You are on page 1of 6

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Catch-up Subject: Filipino - NRP Grade Level: 7


Quarterly Theme: Panitikan ng Luzon: Larawan ng Date:
Pagkakakilanlan
Sub-theme: Mga Kuwentong-bayan, Sanaysay, Duration: 90 mins
Maikling Kuwento
Session Title: Konotasyon at Denotasyon Subject and Time: Filipino
12:30 – 1:30 PM
(schedule as per
existing Class
Program)
Session Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat , batay sa konteksto ng
Objectives: pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito.(F7PT-III-
11)
References: -Akda: YUMAPOS ANG TAKIPSILIM ni Genoveva Edroza-Matute
-Pluma 7, Internet, SLM
- Sanggunian :Denotasyon at Konotasyon.docx - Denotasyon literal o totoong kahulugan ng salita-
kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo Bola ng kanyon | Course Hero
-takipsilim sa tabing-dagat : r/PhilippinesPics (reddit.com)
Materials: pictures
Components Duration Activities
Pre-Reading 20 mins • Regular na rutin sa pagsisimula ng klase.
Activities • Paghahanda ng guro sa silid na hindi magiging sagabal sa pagbabasa ng
Preparation mga mag-aaral.
and Settling In • Pagkakaroon ng isang gawain sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
larawan.

Tanong:
1. Ano ang napapansin mo sa larawan?
2. Para sa iyo, ano ang kahulugan nito?
3. Ano pa ang pahayag ang maari nating
maiugnay sa larawan?

During Reading 40 mins • Ang mga mag aaral ay magbabasa ng tekstong “YUMAPOS ANG
Dedicated TAKIPSILIM” ni Genoveva Edroza-Matute sa tahimik na pagbasa.
Reading Time Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng “takipsilim” sa kuwento?
2. Ibahagi ang ginagawa ng mga karakter sa kuwento kapag nagiging madilim
na?
3. Ano ang mensahe ng kuwento tungkol sa pagkakaroon ng pag-asa sa
kabila ng mga pagsubok sa buhay?
Post-Reading 30 mins A. Pagpapasagot ng pagsasanay kaugnay sa tinalakay na paksa.
Progress Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay sa
Monitoring pagkakagamit nito sa pangungusap.
Through
Reflection and 1. Kumandong si Lydia sa kanyang lola at tinanong kung siya ba ay aalis.
Sharing A. Humalik C. Lumapit
Wrap Up B. Kumalong D. Yumakap

Page 1 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

2. Tinanong ng lola kung saan nahagilap ni Lydia ang sinasabi ng kanyang apo sa
kanya.
A. Nakuha C. Narinig
B. Nalaman D. Naunawaan
3. Ito’y matuling bumaba buhat sa kanyang kandungan sa unang ingit ng pinto na
nagpasungaw sa magandang ina nito.
A. Mabagal C. Makupad
B. Mabilis D. Marahas
4. Kung iisipin nga naman, halos hindi kayo nakikilala ng mga apo ninyo sa anak
niyong bunso.” May marahang tawang walang-taginting ang kasabay ng sinabing
iyon ni Ramon.
A. Mabilis C. Malakas
B. Mahinahon D. Matulin
5. Ngayon ay lumiliwanag na ng bahagya ang isipan ng lola.
A. Kaunti C. Sobra
B. Marami D. Wala

B.Pagtalakay ng guro sa pagkakaiba ng DENOTASYON AT KONOTASYON

ANO ANG PAGKAKAIBA NG DENOTASYON AT KONOTASYON?


Ang denotasyon ay karaniwang kahulugan mula sa diksiyonaryo o salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. Samantalang ang konotasyon
ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o
pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.

Mga halimbawa :
1. Bola
denotasyon : laruan na hugis bilog
konotasyon : matamis na dila

2. Pusang itim
denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot at kulay itim
konotasyon : nagbabadya ng kamalasan/kapahamakan

3. Buwaya
denotasyon : hayop
konotasyon : pagiging ganid, matakaw o gahaman

4. Itim
denotasyon : kulay
konotasyon : kamatayan

5. Kamay na bakal
denotasyon : bakal ang kamay
konotasyon : paghihigpit

Page 2 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Panuto: Ibigay ang Konotasyon at Denotasyong kahulugan ng bawat salita na


nakadiin sa loob ng pangungusap batay sa akdang binasa. Isulat sa kahon ang iyong
sagot.

KONOTASYON SALITA DENOTASYON


(kahulugan) (kahulugan)
Inalis ang pagkakadaop
ng mga palad sa bato ng
Lola at pumalakpak.
Wala na ang malamig na
tinig ni Carmen
Sinlamig ng takipsilim na
yumapos sa butuhan
niyang katawan.

