Professional Documents
Culture Documents
Aralin 6 Paghahambing NG Mga Kabihasnan Sa Asya (Sumer Indus at Tsina)
Aralin 6 Paghahambing NG Mga Kabihasnan Sa Asya (Sumer Indus at Tsina)
KABIHASNANG SUMER.
PLAY i MORE INFO
AP-7 HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST
Saan?
Sa malaking bahagi ng kasalukuyang Iraq matatagpuan
ang Mesopotamia. Kabilang ito sa tinatawag na Fertile
Crescent, isang rehiyon ng Asya na may matabang
lupain at lumalandas mula Persian Gulf. Sa pook na ito
dumadaloy ang kambal na ilog ng Tigris at Euphrates.
Mesopotamia
mesos - pagitan potamos-ilog
Lupain sa pagitan ng
Dalawang ilog.
PLAY i MORE INFO
AP-7 HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST
Paano nagsimula?
Ang pagdating at paninirahan ng mga sinaunang tao sa
timog na bahagi ng Fertile Crescent ang simula ng
kasaysayan ng Mesopotamia. Sa pagitan ng 3500 B.C.E.
at ng 3000 B.C.E., umunlad ang mga pamayanan at
naging lungsod ito. Tinawag ang rehiyong ito bilang
Sumer at nanirahan dito bilang Sumerian.
Sino ?
Binuo ang Sumer ng mga lungsod-estadong nagsasarili at may malayang
paraan ng pamamahala. Pinahalagahan ng mga Sumerian sa bawat
lungsod-estado ang kanilang kalayaan at handang makipaglaban kung ang
kalayaang ito ay nasa panganib. Ilan sa mga tanyag na lungsod estado ng
Sumer ang Kish, Ur, Larak, Nippur, at Lagash. Sa kabila ng kani-kaniyang
pamamahala, nagkaisa naman ang mga Sumerian sa iba't ibang lungsod
estado pagdating sa paraan ng pamumuhay. Ilang patunay nito ang sama-
sama nilang pagkontrol ng pag-apaw ng tubig sa kambal na ilog, iisang
pagsamba sa kanilang mga diyos, at aktibong paglahok sa kalakalan sa
mga lungsod-estado.
Paano natapos?
Wala silang pagkakaisang political kung kaya’t nagtayo sila ng
nagtataasang pader palibot sa lungsod. Nagsilbi itong
proteksyon laban sa mga kaaway at mga nagnais na sakupin ang
lungsod. Ang kawalan ng pinunong makapag-iisa sa mga
lungsod-estado ng Sumer at ang patuloy na paglaban para sa
kapangyarihan ang naging sanhi ng paghina ng mga Sumerian.
Tuluyang napag-isa ang Sumer nang sakupin ang mga ito ng
puwersang militar mula bilang Sume Sa Kish sa pangunguna ni
Haring Sargon.
Paano natapos?
KABIHASNANG INDUS.
PLAY i MORE INFO
AP-7 HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST
Saan?
Matatagpuan ang India ssa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang
rehiyong ito ay tinatawag na “sub continent of Asia” Kahugis ng
Indian subcontinent ang nakabaliktad na tatsulok, at mas Malaki
kaysa kanlurang Europe. Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang
matabang lupain sa lambak ng Indus River.
Saan?
Paano nagsimula?
Karaniwang nakabatay sa salaysay ng kabihasanang Indus sa mga artifact
at labi nito. Ito ay dahil hindi pa nau- unawaan ng mga historyador ang
sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao sa India. Walang malinaw na
batayan kung paano umusbong ang kabihasnan sa India. Ipinapalagay ng
mga eksperto na naglayag mula sa Africa ang mga nandayuhang tao sa
India. Ang iba ay maaaring dumaan sa Khyber Pass. Bagama't hindi naitala
ang simula ng kasaysayan ng Kabihasnang Indus, natitiyak ng mga
arkeologo na may mga pamayanang umunlad sa lambak Indus. Ang mga
natuklasang mahigit sa 100 pamayanan sa naturang lambak ang
nagpapatunay na may mahusay na pamumuhay ang mga sinaunang tao sa
Timog Asya.
Sino?
