You are on page 1of 9

Untitled Quiz

Name: ________________________________ Score: _________


Grade/Section: _________________________ Date: __________

Part 1 - Multiple Choice

Direction: Read the Question and select the answer from the given choices.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagbabago ng estruktura ng mga kabahayan ng
mga Pilipino?
A. Malimit na paglindol at pagbagyo
B. Paboritong kulay ng may ari ng bahay
C. Mainit na klima
D. Materyales na likas na matatagpuan sa Pilipino

2. Paano ginagamit ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol ang unang palapag ng bahay-na-bato?
A. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit sa pagsasaka at imbakan ng bigas
B. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit ng mga namatay na miyembro ng pamilya
C. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit sa pangangabayo at sirkus
D. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit sa paglalaba at pananahi

3. Bakit kadalasang nakahiwalay ang kusina sa mga bahay-na-bato na ipinatayo ng mga Espanyol?
A. Para hindi maamoy ng bisita ang nilulutong mga masasarap na pagkain
B. Para hindi madamay ang buong bahay kapag nagkasunog
C. Para hindi mainit
D. Para hindi agad mapanis ang mga lutuin

4. Sa kasalukuyang panahon, sa anong lungsod sa Pilipinas makikita pa rin ang mga lumang bahay na bato
na itinayo ng mga Espanyol na itinanghal rin bilang isa sa New 7 Wonders Cities of the World?
A. Lungsod ng Lucena sa Quezon
B. Lungsod ng San Fernando sa Pampanga
C. Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur
D. Lungsod ng Dasmarinas sa Cavite

5. Paano nagbago ang kabahayan ng mga Pilipino dahil sa impluwensya ng mga Espanyol?
A. Noong una ay gawa sa bakal ang mga bahay ng mga Pilipino, naging gawa ito sa ginto nang dumating
ang mga Espanyol
B. Noong una ay puro nakaharap sa Hilaga ang pinto, nang dumating ang mga Espanyol ay sa Silangan
na lahat nakaharap ang pinto.
C. Noong una ay mataas ang bahay ng mga Pilipino ngunit nang dumating ang mga Espanyol ay puro
sa ilalim na ng lupa itinayo ang bahay ng mga Pilipino
D. Noong una ay walang dibisyon ang bahay ng mga Pilipino, ngunit nang dumating ang mga Espanyol
ay nahati ito sa iba’t ibang bahagi

6. Paano nagkaroon ng pagbabago sa katayuan ng kababaihan noong panahon ng Espanyol?


A. Babae ang mandirigma noon at lalaki ang mga sundalo ng Espanyol
B. Lalaki noon ang namumuno naging puro babae noong panahon ng Espanyol
C. Babae ang pinunong panrelihiyon ng mga sinaunang Pilipino sa katauhan ng mga babaylan at-
naging lalaki noong panahon ng mga Espanyol sa katauhan ng mga prayle.
D. Ang babae noon ay dapat hindi tumitigil sa bahay – dapat ay nag-aaral o nagtatrabaho

7. Magbigay ng mga posisyon sa ating bansa na kasalukuyang babae ang nasa pwesto o may babaeng
miyembro na nagpapakita ng panunumbalik ng kapangyarihan ng babae sa lipunang Pilipino.
A. Senator, Senate President, President
B. Senator, Vice President, President
C. Senator, President, Chief Justice
D. Senator and Vice President

8. Sa kasalukuyang panahon sa Pilipinas, masasabi mo bang may pantay na karapatan ang babae at lalaki?
A. Oo dahil lahat ng karapatan na natatamasa ng lalaking Pilipino ay natatamasa rin ng
mga Filipina, ngunit may mga pagkakataon pa ring kinakailangan ng proteksyon
ispesipikong kasarian upang labanan ang mga nalalabing diskriminasyon.
B. Hindi dahil nangingibabaw pa rin ang karapatan ng mga lalaki
C. Oo dahil iyon ang sabi ng tatay ko
D. Hindi dahil malaki na ang lamang ng mga kababaihan sa mga kalalakihan

9. Bakit tunog Espanyol ang karamihan ng mga apelyido ng mga Pilipino?


A. Wala sa nabanggit
B. Dahil sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria Bautista na bigyan ng apelyidong
Espanyol ang mga Pilipino
C. Karamihan ng mga Filipina noon ay nag-asawa ng Espanyol
D. Natuwa ang mga Pilipino sa mga apelyidong tunog Espanyol kaya ginamit ito

10. Maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang kanilang ginawang pagtatanggol sakani-
lang teritoryo?
A. Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
B. Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.
C. Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.
D. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.