Pagbabahagi ng mga natutuhan ng mga mag-aaral sa akda.


Pagtukoy sa bahaging nagustuhan sa akdang binasa.
Pagbibigay ng repleksyon sa mga mag-aaral

Prepared By:
Rhea Rose B. Solangon
Teacher I

Recommending Approval: Approved:

Bello T. Camacho Dr. Maripaz T. Mendoza


Head Teacher VI - Filipino EPS – Science
Officer-In-Charge
Office of the Principal

Page 3 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

YUMAPOS ANG TAKIPSILIM


ni Genoveva Edroza-Matute

Kay Lydia niya unang narinig ang balita. “’La,” ang sabi ni Lydia na kumandong sa kanya at pinagdaop
ang mga palad sa kanyang batok, “aalis ka na nga ba rito, ha, ‘La?” “Aalis ako? Aba, saan ako pupunta?”
ang tanong niyang may kahalong tawa. “Di na nga ‘ko makakilos e – diyantreng rayuma ‘to! Aalis pa
‘ko?” “Ayan! Ayan!” Tuwang-tuwa si Lydia. Inalis ang pagkakadaop ng mga palad sa bato ng Lola at
pumalakpak. “Sabi na nga ba, di ka pupunta kina Odet!” Ang tawang nagpalabas sa mga gilagid na wala
nang ngipin ay unti-unting natikom, kasabay nang panliliit ng mga mata – mga matang umaaninag sa
mukhang apo. “Batang ire, kung saan-saan kinukuha ang pinagsasabi. Saan mo ba nahagilap iyan?
Pa’no ko pupunta kina Odet – ni hindi ko alam kung saan nakatira iyon? Dadalawang beses kong
nakikita sa . . . ku . . . kung ga’no na katagal na panahon!” Ngunit hindi na nakikinig sa kanya si Lydia.
Ito’y matuling bumaba buhat sa kanyang kandungan sa unang ingit ng pinto na nagpasungaw sa
magandang ina nito. “Lydia,” ang tawag ng magandang si Carmen. Ang tinig na dumating sa pakinig ng
Lola ay hindi marahas, hindi galit. Malamig. Malamig. Ang magandang si Carmen ay aral sa kolehiya.
Kailanma’y hindi niya narinig ang tinig nitong naging marahas, ni galit. Malamig lamang. Malamig. Si
Lydia ay mabilis na lumabas sa kusina. Sumunod ang ina nito. Mula sa upuang may-pagulong ay
tinanaw ng matanda ang mag-ina.

Sinasabong mabuti ng magandang si Carmen ang mga bisig at kamay ni Lydia. Sa kanyang panganay
niya narinig na muli ang balita. “Inay,” ang marahang sabi ni Ramon, “gustong-gusto kayong makuha ni
Rey – sabik na sabik daw sa lola ang anak niyang si Odet. Kung iisipin nga naman, halos hindi kayo
nakikilala ng mga apo ninyo sa anak niyong bunso.” May marahang tawang walang-taginting ang
kasabay ng sinabing iyon ni Ramon. “Sabi ko nga’y hindi kami papayag ni Carmen na makuha kayo ng
kapatid kong iyon, pero. . . “’Ba, ayoko ro’n. Sabi mo nga, ni hindi kami halos nagkakakilala ng mga apo
ko – maski manugang ko – kay Rey.” “Pero,” ang patuloy ni Ramon, “baka naman magdamdam si Rey.
Sabi ko na lang, payag kami ni Carmen. . . na. . . magbakasyon kayo roon.” Mailap ang mga paningin ni
Ramon. Umiiwas sa kulu-kulubot na mukhang nakataas sa kanya, sa mga nanlalabong matang
umaaninag sa kanya. Magbabakasyon ako. . . sa bahay. . . ng akong bunso? Buong kupad na gumapang
sa kanyang isipan ang narinig na iyon sa kanyang panganay. Hinaplos-haplos ng butuhan niyang kamay
ang buhok niyang simputi ng pilak. Bakasyon nga ba ang sinabi ng aking panganay? Kina Rey? Saan nga
ba nakatira ang aking bunso? Ano nga ba ang pangalan ng napangasawa niya? Si Odet ay apo ko yata
sa aking bunsong anak. Hindi ko maalala ang mukha. A, iba si Lydia. Kilala ko si Lydia. Bunso ng aking
panganay. Maganda ang kanyang ina. Sinasabong mabuti ang mga kamay ni Lydia. Bakit kaya? Talaga
bang dadalawa ang aking mga anak? Matagal nang namamatay ang kanilang ama. “Inay, nakikinig ba
kayo?” Nangibabaw ang tinig ni Ramon sa sali-salimuot na isipang buong kupad na gumagapang sa
kanyang utak. Bakit ba padalas nang padalas na nagsasali-salimuot nang gayon ang iba’t ibang isipan
sa kanyang ulo? Noong bata-bata pa siya: Kung mauna ako sa iyo’y huwag mong gaanong damdamin
– may dalawa ka namang anak. Mabigat ang kamay na pumatong sa kanyang balikat. “Napag-usapan
na namin ni Carmen ang bagay na ito, Inay. Nagkasundo kami – na pagbigyan ang gusto ni Rey.”