Dalawa sa pinakatanyag na lungsod sa kabihasnang Indus ang Harappa
at Mohenjo-Daro. Ipinapalagay ng mga historyador na naging maunlad
ang Harappa at Mohenjo-Daro mula sa dakong 2500 B.C.E. hanggang
dakong 1600 B.C.E. Tinatayang may 30,000 ang populasyon sa bawat
lungsod. Bunsod nito, nangailangan ang dalawang lungsod ng maayos
kongkretong pangangasiwa upang mapanatili ang kaayusan at
katahimikan sa kani-kanilang lugar.
Paano natapos?
Isa sa taglay na hiwaga ng kabihasnang Indus ang misteryosong
pagwawakas ng Harappa at Mohenjo Daro. Ayon sa mga
arkeologo, humina at tuluyang bumagsak ang kabihasnang Indus
sa pagitan ng 1600 B.C.E at 1500 B.C.E. Ipinalalagay na ilan sa
mga sanhi nito ay ang pagbabago ng klima, matinding pagbaha
sa mga lungsod, madalas na lindol. Ang pagdating ng mga
dayuhang Aryan ang sinasabing tuluyang nagpabagsak sa
Kabihasnang Indus
Kabihasnang Shang
PLAY i MORE INFO
AP-7 HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST
Saan?
Matatagpuan ang China sa Silangang Asya. Kung lupain
ang pag-uusapan, ito ang pinakamalaking bansa sa Asya.
May Kabuuang sukat ito na higit sa 9,300,000 kilometro
kuwadrado o halos 32 ulit ng laki sa Pilipinas.
Paano nagsimula?
Bago pa man nakamit ng mga Tsino ang kabihasnan ipinapalagay na may mga
lambak-ilog Huang Ho. Noong dakong 2000 B.C.E., may mga nanirahang
katutubong Tsino sa naturang pook na naka- pagtayo ng mga tirahang may
bubong na pawid o kugon. Mayroon na rin silang paraan ng pagtatanim at mga
kanal na nagsilbing patubig at pangkontrol sa pag-apaw sa Huang Ho. Paglipas
ng panahon, umunlad ang nasabing pamayanan at ilan dito ang nasabing mga
lungsod. Noong dakong 1750 B.C.E. isang Pamilya ang naging makapangyarihan
at tuluyang nakapamahala sa lambak-ilog ng Huang Ho. Ito ang pamilyang Shang
na pinagmulan ng mga naging pinuno sa loob ng mahabang panahon. Kinilala
ang pamamahala ng pamilyang ito bilang dinastiyang Shang.
Sino?
Pinangasiwaan ng dinastiyang Shang ang China particular ang bahagi
sa silangan ng Huang Ho at Yangtze. May mahigit na 300 pamayanan
ang nasa rehiyong ito. Isa sa pinakamaunlad na lungsod ang Anyang
na sentro ng dinastiyang Shang. Matatagpuan sa lungsod na ito ang
palasyo ng hari, templo, mga tindahan, gusaling imbakan ng pagkain,
at iba pang mga pampublikong gusali.
Emperor yu
PLAY i MORE INFO
AP-7 HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST
EmperorTang
PLAY i MORE INFO
AP-7 HOME TV SHOWS MOVIES MY LIST
Mahahalagang kontribusyon?
May Sistema ng pagsulat ang Shang na binuo ng mahigit na 3000 na simbolo o
character. Karaniwang nakasulat ang mga simbolong ito sa buto ng baka o tupa.
Ginamit ito ng mga pinunong espiritwal ng Shang na ipinapalagay na
nakapanghuhula ng mga pangyayari. Tinawag ang mga butong iton na mga
oracle bone. Sumasamba sa maraming Diyos ang mga sinaunang Tsino. Naging
tanyag sa kasaysayan ang dinastiyang Shang sa mga kasangkapan nitong yari
sa bronse. Sa una, ginamit ngn Shang ang bronse sa paggawa ng mga sandata.
Paglaon, ginamit ito sa mga panrelihiyong ritwal. Ilan sa mga gamit na yari sa
bronse ay mga estatuwa, baso, at sisidlang gamit sa seremonya
Oracle Bones
Sinaunang Sistema ng pagsulat
Paano natapos?
Tumagal ang dinastiyang Shang ng mahigit 500 taon. Noong
dakong 1122 B.C.E. sinakop ang lungsod ng Anyang ng isang
pangkat ng mga Tsino na nagmula sa kanlurang bahagi ng
China. Kinilala sila bilang mga Zhou. Ito ang nagwakas sa
kabihasnang Shang.