11. Bakit mahalagang malaman na may mga katutubong pangkat na hindi napasailalim sa kapangyarihan
ng mga Espanyol?

A. Pagbawi sa nawalang kalayaan.


B. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
C. Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Labis-labis na paniningil ng buwis.

12. Sa pamamagitan ng sistemang reduccion ay tuluyan nang nailipat ang mga Pilipino sa mga pueblo at
kasunod ng kanilang paglipat ay ang pagbabago rin ng kanilang kalendaryo. Kung noon ang kalendaryo
nila ay umiikot sa panahon ng pagtatanim at pag-aani, napalitan ito ng panahon ng cuaresma, kapaskuhanat
iba pang okasyong panrelihiyon. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga Pilipino sa sitwasyong
nabanggit?
A. Kompromiso
B. Paglaban
C. Pagtanggap
D. Pagtakas

13. Magkakaiba ang naging reaksyon o tugon ng mga Pilipino sa iba’t ibang mga patakaran ng mga
Espanyol at ilan sa mga ito ay ang pagsunog ng mga Pilipino sa mga kabahayan sa pueblo at pagpatay
sa mga alagang hayop hindi lamang ng mga Espanyol kundi maging ng mga kapwa nila Pilipino na
nagpasakop sa Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga Pilipino sa sitwasyong
nabanggit?
A. Pagtakas
B. Kompromiso
C. Paglaban
D. Pagtanggap

14. Nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang mga Pilipino sa mga patakaran ng Espanyol – pagtanggap,
paglaban, pagkompromiso, at pagtakas. Alin sa mga ito ang sa iyong palagay ang pinakamagandang
naging tugon ng mga Pilipino?
A. Wala sa mga nabanggit sapagkat ang lahat ng reaksyon o tugon ng mga Pilipino sa mga patakaran
ng Espanyol ay naging mahalaga sa pagbuo ng ating kasaysayan at pagka-Pilipino
B. Pagtakas at pag-akyat sa kabundukan upang wala nang makita ang mga Espanyol
C. Paglaban sa mga Espanyol upang dumanak ang dugo
D. Pagtanggap sa lahat ng patakaran ng mga Espanyol upang maging probinsya ng Espanya

15. Noong hindi pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay mga Datu o Rajah ang namumuno sa mga
Pilipino, ngunit nang dumating ang mga Espanyol ay nawala na ang mga Datu at Rajah. Sino ang pumalit
na may pinakamataas na katayuan sa lipunan?
A. Mga Hapon
B. Mga Amerikano
C. Mga Arabo
D. Mga Espanyol

16. Isa sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino noon sa mga patakaran ng mga Espanyol ay ang pag-akyat
sa kabundukan, masasabi mo ba na ito ay isang matalinong paraan ng pagtugon?
A. Hindi, sapagkat dapat ay nakipaglaban sila nang dahas
B. Hindi, sapagkat ito ay simbolo ng pagiging duwag
C. Hindi, sapagkat ito ay simbolo ng pagiging duwag
D. Oo, sapagkat ang pag-akyat sa bundok ay ang nag-iisang paraan para makamit ang buhay na walang
hanggan

17. Sa pagpapalipat sa mga Pilipino, mayroon sa mga ito ang hindi lumipat sa pueblo at umakyat sa mga
kabundukan. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga Pilipino sa sitwasyong nabanggit?
A. Pagtanggap
B. Pagtakas
C. Paglaban
D. Kompromiso

