You are on page 1of 9

Araling Panlipunan (AP) 5

Third Quarter Examination

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat
bilang at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa pangkat ng katutubong Pilipinong naninirahan sa mga kabundukan ng


Cordillera?
A. Cebuano B. Igorot C. Ilokano D. Tagalog

2. Ito ang tawag sa digmaang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at Espanyol.


A. Digmaang Moro C. Head Hunting
B. Divide and Rule D. Thirty Years War

3. ________ ang tawag sa banal na digmaan ng mga Muslim na inilunsad ni Sultan Kudarat.
A. Comandancia B. Golot C. Jihad D. Salat

4. Ano ang pangunahing dahilan ng pagkahikayat na sakupin ng mga Espanyol ang mga
Igorot sa Hilagang Luzon?
A. kultura B. ginto C. lupain D. pera

5. Anong tradisyon ng mga Igorot ang tawag sa pangangayaw o pagpupugot sa kaaway?


A. Digmaang Moro C. Head Hunting
B. Divide and Rule D. Thirty Years War

6. Bakit armadong paraan ng pagsakop ang ginamit ng mga Espanyol upang kalabanin ang
mga Igorot at Musim?
A. Ipinatupad nila ang patakarang divide and rule.
B. Armadong paraan din ang ginamit ng mga Igorot at Muslim sa mga Espanyol.
C. Hindi nais ng mga Espanyol ang mapayapang paraan na pakikipaglaban sa mga
katutubo.
D. Ang armadong paraan ang pinakaepektibo sa isasagawang pananakop ng mga
Espanyol.

7. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Muslim at katutubong Pilipino sa kanilang


pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. mababait B. malalakas C. matatag D. matatapang

8. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang mga
kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang mga Igorot. Sa ngayon, anong
hanapbuhay ang hindi kabilang sa pangkat na ito?
A. Pagnganganga C. Pangingisda
B. Pagsasaka D. Paghahabi ng Tela

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


1
9. Ano ang patunay na nagbago ang kalagayang pampolitika ng mga sinaunang Pilipino sa
panahong kolonyal?
A. Ipinagawa ang Palacio del Gobernador sa panahong ito.
B. Pinangasiwaan ang mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang sentral at lokal.
C. Ang datu at gobernador-heneral ang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
D. Ang mga katutubong Pilipino ang humawak sa pinakamataas na posisyon sa
pamahalaan.

10. Bakit hindi naging matagumpay ang pananakop ng mga Espanyol sa Cordillera at sa
mga
bahagi ng Mindanao?
A. Natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
B. Naunahan ng mga katutubo ang mga Espanyol sa pakikipaglaban.
C. Mas malakas ang pwersa ng mga Igorot at Muslim kaysa sa mga Espanyol.
D. Matapang na nakipaglaban ang mga Muslim samantalang masyadong liblib
at masukal ang kabundukang tinitirhan ng mga Igorot.

11. Sino ang nagpatuloy ng pag-aalsa ng kaniyang asawa at tinaguriang “Joan of Arc ng
Ilocos”
dahil sa mga tagumpay na kanyang pinamunuan?
A. Melchora Aquino C. Gabriela Silang
B. Josefa Llanes Escoda D. Victoria Trinidad

12. Siya ay anak ni Lakandula at ipinaglaban ang kalayaan ng kanilang angkan,


nagtatag ng lihim na samahan, at nanghikayat ng mga lider mula sa iba-ibang panig ng
Gitnang Luzon, Cuyo at Borneo.
A. Apolinario Dela Cruz C. Juan Sumuroy
B. Francisco Dagohoy D. Magat Salamat

13. Siya ang itinuturing na may pinakamahabang pag-aalsang isinagawa laban sa mga
Espanyol.
A. Francisco Dagohoy C. Magat Salamat
B. Apolinario Dela Cruz D. Juan Sumuroy

14. Alin sa mga sumusunod na larong ipinamana sa atin ng mga Espanyol ang maaaring
laruin ng mga bata sa kasalukuyan?
A. cara y cruz C. karera ng kabayo
B. juego de prenda D. patintero

15. Ang mga sumusunod na pahayag ay tungkol sa mga bahay na ipinakilala ng mga
Espanyol na pinaninirahan pa rin ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Alin sa mga
sumusunod
ang tamang pahayag sa bahay na ito?
A. Ang tirahang ito ay tinatawag na bahay kubo.
B. Madaling masira ng malakas na bagyo ang bahay na hatid ng mga Espanyol.
C. Ang disenyo ng tirahang ito ay yari sa mga likas na materyales gaya ng kawayan.
D. Ang bahay na bato ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag sa bato at yari
sa matigas na kahoy naman ang ikalawang palapag.

