You are on page 1of 6

Pangalan ng Guro Prof.

Aquilina Redo Kwarter Unang Semestre ng


Pangalawang Taon

Asignatura CEE 4 Ekstratura ng Wikang Petsa Ika-14 ng Nobyembre, 2023


Filipino

Kurso / Seksyon/ BEED / 2-3 / Paksa Elementong


Pangkat 4 Nakakaimpluwensiya sa
Pakikinig

De Leon, Ivy Madellyne R.


Lider Barbero, Anna Lyn V. Mga Pangulayan, Kyla Asiarie C.
Miyembro Rabanal, Joan M.
Sapalaran, Amor S.
Verosa, Shiela Mae B.
Villacruel, Reynor B.
Banghay - Aralin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
(Estraktura ng Wikang Filipino)

I. Layunin

Sa loob ng 40 minutong aralin sa Filipino, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nabibigyang-pansin ang mga mahahalagang kaalamanan na nakapaloob sa kasanayan sa
pakikinig.
B. Naisasabuhay ng mga aral tungkol sa pamamaraan upang maging mabisang tagapakinig.
C. Nakabubuo ng timeline na nagpapakita ng pagiging mahusay na tagapakinig batay sa paksang
tinalakay o napakinggan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Elementong Nakakaimpluwensiya sa Pakikinig


B. Sanggunian: aklat, internet
C. Kagamitan: Compyuter, Manila paper, Panturong biswal at mga larawan
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

- Lupang HInirang

Diyos na Banal, maraming salamat po sa pagkakataong binigay


- Panalangin mo sa aming lahat upang makapag-aral. Salamat po sa pagbibigay
mo sa amin ng isang guro na matiyagang hinuhubog ang aming
isipan sa araw-araw.
Gabayan naman mo po kami upang makita ng aming mga mata
ang mga aral na ibinibigay ng aming tagapagturo. Bigyan mo po kami
ng talas ng isip upang matapos ang mga bagay na kailangan naming
malaman. Amen.

Guro: Magandang hapon mga bata.


- Pagbati
Estudyante: Magandang hapon din po titser.

- Pagbibigay ng pampasigla Pagkanta at pag-awit ng guro at estudyante.

Guro: Tayo ay magbabalik aral tungkol sa tinalakay ng Pangkat 3 ang


B. Balik – Aral
wika. Tignan ko nga mga bata kung sino ang nakakaalala sa inyo.
Ano ang ponema? - Katawagan sa tunog. Hal. Maestro – Maestra

Ano ang klister? – kambal katinig.

Ano ang diptonggo? – Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng


isang pantig (a.e.i.o.u) at isang malapatinig (w at y) sa loob ng isang pantig.
Hal. Bahay

Ano ang pares minimal? – Pares na salita magkaiba ng kahulugan


ngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema. Hal. pUso – pOso

Ano ang morpema? At mag bigay ng isang halimbawa. – Pinaka


maliit na yunit ng salita na nag tataglay ng kahulugan. Hal. Ma + Ganda =
Maganda

C. Pagganyak Guro: bago tayo dumako sa ating talakayan mag kakaroon muna tayo
ng pangkatang gawain…
Mag tatawag ako ng limang bata upang sagutan ang inihanda kong jumbled
word.

TANELS - Ito ay Daanan ng pakikipag talastasan

RGLUA - ito ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa pook

AOSR - ito ay tumutukoy sa tagal ng panahon na ating nalilipasan

EDDA - ito ay tumutukoy sa bilang ng taon na nabubuhay ang isang


nilalang na may buhay sa mundo.

KURTUAL - ito ay ang kabuuan ng mga kaugalian, paniniwala, gawi, at


tradisyon ng isang grupo ng mga tao.

Sagot:

1. Tsanel
2. Lugar
3. Oras
4. Edad
5. Kultura

D. Paglalahad Ang mga tagapakinig ay mauuri sa kanilang gulang, sa pinag-aralan, sa


hanapbuhay at sa kalagayang sosyal.

Bukod sa mga ito, ang oras, lugar at tsanel ay may epekto rin sa pakikinig.

Tsanel

Ito ay Daanan ng pakikipag talastasan. Maaaring ang ideya ay maipahatid sa


pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o ng paguhit at iba pa.

Lugar:

Ang malamig at tahimik na lugar ay nakatutulong sa pakikinig. Ngunit ang


silid na masama ang bentilasyon at maingay at may mga upuang hindi
maginhawang upuan ay makakasagabal naman sa mabuting pakikinig.