18. Bukod sa pag-akyat sa kabundukan ay mayroon ding mga Pilipino na lumaban nang direkta sa mga
Espanyol sa pamamagitan ng dahas. Masasabi mo bang ito ay makatwiran?
A. Oo, sapagkat ang dahas ang natatanging paraan para labanan ang mga mananakop
B. Oo, sapagkat walang tama at maling paraan sa pakikipaglaban sa mga mapang-abusong mananakop
C. Hindi, sapagkat hindi tama na labanan ang mga dayuhan
D. Hindi, dapat ay tinanggap na lamang nila ang mga patakaran

19. Isa sa unang misyon ng mga Espanyol sa Pilipinas ay palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa.
Nagtagumpay man sila sa pagpapalaganap ng relihiyon ay hindi naman ito labis na naunawaan ng mga
Pilipino sa simula dahil na rin sa pagkakaiba ng wika, kaya ang mga Pilipino ay nagkaroon ng sariling
interpretasyon. Ano ang reaksyon mo rito?
A. Ito ay pagkakakita na sa kabila ng pagkakaiba sa wika, ang pananampalataya ang magbubuklod sa
mga Kristiyano.
B. Ito ay pagpapakita ng hindi pagkakaunawaan.
C. Mali ang ginawa ng mga Espanyol na paraan ng konbersiyon.
D. Mali ang ginawa ng mga Pilipino. Dapat ay nag-aral sila ng wikang Espanyol.

20. Sino sino ang mga katutubong hindi sumunod sa mga patakaran ng Monopolyo ng Tabako?
A. Moro war
B. pangangayaw
C. mga Igorot
D. Sultan kudarat

21. Anong Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera?
A. Tagalog
B. Cebuano
C. Muslim
D. Igorot

22. Bakit kaya binenta ng mga Igorot ang tabako sa ibang mangangalakal at hindi sa mga hinirang ng
pamahalaang Espanyol?
A. dahil takot sila na baka malaman ng mga Espanyol ang hindi nila pagsunod sa mga patakarang
ipinatupad.
B. dahil mura lamang ang kanilang makukuha sa kanila.
C. dahil kadalasan hindi sila nagbayad.
D. dahil gusto rin nila na makipagkalakalan sa ibang pangkat.

23. Bakit hindi nagtagumpay ang mga misyonerong prayle sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga
katutubong Igorot sa Cordillera?
A. dahil takot sila sa pangangayaw o headhunting na tradisyon ng mga Igorot.
B. dahil naubusan sila ng tubig at pagkain.
C. dahil ayaw na nila sa mga Igorot
D. dahil pagod sila sa mga bulubundukin na kanilang tinatahak.

24. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa nagawang pag-aalsa ng
mga katutubong Igorot?
A. Naging alipin sa mga Espanyol.
B. walang pakialam
C. Pahalagahan ang kulturang Pilipino at ipagtanggol ang sariling bayan.
D. Laging takot at nagtatago.

25. Sino ang mga katutubong hindi sumunod sa mga patakaran ng Monopolyo ng Tabako?
A. moro war
B. mga Igorot
C. Sultan kudarat
D. pangangayaw

26. Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa mga kabundukan ng Cordillera?


A. Muslim
B. Igorot
C. Tagalog
D. Cebuano

27. Ito ang banal na digmaan ng mga Muslim.


A. sultanato
B. ramadan
C. jihad
D. pangangayaw

28. Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa mga Sultanato ng Mindanao?


A. Igorot
B. Tagalog
C. Cebuano
D. Muslim

29. Sa anim na Digmaang Moro laban sa mga Espanyol, kailan nagsimula ang unang Digmaang Moro?
A. 1591-1597
B. 1599-1635
C. 1571-1581
D. 1635-1663

30. Bakit kaya nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao at itinuon na lamang ang kanilang misyon sa
Luzon?
A. dahil sa kakulangan ng mga sandata para sa labanan
B. dahil sa ipinatupad na jihad o banal na himagsikan ng mga Muslim
C. dahil sa kakulangan ng pagkain
D. dahil hindi nila alam ang mga pasikot sikot na lugar ng Mindanao

31. Bakit kaya nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao at itinuon na lamang ang kanilang misyon sa
Luzon?
A. dahil sa kakulangan ng pagkain
B. dahil hindi nila alam ang mga pasikot sikot na lugar ng Mindanao
C. dahil sa ipinatupad na jihad o banal na himagsikan ng mga Muslim
D. dahil sa kakulangan ng mga sandata para sa labanan

32. Ano kaya ang mangyayari kung wala ang jihad ng mga katutubong muslim sa panahon ng pananakop?
A. Mapamahal ng mga Espanyol ang mga Muslim.
B. Magkaroon ng negosyo ang mga Muslim.
C. Maging maligaya ang mga Muslim.
D. Tuluyang napasailalim sa pamamahala ng mga katutubong Muslim.

