0% found this document useful (0 votes)
1K views37 pages

Gas Strand

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral tungkol sa mga impluwensiya ng paggamit ng wikang Ingles sa larangan ng pagkatuto sa Pilipinas. Ito ay naglalayong matukoy ang mga benepisyo at hamon ng impluwensiya ng Ingles sa pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang paraan upang maabot ang mas epektibong pagkatuto ng Ingles. Ang dokumento ay nagbibigay ng konteksto tungkol sa mahalagang papel ng Ingles sa buong mundo at sa Pilipinas. Ito rin ay naglalaman ng teoryang behaviorist bilang batayan sa pag-aaral.

Uploaded by

Judd Benemerito
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
1K views37 pages

Gas Strand

Ang dokumento ay tungkol sa pag-aaral tungkol sa mga impluwensiya ng paggamit ng wikang Ingles sa larangan ng pagkatuto sa Pilipinas. Ito ay naglalayong matukoy ang mga benepisyo at hamon ng impluwensiya ng Ingles sa pagkatuto ng mga mag-aaral gayundin ang paraan upang maabot ang mas epektibong pagkatuto ng Ingles. Ang dokumento ay nagbibigay ng konteksto tungkol sa mahalagang papel ng Ingles sa buong mundo at sa Pilipinas. Ito rin ay naglalaman ng teoryang behaviorist bilang batayan sa pag-aaral.

Uploaded by

Judd Benemerito
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

MGA IMPLUWENSIYA SA PAGGAMIT NG WIKANG INGLES SA

LARANGAN NG PAGKATUTO; ISANG PAGSISIYASAT

ISANG PANUKALANG PANANALIKSIK

Arvin Almodal
Lorence Aparta
Jhon Lester Aguilar
Lea Rose Amucay
RV Jane Almodal
Nova Angela Bulawan
Jenny lou Bagas
Jamaica Bonjan
Judd Benemerito
Jhon Llyod Baldo
Jeanylyn Tablando

HUNYO 2023
MGA IMPLUWENSIYA SA PAGGAMIT NG WIKANG INGLES SA
LARANGAN NG PAGKATUTO; ISANG PAGSISIYASAT

ISANG PANUKALANG PANANALIKSIK

Na iniharap sa Kaguruan ng Departamentong Senyur Hayskul, Gingoog


City Comprehensive National High School - Gingoog City

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Arvin Almodal
Lorence Aparta
Jhon Lester Aguilar
Lea Rose Amucay
RV Jane Almodal
Nova Angela Bulawan
Jenny lou Bagas
Jamaica Bonjan
Judd Benemerito
Jhon Llyod Baldo
Jeanylyn Tablando
HUNYO 2023
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatan “MGA IMPLUWENSIYA


SA PAGGAMIT NG WIKANG INGLES SA LARANGAN NG PAGKATUTO”,
inihanda at isinumite nina ALMODAL, ARVIN;APARTA,
LORENCE;AGUILAR, JHON LESTER;AMUCAY, LEA ROSE;ALMODAL,
RV JANE;BULAWAN, NOVA ANGELA;BAGAS, JENNY LOU;BONJAN,
JAMAICA;BENEMERITO, JUDD;BALDO, JHON
LLYOD;TABLANDO,JEANYLYN bilang pagtupad sa isa sa mga
pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik na itinagubilin na tanggapin at
pagtibayin para sa kaukulang pasalitang pasulit.

JOVANNE T. DOYDORA
Tagapayo

LUPON NG MGA TAGASURI

Pinagtibay bilang bahaging katuparan ng mga pangangailangan


para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik ng mga lupong tagasuri ng pasalitang pasulit na
may markang ___________.

Marvin D. Magbanua
Tagapangulo

Gerlyn P. Nunez Julius Dave Calingin


Kasapi Kasapi

Tinanggap at pinagtibay bilang isang katuparan ng mga


kinakailangan para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.

MELINDA M. GARABATO, PhD.


Punong – Guro
PASASALAMAT
Nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pagpapahalaga at

pasasalamat sa lahat ng mga indibidwal at organisasyon na nag-ambag

sa matagumpay na pagkumpleto ng proyektong ito ng pananaliksik na

pinamagatang "Mga Impluwensya sa Paggamit ng Wikang Ingles sa

Larangan ng Pagkatuto ." Ipinaaabot namin ang aming taos-pusong

pasasalamat sa mga mag-aaral ng Gingoog City Comprehensive National

High School na kusang-loob na lumahok sa pag-aaral na ito. Ang

kanilang mahahalagang insight at pagpayag na ibahagi ang kanilang

mga karanasan ay naging instrumento sa pagpapayaman ng aming

pang-unawa sa epekto ng siksikang mga silid-aralan sa mga proseso ng

pag-aaral. Sa aming guro na si Sir Jovanne T. Doydora, aming research

adviser na kasama namin simula pa noong unang araw. Na patuloy na

sumuporta sa amin at nagpalakas ng aming determinasyon na

maisakatuparan ang papel na pananaliksik na ito. Nagbigay kami ng

espesyal na pasasalamat sa aming mga pamilya na moral na sumuporta

sa amin at nagparamdam sa amin ng lakas sa kabila ng mga paghihirap

na aming naranasan sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito at espesyal

na nagbigay ng suportang pinansyal para sa lahat ng mga gastos na

aming ginugol sa pag-aaral na ito. Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo

sa ating mapagmahal na Tagapagligtas mula sa itaas na nagbigay sa atin

ng lakas at patnubay, para sa kanyang kaloob na karunungan at


pagmamahal na nagpalakas sa ating determinasyon sa ating pag-aaral at

naipasa ito sa tamang oras.