Oras:

May mga oras naman na hindi kahali- halina sa pakikinig. Kapag dumarating
na sa alas dose ang panayam o talumpati kaya, mapapansin na aliwaswas na
ang mga nakakanig.
E. Pagtatalakay Edad:

Mas maingay maknig ang mga bata kaysa sa mga may edad na. Mahusay ang
memorya ng mga kabataan ngunit higit naman madali ang pag-unawa ng
mga may edad na sa napapakinggan nila.

Pinag-aralan:

Mas may pinag-aralan ang nakiking, higit na may kakayahan umunawa sa


pinakikinggan. Mayaman kasi ang kanilang talasalitaan at marami silang
karanasang nabasa sa mga aklat na nagagamit nila sa pag-unawa sa kanilang
mga napapakinggan.

Kalagayang Sosyal:

Higit na sanay makinig ang mga taong may mataas na pinag- aralan at
kalagayan sa buhay. Palagi silang nakakapakinig ng at nag bibigay iyon sa
kanila ng higit na kasanayan na makinig.

Kultura

Ang pagkakaroon ng iba't ibang kultura ng bayan ay nagkakroon ng iba't


ibang pagpapakahulugan.

Kasarian

May iba't ibang gustong pakinggan ang mga babae at ganoon din naman ang
mga lalaki. Bibihira lamang sa mga babae at lalaki na may parehong paksang
nais pakinggan.

Konseptong Pansarili

Nakadepende sa tagapakinig kung paano niya bibigyan ng pagpapakahulugan


ang mga mensaheng kanyang napakinggan.

Ayon sa anyo, tatlo ang uri ng balangkas.

Balangkas sa Talataan:

Para itong talataan ng mga pangungusap namay tambilang na ang bawat


isa'y naglalaman ng paksa o punong diwa.
Balangkas sa Pangungusap:

Kinukuha rito ang mahahalagang kaisipan at maayos ayon sa kinalalagyan sa


akda.

Balangkas sa Paksa.:

Katulad din ito ng balangkas sa pangungusap na inihabanay ang mga


pangunahing kaisipan at nilalagyan din ng mga panandang tambilang o mga
titik.

IV. Pagsasanay / Pagtatasa Guro: Salamat sa inyong pakikinig at ngayon susubukan naman natin
ang inyong kaalaman.

1. Ito ay Daanan ng pakikipag talastasan. Maaaring ang ideya ay


maipahatid sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o ng
paguhit at iba pa.
2. Nakadepende sa tagapakinig kung paano niya bibigyan ng
pagpapakahulugan ang mga mensaheng kanyang napakinggan.
3. Ang pagkakaroon ng iba't ibang kultura ng bayan ay
nagkakroon ng iba't ibang pagpapakahulugan.
4. Higit na sanay makinig ang mga taong may mataas na pinag-
aralan at kalagayan sa buhay. Palagi silang nakakapakinig ng at
nag bibigay iyon sa kanila ng higit na kasanayan na makinig.
5. Katulad din ito ng balangkas sa pangungusap na inihabanay
ang mga pangunahing kaisipan at nilalagyan din ng mga
panandang tambilang o mga titik
6. Kinukuha rito ang mahahalagang kaisipan at maayos ayon sa
kinalalagyan sa akda.
7. Ano ang balangkas sa paksa?
8. Ano ang Konsepto pansarili?
9. bakit ang may pinag aralan ang higit na may kakayahan
umunawa sa pinakikinggan?
10. Magbigay ng tatlong uri ng Balangkas

Sagot:
1. Tsanel
2. Konseptong pansarili
3. Kultura
4. Pinag-aralan
5. Balangkas na paksa
6. Balangkas na pangungusap
7. ito ay pangungusap namay tambilang na ang bawat isa'y
naglalaman ng paksa o punong diwa
8. nakadepende sa tagapakinig kung paano nita bibigyannng
pagpapakahulugan ang mga mensaheng kaniyang
napakinggan.
9. n/
10. Balangkas na pangungusap
Balangkas na Talataan
Balangkas na paksa

V. Takdang Aralin * Magbigay ng limang halimbawa ng kultura sa ating bansa.

*Sa inyong konseptong pansarali, paano ka naiimpluwensiyahan o


naaapektuhan ng mga bagay na inyong naririnig?

VII. Pagninilay * Maginterview ng mga kaklase na at tanungin kung ano ang kultura
na ginagawa nila noon at hanggang sa panahon ngayon?

*Tumawag ng dalawang kaklase at magmimili sila ng papel at


nakasulat dito kung sino ang kanilang panigan kung babae o lalaki.

Sa tanong na SINO ANG MAS MAY KAKAYAHANNG UMUNAWA BABAE


O LALAKI?

You might also like