You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION CITY OF MALOLOS
BULIHAN, CITY OF MALOLOS
MALOLOS MARINE FISHERY SCHOOL AND LABORATORY
Balite, City of Malolos

October 20, 2022

DR. NORMA P. ESTEBAN, CESO V


Schools Division Superintendent
Division of Malolos City

Thru:
MR. SALVADOR B. LOZANO
AP Education Program Supervisor
SDO, City of Malolos

MR. GENESIS TOLENTINO


Public Schools District Supervisor
District 9, SDO City of Malolos

Mapagpalang araw po.

Ang asignaturang “Understanding Culture, Society and Politics” ay isang core subject na itinuturo sa SHS Grade 12
students. Layon po ng asignaturang ito ang buhayin at palawakin ang karunungan at kamalayan ng mga kabataan
sa ating kasaysayan, sariling kultura, lipunan at lokal na pamamahala.

Upang mas maging makabuluhan ang kanilang pag-aaral at kaalaman sa nabanggit na mga aralin, (UCSP11/12DCS-
If-13, UCSP11/12DCS-If-14; Analyze the significance of cultural, social, political and economic symbols and
practices”) ninais ko po bilang guro ng Agham Panlipunan na magkaroon ng pagkakataong matunghayan at
mapuntahan nila ang iba’t-ibang lokal na museo sa ating lungsod, ang Bulacan State University at ang Pamahalaang
Panlalawigan sa isasagawang “LOCAL MUSEUM VISIT AND MALOLOS HISTO-CULTURAL WALK TOUR” sa
kasalukuyang buwan, ika- 28 ng Oktubre, 2022.

Kaugnay po ng gawaing ito ang proyektong “HARAYAAN” na gawing mulat ang mga mag-aaral sa lokal na
kasaysayan, kung kaya ninais ko pong humingi ng pahintulot at tuwang upang maisagawa sa ating 250 SHS Grade
12 students ang mailibot at kagyat na maipaliwanag sa mga kabataan ang mga kahalagahang socio-cultural,
political at economic ng mga nabanggit na lugar.

Maraming salamat at pagpalain po kayo lagi ng Maykapal.

Lubos na Gumagalang, Recommending approval:

Jerome P. Calacday NERISSA A. DELA CRUZ


SHS-HUMSS UCSP Teacher SHS Academic Head, OIC-Asst. Principal

Approved:

ROMMEL P. EVANGELISTA
Principal IV

*Attachment: Museum Visit & Malolos Walk Tour Itinerary

Address: Balite, City of Malolos, Bulacan, Philippines 3000


Telefax No. (044) 816-8784
Email: 300750@deped.gov.ph

You might also like