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


2
16. Bakit ganoon na lamang ang pagtatanggol ng mga Muslim sa kanilang pagkakakilanlan
at
relihiyon?
A. Ayaw nilang magpasakop sa kahit kaninuman.
B. Masaya sila sa kanilang pamayanan at relihiyon.
C. Hindi nila gustong talikuran ang kanilang nakagisnang pamumuhay.
D. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay Allah.

17. Paano nakaapekto ang ginawang pakikipaglaban o pagtakas ng mga katutubong


pangkat
sa kolonyalismong Espanyol sa buhay ng mga Filipino sa kasalukuyan?
A. Limitado ang kanilang kaalaman sa makabagong panahon.
B. Naging masaya sila sa tinatamasa nilang kalayaan ngayon.
C. Mas naging matapang sila sa pakikipaglaban sa mga dayuhan.
D. Napanatili ng mga katutubong pangkat ang kanilang kultura at tradisyon.

18. Sino ang tanyag na kumatha ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?


A. Pedro Paterno C. Mariano Ponce
B. Marcelo H. del Pilar D. Jose Rizal

19. Ano ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng
tungkol sa katesismo at mga dasal at isinalin sa wikang Tagalog?
A. Doctrina Christiana C. Ibong Adarna
B. El Filibusterismo D. Noli Me Tangere

20. Ito ay panahanang ipinakilala ng mga Espanyol. Malaki at matibay, gawa ang unang
palapag sa bato at ang ikalawang palapag ay yari sa matigas na kahoy.
A. bahay na kahoy C. bahay na bato
B. bahay na metal D. bahay kubo

21. Ito ay dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim na nagwakas sa


pagkagapi ng Muslim o pangtaggap sa relihiyong Kristiyanismo.
A. duplo B. moro-moro C. sarsuela D. senakulo

22. Bago dumating ang mga Espanyol, ano ang naging panahanan ng mga katutubo?
A. bahay kubo C. bahay na kahoy
B. bahay na bato D. bahay na metal

23. Ano ang patunay na ang pag-awit ay bahagi na ng buhay ng mga Pilipino?
A. Marami sa mga Pilipino ang nahilig sa kundiman at paghaharana.
B. Marami sa mga Pilipino ang nahilig sa pagsusulat ng nobela at tula.
C. Iba-ibang likhang sining ang natuklasan gaya ng pagpinta at paglilok.
D. Nakilala ang ilang mga sayaw gaya ng cariňosa, polka, at rigodon de honor.

24. Ito ay pagdiriwang sa buwan ng Mayo kung saan nagkakaroon ng prusisyon para

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


3
sa mahal na Birheng Maria na naging bahagi ng ating kultura bilang impluwensiya ng
mga
Espanyol. Anong pagdiriwang ito?
A. Bagong Taon C. Mahal na Araw
B. Flores de Mayo D. Pasko

25. Madaling natutuhan ng mga Pilipino ang wikang Espanyol. Ito ay kapansin-pansin sa
mga
kasalukuyang wika natin. Paano ito nangyari?
A. Bago pa lang sila sakupin ng dayuhan ay may alam na sila ng ganuong wika.
B. Dulot ito ng pagdalo nila sa misa, at pag-aaral ng dasal sa araw-araw.
C. Sa malimit nilang pakikihalubilo sa mga kaibigang Espanyol.
D. Sa tulong ng paggamit ng makabagong teknolohiya.