DEDIKASYON

Taos-puso ang aming pasasalamat at pinakamainit na

pagsasaalang-alang na iniaalay namin ang gawaing ito sa mga taong

gumagabay at sumusuporta sa amin upang matapos ang pananaliksik

na ito. Sa aming mga minamahal na magulang, guro, at kaibigan.


TALAAN NG NILALAMAN

NILALAMAN PAHINA

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

PASASALAMAT iii

DEDIKASYON iv

TALAAN NG NILALAMAN v

KABANATA 1: ANG SULIRANIN

Panimula 1

Batayang Teoritikal 3

Balangkas Konseptuwal 4

Iskematik Dayagram 5

Paglalahad ng Suliranin 6

Kahalagahan sa Pag-aaral 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 8

Katuturan ng mga Katawagan 9


KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA
AT PAG-AARAL 11

KABANATA 3: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik 19

Lokasyon ng Pananaliksik 20

Disenyo sa pagpili ng mga Tagatugon 20

Mga Tagatugon 21

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos 21

Instrumento ng Pananaliksik 22

Paraan ng Pagkuha ng Datos 22

TALASANGGUNIAN 23

MGA KARAGDAGANG DAHON

APENDIKS A (Instrumento ng Pananaliksik)

APENDIKS B (Liham Pahintulot)

APENDIKS C (Liham para sa mga Tagatugon)

APENDIKS D (Curriculum Vitae)

TALAAN NG TALAHANAYAN
TALAHANAYAN PAHINA

1. Distribusyon ng mga Tagatugon 23

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang wikang Ingles ay napaka maimpluwensya, Madalas na

kinatatakutan ang wikang Ingles sa kadahilanang maramiang

sumisemplang sa pagsasalita ng wikang ito. Sa makabagonghenerasyon,

ang kabataan ay may mas malawak na kapasidad sa pagigingmatatas sa

pagsasalita ng wikang Ingles. Kaya naman nararapat lang naito ang

gamiting wika upang mas mapadali ang kanilang pagkatuto.Ayon sa

pag-aaral ni Abraham (2008) “Ang lingguwahing ingles ayisa sa mga

pinakaginagamit at gnagagamit na wika sa boung mundo. Itorin ang

pangunahing wika na ginagamit sa larangan ng komersyotinatayang

25% ng tao sa mundo ang may alam ng wikang ito o kayanamay

marunong makapagsalita at makaintindi ng wikang inglesmasasabi ring

ang wikang ingles ay ginagamit sa paglalakbay atkasalukuyang

maituturing na Lingua Franca ng diplomasya”. Kaya namansa

pamamagitan ng pag-aaral ng wikang ito ay magkakaroon tayo

ngmalaking lamang higit sa ano man.“Mayroong malaking kagandahan

at kahalagahan ng wikang ingleslalo na at Malaki ang naitutulong nito

sa pagpapabuti ng karunungangbumasa at sumulat na naayon sa sa


antaspang-akademiko o pang-propesyonal”.. Naayon ang wikang ito sa

mas epektibong pagtuturosapagkat mas naiintindihan ng mga mag-aaral

ng mas higit kung ang mgaleksyon ay tunuturo sa wikang Ingles. Kaya

naman sa pamamagitan ngpagtuturo at pagpapalakas ng wikang ito ay

mas mapapabuti pa ang mgaakademikong pagsasanay at pagkamit ng

mga mag-aaral.

Gayunpaman, hindi rin maiiwasan ang mga hamon na kaakibat

ng impluwensiya ng wikang Ingles sa larangan ng pagkatuto. Ang isang

isyu o hamon na maaaring makabawas sa pag-unlad ng mga mag-aaral

ay ang saklaw ng paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Sa

mga bansa na ang wikang Ingles ay hindi ang katutubong wika,

maaaring magkaroon ng kakulangan sa kasanayan sa pag-unawa at

paggamit ng wikang ito. Ito ay maaaring humantong sa pagkaantala sa

pagkatuto at kakayahan ng mga mag-aaral na maabot ang kanilang

potensyal. Ang sobrang impluwensiya ng wikang Ingles ay maaaring

magdulot ng pagkaubos ng iba pang mga wika. Ito ay nagreresulta sa

pagkawala ng kultural na identidad at pagpapahalaga sa mga

katutubong wika. Kapag ang wikang Ingles ay pinahahalagahan nang

labis, maaaring mapabayaan o mabalewala ang pag-aaral at

pagpapalaganap ng iba pang mga wika, na nagdudulot ng pagsasarili ng

mga kultura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pananaliksik na ito,

hangad ng mga mananaliksik na maunawaan at malaman ang mga

epekto ng impluwensiya ng wikang Ingles sa larangan ng pagkatuto sa


Pilipinas. Nais nating matukoy ang mga benepisyo at hamon na dala nito

para sa mga mag-aaral at ang mga paraan upang maabot ang isang mas

epektibong pagkatuto ng wikang Ingles. Sa pamamagitan ng pag-unawa

sa mga isyung ito, inaasahang maaaring magkaroon ng mga reporma at

pagbabago sa sistema

Batayang Teoritikal

Teoryang Behaviorist ang mga bata ay ipinanganak na may

kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawa ay maaring

hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran.

Natural lamang sa isang bata na matutunan ang isang wika sapagkat

ang bawat nilalang ay biniyayaan ng kakayahang pagkatuto subalit ito

may malaking kaugnayan sa kanyang kapaligiran. Makaiimpluwensiya

sa isang bata ang kanyang nakikita sa paligid araw-araw na kung saan

gagayahin niya ito at maging isang faktor sa paghubog ng kanyang

pagkatao. Ika nila ang mga bata o mga mag-aaral ay isang great imitator.

Ang kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapayayaman at

mapauunlad sa tulong ng mga angkop na pagpapatibay dito. binigyang-

diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na kailangang

“alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng pagganyak

at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o gawi.

