You are on page 1of 2

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natatalakay ang pagbabago ng panlipunan ng sinaunang Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong


espanyol; at
b. makilahok sa bawat aktibidad ng guro.

II. Paksang Aralin:

a. Paksa: Tinatalakay ang pagbabagong panlipunan sa ilalim ng kolonyalismong


espanyol."PAGBABAGONG PANLIPUNAN"
b. Sanggunian: Aralpan 5
c. Kagamitan: Tulong biswal

III. Pamamaraan

A. Paghahanda

a1. Balik aral

*Ano ang tawag sa sapilitang paglikas ng tirahan ng mga Pilipino?

*Sino ang nag utos na ipatupad ang reduccion?

*Sino ang nagtupad ng reduccion?

a2. Paghahawan ng balakid

*Peninsulares - tawag sa Espanyol na ipinanganak sa Espanya.


*Insulares - tawag sa Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.

a3. Pagganyak

*Sino ang makapagbibigay ng halimbawa nang mayayamang tao dito sa Pilipinas na


kilala niyo?

*Sino naman ang alam niyo na mahihirap na tao?

B. Paglalahad:

*Ano ang hinuha sa larawang ito?

C. Pagtatalakay

Talakayin ang paksa sa mga mag aaral.


D. Paglalahat

a. Anong pagbabago sa panlipunan ng mga sinaunang Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong


Espanyol?

b. Sino sino ang Peninsulares at Insulares?

c. Anong pagbabago sa katayuan ng kababaihan?

E. Paglalapat

Pangkatang gawain

-Ilahad at ipaliwanag ang pinagkaiba sa antas ng lipunan ng mga Pilipino sa mga


Espanyol?

IV. Pagtataya

Talakayin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa pagbabago ng panlipunan ng


sinaunang Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong espanyol. Piliin ang sagot sa pagpipilian.

1. Ano ang tawag sa Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas?


a. Peninsulares b. Insulares c. Principalia
2. Ano naman ang tawag sa Espanyol na ipinanganak sa Espanya?
a. Peninsulares b. Insulares c. Principalia
3. Kabilang sa pangkat na ito ay ang mga inapo ng mga datu at maharlika, mayayamang
hacendero o may-ari ng lupa at pinuno ng dating pamahalaang lokal.
a. insulares b. peninsulares c. inquilino
4. Kabilang sa pangkat na ito ay manggagawa at magbubukid.
a. inquilino b. karaniwang tao c. principalia
5. Ang pangkat na ito ay binubuo ng tagapangasiwa ng lupa ng mga panginoong maylupa .
a. insulares b. inquilino c. principalia

You might also like