You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN MTB-MLE

GRADE I
Module 5-8
FIRST QUARTER

Pangalan: _____________________________________________
Guro: __________________________________________________

Bilangin ang tunog ng bawat salita. Isulat ang bilang sa patlang.


1. bata ________________
2. kalabasa ________________
3. upuan ________________
4. opo ________________
5. malasa ________________

Punuan ang patlang gamit ang mga salitang may salungguhit. Iguhit ito pagkatapos
mabuo ang pangungusap.

naligo prutas at gulay sabon walis at bunot lamesa

6. Tuwing Sabado, oras ng pamamalengke sa aming bayan. Ang aking nanay ay palaging
bumibili ng ____________ at ________ .
7. Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako ay ________________ para mapanatili ang
kalinisan ng katawan.
8. Ang aming ginagawa sa hapon pag walang pasok ay maglinis ng bahay gamit ang
___________________.
9. Ipatong mo sa _________________ ang pinggan at baso.
10. Kuskusin mo ng _________________ ang balat mo para maalis ang dumi.

Basahin ang pangungusap . Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sa anong titik nagsisimula ang salitang larawan?
a. l c. s
b. a d. e
2. Ano ang wastong halimbawa ng pagsulat ng isang pangalan?
a. jose b. Jose
b. JOse d. josE
3. Anong salita ang mabubuo kung dadagdagan ng isang titik ang ____aso
a. masa b. basa c. laso d. aso
4. Namatay ang alagang aso ni Lito. Ano ang damdamin ni Lito sa pagkamatay ng kanyang
aso?
a. masaya c. malungkot
b. takot d. galit
5. Masipag mag-aral si Lebi. Tuwing umuuwi sya ay agad niyang binubuklat ang kanyang
mga aklat at kuwaderno. Ano ang maaaring mangyari kay Lebi kapag natapos ang
markahan?
a. Lalaki siyang tamad
b. Magiging pulubi siya
c. Titigil siya ng pag-aaral.
d. Magkakaroon siya ng matataas na marka.

Ayusin ang mga letra para makabuo ng salita. Isulat s apatlang ang sagot.

1. a t a b _________________
2. l a k i l a _________________
3. i n k a _________________
4. d a i s _________________
5. p a a y m i l _________________

You might also like