Ngayon ay lumiliwanag na ng bahagya ang kanyang isipan. Magbabakasyon ba ‘ka mo ako kina Rey?
Hinagilap ng nanlalabo niyang paningin ang mukhang kangina’y nakatunghay sa kanya, ngunit nag iisa
na siya. Luminga-linga siya. Talagang nag-iisa na siya. Pinagulong niya ang kanyang upuan hanggang sa
may pinto. Pinihit niya ang hawakan. Hindi natinag ang pinto. Nanatili sa pagkakapinid. Sa kabila ng
nakapinid na pinto’y naulinigan niya ang tinig ni Ramon. Malakas. Ngunit hindi malinaw ang mga
salitang hinahadlangan ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang-bahagya ang tinig ni

Page 4 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Carmen. Marahan. Hindi galit. Malamig. Naglagos sa pinid na pinto ang kalamigan ng tinig niyon.
Inantok siya sa pakikinig sa mga tinig na iyon. Bakit pa padalas nang padalas ang pag-aantok niya kahit
na araw? Sindalas ng pagsasali-salimuot ng iba’t ibang isipan sa kanyang utak na pabagal nang pabagal
sa pag-unawa sa anumang sabihin sa kanya ni Ramon. Ni Lydia. Ng mga kapatid nito. Ng mga utusan.
Matagal na siyang hindi kinakausap ng magandang si Carmen. Kaalinsabay ng pag-aantok niya ang
pagsasali-salimuot ng iba’t ibang isipan. Isipan nga ba o alaala? Alaala nga ba o guniguni? Dadalawa
naman ang ating anak. Ang tinig ay humahakdaw sa maraming taon. Nagbabalik sa kanya sa buong
kabaitan niyon. Sa buong pagmamahal niyon. Napagtapos na natin silang dalawa ng karera.
Makapagsisimula na sila sa tulong ng kanilang sariling pagsisikap. Tayo naman ay maglibot-libot
hanggang Mindanaw man lamang, hanggang Ilokos. Makita man lamang natin ang sariling bayan bago
tayo mamatay. Taong ito, ang dalawa kong bunso, maging makasarili? Hindi mo nga pala sila nakikilala
– gaya ng pagkakakilala ko! Una muna si Ramon. Malaking bahagi ng kanilang tinipon ang nagpatayo
ng isang bupete para rito. Kagaraang umakit ng magagarang kliyente, ng mga usapin ng maseselang
damdamin ng maseselang tao na naghatid ng tagumpay, ng kolehiyala’t magandang si Carmen.
Sumunod si Rey. Ang nalalabi pa sa kanilang tinipon ang nag-akyat kay Rey sa lipunang kinatagpuan sa
isang tagapagmanang taga-Timog. Kinabukasan ng kasalan, ang tinig na iyo’y nagbalik sa katahimikang
pinagmulan. Isang sakuna ang sumakmal at kumitil nang panghabang panahon, sa tinig na iyon at sa
marupok na pangarap ng dapithapon ng buhay. “Huwag na kayong umiyak, Inay.” Iyon ay tinig ni
Ramon. “Sa amin kayo titira. Mabait si Carmen, at malapit na kayong magkaapo.” Apo? Mga apo?
Mararahang yabag, mga yabag na di-nakatitiyak sa pangangabay, mabibilis na paa sa pagtakbo,
matitinis na tinig. “Ang bola ko! I-i-i-i-i-iiiiiiiiiit!” Saglit na katahimikang sumabog sa matinis na sigaw ng
maraming tinig. Ano iyon? Tuminag ang lola sa upuang may-pagulong, sa saglit ng kanyang
pagkakalimot. O pagkakatulog? O pangangarap? Lumalapit sa kanya si Tinay, ang utusan. May tangang
kutsarita ng gamot at isang basong tubig.

