You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN REVIEWER

PAKSA 15: ANG PANAHON NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA ASYA

Timeline Ng Sinaunang Kasaysayan Ng Asya

1. Prehistoric Asia 3. ANG PANAHON NG IMPERYO

 Paleolitiko  Akkadian
 Mesolitiko  Babylonia
 Neolitiko  Assyrian
 Meta  Chaldean
 Dynasties Of China
2. ANG PANAHON NG MGA KABIHASNAN
4. ANG PANAHON NG KOLONYALISMO AT
 Sumer
IMPERYALISMO
 Indus
 Shang

Note: Ang KOLONYALISMO ay ang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mas maliit o
mas mahinang bansa. Ito ay nakalayon upang kunin at ubusin ang mga kayamanan ng maliit na bansa para
sa kapakanan ng malakas ng bansa.

Sino Ang Mga Mananakop Bansa?

1. PORTUGAL 4. GREAT BRITAIN

2. SPAIN 5. NETHERLANDS

3. FRANCE

ANG MGA PANGYAYARI NA NAGBIGAY DAAN SA PAGDATING NG MGA KANLURANIN SA ASYA

1. KRUSADA

• Ito ay serye ng mga kampanya ng mga Kristiyanong kabalyero na ang layunin ay bawiin
ang Jerusalem mula sa mga Muslim.
• Pagkatuklas sa produktong Asyano (pagkain, pampalasa, medisina, agham, etc.)
• Naging batayan ng pagkakaroon ng militar
• Pananakop at pagpapalaganap ng relihiyon

2. PAGLALAKBAY NI MARCO POLO

 Isang Italyanong manlalakbay na nagpunta sa Tsina noong 1260.


 Nanirahan sa Tsina ng 11 na taon. Naging tagapayo pa ng emperador ng Dinastiyang Yuan.
 Pagbalik sa Europa, isinulat ang “Travels of Marco Polo” na naka-inspire sa mga taga-
Europa na magpunta sa Asya.

3. IMPERYONG BYZANTINE

 Ang Imperyong Byzantine ay isang malakas na imperyo noon sa Europa.


• Mayroong sistema o rutang pangkalakalan mula Europa patungong Asya
• Ang pagbagsak ng imperyo ay naging dahilan sa pagkawala ng mga ruta na nagresulta sa
 Monopolyo ng Italya
 Paghahanap ng bagong ruta

Dahilan ng Pagbagsak ng Ng imperyong Byzantine

 Monopolyo ng Italya
 Paghahanap ng ruta pangkalakalan

PAKSA 16: DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

Kolonyalista/Imperyalista Na Mga Bansa

UNANG YUGTO (16TH-17TH Century) IKALAWANG YUGTO (18TH-19TH Century)


• PORTUGAL • PRANSYA
• ESPANYA • GRAN BRITANYA
• PRANSYA • NETHERLANDS (OLANDES)

Mga Layunin (Goals) Ng Unang Yugto Ng Imperyalismo (3 G’s)

1. GOD - Layunin ng mga Europeo na magpalaganap ang relihiyong Kristiyanismo o Katolisismo

PAPAL BULL - Sa Ngalan Ng Relihiyong Katoliko, Maaaring Manuklas Ng Lupain Ang Espanya At Portugal
(Pope Alexander Vii)

2. GOLD - Mapakinabangan ang likas na yaman ng mga masasakop at mapaunlad ang kanilang
ekonomiya
3. GLORY - Ang pagkakaroon ng maraming teritoryo ay simbolo ng pagiging malakas at
makapangyarihan

Mga Layunin (Goals) Ng Ikawalang Yugto Ng Imperyalismo (W. I. P)

1. WHITE MAN’S BURDEN - Naniniwala ang mga Kanluranin na nakahihigit ang kanilang sibilisasyon
kaysa sa mga Asyano kung kaya ipinapalagay nila na may tungkulin sila na turuan ang mga Asyano
2. INDUSTRIYALISASYON - Nagkaroon ng malaking pag-unlad sa Europa noong 19th Century kung
saan naimbento ang maraming uri ng makina/machine.
3. PAMUMUHUNAN - Sa ilalim ng prinsipyong Kapitalismo, itinuturing ng mga Kanluranin ang mga
bansang Asyano bilang mapagkukunan ng materyales sa kanilang mga negosyo at pagbebenta.

