You are on page 1of 2

CLARENDON COLLEGE

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALI SA FILIPINO 11

Aralin 1: Kasaysayan ng Pambansang Wika: Panahon ng Espanyol at Panahon ng


Amerikano
NILALAMAN Panahon ng Espanyol at Panahong ng Amerikano
PAMANTAYANG Matutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng
PANGNILALAMAN pambasang wika.
PAMANTAYANG Makagawa ng isang bokabularyong trilingual tungkol sa isang tiyak na larangan
PAGGANAP
KASANAYANG Maipapaliwanag ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas noong panahong ng espanyol
PAMPAGKATUTO at ng Amerikano.
DETALYADONG Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
KASANAYANG sumusunod:
PAMPAGKATUTO A. Makapagbigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga naoakinggang
pagtalakay sa pambansang wika.
B. Masuria ng pananaw ng iba’t ibang awtor tungkol sa kasaysayan ng wika
batay sa bersiyon nila.
C. Matiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pagunlad ng pambasang wika.
PAMAMAHAGI NG 60
ORAS

I. PANIMULA

A. Pang-araw-araw na gawain
1. Panalangin at pagbati ng klase.
2. Paglalahad sa klase ng detalyadong kasanayang pampagkatuto at pagpapabasa nito sa
klase.
3. Pagbabahagi ng bagong salitang maiaambag sa kaalaman ng klase
II. PAGGANYAK

Panuto: Buohin ang mga pangalan na nakapaloob sa ating talakayan

1. Ringha Eeilpf
2. Hrigna Solcar II
3. Oarmcel Del Plari H
4. Maillwi Lyemckin
5. Oddt Kpiaatn
III. INSTRUKSYON

Panahon ng Espanyol

Isa ang mga Espanyol sa mga nanakop sa Pilipinas. Ang kanilang pananakop ay tumagal ng 333 na taon.
Ginamit nila ang ebanghelisasyon at kolonisasyon sa pananakop. Ang layunin ng kanilang pananakop ay
ang mga sumusunod:

-Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

-Mapalawak ang kanilang sakop

-Maangkin ang mayamang kalikasan ng Pilipinas lalo na ang mga produktong pampalasa

Panahon ng Amerikano

Sa panahon ng Amerikano, na nagsimula noong taong 1899, ang mga Pilipino ay masasabing
pinaglaruan ng mga colonyolista. Ito ay dahil sa panahong ito nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga
Amerikano at Pilipino, at sa tingin ng mga Pilipino, ang mga dayuhang mananakop ay mga kaigbigan nila.
Masasabi rin naman na masyadong mapaniwalain at mangmang ang mga Pilipino dahil napaniwala sila
na mas magaling ang lahing Amerikano. Masasabi natin na may mga ilan na lumaban, ngunit mas
masasabi natin na dumedepende ang mga Pilipino sa mga dayuhan noong panahon na ito.

Panonood ng video kaugnay sa kasaysayan ng Pambasang Wika: Panahon ng Espanyol at


Panahon ng Amerikano

IV. PAGSASANAY

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan

1.Ilarawan ang Pilipinas bago dumating ang mga mananakop.

2.Paano naging natatangi ang tagalog sa mga wika sa Pilipinas ayon sa obserbasyon ng mga Espanyol/

3. Bakit nahirapan ang mga misyoneryong palaganapin ang pananampalataya ng Katoliko?

V. PAGPAPAYAMAN

Pangkatang Gawain

Pangkat 1: Gumawa ng isang video presentasyon tungkol sa kasaysayan ng Pambansang Wika sa


Panahon ng EspanyolPangkat 2: Gumawa ng isang video presena

You might also like