You are on page 1of 4

Mataas na Paaralang Pambansa ng Maysan

Maysan, Lungsod ng Valenzuela


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
I.Bilugan ang letra ng angkop na sagot sa mga sumusunod na tanong.
A 1. Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
a. Salaysay
b. maikling kuwento
c. Pabula
d. Sanaysay
B 2.Ito ay buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
a. Dula
b. Talumpati
c. Tula
d. Balagtasan
A 3. Ang Ama ng Wikang Pambansa.
a. Manuel L. Quezon b. Jose P. Rizal
c. Francisco Balagtas d. Juan Luna
C. 4. Ayon sa kanya ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay.
a. Narciso Reyes
b. Edroza Matute
c. Alejandro Abadilla d. Adriano Landicho
D,5. Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan?
a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban.
b. Mayroon itong isahang yugto.
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining.
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw.
Para sa blg. 6- 11
Ang matandang babae ay di nakasagot.Babae palibhasa at ang nagtatanong na dalaginding ay
natarok na kapag karaka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sa salang
ginugulo noon ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siyay umiibig.Hindi, ang tiyak na
sagot.
Nang makilala mo ba si Tatang, ang patuloy na tanong, ay may naramdaman ka bang pintig sa loob
ng dibdib?
Oo!
Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang?
Oo!
E ano ang sinabi sa iyo?
Nagalit, kinagalitan ako nang mabuti at sinabing di sasalang akoy may iniibig na lalaki.Akoy
kaniyang pinagbalaan.At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin.
Ay, ano ang nagging sagot mo?
Akoy nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa.
Kung gayoy bakit mo na gingasawa si Tatang? Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming
sintigas ng bato
na di nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay mabuhay, lagging
sariwa.
A, kaya pala!
Kaya palang ano?
Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang
ganap na maunawaan ang ibig sabihin ni Irene.
Mula sa, Ang Dalaginding
Ni Iigo Ed. Regalado
B 6. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad ____.
a. 10-12
b. 13-15
c. 16-18
d.19-21
D 7. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________.
a. pangngalan b. panghalip
c. pandiwa
d. pang-uri
C 8. Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato.Ang salitang may
salungguhit ay nasa anyong pang-uri na ________________.
a. payak
b. lantay
c. pahambing
d. pasukdol
D 9. Akoy kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag akoy nag-asawa ay kaniyang papatayin.
Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na interpretasyon ng binasang pahayag?
a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang anak maging sa pag-ibig.

b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang
anak.
c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang hindi na sila aalagaan sa kanilang pagtanda.
d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad pa lamang.
D 10. Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________.
a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito
c. paghahambing gamit ang tayutay
b.pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan
d. pagpapahayag ng sariling karanasan
C 11. Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.Ano ang mahihinuha sa pahayag na
ito ni Irene?
a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap ang ina.
b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa mga kagalit.
c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig.
d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene.
D 12.Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno ang ating bansa. Anong uri ng
pagpapahayag ang binasa?.
a.pagsasalaysay
b. paglalarawan
c. pangangatwiran
d. paglalahad
B 13. Uri ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang
maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri.
a.pagsasalaysay
b. paglalarawan
c. pangangatwiran
d. paglalahad
C 14. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang
sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. Ang pahayag na ito ay
nasa paraang _____.
a.pagsasalaysay
b. paglalarawan
c. pangangatwiran
d. paglalahad
Para sa blg 15-21
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang
magkasunud-sunod ang pag-ulan.Alam nilang kapag iyoy magpatuloy sa loob ng tatlong araw, ang
lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng tubig,
naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang
lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa
tubig kailanman. Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban
sa isang makitid na silahis.
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang
kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang
bahagya pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Angkan ang kamay nooy ipinatong sa kanyang ulo at
pabulong na nagsalita Siya matulog ka na. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na
pumuti, kaysa rati. Ngunit ang mga mata nooy hindi pumipikit, nakatingin sa wala.
Kaya nga bat sa tuwing akoy makakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang
isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang kailanman.
-halaw sa Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute

A 15. Ang binasa ay isang halimbawa ng ______.


a. Maikling Kuwento b. Dula
c. Sanaysay
d.Parabula
B 16. Isang uri ng Panitikan na may layuning ilarawan ang buhay sa pamamagitan ng pagtatanghal.
a. Maikling Kuwento b. Dula
c. Sanaysay
d.Parabula
D 17. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______.
a. mapagmahal
b. palaasa
c. mayabang
d. mapangarapin
B 18. Sa karimlay pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang anoman maliban sa isang
makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay_______.
a. pagkatakot
b. pagkagitla
c. paghanga
d. pagtataka
B 19. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______.
a. pag-asa
b. pangarap
c. pag-unlad
d. paghahangad
A 20. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay tinatawag na ________.
a. banghay
b. tema
c. pananaw
d. damdamin
D 21. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______.
a. kilos at galaw ng tauhan
c. pagpapakilala sa tauhan
b. tagpuan
d. tagpuan at kapaligiran

