You are on page 1of 3

Ang Mga Hayop at si Kuliglig

Isang gabi sa nayon ng mga hayop, masayang umaawit ng kanyang paboritong himig si
Kuliglig. Uminom siya ng tubig at kumain ng paboritong niyang damo. Pagkatapos ay naligo at
nagbihis na siya ng kanyang damit pantulog.
Malakas pa rin siyang umaawit habang binubuklat ang kanyang talaarawan upang isulat
ang mga naganap sa kanyang buhay. Ng kinuha na niya ang kanyang panulat ay bigla siyang
napasigaw sa sakit.
“Aray!” sigaw niya.
Tinignan niya ang kanyang hinlalaki at dumudugo ito. Agad niyang hinugasan ang
kanyang kamay at hindi na hinawakan pa ang kanyang talaarawan at panulat, natatakot na baka
siya’y masaktan lamang muli.
Sa kabila ng sakit ay malakas pa rin siyang umaawit ng kanyang paboritong himig.
Nakahiga na siya sa kama at nakapikit na ang mga mata ng may naamoy siyang usok na tila
nagmumula sa kanyang bahay. Wala namang apoy o usok sa kanyang munting silid kaya’y
napagpasyahan niya na matulog na at ipagsawalang bahala ang usok.
Hindi na siya gumising pang muli kinabukasan, at sa mga sumunod pang araw.
` “Nabalitaan niyo na ba?” ang tanong ni Paru-paro kina Tipaklong, Langgam at Alitaptap.
“Namatay na daw ang ating kaibigan na si Kuliglig,” dagdag pa niya.
“Talaga!?” ang sabay-sabay na sigaw ng tatlo, gulat na gulat.
“Oo, kahapon ay natagpuan ang kaniyang bangkay sa loob ng bahay niya. Ang
nakakapagtaka ay namatay siyang nakahiga sa kama. Inaalam pa ng kapulisan kung ano ang
nangyari,” ang pagpapaliwanag ng Paru-paro.
“Nakakatakot naman, may mamamatay-insekto pala sa nayon natin?!” ang sambit ni
Langgam.
“Kahapon ay rinig na rinig ko pa ang boses ni Kuliglig…” nanlulumo namang sinabi ni
Tipaklong.
“Talaga nga namang nakakalungkot ang pagkamatay ni Kuliglig! Ngunit babawas na ang
ingay dito sa nayon sa pagkawala niya,” ayon naman kay Alitaptap.
“Paano mo iyan nasasabi! Wala ka bang puso?” ang tanong ni Paruparo kay Alitaptap.
“Maingay nga si Kuliglig, at talaga nga namang nakakapagpakulo ng dugo ang making sa kanya
gabi-gabi, ngunit paano mo nasasabi iyan Alitaptap!” pagtutuloy ni Paruparo.
“Ngunit totoo naman ang sinabi ni Alitaptap. Babawas na ang ingay ngayon na wala na si
Kuliglig,” sambit naman ni Langgam.
Bago pa tuluyan na mag-away ang tatlo ay lumapit sa kanila ang pulis na si Tutubi.
Nagtanong ito ng tungkol sa pagkamatay ni Kuliglig. Kung may kaaway ba ito, may
nararamdamang sakit, may nakagalitan, at iba pa. Nagturuan naman ang magkakaibigan.
Si Paruparo ay tinuro si Alitaptap, palagi raw galit kay Kuliglig dahil sa ingay nito. Tinuro
naman ni Alitaptap si Tipaklong, na nakaaway ni Kuliglig noong isang araw lang dahil din sa ingay
nito. Si Tipaklong naman ay tinuro si Langgam, na may hindi pagkakasunduan kay Kuliglig,
matagal na. Si Langgam naman ay binalik ang sisi kay Paruparo, na may alitan rin daw kalaban
si Kuliglig.
Lumisan na si Tutubi at nagpatuloy sa imbetigasyon sa pagkamatay ni Kuliglig. Bumalik
siya sa istasyon upang suriin ang bagong labas na autopsy report. Ayon dito, Asphyxiation, o ang
kakulangan ng oxygen ang ikinamatay ni Kuliglig. May Nakita ring mga palatandaan ng carbon
monoxide poisoning, cyanide poisoning at iba pang lason sa katawan ni Kuliglig.
Nagpatuloy siya sa pag-iimbestiga sa bahay ng namatay. Nahanap niya sa sahig ng
kwarto ni Tipaklong ang mga abo na tila ay nagmula sa uling. Kinuha niya ang lighter sa
basurahan na tila’y ginamit upang mapaliyab ang uling. Kinolekta niya rin ang ibang pwedeng