Asya Raw Materials Europa Gagawing Produkto/Industriyalisasyon Asya Produkto

MGA DAHILAN NG KOLONYALISMO SA ASYA

UNANG YUGTO (16TH-17TH Century) IKALAWANG YUGTO (18TH-19TH Century)


• God • White Man’s Burden
• Gold • Industriyalisasyon
• Glory • Pamumuhunan
PAKSA 17: IBA’T IBANG URI NG PANANAKOP / MGA BANSANG SINAKOP AT NANAKOP

Iba’t Ibang Uri Ng Pananakop

• KOLONYA
• KONSESYON
• PROTEKTADONG ESTADO
• SAKLAW NG IMPLUWENSIYA
• MANDATO

KOLONYA - Mga bansang napasailalim sa pamamahala ng mananakop sa pamamagitan ng pamahalaan,


mga batas at sistema ng edukasyon.

KONSESYON - Pribilehiyong natatamo ng malakas na bansa mula sa mahinang bansa

PROTEKTADONG ESTADO -Estadong nagpapasailalim sa proteksyon ng malakas na estado.

SAKLAW NG IMPLUWENSIYA - Sa mga lugar na ito, ang nasusunod ay ang polisiya ng dayuhang may
saklaw sa lugar.

SISTEMANG MANDATO - Ang mga bansang hindi pa handang magsarili ay ipinasailalim muna sa paggabay
ng bansang Europeo bago ipagkaloob ang kalayaan.

Eksplorasyon Ng Mga Kanluraning Bansa

1. PORTUGAL

• Bansang nanguna sa pagpunta sa Asya sa pamamagitan ng bagong ruta


• Hindi imperyo nguni’t ang lupain ay ginagamit upang maging himpilang pangkalakalan

Mga nasakop na bansa:

Sri Lanka (Ceylon)

 Java, Sumatra  Cochin at Goa, India


 Celebes  Malacca
 Borneo  Macao, China
 Hormuz (Iran)  Formosa(Taiwan)
 Aden, Red Sea

2. NETHERLANDS

• Sinakop ang lugar na napalilibot sa Hudson River


• Isang bansang komersyal Nakontrol ang ruta ng kalakalan sa Indian Ocean sa pamamagitan ng
Dutch East India Company
 Nakipagkalakalan din sa Japan

Mga nasakop:

 Batavia, Formosa at East Indies  Macau


 Indonesia  bahagi ng China
 Timor Leste  Ceylon (crown colony/mula sa
 East Timor Portuges)
 Sri Lanka

3. FRANCE

• Hangad na magpalawak ng teritoryo nguni’t nahadlangan ng Napoleonic Wars.

Mga nasakop

 India  Brunei
 Crown jewel  arawak at North Borneo
 Burma  Indonesia
 Myanmar  Hongkong
 Singapore  bahagi ng China
 Malaya  Indochina
 Malaysia  Vietnam, Laos, Cambodia

Mga mandato: Iraq, Palestine, Syria, Egypt at Lebanon

4. ENGLAND

• Nasakop nila ang Atlantic Coast


• Pinakamalaking imperyo sa mundo
• Nasakop ang kanluran at timog Asya

Bansang nasakop

 Malaya  Sarawak
 Singapore  Ceylon(sri lanka)
 Brunei  Canada
 Australia/new Zealand
Mga mandato:

 Iraq at Palestine
 Sphere of influence: timog ng iran

5. ESPANYA

• Maraming Kolonya sa Central at South Amerika.