33. Bakit napilitang lumagda ang mga Muslim sa kasunduan ng mga Espanyol?
A. dahil binigyan ang mga Muslim ng malaking halaga ng salapi at mga alipin upang maging magaan
ang kanilang pamumuhay sa Mindanao.
B. dahil bibigyan sila ng negosyo upang lalago ang kanilang pamumuhay
C. dahil hiranging mataas na opisyal ang mga sultan sa pamahalaang Espanyol kung lumagda sila sa
kasunduan.
D. dahil sa panggigipit ni Gobernador-Heneral Juan Antonio de Urbiztondo na ibalik sa mga sultan ang
kanilang kabisera kung kilalanin nila ang kapangyarihan ng pamahalaang Espanyol sa sultanato ng Sulu
at mga katabing teritoryo nito.

34. Bakit iba ang paniniwala ng mga Muslim sa kasunduang nilagdaan nila?
A. dahil akala nila na bigyan sila ng malaking halaga ng salapi at mga alipin upang maging uunlad ang
kanilang pamumuhay sa Mindanao.
B. dahil akala nila na ito ang pagkakaibigan at pantay na estado ng mga Espanyol at mga Muslim.
C. dahil akala nila na bibigyan sila ng negosyo upang lalago ang kanilang pamumuhay.
D. dahil akala nila na hiranging mataas na opisyal ang mga sultan sa pamahalaang Espanyol kung
lumagda sila sa kasunduan.

35. Unang nagtanggol sa kalayaan ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas .


A. Magellan
B. Lapu-Lapu
C. Duterte
D. Marcos
36. Ang huling hari ng Maynila na umalsa laban sa Gobernador -Heneral
A. Magellan
B. Lapu-Lapu
C. Lakandula
D. Aguinaldo

37. Base sa larawan,alin sa mga sumusunod ang tama?

A. Panahon ng digmaan
B. Panahon ng pasasalamat
C. Panahon ng kapaskuhan
D. Panahon ng kapistahan

38. Kauna-unahang labanan laban sa Espanyol at Pilipino.


A. Lapu-Lapu
B. Mactan
C. Limasawa
D. Guam

39. Sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ito ay tinatawag na kolonyalismo. Alin ang wastong
paglalarawan nito?
A. Ang mga Hapon ay nagpunta sa Pilipinas upang dito mamumuhay.
B. Ang mga Intsik ay nakikipagkalakalan.
C. Ang mga Espanyol ay naglayag sa Pilipinas upang maitatag ang kolonyalismo.
D. Ang mga Pilipino ay lumipat ng tirahan sa Amerika.

40. . Isa sa tradisyunal na bahaging ginagampanan ng mga babae sa lipunan ay ang pagbibigay ng halaga
sa pamilya tulad ng buong husay nap ag-aalaga sa kanilang mga anak. Sa panahon ngayon, lahat ba ng
mga ina ay tumitigil na lang sa bahay upang alagaan ang mga anak?
A. Oo, dahil trabaho nila iyon.
B. Hindi, dahil mas’ gusto nilang mag-alaga ng ibang tao.
C. Hindi, dahil ang iba napipilitang maghanap buhay upang mabigyan ng pangangailangan ng pamilya.
D. Oo, dahil mahal nila ang mga anak.
Answer Key:

Part 1 - Multiple Choice

1. B

2. A

3. B

4. C

5. D

6. C

7. D

8. A

9. B

10. B

11. C

12. C

13. C

14. A

15. D

16. B

17. B

18. B

19. A

20. C

21. D

22. D

23. A

24. C
25. C

26. B

27. C

28. D

29. C

30. B

31. A

32. B

33. D

34. B

35. B

36. C

37. A

38. B

39. C

40. C

You might also like