You are on page 1of 2

KARAGDAGANG TALA AT GAWAIN SA WIKA 7

BILANG #1

ASIGNATURA: WIKA 7 TRIMESTRE: Una


GURO: T. Meah/ T. Jen PETSA: Hulyo 29, 2021

Aralin 1

PANGNGALAN AT URI NITO

Panoorin ang sumusunod na bidyo bilang tulong sa iyong pag-intindi sa araling ito.
Unang Sesyon:
● Kasarian ng Pangngalan, oras 3:51
https://www.youtube.com/watch?v=_SWREpEgjTc
● Uri Ayon sa Konsepto, oras 1:53
https://www.youtube.com/watch?v=MBR8OYScb0Y
● Gamit ng Pangngalan, oras 2:48
https://www.youtube.com/watch?v=_Lj04NmlE7c

Ikalawang Sesyon
TALAKAYAN:
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.

Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki– bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki
Halimbawa: doktor, abogado, ginoo, ama,
2. Pambabae- bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae
Halimbawa: doktora, abogada, ginang, ina
3. Di-tiyak– maaaring tumutukoy sa ngalan ng pambabae or panlalaki
Halimbawa: guro, pulis, manggagamot
4. Walang kasarian- bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay
Halimbawa: aklat, baso, damit, eroplano

Gamit ng Pangngalan
1. Simuno - pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap
2. Pantawag - ipinantatawag sa pangungusap
3. Kaganapang Pansimuno - ito ay nasa bahaging panaguri at ginagamit sa
pagpapakilala ng simuno.
4. Pamuno - ginagamit na tulong upang higit na mabigyang-diin ang simuno. Ito ay
bahagi pa rin ng simuno.

MGA SANGGUNIAN
● https://www.youtube.com/watch?v=_SWREpEgjTc
● https://www.youtube.com/watch?v=MBR8OYScb0Y
● https://www.youtube.com/watch?v=_Lj04NmlE7c

You might also like