• Pumapangalawa sa Portugal sa panahon ng pananakop.
• Nag-iisang kolonya ang Pilipinas sa Asya

Mga Nasakop

 Dulo ng South America


 Atlantic
 Peru
 Pilipinas
America

• Nakuha ang Pilipinas (Kasuduan sa Paris)


• Dahil sa pagkakatuklas ng langis sa Gitnang Silangan, umalyansa ito sa Jordan, Iran at Saudi Arabia

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

1. Paglaganap ng kaalaman sa kultura ng mga Europeo


2. Pagtuklas ng bagong lupain at nagsimula ang kolonisasyon
3. Pag-unlad ng kaalaman sa heograpiya
4. Nagdulot ng hidwaan sa mga bansa na nagresulta sa digmaan.
5. Napasa-ilalim ang Asyano ng mga Kanluranin

PAKSA 18: SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA KOLONYALISMO

Ang Tsina Sa Panahon Ng Kolonyalismo (Ika-19 Na Siglo Hanggang Ika-21 Na Siglo)

 Maraming bansa ang nais na magkaroon ng kalakalan sa Tsina dahil sa kayamanan na mayroon
ito. Isa rito ay ang Great Britain.
 Naging malago ang palitan sa pagitan ng Tsina at Great Britain subalit dumating ang panahon na
wala nang maipalit o maibayad ang Great Britain na sasapat sa gusto ng Tsina.
 Isa Sa Pinakamahalagang Kayamanan/Produkto Na Kinakalakal O Nais Na Makuha Ng Great Britain
Sa Tsina Ay Ang Tsaa/Tea

Upang ipagpatuloy ang kalakalan, ilegal na ipinasok ng britain ang opyo (opium) sa tsina bilang produkto
na binebenta. Ang opyo ay isang ilegal na gamot (droga) na nakakadulot ng masamang epekto sa tao. Ito
ay ipinagbawal ng tsina na siyang kinagalit ng britain

Sa pagkatalo ng Tsina, nagkaroon ng kasunduan o treaty sa pagitan nila at ng Great Britain.

1) Treaty of Nanking

2) Treaty of Tientsin

Ang dalawang kasunduan ay nagbigay sa Britain ng kontrol sa mga ports ng Tsina. Ibig sabihin,
kapangyarihan at kontrol sa pakikipagkalakalan ng Tsina.

Dahil sa pagbabawal, inatake ng Britain ang Tsina na siyang nagbunga sa tinatawag na Digmaang Opyo

Ano ang kabuuang resulta ng digmaang Opyo? MALAWAKANG KONTROL SA TSINA

Ikatlong Bahagi Ang Hapon Sa Panahon Ng Kolonyalismo (Ika-19 Na Siglo Hanggang Ika-21 Na Siglo)

ANG JAPAN SA PANAHON NG KOLONYALISMO

 Bago dumating ang mga Kanluranin, ang Japan ay nakasara o sakoku (closed country) sa higit na
200 na taon.
 Sa pagdating ng mga Kanluranin (Estados Unidos), binuksan ito ng mga Hapones.
 Nagkaroon ng kasunduan na tinatawag na Treaty of Kanagawa
ANG KAKAIBANG TUGON NG MGA HAPONES

Hindi tulad ng ibang mga bansang Asyano, kakaunti ang naging resistance ng Japan laban sa mga
Kanluranin

DAHILAN: Masasabi na tinanggap ng Japan ang pagdating ng mga dayuhan kung saan nagkaroon ng
tinatawag na “self-Westernization” na naganap noong panahon ni Emperor Meiji.

Ang Meiji Restoration o ang pagkakaroon ng malawakang pagbabago ng Japan pagdating sa pulitikal,
ekonomiko, kultural, militar, edukasyon. Lahat ay nakaangkop o katulad ng mga pamamaraan ng Estados
Unidos.

INDOCHINA - Ito ay isang rehiyong binubuo ng mga bansang Vietnam, Laos at Cambodia. Ito ay tinatawag
bilang INDOCHINA dahil sa malakas na impluwensiya ng Chinese at Indian culture sa mga bansa. Ito ay
sinakop ng France

KOLONYALISMO AT ANG MGA PATAKARANG KOLONYAL

1) KOLONYALISMO - Ang pananakop ng isang malakas na bansa sa mas mahinang bansa upang kunin ang
mga likas na yaman ng mahinang bansa.

2) PATAKARANG KOLONYAL - Ang mga pamamaraan na ginagamit ng malakas na bansa upang makuha
ang mga likas na yaman ng mahinang bansa.