“Lula, mag-inum na ikaw sa gamut – para d’yan sa imu na balat. U, mag-inum ikaw agad sa tubig –
masyadu nang mapait n’yan, anu?” Sinipat ni Tinay ang namamalikaskas na balat sa mga bisig ng
matanda. “Pur bida, baka magi na matanda sa akon, gan’yan din sang balat ku?” Tumawa si Tinay.
Ngunit bago iyon lumabas ay kinuwentuhan muna siya. “Lula, magdating na naman sang Mistir at Misis
Valli.” “Sino?” “Sang Misis, ‘yung kumadri sang Niyura Carmin – ‘yung magsabi, pag magkita sa imu,
parang magkita rin sang nanay n’yang mamatay. Magsabi pa nga magsuwirti sang Lydia, mi lula – sang
anak n’ya, ala. . . ” “A, iyon ba?” Lumabas si Tinay, dala ang kutsarita at ang basong wala nang laman.
Ipininid na muli ang pinto. Buhat sa kabilang silid ay wala na ang taginting ng malakas na tinig ni Ramon.
Wala na ang malamig na tinig ni Carmen. UMAAMBUN-AMBON NANG HAPONG pumasok sa malaki’t
lumalangitngit na pinto sa harap ang awto ni Rey. Si Tinay, ang utusan, ang nagsabi sa kanya kung sino
ang dumating. “Sang lula naman,” ang natawang sabi ni Tinay. “Sinu gid bisita ang magtanung sa imu?
Sang Mistir Riy ‘yun a! Imu na anak, di mu man kilala? Pur bida!” Muling tumawa si Tinay. May kung
anong biglang umawit sa kalooban ng matanda. Sumayaw. Nagningning. Inaninag ng kanyang mga
nanlalabong paningin ang matangkad at matipunong katawang tuloy-tuloy sa salas. Banaag ng araw
na nagdaan sa kanyang pangmalas ang mukhang yaong kapilas ng sa amang nagalala nang gayon na
lamang sa kanya – kung sakali’t mauna iyong angkinin ng kamatayan. Simbilis ng alaala ang
pagpapagulong niya ng upuan, patungo sa pinasukan ng kanyang bunso. Alaala ng tinig na iyong mabait
at mapagmahal: Hu, ikaw ba naman, mas mahal mo ang bunso mong iyan kaysa panganay. At ang tinig
niya sa pagsagot: Taong ito – gaya mo ba, may paborito? Kung hindi pa halatang-halata ang pagkiling
mo sa panganay mong iyan! Ang tinig niya ngayo’y humahakdaw sa kalawakan, sa buhay at kamatayan,
at ngayo’y sinasabi niya sa ama ng magkapatid: Nakita mo na – wala kang dapat ipangamba, mauna ka
man sa akin. Kukunin na ako ngayon ng ating bunso. Isasama ako sa bahay nila sa Timog. Taong ito –
nag-aalala nang walang dahilan. Talagang itutuloy niya ang pagpapagulong ng upuan hanggang sa

Page 5 of 6
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

pinasukan ng kanyang bunso. Sabik na sabik ang butuhan niyang mga kamay na makasalat sa mukhang
iyong kapilas ng sa kanyang kabiyak; ang nanlalabo niyang paningin na umaninag sa kabuoan niyong
kinalong-kalong sa bata niyang dibdib noong araw. Sa may-pinto’y ipinatda siya ng malakas na tinig ng
kanyang panganay at ng kanyang bunso. Nahinto ang paggulong ng kanyang upuan, kasabay ng pagtigil
ng pag-inog ng kanyang daigdig. “Habang panahon yatang kami ang nagpasan diyan. Ngayon namang
ikaw ang dapat, marami ka riyang idinadahilan.” “A, ngayong hindi na niyo pinakikinabangan, ano? Saka
sinabi ko na sa iyo, magra-round-the-world kami, paano?” Sumunod ang tinig ng magandang si
Carmen. Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang sinasabi. Malamig na tinig na nanuot nang
malalim sa kanyang mga buto. Sinlamig ng patak ng ambong kumopkop sa kanya sa marahang
paggulong ng kanyang upuan sa terraza. Sinlamig ng takipsilim na yumapos sa butuhan niyang
katawan. Si Tinay, ang utusan, ang nakatagpo sa kanya sa terraza. “Naku, sang matanda na ari – bakit
magbasa ikaw sang ulan? Halika sang luub. Anu nang ibulung sa imu – Misis Valli, Misis Valli, Misis Valli.
Naku, siguro mag-ulian nang talaga sang Lula. Halika sang luub.” Ga-daigdig ang kaamuan, ang
kahabagan sa tinig ni Tinay – ang utusan.

Page 6 of 6

You might also like