You are on page 1of 2

COLLEGE OF EDUCATION

ABSTRAK NG PAG-AARAL

Titulo: “Ang mga Inechiwang Hanashi ng mga Ninyor High”


Ang Modernong Pananalita ng mga Mag-aaral ng Senior High School

Mananaliksik: Marian M. Habon

Millicent T. Hilario

Kurso: Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino

Unibersidad: Wesleyan University- Philippines

Tagapayo: Prof. Crystalyn A. Galindo

Ang layunin pag-aaral na ito ay magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng modernong pananalita

ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Wesleyan University-Philippines at alamin ang mga

mabubuti at masasamang epekto nito upang masolusyonan ang mga problemang ikinahaharap sa maling

paggamit ng salitang balbal.

Sa pananaliksik na ito ginamit ang paraang palarawan. Ang pangunahing instrumentong ginamit

ay talatanungan upang makakalap ng datos tungkol sa modernong pananalita at paggamit ng salitang

balbal ng mga mag-aaral. Pagpoporsyento ang ginamit sa pag-aaral upang malaman ang mga kasagutan sa

mga suliraning kinakaharap ng pag-aaral na ito.

Sa pag-aaral na ito karamihan sa respondente ay babae na may animnapu’t siyam porsyento

(69%) at sa lalaki naman tatlongpu’t isang porsyento (31%) mula sa mag-aaral ng baitang labing dalawa o

grade 12 sa Wesleyan University- Philippines.

Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito kakulangan ng limitasyon sa paggamit ng salitang balbal ang

nagiging dahilan ng di pagkakaunawaan lalo sa matatanda at kawalan ng pormalidad sa pakikipag-usap.

Samantala ang mabuting epekto nito ay mas nagiging malikhain ang isang tao kung ito’y gumagamit ng

x
COLLEGE OF EDUCATION

salitang balbal at mas madali ito maunawaan ng kanilang kausap lalo na sa kabataan. Batay sa

kinalabasan ng isinagawang pag-aaral iminumungkahi na huwag masyadong gumamit ng mga salitang

balbal dahil nais ng iba na mas maging kagalang galang ang pakikipanayam sa ibang tao at magkaroon ng

respeto sa pakikipag-usap.

xii

You might also like