Upang mapaunlad at mapayaman ang kakayahang intelektwal ng isang


bata o estudyante kailangang mapanatili ang kanyang interes sa

pagkatuto sa pamamagitan ng pagmotibeyt sa kanya. Ang salitang very

good o magaling, ipagpatuloy mo iyan at iba pang mga salitang

nagpapasigla ng kanyang damdamin tuwing siya’y may nagawang

kabutihan o mataas ang grado ay may malaking impact sa kanyang

pagkatao na siyang nag-udyuk sa kanya upang mas igihan pa ang

pagkatuto.

Ang teoryang behaviorist ay nagbibigay sa mga guro ng set ng mga

simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ibinatay

ang audio-lingual method (ALM) na naging popular noong mga taong

1950 at 1960. Sa pamamagitan ng audio-lingual method masasanay at

mahahasa ang mga estudyante sa paggamit ng target na wika . Ang

pagpapalitan ng ideya sa loob ng silid aralan at pagpapaliwanag ng isang

bagay at pagkaaroon ng isang

conbersasyon ay paraan ng pagsasanay upang mapaunlad ang

kakayahang makipagtalastasan ng mga mag-aaral sa tamang paggamit

ng gramatikal istruktyur ng wika.

Balangkas Konseptuwal

Ang balangkas na konseptwal ng pag-aaral na ito ay gagamitin ng input-

process-output model. Inilalahad ng input frame ang profyl ng mga

tagatugon tulad ng edad, kasarian. Ang process frame ay tumutukoy sa


mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga

datos saklaw ang interbyu . Ang output frame ay sumasaklaw sa

positibong at negatibo epekto ng paggamit ng wikang Ingles sa larangan

ng pagkatuto.

MALAYANG BARYABOL DI-MALAYANG BARYABOL

OUTPUT
INPUT
PROCESS Positibong epekto
ng paggamit ng
Profyl ng mga wikang Ingles sa
tagatugon larangan ng
Interbyu
Edad pagkatuto

kasarian negatibo epekto ng


paggamit ng wikang
Ingles sa larangan
ng pagkatuto

Pigura 1: Iskematik Dayagram ng Pag-aaral sa pagitan ng


malaya at di-malayang baryabol

Ang pagpapatupad ng input-process-output model sa pag-aaral na

ito ay naglalayong masiguro na makakakuha ng tamang impormasyon

na kinakailangan upang maipakita ang positibong at negatibo epekto ng

paggamit ng wikang Ingles sa larangan ng pagkatuto. Ang mga datos ay

kukunin sa pamamagitan ng interbyu ng nakalap na resulta upang

malaman ang reaksyon ng mga kalahok patungkol dito. Sa pagpapakita


ng mga kongklusyon, mas mapapadali ang pagbibigay ng solusyon at

rekomendasyon para sa pagbubuti ng kalidad ng pagtuturo at

pagkatuto.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayung masuri ang Impluwensiya

ng wikang ingles tungo sa larangan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

pagbasa at pagsusuri sa ibat ibang teksto tungo sa pananaliksik sa

ikalabing isa ng Senyur hayskul .Ang pananalksik na ito ay nag lalahad

na masagot ang mga sumusunod na katanungan .

1.Paano nakakaapekto ang paggamit ng wikang Ingles sa pag-unlad ng

kasanayan sa pagsasalita, pagsusulat, at pakikinig ng mga mag-aaral?

2.Ano-ano ang mga masama at mabuting impluwensya na naibibigay sa

paggamit ng wikang ingles sa larangan ng pagtuturo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay matutulungan ng resulta ng pag-aaral.

Mag-aaral. Magkakaroon sila ng kamalayan at magkakaroon ng

karagdagang kaalaman kung paano mapapabuti at makatutulong ang

pakikinig sa musika sa mga mag-aaral habang nag-aaral.

Mga Magulang. Nagbibigay-daan sa mga magulang na maunawaan ang

pangangailangan ng kanilang mga anak sa pagkatuto ng wikang

pambansa. Ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga magulang na


maging aktibo at suportado sa pag-aaral ng kanilang mga anak, at

makapagbigay ng tulong at gabay sa kanilang pag-unawa at kasanayan

sa wikang Filipino.

Guro. Gagabayan at magbibigay din ito ng kamalayan sa kanila na

payagan ang kanilang mag-aaral na gumamit ng mga gadget nang mas

malaya at magabayan sila sa paggamit ng mga gadget nang responsable.

Administrasyon ng Paaralan. Ito ay nagbibigay ng mga datos at

impormasyon na maaaring gamitin upang matukoy at malutas ang mga

problema sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino. Sa pamamagitan

nito, maaaring maisakatuparan ang mga reporma o pagbabago sa mga

patakaran at pamamaraan sa pagtuturo ng wikang Filipino.

Ibang Pang Institusyon. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa ibang

institusyon na makakuha ng ideya o pundasyon na nagbabalak na mag-

implementa ng ganitong modalidad.

Iba pang Mananaliksik. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng paggamit ng

wikang Filipino sa pagkatuto, maaaring mabuo ng mga mananaliksik

ang mga pamantayan at pagsusuri na maaaring gamitin sa iba pang mga

pananaliksik na may kaugnayan sa pagkatuto at wika. Ito ay

nagpapalakas sa komunidad ng mga mananaliksik at nagdudulot ng

pag-unlad sa larangan ng pag-aaral ng wika at edukasyon.


