You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Guro: GREGORIO B. OGOC


Petsa: October 10, 2023
Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Oras ng Pagtuturo: 8:15-9:15 n.u.
Strand: 11-HUMSS and GAS

Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng
wika sa lipunang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Mga Kasanayang Pagkatuto:
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. (F11PT – Ia – 85)
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
(F11PS – Ib – 86)

I. MGA LAYUNIN: Inaasahang matatamo ng mga mag- aaral ang mga sumusunod na layunin;
a. natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga Varayti ng Wika (Idyolek, Sosyolek at Pidgin);
b. naiuugnay ang Varayti ng wika sa sariling kaalaman, sitwasyon at karanasan, at;
c. nakapagtanghal ng ilang gawain gamit ang mga Varayti ng Wika.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paksa: VARAYTI NG WIKA (IDYOLEK, SOSYOLEK, PIDGIN)
Code: F11PT–Ia–85 at F11PS–Ib–86
Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Filipino at Internet
Mga Kagamitan: MS PowerPoint, Video, Visual Aids
Pamamaraan: Interactive Lecture, Collaborative Learning, Inquiry or Socratic Method

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng lugar o silid
c. Pagtsek ng Atendans
d. Pagbati
e. Pagbabalik-aral
Tatawag ang guro ng mag- aaral para magbigay ng rebyu sa paksang natalakay noong
nakaraan.
f. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga sikat at kilalang tao sa bansa.
B. Paglinang sa Aralin:
a. Aktibiti: Buuin ang salita sa bawat bilang. Tukuyin ang mga katumbas na titik ng bawat bilang
upang mabuo ang mga mahahalagang salita na may kinalaman sa kasalukuyang aralin.
NUMERO SALITA
6-17-23-21-2-9-24 IDYOLEK
7-21-7-23-21-2-9-24 SOSYOLEK
1-6-17-10-6-16 PIDGIN
b. Analisis:
Mahahalagang Tanong:
1. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng iba’t ibang varayti ang wika?
2. Mahalaga ba ang Varayti ng wika sa lipunang kinabibilangan? Patunayan.

Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat


c. Paglalahad ng Paksa at Layunin
Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa at ang mga layunin.
d. Pagtatalakay (Collaborative Learning)
Pagpapalawak ng Paksa: Brainstorming
Magbibigay ang guro ng mga Learning Materials sa bawat grupo at magbabahagian sila ng
mga ideya ayon sa paksang tinatalakay. Pagkatapos, magtatanong ang guro sa mga mag- aaral.
e. Paglalapat (Pagbuo)
Sa kaparehong pangkat, bumuo at magtanghal ng mga sumusunod na gawain:
A. Awit – Bumuo ng awit na kakakitaan ng Sosyolek na Varayti ng Wika sa liriko.
B. Tula – Bumuo ng tatlong saknong ng tula na kakakitaan ng Pidgin na Varayti ng
Wika.
C. Tula – Bumuo ng tatlong saknong ng tula na kakakitaan ng Idyolek na Varayti ng
Wika.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PRESENTASYON
Napakahusay Mahusay Kailangan Panghusayan
PAMANTAYAN
(8-10) (5-7) (4-1)
Kahusayan sa Pagganap
Kaangkupan sa Paksa
Kooperasyon
Kalinawan
KABUUAN

f. Paglalagom sa Paksang Natalakay


Tatawag ang guro ng ilang mag- aaral para magbigay ng dalawang pangungusap na
pagbubuod sa paksang tinalakay.

IV. PAGTATAYA: (Maikling Pagsusulit)


Panuto: Tukuyin ang kinabibilangan ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik (I) kung Idyolek,
(S) kung Sosyolek at (P) naman kung Pidgin.

V. KASUNDUAN:
Sa isang malinis na papel, bumuo ng isang sanaynay na nagpapakita ng kahalagahan ng
Varayti ng Wika sa Lipunan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PRESENTASYON


PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Kailangan Panghusayan
(8-10) (5-7) (4-1)
Nilalaman
Organisayon
Kaangkupan sa Paksa
Mekanismo
KABUUAN

Inihanda: Iniwasto:

GREGORIO B. OGOC EDEN A. VILLALON


SHS Teacher II Rater/MT-I

Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat


Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

You might also like