ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko. Katangian ng Epiko Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao Mga inuulit na salita o parirala Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.) Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa. Halimbawa ng Epiko Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng epiko ng Pilipinas Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao) Ibalon (Bicol) Biag ni Lam-ang (Ilokano) Maragtas (Bisaya) Labaw Donggon (Bisaya) Agyu (Mindanao) Bantugan (Mindanao) Darangan (Maranao) Bidasari (Mindanao) Indarapatra at Sulayman (Mindanao) Tuwaang (Mindanao) Hinilawod (Panay) Humadapnon (Panay)