Kawani ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang pagsasagawa ng pag-aral na

ito ay upang mag bigay kaalaman sa kawarang nag Edukasyon- sa

impluwensya nag sobrang paggamit ng wikang Ingles sa pagkatuto.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw ng pag aaral na ito ang pagsisiyasat sa impluwensya ng

wikang ingles sa larangan ng pagkatuto ng mag aaral.Ang mga mag aaral

ng ikalabin isa ng senior highschool ng isa sa mga paaralan ng lungsod

ng gingoog sa pasukang 2022-2023 ang inaasahang respondante ng pag-

aaral partikular na ang pangkat ng abm strand. Ayon sa akademikong

pagganap sa asignatura ng pagbasa at pagsusuri sa ibat ibang teksto

tungo sa pananaliksik sa ika apat na bahagi ng ikalawang semestre.

Ang mga pagsusuri at pagtatasa ng impluwensya ng wikang ingles sa

pagkatuto ay maaring magdulot ng mga suliranin sa pagsukat ng

kasanayan.Saklaw rin ng pag aaral na ito ang pagsuri ng pagkatuto sa

impluwensya ng wikang ingles.

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga

positibo at negatibong impluwensiya ng wikang Ingles sa larangan ng

pagkatuto sa mga mag-aaral ng Senyur Hayskul. Ang pananaliksik na

ito ay maaring magbibigay ng kamalayan sa atin tungkol sa kahalagahan

ng pag -unawa sa impluwensiya ng wikang Ingles sa pakikipag

kumonikasyon ng mga mag-aaral.Malalaman natin Kong paano


makakaapekto Ang paggamit ng wikang Ingles sa pakikipag

kumonikasyon sa ibat iBang larangan ng Buhay.

Ang limitasyon sa pag aaral na ito ay Hanggang (pila kabook

respondent) mag aaral lamang ito ay sapat na upang Malaman Ang

impormasyon nais Malaman ng mga mananaliksik.

Katuturan ng Katawagan

Internasyonal - Ito ay tinatawag na internasyonal kapag ito ay may

bisa, epekto, o kahalagahan sa iba't ibang mga bansa.

Opisyal na wika - Ito ay opisyal na wika ay karaniwang ginagamit sa

mga gawain ng pamahalaan, edukasyon, batas, at iba pang mga

institusyon.

Pakikipagtalastasan - Ito ay ang pagpapalitan ng mga mensahe o

impormasyon sa pamamagitan ng wika o iba pang mga midyum ng

komunikasyon.

Pananaliksik - Ito ay isang sistematisadong proseso ng paghahanap,

pag-aaral, at pagsusuri ng impormasyon upang malaman ang mga

bagong kaalaman, malutas ang mga problema, o suportahan ang mga

pahayag o teorya.

Teknolohiyang pang-edukasyon - Ito ay tumutukoy sa mga

teknolohiyang ginagamit sa proseso ng pagtuturo at pag-aaral. Kagaya

na lamang ng software, online platform atbp.


Wika - Ito ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng tao para

maipahayag ang kanyang mga kaisipan, damdamin, at karanasan.

Wikang Ingles - Ito ay isang internasyonal na wika na ginagamit sa

maraming mga bansa bilang isang midyum ng komunikasyon,

nagbibigay-daan sa mga indibidwal na makipag-ugnayan at magkaroon

ng oportunidad sa iba't ibang larangan sa buong mundo.

Wikang Filipino - Ito ay ang opisyal na wika ng bansa ng Pilipinas.

Ginagamit bilang midyum ng komunikasyon at pagtuturo sa mga

pampublikong paaralan at institusyon sa bansa.

Kumonidad - Ito ay binubuo ng mga indibidwal na may iba't ibang mga

katangian, interes, at layunin na nagkakaisa sa isang partikular na

lugar o konteksto.

Midyum ng pagtuturo - Ito ay ang wika o iba pang mga kagamitan na

ginagamit sa paghahatid ng mga aralin at konsepto sa mga mag-aaral.

Ang midyum ng pagtuturo ay mahalaga sa pag-unawa at pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Reporma - Ito ay ang mga pagbabago o pagsasabuhay ng mga

panibagong patakaran o sistema upang mapaunlad o maisaayos ang

isang partikular na larangan . Ang mga reporma sa edukasyon ay

karaniwang layunin na mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.


Sistema ng edukasyon - Ang sistema ng edukasyon ay binubuo ng mga

paaralan, kurikulum, guro, mag-aaral, at iba pang mga elemento na

nagtutulungan sa paghahatid ng edukasyon.

Larangan ng pagkatuto - Ito ay tumutukoy sa mga espesyalisadong

larangan, disiplina, o kasanayan kung saan ang mga mag-aaral ay nag-

aaral at nagpapalawak ng kanilang kaalaman. Maaaring ito ay mga

larangang pang-agham, sining, teknolohiya, pang-ekonomiya, o iba pang

disiplina na naghahanda sa mga mag-aaral para sa partikular na

trabaho o propesyo
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang nilalaman ng bahaging ito ay mga literatura na may

kaugnayan sa pag-aaral. Nagbibigay ito ng mga karagdagang kaalaman

tungkol sa paksang pinag-aralan upang mas maunawaan ng mga

mambabasa.

Ang pag-aaral na isinasagawa ay sumasaklaw sa Malalim na

nakaugat sa impluwensya ng kulturang Amerikano sa Edukasyon sa

Pilipinas, karamihan sa mga kurikulum ay nakasentro sa wikang Ingles

bilang midyum ng pagtuturo. Hanggang ngayon, karamihan sa mga

klase ay itinuturo sa wikang Ingles habang hindi gaanong hinahangad

ang paggamit ng lingua franca sa mga talakayan at maging sa loob ng

paaralan (Brian A Vasquez, 2013)

Ang pinaghalong pag-aaral ay itinuturing kamakailan na isang

mainit na paksa sa edukasyon, lalo na para sa mga guro at mag-aaral na

gamitin para sa pagpapahusay ng wikang Ingles sa buong mundo.

