superhero? Paano mo nasabi na siya ay isang superhero? EPIKO EPIKO Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko.
Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. Katangian ng Epiko – Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao – Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.) – Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa. Halimbawa ng Epiko –Biag ni Lam-ang (Ilocos) –Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao) –Ibalon (Bicol) Biag ni Lam-ang (Ilocos) Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao) Ibalon (Bicol) UNANG GRUPO: Batay sa mga katangian ng isang epiko, gumuhit ng isang simbolo na makapaglalarawan dito. IKALAWANG GRUPO: Gamit ang graphic organizer, isa-isahin ang mga tauhan sa kuwento ni Aliguyon. IKATLONG GRUPO: Umisip ng isang kanta na makapaglalarawan kay Aliguyon.