You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Guro: GREGORIO B. OGOC


Petsa: January 17, 2024
Asignatura: Filipino sa Piling Larangan (TECH-VOC)
Oras ng Pagtuturo: 3:15 - 4:15 n.h.
Strand: 12- EIM

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at angkop na pagsulat ng


piling anyo ng sulatin
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 4-6 piling sulating teknikal-bokasyunal
Mga Kasanayang Pagkatuto:
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-
bokasyunal (CS_FFTV11/12PB-0g-i-106)
 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong tenikal-bokasyunal na sulatin
(CS_FTV11/12PU-0m-o-99)

I. MGA LAYUNIN: Inaasahang matatamo ng mga mag- aaral ang mga sumusunod na layunin;
a. naiisa- isa ang mga dapat isaalang- alang sa preparasyon sa paggawa ng menu ng pagkain;
b. nabibigyang-pagpapahalaga at naisaalang-alang ang mga hakbang tungo sa pagbuo ng isang
mahusay na menu ng pagkain; at
c. nakakabuo ng wasto at mahusay na menu ng pagkain.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paksa: TEKNIKAL-BOKASYONAL NA SULATIN (MENU NG PAGKAIN)
Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) at Internet
Mga Kagamitan: MS PowerPoint, Video, Visual Aids
Pamamaraan: Interactive Lecture, Collaborative Learning, Inquiry or Socratic Method

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng lugar o silid
c. Pagtsek ng Atendans
d. Pagbati
e. Pagbabalik-aral
Tatawag ang guro ng mag- aaral para magbigay ng rebyu sa paksang natalakay noong
nakaraan.
f. Pagganyak
Pagtatanong;
1. Kayo ba ay nakapasok na sa isang restaurant o anomang prestihiyusong kainan?
2. Ano ang madalas niyong makikita na bitbit ng isang crew?
B. Paglinang sa Aralin:
a. Aktibiti: “TAGISAN NG TALINO”
Instruksiyon: Magbibigay ang guro ng mga katanungan. Sasagutin ng mag- aaral ang
katanungan sa pamamagitan ng paghanay nito sa titik ng napiling kasagutan. Ibubunyag ng guro
ang tamang sagot kapag matapos ang bilang na limang segundo. Ang sinumang nagkamali ay
awtomatikong matatanggal at ang maiiwan ang magpapatuloy sa susunod na round at ang limang
maiiwan ang idedeklarang panalo.
b. Analisis:
Mahahalagang Tanong:
1. Ano ang napapansin mo sa mga katanungan?

Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat


2. Mahagalaga ba ang mga iyon? Patunayan.
c. Paglalahad ng Paksa at Layunin
Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa at ang mga layunin.
d. Pagtatalakay (Collaborative Learning)
Pagpapalawak ng Paksa: Brainstorming
Magbibigay ang guro ng mga Learning Materials sa bawat grupo at magbabahagian sila ng
mga ideya ayon sa paksang tinatalakay. Pagkatapos, magtatanong ang guro sa mga mag- aaral.
e. Paglalapat (Pagbuo)
Sa kaparehong pangkat, bumuo ng isang mahusay at wastong menu ng pagkain gamit ang
mga materyales na inihanda ng guro.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PRESENTASYON


PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Kailangan Panghusayan
(8-10) (5-7) (4-1)
Presentable at Kaayaya
Pagkamalikhain
Malinaw at angkop ang
mga salitang ginamit
Mapanghikayat
KABUUAN

f. Paglalagom sa Paksang Natalakay


Tatawag ang guro ng ilang mag- aaral para magbigay ng dalawang pangungusap na
pagbubuod sa paksang tinalakay.

IV. PAGTATAYA: (Maikling Pagsusulit)

V. KASUNDUAN:
Sa isang malinis na papel, bumuo ng isang presentableng menu mula sa mga sumusunod na
pagkain:
A. Buttered Chicken Drinks (Inumin):
B. Garlic Chicken Nestea
C. Sotanghon Coke
D. Pancit Guisado Royal
E. Tinolang Bangus Sprite
F. Tinolang Manok
G. Sabaw ng Hipon
H. Inasal with Unli rice

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Kailangan Panghusayan
(8-10) (5-7) (4-1)
Presentable at Kaayaya
Pagkamalikhain
Malinaw at angkop ang
mga salitang ginamit
Mapanghikayat
KABUUAN

Inihanda: Iniwasto:

GREGORIO B. OGOC EDEN A. VILLALON

Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat


SHS Teacher II Rater/MT-I

Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

You might also like