Samakatuwid, ang kasalukuyang papel ay nagbubunga sa mga kaugnay

na literatura ng pinaghalong epekto ng pagkatuto sa pagtuturo at pag-

aaral ng wikang Ingles. Ang iba't ibang kaugnay na literatura ay sinuri

upang malaman ang mga epekto ng pinaghalong pag-aaral sa apat na


pinagsama-samang kasanayan ng wikang Ingles tulad ng mga

kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig.

Samakatuwid, ang kinalabasan ng sinuri na literatura ay nagpapakita

na may mga epekto ng paggamit ng pinaghalong pagkatuto sa pagtuturo

at pag-aaral ng wikang Ingles. Ang pinaghalo na pag-aaral ay positibong

nakakaapekto sa bawat pinagsama-samang kasanayan ng wikang Ingles

at iminumungkahi na ang paggamit ng pinaghalo na pag-aaral bilang isa

sa mga kasanayan sa ika-21 siglo ay kailangang isaalang-alang para sa

pagtuturo at pag-aaral ng wikang Ingles sa hinaharap (Brian A Vasquez,

2020)

Ang Ingles ang pinakakaraniwang wika sa mundo, na may

humigit-kumulang 20% ng kabuuang populasyon na nakakapag-usap

gamit ito. Ito ay naging isang lingua franca, na ginagamit ng mga

internasyonal na komunidad upang magsalita sa isang pinag-isang wika.

Malaki ang epekto ng Ingles sa ating lipunan. Binago nito ang ating

buhay sa iba't ibang antas. Sa artikulong ito, susuriin natin kung paano

naiimpluwensyahan ng Ingles ang modernong lipunan (Juan bravo

2022))

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong imbestigahan ang epekto ng

isang iminungkahing EFL Flipped Classroom Teaching Model (EFL-

FCTM) sa English higher-order thinking skills (HOTS), pakikipag-

ugnayan at kasiyahan ng mga mag-aaral na nagtapos. Gayundin,

sinisiyasat nito ang kaugnayan sa pagitan ng mga kasanayan sa pag-


iisip ng mas mataas na pagkakasunud-sunod, pakikipag-ugnayan at

kasiyahan. Ang sample ay binubuo ng (67) nagtapos na mga babaeng

estudyante; isang eksperimentong grupo (N = 33) at isang control group

(N = 34), nag-aaral ng kursong Ingles sa Taif University, KSA. Ang pag-

aaral ay gumamit ng mixed method na disenyo; isang pre-post HOTS test

ang isinagawa at dalawang 5-Likert scale questionnaires ang idinisenyo

at ipinamahagi; isang sukatan ng pakikipag-ugnayan at isang sukatan

ng kasiyahan. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay nagsiwalat ng

makabuluhang pagkakaiba sa istatistika sa pagitan ng dalawang grupo

sa HOTS na pabor sa eksperimentong grupo. Gayundin, mayroong

makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pre at post administration ng

engagement scale na pabor sa post administration. Bukod dito, ang

kasiyahan ng m mga mag-aaral sa (EFL-FCTM) (Hamad Alsowat, 2016).

ipinakita ang impluwensya ng mobile device na tinulungan ng pag-

aaral ng Ingles sa pagkuha ng kaalaman sa bokabularyo; nagpakita ng

mga salik na nakakaimpluwensya sa pagiging epektibo ng mobile na

pag-aaral ng wikang Ingles, nagpakita ng pangkalahatang mga resulta

ng pag-aaral sa mobile device na tinulungan ng English learning;

kasama ang mga disadvantage ng mobile technology-assisted English

learning at co-citations ng mga publikasyon. Kapag nagdidisenyo ng mga

mobile device, maaaring isama at i-optimize ng mga designer ang mga

function ng pag-aaral batay sa mga natuklasan (Zhonggen Yu 2019).


Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa pinakamalaking bansang

nagsasalita ng Ingles sa mundo. Sa katunayan, ang Ingles ay isa sa mga

opisyal na wika sa Pilipinas. Ngunit sa paglipas ng mga taon, ang unti-

unting paghina ng kasanayan sa wikang Ingles ay makikita sa mga

Filipino batay sa EF English Proficiency Index, Test of English for

International Communication (TOEIC), at ang average na iskor ng mga

Filipino IELTS na kumukuha. Ang papel na ito ay naglalayon na

talakayin ang iba't ibang salik sa likod ng pababang Filipino English

proficiency, tulad ng motibasyon ng mga mag-aaral, pakikilahok ng

magulang, kapaligiran sa pag-aaral, mga estratehiya sa pagtuturo,

komprehensibong input, katayuan sa sosyo-ekonomiko ng mga mag-

aaral, at edad ng mga mag-aaral. Ang pagsusuri na ito ay makakatulong

sa mga guro sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga klase sa Ingles

upang mapabuti ang kasanayan sa Ingles ng mga mag-aaral, ang mga

institusyong pang-edukasyon na naglalayong itaas ang kalidad ng

pagtuturo ng wikang Ingles, at mga developer ng kurikulum sa pagbuo

ng mga makabagong materyales sa pag-aaral ng kasanayan sa Ingles

(Santos, Fernandez Ilustre 2022).

Ang integrasyon ng ASEAN Economic Community (AEC) noong

2015, gayundin ang panawagan ng United Nation for Education for All

(EFA) pagsapit ng 2015, ay nagtulak sa gobyerno ng Pilipinas na baguhin

ang sistema ng edukasyon sa bansa. Ang nasabing pagbabago ay

nagsasangkot ng pagsusuri sa pagiging epektibo ng English language


education (ELE) sa bansa, na maaaring ilarawan na kasalukuyang nasa

isang sangang-daan, habang ang mga stakeholder ay nagsusumikap na

tugunan ang mga isyu sa pagbuo ng mga kakayahan sa wikang Ingles ng

mga estudyanteng Filipino sa isang banda, at ang pagpapalakas ng

akademikong tagumpay sa kabilang banda. Ang ELE sa Pilipinas, na

nagsimula noong panahon ng kolonyal na Amerikano noong

ikalabinsiyam na siglo, ay natagpuang kulang sa makabuluhang

kontribusyon sa pagtaas ng mga resulta ng pagkatuto sa mga

estudyanteng Pilipino. Ang mga patakaran ng ELE ay napaharap sa mga

isyu ng pagkakahanay at pagkakaugnay-ugnay sa mga larangan ng

kurikulum at pagtatasa, pati na rin ang mga hamon sa pagpapatupad ng

tunay na reporma (Madrunio, Martin, Plata of 2016).