MGA PATAKARANG KOLONYAL NG ESPANYA SA PILIPINAS

 Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 na taon.


 amamalakad ng simbahan/relihiyon at pamahalaan (pinuno: gobernador-heneral). MGA
PATAKARANG KOLONYAL NG ESPANYA
 Polo y Servicios - sapilitang paggawa ng mga kalalakihan (edad 16 to 60 na taon) sa loob ng 40 na
araw. Walang bayad at delikado ang kondisyon.
 Bandala - sapilitang pagbenta ng mga Pilipino sa mga Espanyol ng kanilang ani o produkto sa maliit
o mababang halaga

MGA PATAKARANG KOLONYAL NG DUTCH SA INDONESIA

 Tinatawag noon ang Indonesia bilang Dutch East Indies bilang isang kolonya ng Netherlands sa
Asya.
 Dutch East India Company ang lokal na pamahalaan ng Netherlands na may kontrol sa bansang
Indonesia.

PATAKARANG KOLONYAL NG DUTCH

● CULTIVATION SYSTEM - Ito ay ang sapilitang pagpapatanim ng mga Dutch sa mga Indones ng mga
produkto na kalaunan ay ikakalakal at ibebenta nang walang makukuha pera/kita ang mga Indones.

Ang bansa na hindi nasakop ng Europeo: THAILAND

Ang buffer state ay isang bansa, tulad ng Thailand, na nasa pagitan ng dalawang magkaribal o magkaaway
na bansa. Ang pagiging buffer state ay nagiging dahilan upang maiwasan ang hidwaan (digmaan o gulo)
sa pagitan ng dalawang bansang magkaaway.
KANLURANIN/EUROPEO MGA BANSANG SINAKOP
Espanya Pilipinas
Portugal Indonesia
France Indochina (Vietnam, Laos, Cambodia)
United Kingdom Burma (Myanmar), Indonesia
Netherlands Indonesia

PAKSA 19: NASYONALISMO SA ASYA

JOSE RIZAL MAHATMA GANDHI MAO ZEDONG SUKARNO

PILIPINAS INDIA CHINA INDONESIA

Sila ay may mga malalaking kontribusyon sa kani-kanilang mga bansa. Sila ay mga bayani (hero) o
nasyonalista sa bansa nila.

ANO ANG KAHULUGAN NG NASYONALISMO

1. Pag-aalay ng buhay para sa bansa.


2. Pagtulong sa nangangailangan.
3. Pagkakaroon ng mabutihing mithiin para sa bansa

Ang kahulugan ng NASYONALISMO ay pagmamahal sa bansa

ANU-ANO ANG PAGKAKATULAD NG MGA TAONG ITO?

 Ang mga nasyonalista ay mga taong nagpakita ng pagmamahal para sa kani-kanilang mga bansa
 Sila ay may mga malalaking kontribusyon sa kani-kanilang mga bansa. Sila ay mga bayani (hero) o
nasyonalista sa bansa nila

MGA FAKTORS NG NASYONALISMO

Ang hindi magandang karanasan ng mga Asyano sa kamay ng mga mananakop na Kanluranin/Europeo ay
nagbunga sa adhikain o mithiin na makalaya mula sa mahabang panahon ng pananako
ANG NASYONALISMO SA ASYA

Sa kagustuhang lumaya mula sa pananakop ng mga Europeo/Kanluranin, nagkaroon ng mga


rebolusyon (revolts) o kilusan (movements) ang mga Asyano laban sa mga mananakop
Ang non-violent at peaceful movement ni Mahatma Gandhi sa India. Ito ay laban sa United
Kingdom
Ang Rebolusyong 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio at ng Katipunan sa Pilipinas. Ito ay laban
sa mga Espanyol.
Ang Boxer Rebellion sa Tsina. Ito ay laban sa mga dayuhan naninirahan sa Tsina noong 1900s
Ang mga kilusan/rebolusyon/rebellion ay nakalayon para makalaya ang mga Asyano sa mapaniil
(oppressive) na pananakop ng mga Europeo/Kanluranin sa kanilang mga bansa.
Ito ay ang paraan ng mga Asyano na ipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga bansa. Ang
i-buwis o i-sakripisyo ang kanilang buhay para makalaya ang kanilang mga bansa pananakop ng
mga Kanluranin/Europeo

You might also like