magturo sa kung sino ang may sala.
Pagkatapos ng ilang araw ay nagreport kay Tutubi ang kanyang forensic team. May
dalawang fingerprint na nakita sa lighter. Ang una ay kay Kuliglig, at ang isa ay sa hindi pa
nakikilalang hayop.
May lason din ang tubig at paboritong damo ni Kuliglig. Kahit ang panulat niya ay may
lason din. Ang nakakapagtaka pa ay bukod sa fingerprints ni Kuliglig, nakitaan rin ang mga bagay
na may lason ng fingerprints ng iba pang insekto.
May iba-iba ring uri ng lason sa mga gamit tulad ng calcium cyanide, Tetrodotoxin at H2O2.
Ang suspensya niya ay nagpatiwakal si Kuliglig, dahil nakita ang kanyang fingerprints sa
lighter at sa mga gamit na may lason. Ngunit nagtataka pa rin siya kung bakit magpapatiwakal si
Kuliglig. Gayunpaman, wala na siyang maggawa kundi isarado ang kaso dahil wala siyang
nahanap na patunay na may pumatay nga kay Kuliglig.
May mga gabi na hindi nakakatulog si Police Officer Tutubi, dahil sa konsyensya at sa
boses ni Kuliglig na sabi niya’y kanyang naririnig gabi-gabi bago siya matulog.
Sina Paruparo, Langgam, Tipaklong at Alitaptap ay hindi rin nakatulog sa mga sumunod
na araw dahil sa dalawang bagay: sa gabi-gabing pagdalaw sa kanila ng boses ni Kuliglig at dahil
na rin sa kinakain na sila ng kanilang konsensya sa pagpatay kay Kuliglig.
Hapon bago mamatay si Kuliglig ay nagtatrabaho siya. Pumuslit si Langgam sa kaniang
bahay. Nilagyan nito ng Tetrodotoxin ang paboritong damo ni Kuliglig. Agad siya umalis ng bahay
bago pa siya madakip.
Si Tipaklong naman ay nilagyan ng Hydrogen peroxide ang tubig na iniinom ni Kuliglig.
Agad rin siyang lumisan sa bahay pagkatapos niyang malagyan ng lason ang tubig.
Dinikitan ni Paruparo ang panulat ni Kuliglig ng calcium cyanide at itinabi ito sa kanyang
talaarawan. Ginawa niyang matalim ang lason upang matusok nito ang kanyang pinapatay.
Nagtago naman si Alitaptap sa isang silid sa bahay ni Kuliglig. Noong matutulog na si
Kuliglig ay sinindihan niya ang mga uling at pinapasok ang usok nito sa kwarto ni Kuliglig. Agad
rin siyang lumisan pagkatapos niyang magawa ang plano.
Sinubukang patayin ng apat si Kuliglig dahil napakaingay nito. Magdamag na kumakanta
at hindi napapagod o namamaos. Ang alam ng apat ay sila ang pumatay sa insekto. Hindi nila
batid na sinubukan nilang lahat patayin si Kuliglig. Kaya laking gulat nila ng narinig pa rin nila ang
awit ni Kuliglig kahit patay na ito.
Nagpatuloy ito hanggang matapos ng isang buwan ay hindi na nila natagalan pa ang ingay
at konsyensya nila. Nasiraan ng bait si Langgam. Dinala siya sa isang mental hospital at doon na
nanatili.
Si Paruparo naman ay lumayas sa kanilang nayon at nagpalipat-lipat ng tirahan hanggang
sa isang araw ay nasagasaan siya habang tumatawid.
Si Tipaklong naman ay tumalon sa isang ilog at nagpaanod hanggat hindi na niya narinig
pa ang himig ni Kuliglig, o kahit ano pang himig sa pagkat naaagnas na siya ng matagpuan ng
mga isda.
Si Alitaptap naman ay nagsulat ng liham na naglalaman ng kanyang pagsisisi sa
nagawang kasalanan at humingi ng tawad kay Kuliglig sa pagpatay nito sa kanya. Pagkatapos
niyang maisulat ang liham ay binarily niya ang kanyang ulo, mga mata, bibig at mga tenga
hangga’t sa nawalan na siya ng lakas at naubos na ang kanyang bala. Tuluyan ng siyang
pumanaw habang namiilipit sa sakit.
Kung sana’y hindi nila pinatay si Kuliglig at natuto magpasyensya at idaan sa mabuting
usapan ang lahat ng problema, masaya sana sila ngayong namumuhay.

You might also like