Ang Pilipinas ay kinikilala sa buong mundo bilang isa sa

pinakamalaking mga bansang nagsasalita ng Ingles na may mayorya ng

populasyon nito na may kahit ilang antas ng katatasan sa wika. Ang

Ingles ay palaging isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas at sinasalita

ng higit sa 14 na milyong Pilipino. Ito ang wika ng komersiyo at batas,

gayundin ang pangunahing midyum ng pagtuturo sa edukasyon.Ang

kahusayan sa wika ay isa rin sa mga lakas ng bansa na nakatulong sa

pagpapatakbo ng ekonomiya at ginawa pa ang Pilipinas bilang

nangungunang voice outsourcing destination sa mundo, na nalampasan

ang India noong 2012. Ang pagdagsa ng mga dayuhang nag-aaral ng

Ingles ay tumataas din dahil sa ang medyo mas abot-kaya ngunit de-
kalidad na mga programang English as a Second Language (ESL) na

iniaalok sa lokal.( Cabigon , 2015).

Ang Academic English (AE) ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa

paaralan upang tulungan ang mga mag-aaral na makakuha at gumamit

ng kaalaman. Sinusuri ng artikulong ito ang kasalukuyang literatura

upang matukoy kung ano ang nalalaman tungkol sa katangian ng AE sa

loob ng konteksto ng K–12 na pag-aaral. Inilalarawan nito kung paano

nakonsepto ang AE sa literatura ng pananaliksik sa edukasyon, kung

paano naisasakatuparan ang mga konseptwalisasyong ito sa mga

kasanayan sa pagtuturo, at ang mga implikasyon ng mga

konseptwalisasyong ito para sa edukasyon ng guro at pag-unlad ng

propesyunal. Ang populasyon ng mag-aaral na pangunahing pokus ng

artikulo ay ang mga nag-aaral ng wikang Ingles (Patricia A DiCerbo,

Kristina A Anstrom, Lottie L Baker, Charlene Rivera 2014)

Ginamit ng mga Pilipino ang Ingles bilang kanilang pangalawang

wika mula noong kolonisasyon ng mga Amerikano, na nakasanayan

nang gamitin ito kasama ng mga lokal na wika. Sinusuri ng papel na ito

ang 60 tweet mula sa Twitter upang i-highlight ang mga natatanging

katangian ng Philippine English, na tumutuon sa leksikal, gramatikal, at

linguistic na mga tampok. Ang Language Drift Theory ay ginamit upang

ipaliwanag ang proseso ng Pilipinisasyon, at ang deskriptibong

quantitative-qualitative na pananaliksik ay ginamit upang makilala ang


Philippine English bilang isang dialect ng International English

(Esquivel, Orlyn Joyce D, 2019).

Sinusuri ng pagsusuri ang konsepto ng mga Amerikanong tagapagturo

at burukrata sa pag-iisa ng linggwistika sa Pilipinas, na nakatuon sa

paniniwala na ang pambansang pag-unlad at demokrasya ay makakamit

sa pamamagitan ng ibinahaging kodigo sa wika. Sinusuri ng pagsusuri

ang mga dokumentong isinulat ng mga guro at tagapangasiwa ng

Amerika noong transisyon ng Insular Government mula 1900 hanggang

1916, na sinusuri ang mga ideolohikal na pundasyon ng Ingles sa

Pilipinas (Osborne, 2021).

Noong 2009, ipinakilala ng Pilipinas ang isang patakaran sa

edukasyong multilingguwal na batay sa sariling wika, na

nangangailangan ng katutubong wika bilang wika ng pagtuturo (LOI) sa

kindergarten hanggang grade 3. Ang paggamit ng guro ng target na LOI

ay inihambing sa iba't ibang konteksto, kabilang ang mga silid-aralan sa

lungsod at kanayunan. , magkakatulad na background ng mag-aaral, at

mga silid-aralan na may mga materyales sa target na wika. Ang mga

salik tulad ng mga takdang-aralin ng guro at mga materyales sa target

na wika ay natagpuan na may impluwensya sa pagtaas ng paggamit ng

guro.

Ang pananaliksik na ito ay nag-aral sa mga impluwensya ng mother

tongue-based multilingual education (MTB-MLE) program sa Pilipinas sa

pag-aaral ng wikang Ingles. Ginamit ng pananaliksik ang paraan ng pag-


aaral ng kaso upang makagawa ng isang masusing, dimensional na

pagsasaalang-alang ng MTB-MLE sa Pilipinas. Idinitalye ng pananaliksik

ang kasaysayan ng kaso at nakatuon sa pangunahing isyu ng mga

epekto ng katutubong wika sa pag-aaral. Natuklasan ng pag-aaral na

kailangang muling suriin ang MTB-MLE sa Pilipinas dahil maraming

mga teorya sa pagkuha ng wika ang nagdidiin sa pagkatuto ng Ingles sa

maagang yugto at ang pagtuturo ng Ingles ay hindi eksklusibong

alalahanin ng guro ng Ingles. Gayundin, ang Ingles ay kailangan ng mag-

aaral dahil maraming nakasulat at online na data ang praktikal na

naitala sa Ingles at ang karamihan sa mga programa sa social media ay

ipinapalabas sa wikang Ingles. Inirerekomenda ng pag-aaral na ang

MTB-MLE ay dapat na muling suriin ng Departamento ng Edukasyon ng

Pilipinas (DepEd) at ang katutubong wika ay dapat gamitin lamang

bilang pantulong (pandagdag o pansuporta) na wika sa pagtuturo

(Apolonio,2022).
KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga pamamaraang ginamit ng