26. Marami sa mga impluwensiya ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay may mabuti at di-
mabuting dulot sa kultura ng mga Pilipino. Ano ang mabuting naidulot ng ibang laro sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
A. Natutong mag-alaga ng mga kabayo at manok ang mga Pilipino.
B. Umiwas ang mga Pilipino sa gawaing panrelihiyon kaya natuto silang maglaro ng
sabong at baraha.
C. Hindi na naghanapbuhay ang mga Pilipino dahil binigyang pansin nila ang laro na
nagbibigay kasiyahan sa kanila.
D. Maraming sa mga Pilipino ang natutong magsugal dahil sa mga larong ipinakilala
tulad ng sabong at paglalaro ng baraha.

27. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga Pilipino?
A. Ang gobernador-heneral ang naging pinakamakapangyarihan sa kolonya.
B. Hindi gaanong naapektuhan ng kolonyalismo ang mga Pilipino sa panahon ng
pananakop.
C. Higit na naapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga Pilipinong
mamahala sila.
D. Nawalan ng kapangyarihang mamahala ang mga katutubong Pilipino at
napasailalim sa mga Espanyol.

28. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo sa mga naging kultura ng mga Pilipino?
A. Gawan ng makapanirang kuwento ang mga kultura ng mga katutubo.
B. Balewalain ang mga kulturang ito dahil nasa modernong panahon na ako.
C. Huwag ipaalam sa mga katulad na bata ang tungkol sa kultura ng mga
katutubo.
D. Gawing kapaki-pakinabang ang mga kultura at mga ginawa ng mga katutubo para
sa bansa.

29. Ito ay maituturing na mahalagang panahon ng paghahanap ng katotohanan at pag-angat


ng antas ng pag-iisip at pamumuhay sa pamamagitan ng pag-unlad ng pamahalaan,
imprastruktura at mga institusyon ng lipunan.
A. Cadiz Constitution C. La Ilustracion
B. Kalakalang Galyon D. Merkantilismo

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


4
30. Ito naman ay nilikha noong 1812 sa hangarin ng Spain na wakasan ang mga pang-
aabusong dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa.
A. Cadiz Constitution C. La Ilustracion
B. Kalakalang Galyon D. Merkantilismo

31. Siya ay isang mayamang Filipino na naihalal bilang kinatawan na ipapadala sa Cadiz.
A. Ventura de los Reyes C. Graciano Lopez Jaena
B. Marcelo del Pilar D. Jose Rizal

32. Alin sa sumusunod na konsepto ang nagbibigay kahulugan sa nasyonalismo?


A. Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.
B. Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang hinahangad.
C. Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng
bansa.
D. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang
pinagmulan o sinilangan.

33. Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?


A. pinuno at empleyado ng pamahalaan
B. manggagawa sa komunidad
C. ordinaryong mamamayan
D. lahat ng nabanggit

34. Bilang isang mamamayan ng bansa, paano mo maipamamalas ang iyong pagmamahal
sa bansa sa panahon ngayon na ang bansa ay nakararanas ng matinding pagsubok sa
pakikipaglaban sa COVID-19?
A. Sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan.
B. Bumili ng maraming facemask at alcohol upang maging ligtas.
C. Mag-post sa social media ng mga tulong na ibinibigay ng pamahalaan.
D. Manatili sa loob ng bahay at paglalaro buong maghapon gamit ang cellphone.

35. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa loob ng


paaralan?
A. pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain
B. paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan
C. paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat
D. pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na handog ng pamahalaan

36. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang


nasyonalismo?
A. Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop
B. Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa
C. Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa
D. Pagtangkilik ng mga produktong imported

37. Ang mga sumusunod ang naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


5
pakikipaglaban sa mga Espanyol, MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol
B. di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol
C. hangad na muling maging malaya at mamuhay nang mapayapa
D. makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa pamahalaan

38. Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa bansa?


A. Si Mario na pinili ang karapat-dapat na pinuno ng bayan.
B. Si Marcus na ginawa ang lahat na makapagpapasaya sa kanya.
C. Si Martha na sumali sa mga rally na bumabatikos sa pamahalaan.
D. Si Marisa na binalewala ang mga batas na ipinatutupad ng barangay.

39. Ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo sa pamamagitan ng


pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Maliban sa pakikipaglaban, sa paanong
paraan pa maaaring maipamalas ang nasyonalismo?
A. pananatili sa sariling bansa
B. pagsunod sa ipinatutupad na batas
C. pagtalima sa mga aral ng simbahan
D. pagbibigay ng lahat ng yaman sa mga mahihira

40. Anong pamahalaang militar ang itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masigurong
mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod ang mga Pilipino sa patakaran?
A. Bandala C. Kalakalang Galyon
B. Comandancia D. Polo y Servicio

41. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol sa
bulubundukin ng Luzon?
A. ginto C. monopolyo ng tabako
B. kristiyanismo D. tributo

42. Sino ang nag-utos upang magsiyasat ng mga gintong ibinebenta ng mga Igorot sa
Ilocos?
A. Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas
B. Gobernador-Heneral Ferdinand Magellan
C. Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi
D. Kapitan Garcia de Aldana Cabrera

43. Ano ang nakagisnang relihiyon ng mga Igorot na naniniwalang ang kalikasan ay tahanan
ng mga espiritu at ng kanilang mga yumaong ninuno?
A. Animismo B. Kristiyanismo C. Islam D. Judismo
44. Ang Igorot ay hango sa salitang “golot” na ang ibig sabihin ay ____________.
A. bulubundukin B. kapatagan C. magsasaka D. matapang

45. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagbibigay-halaga sa


pagkamakabayang Pilipino?
A. Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner sa kabila ng panganib na dulot ng

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


6
pandemya.
B. Pakikipaglaban ng mga pulis sa pagsugpo ng droga na sumisira sa kinabukasan
ng maraming kabataan.
C. Pag-aaral nang mabuti ng mga kabataan upang makakuha ng mataas na grado at
makapagtrabaho sa ibang bansa.
D. Pagsunod ng mga Pilipino sa mga batas at ordinansang ipinatutupad upang
mapanatili ang kapayapaan sa loob ng bansa.

46. Sino sa mga sumusunod ang isinasabuhay ang Panatang Makabayan?


A. Si Emilio na nambu-bully ng mga bata sa kanilang paaralan.
B. Si Andres na kumukuha ng mga bagay na hindi sa kaniya sa loob ng paaralan.
C. Si Jose na tapat sa kaniyang mga magulang, masipag sa pag-aaral, at may takot
sa Diyos.
D. Si Felipe na hinahayaan lamang ang kaniyang ang mga magulang na sila lahat
ang nagsasagawa ng mga gawaing bahay.

47. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan sa mga ginawa ng mga
katutubong Pilipino?
A. Paggalang sa mga katutubong Pilipino sa kanilang kadakilaan
B. Pagkukuwento sa mga bata ang kadakilaan ng mga katutubong Pilipino
C. Hindi pangingialam sa ang mga ginawa ng mga katutubo dahil tapos na
D. Pagtanggap ng prinsipyo o paniniwala ng mga katutubo upang mapanatili ang
kanilang kalayaan

48. Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal sa


bansa?
A. paggalang sa mga pinunong Espanyol
B. pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol
C. pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol
D. pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol

49. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagrebelde ang mga katutubo laban sa
mga Espanyol MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Pagbawi sa nawalang kalayaan
B. Labis-labis na paniningil ng buwis
C. Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo
D. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol

50. Base sa iyong opinyon, maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang
kanilang ginawang pagtatanggol sa kanilang teritoryo?
A. Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.
B. Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
D. Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


7
Araling Panlipunan 5
Third Quarter Examination

1. B 11. C 21. B 31. A 41. D

2. A 12. C 22. A 32. D 42. A

3. C 13. A 23. A 33. D 43. A

4. B 14. D 24. B 34. B 44. A

5. C 15. D 25. B 35. D 45.C

6. D 16. D 26. A 36. D 46. C

7. D 17. D 27. D 37. B 47. C

8. C 18. D 28. C 38. A 48. D

9. B 19. D 29. C 39.B 49. C

10. D 20. B 30. A 40. B 50. A

Prepared by:
ANASTACIA D. PERALTA
Teacher III

Checked and reviewed by:

GLEN JAYSON L. FRANCO


Master Teacher I

Noted:
ELEONOR B. RAMOS
School Principal I

Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5


8
Quiling ES_3rd Quarter Examination_Araling Panlipuan 5
9

You might also like