D 22. Kilala bilang Aling Bebang at may-akda ng Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.
a. Inigo Ed Regalado b. Dionisio Salazar
c. Narciso Reyes
d. Genoveva Edroza Matute
B 23. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng bata?
a.pipis ang ilong
b. mataba
c. maliit
d. may punto ang pagsasalita
A 24. Ang kumikilos sa kuwento. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay.
a.tauhan
b. direktor
c. aktor
d. bida
Para sa blg. 25-26
Bitiwan mo ako!Bitiwan mo ako!Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang
basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya.Nahilo. At pagkaraan
ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.
Halaw sa kuwento ng Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg

C 25. Ano ang damdamin ni Adong batay sa kanyang huling pahayag?


a. pagkalungkot
b. pagkabigla
c. pagkatakot
d. pagkayamot
A 26. Mahihinuha na si Bruno ay halimbawa ng ______
a.Antagonista
b.ekstra
c. Agonista
d. Protagonista
C 27. Tauhang hindi nagbabago ang katauhan sa loob at buong kuwento.
a.Tauhang bilog
b. Tauhang lihis
c. Tauhang lapad
d.Tauhang bilog
D 28. Ito naman ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa simula, sa
pagwawakas ay natuto nang lumaban.
a.Tauhang bilog
b. Tauhang lihis
c. Tauhang lapad
d.Tauhang bilog
C 29. Alin sa talata ang pandiwa?
a.Adong
b. niya
c.naisigaw
d. palad
B 30. Sumulat ng dulang Sinag sa Karimlan.
a. Inigo Ed Regalado b. Dionisio Salazar
c. Narciso Reyes
d. Genoveva Edroza Matute
D 31. Mula sa Dulang Sinag sa Karimlan, anong uri ng tauhan si Tony?
a.Tauhang bilog
b. Tauhang lihis
c. Tauhang lapad
d.Tauhang bilog
C 32. Ang tumayong ama ni Tony sa loob ng bilangguan.
a.Andres
b. Bok
c. Padre Abena
d. Domeng
A 33. Utang na loob, Padre.Sinabi ko na seyong wala akongTatay! ang pahayag na ito ni Tony ay
nagpapahiwatig ng _______________.
a. pagngingitngit ni Tony sa ama
c. pagtatampo ni Tony ke Padre Abena
b. pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya
d. pagkainis ni Tony sa pangalang binanggit
B 34. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga tauhan sa loob ng isang
dula.
a.usapan
b.diyalogo
c.salitaan
d.eksena
D 35. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at
wala na ang tanikala.Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit?
a. bilangguan
b. kalayaan
c. sakitsakatawan
d. kadena
A o B 36. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa
kasalukuyan?
a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan
b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa
c.pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in
d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sarilingpag-unlad
D 37. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon?
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo
sa iyong isip.
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa baying Pilipinas.
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
d. Ahhhanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
B 38. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa SinTax Bill.
d. Tinutulan ng ilang senador ang pagpasa ng panukalang batas.
D 39. Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay
o kuwento.
a.tabloid
b.magazine
c.radio
d. komiks

A 40. Bahagi ng komiks na naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)


a.kuwadro
b.kahonngsalaysay
c. lobo ngusapan
d. pamagat
B 41. Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo.
a.kuwadro
b.kahon ng salaysay
c. lobo ng usapan
d. pamagat
A 42. Pinaniniwalang kauna-unahang Pilipinong gumawa ng komiks.
a.Jose Rizal
b. Francisco Balagtas c.Juan Luna
d.ApolinarioMabini
D 43. Mula sa bilang ,anong pamagat ng komiks naunang nagawa?
a.Ang Kuneho at AngPagong
c.Ang Gintong Gansa
b. Si Kuneho at Si Matsing
d. Ang Pagong at AngMatsing
A 44. Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at
Mga isyu hinggil sa kagandahanang nilalaman ng Metro.
a.Metro
b.Candy
c. FHM
d. Yes!
D 45. Ang magasin tungkol sa balitang showbiz . Ang nilalaman nitoay palaging bago, puno ng mga
nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
a.Metro
b.Candy
c. FHM
d. Yes!
II. Salungguhitan ang Pandiwa sa bawat bilang at tukuyin ang Aspeto nito. (2 puntos)
1.
2.
3.
4.
5.

Maglalaro kami ng chess mamayang hapon. KONTEMPLATIBO


Napansin mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara? PERPEKTIBO
Sinulat ko sa papel ang mga dapat mong gawin. PERPEKTIBO
Binabasa nya nang mabuti ang libro para sa kanyang takdang-aralin. IMPERPEKTIBO
Sino ang sumagot ng telepono? PERPEKTIBO

You might also like