mananaliksik sa pagkuha ng sapat na impormasyon na kinakailangan

upang maisakatuparan ang pag-aaral. Sa bahaging ito nakapaloob din

ang mga hakbang na isinakatuparan ng mananaliksik at ang

mahahalagang impormasyon tungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa ng

plano sa pag-aaral. Maging ang deskripsyon ng disenyo at

instrumentong ginamit sa pananaliksik ay inilalahad din sa bahaging ito.

Desinyo ng pananaliksik
Sa pagsasagawa ng pananaliksik gagamitin ng mga mananaliksik

ang Penomenolohiya na disenyo ng pananaliksik upang masuri ang Mga

Impluwensya sa Paggamit ng wikang Ingles sa Larangan ng Pagkatuto.

Ang Penomenolohiya na disenyo ng pananaliksik ay tumutukoy sa

pananaliksik na nagsisilbing pag-aaral sa karanasan ng mga tao sa

isang partikular na paksa. Ito ay may layunin na malaman ang tunay na

kahulugan ng karanasan ng mga tao at kung paano ito nakakaapekto sa

kanilang pag-unlad bilang mga indibidwal. isenyo ng Pananaliksik.

Lokasyon ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay lokal sa Gingoog City Comprehensive

National High School sa Paaralan ng Gingoog City.Nag-aalok ito ng

perpektong Strand para sa Senior High School. Ang mananaliksik ay

isang bahagi ng organisasyong ito kasama ang kanilang mga posibleng

kalahok.

Disenyo sa pagpili ng mga Tagatugon

Ang disenyo ng pananaliksik na aming gagamitin ay

Phenomenolohiya, isang uri ng qualitative na pananaliksik dahil

nangangailangan ito ng malalim na pag-unawa sa mga iniisip at


pananaw ng madla sa phenomenon na aming sinasaliksik. Itinatala at

sinusuri ng mga phenomenological researcher ang mga paniniwala,

damdamin, at persepsyon ng madla kaugnay ng bagay na pinag-aaralan

Mga Tagatugon

Ang mananaliksik ay pumili ng isang pangkat ng mga mag-aaral

sa baiting 11 na nakatala ngayun sa isa sa mga paaralan sa lungsod ng

Gingoog City , Misamis Oriental ang nagsisilbing mga respondante ng

pag-aaral. Mga kabuuang apatnapu’t pito (47) mag-aaral ang nakatala sa

respondante. Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng bilang

ng mga mag-aaral na kasangkot sap ag-aaral.

Paraan ng Pangangalap ng mga Datos

Ang mananaliksik ay mangongolekta ng datos para sa kanilang

pag-aaral sa hinaharap, ang mga mananaliksik ay hihingi muna ng

pahintulot na magsagawa ng kanilang pag-aaral mula sa punong-guro,

assistant principal, at research organizer sa pamamagitan ng

pagpapadala ng isang liham ng pag-apruba. Kapag nabigyan ng pag-

apruba, ang mga kalahok ay titipunin at bibigyan ng oryentasyon

tungkol sa mga layunin ng pag-aaral. Ipapaalam din sa kanila ang

nilalaman at bibigyan sila ng tulong sa panahon ng kanilang

pakikipanayam. Upang matiyak ang epektibong komunikasyon sa mga

kalahok, ang mga hindi komportable sa paggamit ng Ingles ay


papahintulutan na gamitin ang kanilang lokal na diyalekto, at isasalin

ng mga mananaliksik ang mga tugon sa papel ng pananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumento ng pananaliksik para sa pag-aaral na ito ay isang

semi-structured na gabay sa pakikipanayam. Ang gabay sa

pakikipanayam ay binubuo ng isang serye ng mga bukas na tanong na

magbibigay-daan sa mananaliksik na tuklasin ang mga nabuhay na

karanasan, pananaw, at interpretasyon ng mga kalahok na may

kaugnayan sa paksa ng pananaliksik. Ang mga tanong ay idinisenyo

upang makakuha ng mayaman at detalyadong mga tugon mula sa mga

kalahok, na nagbibigay ng mga insight sa kanilang mga iniisip, emosyon,

at pag-uugali.

Paraan ng Pagkuha ng Datos

Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay magiging tagapanayam at

kasabay nito ang susuriin ang kanilang mga nakalap na datos. Ang pag-

aaral na ito ay magkakaroon ng one-on-one o face-to-face interbyu sa

mga kalahok. Ang panayam ay gagawin sa mga sa mga paaraln tulang

ng mga silid-aralan ng mga kalahok, ito ay upang matiyak ang

kalagayan.Ang bawat panayam tatanungin ang mga kalahok ng ilang

demograpikong impormasyon (hanay ng edad, kasarian,

damdamin).Gagamitin sa panayam ang Cebuano, English, at tagalog

bilang midyum ng kumonikasyon. Ita-transcride ang tugon ng mga


kalahok at pagkatapos ng panayam, muling babasahin ng mga kalahok

ang na-transcribe ng mga tugon.

Sa pag-aaral na ito kaming mga mananaliksik ay gumagamit ng

pagsusuri ng naratibo.Ito ay ginagamit upang maanalisa ang mga teksto

at maka kuha ng impormasyon mula sa mga tagatugon gamit ang

interbyu. Ang pagsusuri ng naratibo ay madalas naglalaman ng pag-iisip

ng mga kuwento na ipinapakita ng mga sa iba’t ibang konteksto at batay

sa kanilang mga karanasan.

