You are on page 1of 13

Makini Makilaho Matuto Isabuha

g k y
www.AralingAsyanoMatuto.co
m

MGA
KATANGIAN
NG
KABIHASNAN
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

Ang pag-unlad na nagawa ng tao sa


mga panahong ito ay tinaguriang
Rebolusyong Neolithic. Ang mga
naging bunga nito ang naging batayan
ng makabagong kabihasnan.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

“Paninirahan sa lungsod” ang orihinal na


kahulugan ng kabihasnan o sibilisasyon.

Ang KABIHASNAN ay tumutukoy sa isang


maunlad na kalagayang nalinang ng mga
taong naninirahan ng pirmihan sa isang lugar
sa loob ng nakatakdang panahon.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

AGRICULTURA: ANG SUSI SA PAGTATAG NG


SIBILISASYON

Ang kanilang pamumuhay na nakadepende


sa pangangaso, pangingisda, at
pangunguha ng bungang-kahoy ay dahilan
upang magpalipat-lipat sila ng tirahan.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

AGRICULTURA: ANG SUSI SA PAGTATAG NG


SIBILISASYON
Ang pagsasama-sama ng mga tribo upang bumuo ng
pamayanan ay nagsimula nang matuto silang magsaka at
kailanganing manatili sa iisang lugar upang mabantayan
ang kanilang pananim. Karaniwang sa lambak nagtatayo
ang mga tao ng pamayanan sapagkat mataba ang lupa
rito at mainam sa agrikultura.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

PAGKABUO NG PAMAHALAAN
• Ang lahat ng mga gawaing pampamayanan ay
kinailangan ng kooperasyon ng mga mamamayan at
ng pamumuno ng lider na mag-oorganisa sa mga ito.

• Mula rito ay nagkaroon ng sistema ng pamahalaan.


Ang napipiling mga pinuno ay karaniwang malalakas,
maiimpluwensiya, matatalino, at mayayaman na
kalalakihan. Ang posisyon ng mga pinuno ay base
sa “hereditary succession” o minamana ng mga
kaanak.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

MGA GAWAING PANG-EKONOMIYA


• Nagkaroon ng mga natatanging gawain sa komunidad o
tinatawag na job specialization katulad ng opisyal ng
pamahalaan, opisyal ng relihiyon, at miyembro ng militar.
• Ang gawaing ito ang naging simula ng kalakalan o ang
pagpapalitan ng produkto ng mga tao, komunidad, at
sibilisasyon.
• Ang bawat mamamayan ay kailangang magbayad ng buwis
ayon sa kanyang suweldo o kita, mga ari-arian, at antas sa
lipunan.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

PAGKAKAHATI-HATI NG MGA MIYEMBRO


NG LIPUNAN
• Mula sa pagkakaiba-iba ng gawaing ito ay
nagkaroon ng pagkakahati ng antas o estado sa
lipunan (social class) ang mga mamamayan.
Madalas na ang yaman at pamilyang
pinanggalingan ang basehan ng antas sa lipunan.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

ANG PANGANGAILANGAN SA
ORGANISADONG SISTEMA NG EDUKASYON
• Upang magkaroon ng oportunidad na magkaroon ng
magandang posisyon sa kahit anumang institusyon sa lipunan
ay nagsanay ang mga maykaya sa ilalim ng mga iskolar o
eksperto sa iba’t ibang larangan. Sa gawaing ito ay umusbong
ang pormal na pagsasanay at ito ang naging simula ng
organisadong sistema ng edukasyon.
History Lesson My Teams Topics Questions

www.katangianngkabihasnan.c
om

ANG PAGUSBONG NG SIBILISASYON

• Ang isang pamayanan o kaharian ay nagiging kabihasnan o


sibilisasyon kung ito ay nagtataglay ng mataas na antas ng:
pamahalaang sentral, relihiyon, herarkiya sa lipunan,
kabuhayan, job specialization, arkitektura, pagawaing bayan
(public works), edukasyon, sining at kultura, may sistema ng
pagsulat, at may mga siyudad.

You might also like