You are on page 1of 2

Mungkahing Proyekto sa Filipino 10

Pamagat Tungo sa Likas-Kayang Pag-unlad: Isang Musical Parody

Layunin Layunin ng proyektong ito na maging daan upang mas lalo pang
mapalawig ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa
kahulugan at kahalagahan ng likas-kayang pag-unlad o sustainable
development. Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mahuhubog din ang
pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pagsulat ng komposisyon at
paglapat nito sa isang musical parody video na kanila itong lalapatan ng
mga matatalinghagang salita gaya na lamang ng TAYUTAY upang mas
lalong mapaganda at maging kaaya-aya ang kanilang maging likha.

Gampanin Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga batang kompositor na may
layuning palaganapin ang kahulugan at kahalagahan ng likas-kayang
pag-unlad.

Tagapanuod Ang mga tagapanuod sa output ng mga mag-aaral ay ang mga guro ng:
1. Araling Panlipunan
2. Wika at Panitikan
3. Musika
4. ESP
5. English

Sitwasyon Ang mga mag-aaral ay mahahati sa limang (5) pangkat. Ang bawat
pangkat ay gagawa ng isang (1) musical parody na nakatuon sa
pagtalakay sa kahulugan at kahalagahan ng likas-kayang pag-unlad
(sustainable development). Ang nasabing musical parody ay dapat ding
maglaman ng mga linyang hihikayat sa mga kabataang makilahok sa iba’t
ibang programa tungo sa pagkamit ng sustainable development goals.

Presentasyon Inaasahang makagagawa ang bawat pangkat ng isang musical parody na


may habang hindi lalampas sa limang (5) minuto. Ang kanilang
komposisyon ay dapat orihinal, nasa wikang FIlipino, at ito ay kailangan
din nilang lapatan ng musika. Maaari ring magdagdag ang mga mag-aaral
ng mga larawan, graphics, at video snippets sa kanilang bidyo. Ang bawat
mag-aaral ay dapat makitang kumakanta sa nasahing bidyo.
Pamantayan Ang mga sumusunod ay mga pamantayan sa pagmamarka:

kaangkupan ng musical parody sa tema 15 puntos

kaangkupan at bisa ng mga lirikong ginamit 10 puntos

musicality 10 puntos

kalidad ng video presentation (biswal at awdyo) 5 puntos

indibidwal na kontribusyon 5 puntos

pagpasa sa takdang araw ng pasahan 5 puntos

kabuoan 50 puntos

You might also like