You are on page 1of 1

Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at

pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang
pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang
ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalang) ay tulang-bayani, paglalahad na
patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Katangian ng Epiko
Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao


 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-
araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan,
atbp.)
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa
mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap
sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa
panliligaw o pag-aasawa.

You might also like