TALASANGGUNIAN

Patricia A. Dicerbo et.al (2014) A review of a literature on teaching


academic to English language learners nakuha mula sa June 8,
2023
https://journals.sagepub.com/doi/pdf/10.3102/0034654314532
695

Brian A. Varquez (2013) Politia-economic influence and social outcome of


English language among filipinos https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=influence+of+the+English+language+to+filipino
s&oq=#d=gs_qabs&t=1686987408152&u=%23p%3D2upHrj1-7hcJ
Zhonggen Yu (2019) A meta-analysis of use of serious game in education
over a decade nakuha mula sa June 8, 2023
https://www.hindawi.com/journals/ijcgt/2019/4797032/

Brian A. Varquez (2020) The Impact of English as a global language on


Filipino language practices https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=influence+of+the+English+language+to+filipino
s&oq=#d=gs_qabs&t=1686987408152&u=%23p%3D2upHrj1-7hcJ

Madrunio et.al (2016) English Language Education in the Philippines:


Policies, Problems, and Prospects. In Language policy (pp. 245–264).
Springer International Publishing. https://doi.org/10.1007/978-3-319-
22464-0_11

Juan Bravo (2022) english language proficiency and academic


performance
https://journals.sagepub.com/doi/pdf/10.3102/0034654314532695

Dicerbo, et.al (2014) A Review of the Literature on Teaching Academic


English to English Language Learners. Review of Educational Research,
84(3), 446–482. https://doi.org/10.3102/0034654314532695

Hamad Alsowat (2016) English language proficiency in the Philippines


https://www.hindawi.com/journals/ijcgt/2019/4797032/

Cabigon (2015) State of English in the Philippines: Should We Be


Concerned? | British Council. (n.d.-c).
https://www.britishcouncil.ph/teach/state-english-philippines-should-
we-be-concerned-2
Esquivel et.al (2019) on the status of English in the Philippines .
https://doi.org/10.3102/0034654314532695

Santos, et.al (2022) English Language Proficiency in the Philippines: An


Overview. International Journal of English Language Studies, 4(3), 46–
51. https://doi.org/10.32996/ijels.2022.4.3.7

Osborne (2021) Learning to teach english language during the first year
personal influence ang challeges https://scholar.google.com/scholar?
hl=en&as_sdt=0%2C5&q=The+influence+use+of+the+English+language+i
n+the+field+of+learning&btnG=#d=gs_qabs&t=1686987516638&u=%23p
%3DK1_7e6PPs-0J

Apolonio (2020) The impact of mobiles on language learning on tha part


of English foreign language
https://journals.sagepub.com/doi/pdf/10.3102/0034654314532695
APENDIKS A
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Kaalaman sa Wikang Filipino ng Seksyon Temperance: Isang

pagsusuri

Pitsa:

Oras:

Lokasyon:

Panimula:
Magandang araw po sayo, salamat po sa oras na iyong inilaan para sa
panayam na ito. Kamusta ang araw mo? Una sa lahat, nais kong
magpakilala nang pormal. Ako si Lea Rose Amucay, ako ang
magtatanong sa iyo para sa panayam. Maaari kang huminto kung sa
tingin mo ay nagiging masyadong personal ito para sa iyo. Ang panayam
na ito ay tungkol sa mga Impluwensiya ng Wikang Ingles sa larangan ng
pagkatuto kung ito ay sobra para sa iyo, maaari na nating tapusin ang
interbyu upang matiyak ang iyong kaligtasan.

Pambungad na tanong:

1.

2.

4.

3.

Pagsasara ng mga tagubilin:

Salamat sa iyong presensya at pakikilahok sa panayam na ito. Bago ka


umalis, nais kong ipaalala sa iyo na ang mga bagay na iyong sinabi ay
hindi isisiwalat sa publiko, kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyong
tapat na pakikilahok sa panayam na ito. Kung ito ay para sa iyong
interes, gusto mo bang bigyan kita ng kopya ng aming pananaliksik?

APENDIKS B
LIHAM PAHINTULOT
APENDIKS C
LIHAM PARA SA MGA TAGATUGON

Mahal kong mga Tagatugon,

MagandangAraw!

Kame po ay isang mag-aaral ng General Academic Strand (GAS)


Grade 11 Humility ng Gingoog City Comprehensive National High School.
Na kasalukuyang, nagsasagawa ng isang pag- aaral na pinamagatang "
Mga Impluwensya sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Larangan ng
Pagkatuto : Isang Pagsisiyasat Kaugnay nito, hinihingi namin ang iyong
mahalagang oras, at pagsisikap na sagutin ang lahat ng mga
katanungan sa talatanungan na mahalaga at makatutulong para sa
pagkumpleto ng pag-aaral.

Kame po ay gumagawa ng isang interbyu upang maisakatuparan


ang mga layunin sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang interbyu na ito ay naglalaman ng
mga katanungan patungkol sa Impluwensiya ng wikang ingles sa
larangan ng pagkatuto . Kaugnay nito, humihingi kame ng inyong
kooperasyon upang isagawa ang interbyu para makakalap ng mga datos
na kailangan namin sa aming interbyu report. Kung gayon maaaring
sagutan ng buong katapatan ang sumusunod na aytem.

Makatitiyak po namin sa inyong lahat na ang mga datos na


nakalap mula sa iyo, ay pananatilihin sa pinakamataas na antas ng
pagiging kumpidensyal. Ang iyong positibong tugon sa kahilingang ito ay
magiging mahalagang kontribusyon para sa tagumpay ng pag-aaral at
lubos na magpapahalaga. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.

Iyong gumagalang,

JUDD M. BENEMERITO

JOVANNE T. DOYDORA

Tagapagpayo

You might also like