapat nating alalahanin ang big appetite for money at luxurious lifestyle ng pamilya Marcos.
Noong nakaraang buwan lang, naaprubahan ang 4.5 Billion na confidential funds sa opisina ni
President BBM. Wala na tayong habol at pwedeng hingin na resibo kung saan mapupunta ang
mga perang ito na galing sa buwis na binayaran natin. Mabuti sana kung may maayos na
credibilidad ang hahawak ng Maharlika Funds at may kasiguraduhan ang mga nag ambag sa
contribution na ang pera ay may kikitain, hindi nanakawin, at hindi idedeklarang "nawala" dahil
"nalugi".
Binabanggit sa panukalang batas ang pamumuhunan sa "Listed or unlisted equities..." at "Joint
ventures or co-Investments" na parang wala namang masama pero sa aktwal ay maaaring gamitin
para paboran ang interes ng mga dambuhalang korporasyon na may koneksyon sa mga
namumunong dinastiya. GAGAWING MAS MAYAMAN ANG MGA KAALYADO AT
SADYA NG MAYAMAN AT PAGHIHIRAPIN LALO ANG MGA MAHIHIRAP.
Ang pera ng Land Bank and Development Bank of the Philippines (DBP) ay gagamitin din para
sa pondong ito. Kung gayon, maaaring mabawasan ang pera ng Land Bank at DBP para sa
pagpapautang sa mga ordinaryong mamamayan at maliliit na negosyo (MSMEs) na siyang
pundasyon ng ating ekonomiya pagdating sa paglikha ng mga trabaho.
Sino ang magba-back up kapag ito ay idineklarang nalugi? Papayag ba tayong mga
nagpapakahirap magtrabaho na yung retirement at pension natin ay pag interesan at pakialaman
ng iba? Dahil tulad ng mga alam nting local investments may nalulugi din at ilan nga dto ay mga
bansang Norway at South Korea at kamailan lang ay Sovereign Fund rin ang ninakaw ng
presidente ng Malaysia. Dahil pwede nitong sabihin na in-invest nila ang pera kahit ang totoo ay
ninanakaw na.

You might also like